logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

There's no need for me to stay away from him. Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat. I have no hope for him from the very start. He's already taken. And that alone means he's off limits. Kung ano man ang kabutihan at pag-aalala na ipinapakita niya sa akin, iyon ay dahil mabait lang talaga siya. Tropa lang ang tingin niya sa akin. Kaya nga tinigilan ko na rin.
And aside from that, he always brought Esperanza with him these past few days. Maging sa bilyaran ay dinadala na rin niya ito. Mabait ang babae at sobrang ganda. Wala akong maipintas sa kaniya at doon ako naiinis. I'd rather see someone not worthwhile for him, mas magkakaroon pa ako ng will na agawin sa kaniya si Jacques kapag nagkataon.
Pero sobrang bait kasi ni Esperanza, she always smile to me kapag nagkakatinginan kami. Minsan ay sinusubukan din niya akong kausapin kahit halata na naiilang siya. She's so perfect…unlike me. Doon pa lang ay sumuko na kaagad ako.
"Shit ka, huwag mong diinan." I covered my mouth using my hands to suppressed my moan. Nandito kami ngayon ni James sa likod ng gym at gumagawa ng kababalaghan.
He's a second year college student. Matapos niya akong ligawan ng isang linggo ay sinagot ko na siya kaagad. Ayoko nang patagalin pa dahil doon din naman iyon patungo.
"Ang sarap ng leeg mo." aniya habang pinupupog ako ng halik sa leeg. I felt his tongue dwelled on it. Napasabunot ako sa buhok niya. "Doon kaya tayo sa bahay? Mas maganda doon." anas niya saka muling umakyat ang halik sa labi ko.
Hindi ako nagsalita. Ayokong sa bahay nila ipagpatuloy ito. Something might happen that I will surely regret soon. Hanggang dito pa lang ang kaya ko.
"Babe..."
"Dito na lang tayo, may klase pa tayo mamaya."
"Let's just ditch classes okay? Ngayon lang naman."
Imbes na sumagot ay muli ko siyang hinila para halikan. He's too talkative and demanding. Natu-turn off na sana ako kung hindi lang siya magaling humalik. Muli niya akong isinandal sa pader at bumaba ang halik sa leeg ko. And then slowly, he started unbuttoning my uniform. I was hesitant, pero hindi ko siya pinigilan. Mas bumaba ang halik niya hanggang sa may itaas ng dibdib ko.
"You're so beautiful, babe-
Natulos ako sa kinatatayuan nang biglang sumalampak si James sa lupa dahil sa malakas na pagkakasuntok sa kaniya ng kung sino. I slowly lifted my eyes to that someone who's staring at me with rage in his eyes. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ko hanggang sa dumako iyon sa uniform ko na tanggal na ang ilang botones.
Nanlamig ako sa kinatatayuan.
"Anong problema mo?!" galit na tanong sa kaniya ni James. Bumangon ito akmang susugod sa kaniya nang muli siya nitong suntukin sa panga. Mas malakas kaysa sa nauna. Muntik na akong mapasigaw sa takot.
"J-Jacques, ano ba? Tigilan mo nga iyan!" natatarantang sigaw ko sa kaniya. Lumapit ako kay James na ngayon ay hindi na magawang makatayo. Dumudugo ang labi niya. "Okay ka lang ba-
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang walang pakundangan akong kinaladkad ni Jacques paalis sa lugar. Mabilis ang pinapakawalang hininga niya sa galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Mahigpit ang kapit niya sa pulsuhan ko na kahit ilang beses ko iyong hinila ay hindi ko nagawang mabawi sa kaniya.
"J-Jacques! Ano ba? M-masakit!" reklamo ko sa kaniya. Nagagalit na rin ako sa inaasta niya. Kinakabahan ako, pero mas pinipili kong magalit para hindi niya malaman ang tunay na nararamdaman ko.
Pabato niya akong binitawan matapos naming pumasok sa isang bakanteng classroom hindi kalayuan sa gym. Kaagad na pumukol ang masamang tingin niya sa akin.
"What the hell is your problem?" gigil na aniya sa akin.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong problema mo ha? Bakit bigla-bigla ka na lang nanununtok?" pinantayan ko ang tono niya.
Kita ko naman ang pagtatangis ng bagang niya nang umiwas ng tingin sa akin. Napatingin siya sa kisame na parang pinapakalma ang sarili.
"Bakit kung kani-kaninong lalaki ka nakikipaglandian?"
"Excuse me?" offended kong tanong. "Boyfriend ko si James. Walang masama sa ginagawa namin!"
"Boyfriend? What the hell? Kailan pa?"
"Anong pakialam mo ha? Tatay ba kita para ipaalam ko sa'yo?" tatay ko nga walang pakialam sa akin, tapos ikaw akala mo kung sino kung makaasta.
"Break up with him. Wala siyang maidudulot na mabuti sa'yo." mariing aniya na ikinairap ko lang.
"Bahala ka riyan. Pupuntahan ko na lang boyfriend ko." bago pa man ako makalampas sa kaniya ay naharangan na niya ang dinaraanan ko. Umangat ang paningin ko sa kaniya. "Guevarra." nagbabantang tawag ko sa kaniya.
Kita ko ang iritasyon sa mukha niya.
"And what? You're going to do horrible things with him again? Tingnan mo nga iyang sarili mo, gawain ba iyan ng isang matinong babae?" itinuro niya ang uniform ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaayos. I feel like he somehow saw my cleavage. Wala akong suot na sando. I'm just wearing a bra under my uniform.
Dali-dali akong tumalikod at inayos iyon. Para naman wala na siyang masabi. Nakakahiya na kasi ang pagiging pakialamero niya.
"Okay na ba ha?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
Nanatili naman ang seryosong paninitig niya sa akin. Hindi siya nagsalita sa loob ng ilang minuto. Sa iritasyon ay muli akong naglakad palabas ng classroom subalit hinarangan niya ulit ang daraanan ko.
"Bakit ba ang pakialamero mo? Anong masama sa ginagawa namin ha? Naghahalikan lang naman ah? Para namang hindi pa kayo naghahalikan ni Esperanza." I can't help but to bring up the topic. Bakit ba kung makaasta siya ay parang napakalaking kasalanan na ang nagawa ko? We're just kissing! It's not like he saw us doing sex behind the gymnasium!
"Huwag mong isali si Esperanza sa usapan dahil kumpara sa'yo, mas matino siya." his words got me speechless for a while. Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
Umiwas ako ng tingin upang pakalmahin ang sarili.
"Oo nga, wala naman akong sinasabing hindi ah? Ang sa akin lang, huwag kang pakialamero."
"Why wouldn't I? I'm a student council and kissing or doing such thing inside the school premises is against the rule-
"Wala akong pakialam kung student council ka! Hindi naman kita binoto!"
Sarkastikong napangisi siya sa akin.
"Really?" Tumango-tango siya sa akin. Pagkatapos ay muli niyang mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ko at kinaladkad ako papunta sa disciplinary office.
Napatingin sa amin ang counselor pati na rin ang ilang mga estudyanteng naroon. Napalunok ako. Bakit kailangang umabot dito ang lahat? Dapat siguro pumayag na lang ako na sa bahay na namin gawin iyon ni James para hindi kami nahuli ng lalaking ito.
"Mr. Guevarra?" pagtawag sa kaniya ng counselor. "What's her offense this time?" inayos ng babae ang kaniyang salamin at tinitigan ako ng maigi.
"She had many offenses this morning. Ayoko ng isa-isahin, baka abutin tayo ng pasko rito."
Tumango sa kaniya ang babae.
"Take charge." pagkatapos ay bumaling sa akin si Jacques. Napailing na lang ako. No... pakiramdam ko hindi maganda ang magiging kalalabasan nito.
At tama nga ang hinala ko.
Jacques, that ruthless man made me clean the whole corridor just by myself. I have plans of ditching him, pero binantayan niya ako maghapon. He's actually glaring at me at ganoon din naman ako sa kaniya. Panay ang utos niya sa akin at iyon ang mas nakakairita.
"Madumi pa sa banda rito." aniya at itinuro ang bahagi sa may paa niya. Nakaupo siya at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.
I didn't talked or say anything to him. Baka dahil doon ay mas lalo lang akong maparusahan. Sa susunod talaga ay mag-iingat na ako. Hindi ko na hahayaang mahuli pa ako ng lalaking ito. He should mind his own business. Ang daming estudyante na ganoon din ang ginagawa pero bakit kailangang ako ang mahuli niya?
"Okay na?" sarkastikong anas ko matapos maglinis. Ang sakit ng likod ko kawawalis. Nakataas-kilay naman niyang iginala ang tingin sa lugar na nilinisan ko. "Sa susunod talaga, hindi na namin sa likod ng gym iyon gagawin." bulong ko.
"What did you just say?" pagalit na aniya. Nagulat ako sa reaksyon niya. Narinig pa niya iyon?
"W-wala." sagot ko at dali-daling umalis doon at iniwan siya. Dahil hapon na rin ay dumiretso na ako ng uwi sa bahay. Wala akong balak na pumunta ngayon sa bilyaran. Hindi na rin perfect ang attendance ko roon simula nang dalhin ni Jacques si Esperanza. I don't hate her. She's too good to be hated. It's just that... I don't like seeing them together.
Nagpatuloy ang mga araw na puro dahilan ako sa mga kaibigan kung bakit hindi na ako nakakasama sa kanila. Madalas pa ring magtagpo ang landas namin ni Jacques dahil nasa iisang school lang naman kami. Hindi ko siya pinapansin kahit nagkakasalubong kami. Hinahayaan ko na lang na isipin niya na galit pa rin ako sa pamamakialam na ginagawa niya sa akin para hindi niya malaman ang tunay na dahilan ko.
"Ayoko na, break na tayo." anas ko kay James makalipas ang pagiging magkarelasyon namin sa loob ng isang linggo. Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at tumigil sa paghalik sa akin. Ginagawa pa rin namin ito, pero sa mas tagong lugar na.
"W-what?"gulat na tanong niya sa akin.
"Ang sabi ko break na tayo." pag-uulit ko.
"Bakit ka makikipag-break ha? Nakahanap ka na ba kaagad ng pamalit sa akin?" bumakas ang galit sa mata niya.
Mabilis naman akong lumabas sa abandonadong classroom. Sinundan niya ako.
"Bakit ka nga makikipaghiwalay sa akin? Akala ko ba mahal mo ako?" napairap ako sa kawalan. I don't remember myself saying I love him. Wala akong sinabing ganoon.
"Next time na lang tayo mag-usap." I said in dismissive voice. Patuloy siya sa pagsunod sa akin. Napapatingin na sa amin ang ibang mga estudyante.
"Hindi ka makikipaghiwalay, Madelaine." mariing aniya at hinawakan ako sa braso. Nagulat ako at tarantang binawi sa kaniya ang braso ko.
This is one of the reasons why I'm breaking up with him. Masyado siyang agresibo sa mga bagay-bagay. He always put hickeys on my neck and we almost had sex! Hindi niya mapigilan ang sarili niya. He's so demanding and possessive. Ayoko niyon. Lalo na kapag kaming dalawa nalang ang magkasama.
Natatakot ako na kapag napikon siya, tuluyan na niya akong pilitin na ibigay sa kaniya ang gusto niyang mangyari. I don't like boys like him. Kung iyon lang naman ang habol niya sa akin, huwag na lang.
"Makikipaghiwalay ako kapag gusto ko!"
"What? Pagkatapos ng mga nangyari sa atin? Parang hindi ka nasarapan ah?" malakas na aniya na siyang dahilan kung bakit naagaw namin ang atensyon ng ibang dumadaan. Napapatingin sila sa amin at pagkatapos ay nabubulungan.
Gigil akong napabaling sa kausap.
"Ano ba? Huwag mo ngang lakasan iyang boses mo? Para namang ito ang unang beses na may nakipaghiwalay sa'yo. Let's just say... fling lang ang nangyari sa atin. Isang linggo ka lang din naman nanligaw."
"Dahil sinagot mo kaagad ako! Sana sinabi mo na gusto mo pa akong manligaw!"
"Ano ba? Lower down your tone!" gigil kong anas
Ngumisi siya sa akin.
"Bakit ayaw mong malaman nila kung paano ka nasarapan sa akin ha? Nahihiya ka ngayon na marinig nila pero panay ungol ka naman-
I slapped him hard.
"Fuck you."
Mas lalong bumakas ang galit niya dahil doon. Hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad palabas ng school.
"Sasama ka sa akin. Tingnan natin kung hanggang saan iyang tapang mo." he almost threw me inside his car when someone stopped him.
Sabay kaming napatingin sa isang lalaki.
"Hindi dapat ganiyan itinatrato ang mga babae." saad ng  lalaki. Napansin kong nakahawak ito sa balikat ni James. Mabilis namang hinawi ng ex ko ang kamay niya.
"Anong pakialam mo? Girlfriend ko ito kaya wala kang karapatang makialam."
"Nasasaktan na 'yong tao." bumaling sa akin ang lalaki.
"Bakit ba nakikialam ka ha? Ang yabang mo rin eh." binitawan ako ni James saka itinulak-tulak ang lalaki. Hindi naman ito gumaganti sa kaniya.
"James, itigil mo na 'yan." pagmamakaawa ko sa kaniya. Tinitigan muna niya ng masama ang lalaki bago muling humarap sa akin. Muli niya akong hinawakan sa braso at akmang itutulak sa loob ng kotse ng bigla siyang suntukin ng lalaki.
Napasigaw ako sa gulat.
Gumanti rin ng suntok si James pero naundayan na siya ng suntok ng lalaki. Hindi nagtagal ay may lumapit sa aming guard at pinigilan ang nangyayari. Muntik pa silang maidala sa disciplinary office kung hindi lang nadaan sa usapan. Iritadong umalis si James at sinamaan kami ng tingin. Nagsialisan na rin ang mga estudyanteng nakikiusyoso.
Napabaling naman ako sa lalaki na tumulong sa akin. Nakita ko siyang naglalakad na palayo.
"Sandali lang!" habol ko sa kaniya. Tumigil naman siya at nakapamulsang bumaling sa akin. Napalunok ako sa kaba. "S-salamat sa pagtulong sa akin."
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. I found it a little bit rude but I didn't say anything.
Tumango siya sa akin. "Ayos lang." simpleng tugon niya saka muling tumalikod.
Muli akong humabol sa kaniya. Nang bumaling siya sa akin ay doon ko lamang tuluyang nakita na namumula ang pisngi niya.
"Sorry sa nangyari, pasensya na rin sa abala." muli siyang tumango.
"Maraming lalaki riyan, huwag ka sa mga kagaya niya." I bit my lower lip and lowered my eyes on the ground. Nahihiya ako sa kaniya.
"Natuto na ako."
Nang mag-angat ako ng tingin ay muli kong nakita ang titig niya sa akin.
"A-ano palang pangalan mo?" his face is quite familiar. Malamang ay nagkasalubong na kami rito sa campus. Hindi naman ito ganoon kalawak. Napansin ko rin ang suot niyang uniform. Senior highschool lang siya. It's means ahead ako sa kaniya ng isang taon.
He looked away before taking a deep breath. Kita sa mukha niya na nag-aalangan siyang sabihin sa akin ang pangalan niya.
"Diego." aniya bago tumalikod.
Nanatili naman akong nakatayo at pinagmamasdan siyang tuluyang makalayo.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru