logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Beginning

BLIXIENE CAWIE
"I was lost, and I saw you walking through, so I came towards you. Where were you going, by the way?" sunod sunod niyang salita na halos ika-atras ko na.
Ilang beses akong napalunok, nakatitig lang ng deretso sa kanyang mga mata at hinihintay ang sariling makaisip ng tamang sasabihin bago magsalita. Kung hindi lang ako natuto sa sakitang ingles ay baka wala na 'kong naintindihan sa lahat ng sinabi niya. Naestatwa ako.
"Hey, baby. I'm asking you," Nagawa niya pang iwagayway ang kamay sa harap ko.
Napakurap kurap akong bahagyang napaatras at matamang tumitig sa namunungay niyang mga mata.
"Uh... p-papunta ako doon. Sasakay na sana ako ng tricycle patungo sa bahay niyo, ngunit hindi ko alam kung saan ang patungo roon.." Nakayuko kong sabi, kinakalikot ang aking mga daliri para may libangan.
Matunog siyang ngumiti. Halos mapaindak ako nang maramdaman ang maiinit niyang palad sa 'king baba. Inangat niya iyon at saktong nagtama ang paningin naming dalawa.
Naghuhuremintado ang puso ko sa tuwing nandyan siya. Hindi ko maipaliwanag ang aking tunay na nadarama. Masaya ako na kinakabahan, mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi na normal ito.
"You can ride with me, instead of wasting your money without knowing where I'm living to." Pagkatapos sabihin iyon ay basta niyang hinawakan ang aking kamay at hinila patungo sa kung saan naroon ang sasakyan niya.
Ang makitang nandirito siya ngayon sa harap ko'y grabe na ang tibok ng puso ko, ngayon pa kayang hawak niya ang kamay ko? Ibang klaseng kiliti ang aking nararamdaman sa 'king tiyan habang dinaramdam ang init ng mga palad niya sa 'kin.
Bumungad sa 'kin ang isang pulang kotseng nakikita ko na noon sa mga magazine. Kung hindi ako nagkakamali ay ang tawag rito ay Mustang! Base rin doon sa mga nakikita ko'y milyon milyon ang katumbas ng ganitong sasakyan lamang.
Hindi ko mapigilang mapanlakihan ng mga mata, lalo na nang igiya niya ako patungo sa front seat ng marinig na tumunog iyon. Sobra ang pagpipigil kong huwag mapanlaglagan ng panga sa labis na paghanga.
Sa buong buhay ko'y ito ang unang beses kong makakita nito sa personal, ibang klaseng tuwa ang aking nararamdaman lalo na't malalamang masasakyan ko pa ito ng ilang minuto!
"My grandpa gave me this, when I turned seventeen last year." Biglaang sambit niya sa kalagitnaang pagmamaneho. Abala ako sa pagmamasid sa loob niyon.
Ang amoy ng sasakyan ay halos kaamoy na rin niya! Kahangang hanga nga talaga, sobrang linis ng loob. Walang ni isang balat ng kendi sa gilid man o ano.
"You really looked amazed. First time to see this?" ramdam ko ang bahagyang paglingon niya sa 'kin nang sabihin 'yon.
Bumalinh ako sa kanya. "Opo, lumaki ako sa mahirap na siyudad at pamilya. Kaya kahit anong orihinal na mga kagamitan ay wala kami." Deretsong sagot ko.
Nang dahil do'n ay natahimik siya. Siguro'y nagsisisi dahil nagawa pa niyang itanong sa 'kin kahit halata na rin naman. Hindi ako nakaramdam ng offend o ano, dahil alam kong totoo ang sinabi ko. Hindi ko kailangang masaktan dahil hindi kami pare-pareho ng kabuhayan.
Sa buong byahe ay abala ako sa paghanga sa sasakyang iyon. Kaya't ganoon na lang mas lalo ang gulat ko nang makarating sa kanilanh tahanan. Mansyon na ito kung tatawagin, pero tahanan lamang para sa kanya.
"We're here." anunsyo niya ng makitang nakatunganga lamang ako sa labas ng bintana.
Hanggang sa makarating kami sa loob ay ganoon pa rin ang reaksyon ko. Nakasalubong na namin ang iilang kasambahay ngunit walang nakapukaw sa aking atensyon kundi ang kagandahan at kalinisan lamang niyon.
"Today's your first day for being my personal maid, Miss." Kung hindi lang dahil sa boses ng amo ko'y hindi ako mapapabalik sa huwisyo. Napaayos ako ng tayo, doon ko lamang napagtantong nasa gitna nila akong lahat. Nakapalibot sa amin ang ibang kasambahay na nakayukod, nakasikop ang mga palad at tahimik na nakatayo lamang. Nasa harap ko ngayon ang amo kong matamang nakatingin sa 'kin at may malapad na ngiti sa pulang labi.
Pagkasabi niyon ay lumapit sa kanya ang isang kasambahay din na may hawak na uniporme na sa tingin ko'y para sa 'kin. Napabalik ang tingin ko sa 'king amo ng tumikhim siya't ilahad sa 'kin ang damit na 'yon.
"This is your uniform, others were in your room already."
May sarili akong kwarto rito?
"S-salamat po." tanging nasambit kong mga salita, marahan akong yumuko upang makapagbigay galang sa kanya.
"You may change now, and proceed to my room."
Tinalikuran niya kami't naglakad na papaalis. Nahabol siya ng aking paningin. Ang makisig niyang likod ay pansing pansin dahil sa suot na polo, at khaki shorts kung tawagin.
"Sino ba 'yan? Mukhang bata lang ah?" Narinig kong bulungan sa 'king likod, naroon pa rin ang iilang kasambahay.
"Oo nga, pamilyar siya sa 'kin..."
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan nila't dumeretso na sa itinurong banyo ng isang matandang babae. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Hindi ako sinukatan, pero fit na fit sa 'kin ang damit. Hubog na hubog ang aking pangangatawan sa suot kong blouse, at itim na palda.
May kumatok kanina habang nagbibihis ako, kasambahay rin iyon at inabot sa 'kin ang suot kong pang-paa. Sumakto rin ang sukat no'n sa 'kin. Kahanga hanga ang gumawa nito.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lamang sa banyo ay agad nang bumungad sa harap ko ang isang matandang lalaking ngayon ko lamang makita. Maayos ang suot niyon. Pormal na pormal at maayos ang dating. Puti na ang iilang hibla ng kanyang buhok, at mas lalong kumulubot ang kanyang balat dahil sa malapad na pagkakangiti sa 'kin.
"Naghihintay na po sainyo si Sir." Sambit niya.
Kahit hindi ko tanungin kung sinong 'Sir' ang itinutukoy niya'y parang kilala ko na, wala akong ibang sinagot kundi ang ngiti at tango lamang. Iginiya niya ang daan patungo sa kung saan. Sumunod naman ako't mangha pa ring pinapasadahan ng tingin ang buong pasilyong iyon.
May malalaking litrato sa bawat dinaanan namin. Karamihan doon ay ang litrato ng boss ko noong bata pa siya. Nakadikit ang lahat ng iyon at dingding. Animo'y painting kung tawagin.
"Naglalakad na ho kami, boss." Napatingin ako sa lalaking aking kasama ng magsalita siya sa radyo kung tawagin.
"Okay, then. Take her in my room." rinig kong malamig na sambit ng aking boss.
"Yes, Sir."
Tahimik kaming naglalakad dahil sa carpet na aming inaapakan. Malinis ang kabuoang iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto ang aming itinagal sa paglalakad bago makarating sa isang dalawang malaking pinto kung saan tumigil ang kasama ko.
Kumatok muna siya nang ilang beses bago bahagyang umatras at pormal na tumayo sa harap. Gagawin ko palang sana ang ginawa niya nang bumukas ang pinto sa harap naming dalawa. Nanlaki ang mata ko't agarang yumukod.
"Get in."
Nagalinlangan pa ako noong una ngunit nang maramdamang umalis ang kasama ko'y nag-angat na ako ng tingin sa kanya.
"I said, get in, Miss." Malambing at may ngiti sa labi niyang sambit sa 'kin.
Imbes na manatili roon at titigan siya'y agad akong tumalima. Mabilis ang ginawa kong pagpasok sa loob ng kanyang kwarto. Bumungad sa 'kin ang isang napaka-kalat na silid. Ang mga damit ay nakakalat sa sahig, may mga tapon ng juice sa carpet, nakabulatlat ang kabinet at hindi maayos ang pagkakapatas ng damit doon, at higit sa lahat... ang kama niyang sobrang gulo, ang mga unan ay nagkalat sa sahig, natapunan na rin ng juice ang ibang 'yon.
Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman sa nakikita kong ito. Minsan na akong nakakita ng maruming kwarto, pero hindi katulad nito.
Babaling sana ako sa kanya ngunit agad kong narinig ang pag sarado ng pinto mula sa banyo. Napabuntong hininga ako, nanghihina sa nakikitang tanawin pa lamang.
"This seems horrible than other's." mahina kong tinig.
"Yeah, you're right."
Halos mabuwag na ako sa 'king kinatatayuan nang marinig ang boses niya sa 'king likuran. Akala ko nasa banyo siya?
"You may start now, or should I call someone to clean this-"
Bago pa siya makatapos ay inunahan ko na ang pagkilos. Nakakahiya ang pagkasabi ko niyon! Ang inakala ko talaga ay wala siya sa likuran ko't tumungo sa banyo! Dios mio, Lisi!
Naging abala ako sa paglilinis doon hanggang hapon, una kong inayos ang kanyang sofa, pinalitan ang carpet at pati na rin ang mga throw pillows. Imi-nop ko ang sahig, nilagyan ko rin ng zonrox ang mop para hindi iyon langgamin. Ang mga marurumi niya ng damit ay inilagay ko sa kinuhang basket at doon inayos ang pagkakatupi. Itinabi ko iyon sa loob ng banyo ng maibigay na sa kasambahay ang mga naipong damit bago muling pumanhik sa taas at inilagay ang basket sa loob ng banyo.
"Maari niyo na pong ilagay lahat ng inyong maruruming damit sa basket na inilagay ko ho sa inyong banyo." magalang kong sabi nang harapin siya, nanonood ng tv, komportableng nakaupo sa sofa. Ang mga braso at kamay ay nakakalat sa back rest. Nakatingala sa akin.
"Hmm." Tahimik siyang tumango, kaya't ipinagpatuloy ko naman ang paglilinis sa kanyang silid ng maayos.
Sinunod kong ayusin ang kanyang kabinet sa walk in closet. Natanto kong inabot ako ng ilang oras bago makatapos, bago nasimulang ayusin ang kanyang magulong higaan. Nakapamaywang akong tumayo sa gilid ng kama pagkatapos tupiin ang comforter niyang magulo rin. Pinunasan ko ang sariling pawis gamit ang likod na palad.
"Tired, now?" Napabaling ako sa kanya nang siya'y magsalita.
Tatango na sana ako ngunit may kunatok na mula sa pintuan niyang mas mataas pa sa kisame namin. Suminghap ako't pinagpatuloy ang ginagawa nang bumaling siya sa pintuan at buksan iyon.
Nakakatuwang isipin na ang lalaking katulad niya'y mahilig sa pink. Dahil halos lahat nang nakita kong t-shirt sa kanyang kabinet ay puro pink. Lalo na ngayon, siya'y naka pink na tees. Hindi ko maiwasang mangingiti nang sulyapan siyang naglalakad patungo sa pintuan.
"Hey, babe! I missed you!" bungad ng isang magandang babae. May dala itong box ng cake.
"I thought you're in abroad for a trip?" salubong naman ng boss ko sa kanya.
Imbes na makinig ay inabala ko ang sarili ngunit wala akong magawa. Hindi ko matatakpan ang sariling tenga o patigilin man lang ang sariling makinig dahil nandirito ako sa loob. Nakapatay na ang tv mula pa kanina, kaya't mas lalong maririnig ang kanilang paguusap.
"That's just a prank, babe. Can't you see? I'm here already na oh. I brought your favorite cakes! Let's watch movie!"
Hindi ko napanood ang kanilang pagpasok. Ramdam ko ang sulyap sa 'kin isa sa kanila kaya mas lalo kong binilisan ang ginagawa. Nakakailang. Alam kong hindi ako nararapat dito kaya dapat lang na bilisan ang trabaho.
Kung kanina'y nagagawa ko pang magpunas ng pawis ay ngayon naman ay hindi na. Kailangan ko na talagang umalis dahil sa ibang pakiramdam.
"I love you."
"I love you, too."
Nang bahagya ko silang sulyapan ay ganoon na lang ang mabilis kong pagiwas dahil sa pagdidikit ng kanilang mga labi.
Dios mio. Nanginginig na ang kamay ko. Hindi ko ito unang beses makita, pero kasi nandirito ako sa loob. Pakiramdam ko third wheel ako sa kanilang dalawa.
Natapos ako doon ng nasa kalahati na sila sa movie. Ganoon katagal kong inayos ang kanyang bed sheet at mga pillow cases dahil sa sobrang dumi at pabalik balik. Nakakahingal. Unang araw ko pa lamang ngunit ramdam ko na agad ang panghihina.
"Tapos na ho ako, Sir. Ipatawag niyo nalang po ako kung may kakailanganin kayo." Nakayukod kong sambit at marahang tumango bago sila tinalikuran. Mabilis anh martsa ko paalis sa silid niyang iyon. Nang makalabas ay doon ko lamang nailabas ang paghingang kanina ko pa pinipigilan. Maaga ata akong mamatay sa mga nakikita ko.
Una ay iyong marumi niyang silid. Sa rami nilang kasambahay dito sa bahay na ito ay wala man lang naglilinis ng mga kalat niya? Ano pang silbi ng mga 'yon kung sa tingin ko'y araw araw naman silang naglilinis dahil kahit anong bahid ng alikabok sa sala, o pasilyo ay wala akong makita.
Pangalawa ay iyong paglalampungan nila habang ako'y naroroon pa. Hindi ako bitter, ngunit may kakaibang pait akong naiisip at nararamdaman sa tuwing makakakita ng mag nobyong ganoon.

Komentar Buku (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru