logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3 (Part I)

"Sorry." nakayuko lang ako habang sinasabi yun. Halo-halo kasi yung emosyon ko. Una nakakalungkot yung mga nalaman ko tungkol sa buhay nila, pangalawa hindi kami close kaya nakakahiyang mag sorry, pangatlo parang naging masyado akong immature dun sa part na inagaw niya yung Barbie tapos ang OA ko kasi hindi ako maka move on kahit kung tutuusin ay quits na kami dahil ilang beses na ba kong niligtas ng taong ito.
"Psh really are unbelievable." yan na naman yang unbelievable na yan eh! Bakit ba nauso pa yan? Favorite word niya ba yung unbelievable na yun? Tsss.
Naglalakad kasi kami ngayon, kung nagtataka kayo kung bakit kami magkasama sisihin niyo si Manang Lita. Pinilit niya kasi tong si Kiel na ihatid ako sa bahay namin kahit na sinabi kong huwag na dahil medyo malapit lang naman ang samin. Ito namang kumag na Kiel na to eh hindi pala makatanggi kay Manang dahil halos ito na ang magulang nila dahil ito ang kasama nila mula ng magseparate ang parents nila.
"Hanggang dito ka na lang. Baka kasi magkagulo sa bahay kapag nakita nilang may kasama akong lalaki." nakayuko pa rin ako at hindi tumitingin sa kanya. Hindi siya sumagot at naglakad lang palayo.
Pagpasok ko sa bahay ay si Mia agad ang hinanap ko. Parang bigla kong namiss si bunso at gusto ko siyang yakapin. Ewan pero siguro dahil yun sa kapatid ni Kiel na may sakit.
Naghahanda kami ni mama ng hapunan ng maisipan kong ikwento yung tungkol kila Kiel. May ugali kasi ako na gusto ko ishare yung isang bagay sa malapit na tao sakin. At dahil wala si Cassey ay kay mama na muna.
"Ma may nakilala po akong magkapatid. Alam niyo po nakakaawa sila. Taga dito lang din po sila sa Village." panimula ko kay mama habang naghihiwa ako ng gulay.
"Oh bakit naman kawawa?" usisa naman ni mama sakin habang busy siya sa pagpiprito ng isda.
"Eh kasi po separated yung parents nila, tapos may sakit pa yung kapatid niyang bunso. Dalawa lang po silang magkapatid at yung yaya lang po nila yung kasama nila, yun lang din po yung nag aalaga dun sa bunso na may sakit sa puso." sabi ko kay mama na may concern sa boses.
" Kawawa nga po eh, yung bata pabalik balik daw sa ospital dahil sa heart condition niya." kwento ko kay mama.
"Eh nasaan ang magulang nila? Bakit natitiis sila ganung may sakit pala yung bata?" tanong ni mama na mababakas ang pagka curious sa mukha.
"Yun nga po separated daw, yung mama nila iniwan sila at sabi may ibang pamilya na daw po yata, tapos yung papa nila sobrang busy daw po sa business nila kaya kay Kiel naiwan yung responsibilidad."
"Sino naman yung Kiel?" tanong ni mama.
"Yung kuya po ni Kyla, yung batang may sakit sa puso. Si Manang Lita naman po yung katulong nila na kasama nila ngayon. Yung papa daw po nila minsan lang umuwi kasi busy nga daw po na tao."
"Oh saan mo naman sila nakilala?" nakakunot noong sabi ni mama sakin.
"Kasi po nung namili kami ng gamit ni Cassey tapos binilan namin ng Mermaid Barbie si bunso eh inagaw po ni Kiel yung Barbie na bibilin ko, eh yun na lang po yung nandun. Buti nga po may binigay sakin yung sales lady. Inaway ko nga po si Kiel nun eh kasi akala ko bastos lang talaga siyang tao, yun pala may dahilan kung bakit niya ginawa yun. Schoolmate lang po kami kaya sa tuwing nagkukrus yung landas namin eh inaaway ko siya hanggang sa pinakita po niya sakin yung kapatid niya na may sakit, yun daw po dahilan kung bakit niya inagaw yung Barbie."mahabang kwento ko kay mama.
" Naku anak ha, ikaw wag ka masyadong nagtitiwala agad sa mga tao." sita ni mama sakin.
"Opo ma, kaso si Kyla po nakiusap na lagi ko daw po siyang puntahan sa kanila kasi wala siyang kalaro. Alam niyo po ba sobrang saya niya nung naglaro kami ng Barbie at mga laruan niya. Sabi po nung kasambahay nila eh hindi daw po kasi nakaranas na magkaroon ng kalaro yung bata kaya sabik daw po." sabi ko kay mama, parang nagpapaalam na din ako na kung pwede akong pumunta kila Kyla palagi. Medyo childish tignan pero kailangan.
"Eh bakit hindi na lang kayo dito? Para may kalaro din yung kapatid mo. Saka para safe, mamaya may mangyari sayong masama dun sa bahay nila." sabi ni mama sakin.
"Tatanong ko pa po kung pwede sa kondisyon ni Kyla. Safe naman po sa kanila ma kasi sila lang naman po yung tao dun."
Pagpasok ko kinabukasan ay kinwento ko din kaagad kay Cassey yung mga nangyari.
Siguro nga ay masyado lang akong transparent na tao, o di kaya ay sadyang madaldal lang ako tulad ng palagi nilang sinasabi.
Lunch break namin at naglalakad kami ni Cassey papuntang canteen. Nandito na kami ngayon sa tapat ng soccer field. May nagpapractice tanghaling tapat, ang init siguro niyan sa pakiramdam.
"Yung crush mo Mika oh!" siko sakin ni mika. Kaagad naman akong napalingon at hinanap ko ng mata ko yung tinutukoy niya, nakita ko naman agad si Kenneth.
Napangiti ako ng malapad ng masilayan ko yung mukha niya. Ang gwapo niya talaga. . At ang bait pa, nawala ang ngiti ko ng. .
*Booooooooggggggggsssshhhh*bigla akong tinamaan ng bola sa noo. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at pagkatapos nun ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may isang nilalang na nasa harap ko, hindi ko siya makilala dahil blurred na yung vision ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin. Lalaki siya base sa boses.
Hindi ako nakasagot at kusang pumikit yung mga mata ko. Narinig ko rin yung paghihysterical ni Cassey. Naramdaman ko pa na may bumuhat sakin at parang lumutang ako bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nakahiga na ko sa isang kama. Familiar sakin ang lugar dahil dati na kong nakapunta dito.
Nasa clinic nga ako dahil paglingon ko ay nakita ko si Nurse Cholo, ang cute at medyo bata pang nurse ng High School Department.
"Oh ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong sakin ni nurse Cholo.
"Ah medyo masakit po yung noo ko at medyo nahihilo po ako." naalala ko yung nangyari. Tinamaan nga pala ako ng soccer ball. Pag nga naman sinuswerte ka, habulin ka na nga ng aso pati ba naman ng bola? Hindi lang ito ang unang beses na tinamaan ako ng bola, nung una ay bola ng basketball.
"Bibigyan kita ng excuse letter kung hindi mo kayang bumalik sa klase. Iba kasi tong bola ng soccer kumpara dun sa mg unang tumama sayo. Sinisipa kasi ang soccer ball kaya sigurado malakas ang impact nun nung tumama sa noo mo. " natatawang sabi ni Nurse Cholo. Kulang na lang eh sabihin niyang malaki kasi ang noo ko kaya dun naattract ang bola na maglanding!
At naaalala pa pala niya na natamaan na din ako ng bola dati. Sabagay lagi naman kasi akong nandito kaya kilala na ko ng Nurse na 'to.
"Mukhang kaya ko naman po kaso hindi pa po ako nakapag lunch."
Binigyan ako ni Nurse Cholo ng excuse letter para kung sakaling hindi ko kaya yung hilo ko eh uuwi na lang ako.
Kumain muna ko sa canteen tapos bumalik na ko sa room, grade conscious kasi ako kaya ayokong may mamissed na quiz at lesson.
Nagsisimula na yung afternoon class namin nung dumating ako. Alam na pala nila yung nangyari pati na rin ng teacher namin. Akala nga daw nila eh hindi na ko papasok.
Umokay naman yung pakiramdam ko kahit medyo parang lutang pa yung ulo ko. Ikaw ba naman kasi tamaan sa noo ng sinipang bola ng soccer player eh.
Uwian na at parang gusto ko na lang magpahinga kaagad. Nagcommute na ko para mabilis makauwi sa bahay.

Komentar Buku (385)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru