logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Enzo's POV
Tinawagan ako ni Andrea, at ang sabi niya magkita raw kami sa park. Nagmadali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Hazel sa sala, nakaupo sa sofa at nanunuod lang. Siguro mamaya pa ang klase niya.
"Papasok ka na?" tanong niya.
"Magkikita kami ni Andrea." Sambit ko habang palabas ng bahay. Kaso bumalik ulit ako.
"Hazel, pag hinanap ako ni mom sabihin mo maaga akong pumasok sa school ah." Nginitian ko sya.
Napaisip naman sya bago sumagot.
"bakit naman?"
"basta." Sabi ko na lang
"Pero papasok ka?" tanong niya ulit.
Napaisip ako... papasok ba ako?
"Basta sabihin mo nasa school ako." sabi ko ulit.
"...sige."
At tuluyan na akong umalis. Sumakay ako sa kotse at nagmaneho patungo sa park. Pagdating ko sa park, nakita ko agad si Andrea na naghihintay, nakaupo sa bench. Lumapit naman ako sa kanya.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
Tumingin sya sa akin at bahagyang ngumiti.
"Medyo lang" Sambit niya.
Umupo ako sa tabi niya at bigla niya naman along niyakap.
"May problema ba?" tanong ko
"I just miss you, hindi na kasi tayo nagkikita, just like the before." ngumiti sya.
"Palagi ka kasing busy..." mahina kong sambit.
"Really?" tanong niya habang nakatingin sakin.
Tumango ako.
"i never thought... i'm sorry Enzo" isinandal niya sa balikat ko ang ulo niya.
Kinuha niya ang phone niya at saka sya nagbrowse.
"They said wala na tayo." Sambit niya habang nakatingin sa phone niya.
"Sino naman nagsabi nun?"
"Sino pa ba, eh di yung mga babaeng patay na patay sayo, naiinis na nga ako eh."
Natawa ako dahil sa sinabi niya, at yan din yung dahilan kung bakit ayokong malaman niya ang tungkol sa pagtira ni Hazel sa bahay namin, sensitive kasi sya at ayokong mag away pa kami dahil dito.
Iniangat niya ang ulo niya mula sa balikat ko at saka sya tumingin sa akin.
"And that's the reason i called you, to prove that we're okay and, they're wrong."
At saka sya nag-take ng pictures namin. Nag enjoy lang kami kakapicture, matagal tagal rin kasi kaming hindi nakapag bonding ni Andrea, yung tulad nito, at syempre namiss ko ang ganito.
Pagkatapos nito, nag usap kami, napag usapan namin yung mga nakaraang araw, yung mga time na hindi kami mag kasama, kung anong pinagkakaabalahan namin at kung ano ano pa.
Makalipas ang ilang oras pumunta na rin kami sa school, inihatid ko sya sa room nila at saka naman ako nagtungo sa room namin.
Narinig ko naman silang nag uusap habang papalapit ako sa kanila.
"Sa amin? bawal sa amin." Pete.
"Lagi namang bawal sa inyo eh." Jane.
"Ano bang meron sa bahay niyo Pete?" Jed.
"Malaki kasi bahay namin baka maligaw kayo" Pete. Sabay tawa ng malakas.
Nasa likuran na nila ako pero hindi pa rin nila ramdam na nandito ako.
"Kay Enzo na lang kaya?" Jane. Tumingin ako sa kanya.
"Oh Enzo!" Pete.
Nagtinginan naman silang lahat sa akin.
"Anong meron?" Tanong ko sabay upo sa upuan ko
"Pinag-uusapan namin kung saan gagawa ng thesis, pwede ba sa inyo?" Jane.
"Sa amin?"
"Oo nga, sa inyo!" Jed.
Wala naman problema sa bahay namin pero... Paano pag nakita nila si Hazel?
"Huwag mong sabihing malaki rin ang bahay niyo at baka maligaw rin kami sa inyo?" Inis na sambit ni Jane.
"Pwede rin naman." pang-aasar ko.
"hay nakakainis naman oh! bakit pa kasi kayo pa nakagrupo ko!" Jane.
Mukhang iiyak na ang isang to.
"Sige, pag iisipan ko--"
"Talaga?" sabay lapit sa mukha ko habang nakangiti.
"Oo." Lumayo naman ako kaunti.
"Ayan okay na" sambit niya habang nakatingin kina Pete.
"Pag iisipan ko pa nga." sabi ko ulit.
"Okay lang, alam ko namang bukod sa pogi ka, eh mabait ka rin naman, salamat Enzo." ngumiti ulit sya
Hayss... sige na, pogi na ako, tsk.
"Hoy kayong dalawa! ayusin niyo trabaho niyo ah! grades ko nakasalalay dito!" Sabi niya habang naka-turo kina Pete at Jed.
Nangisi naman ako. Tumalikod sya at nagtungo na sa upuan niya.
"Grades niya lang ba? grades din naman natin ah." Pete, habang umuupo.
"Ayos ah! kundi lang sya babae... tsk" Jed.
Hinayaan ko na lang sila. Pagkatapos ng usapan, dumating na rin ang prof namin, nag attendance at nagsimula na ang nakakaantok na lesson. Tulog na nga ang isa rito eh.
_____________________💕
Hazel's POV
Gagawin pa akong sinungaling ni Enzo, kaya lang sabi niya, kaya susunod ako.
Mga ilang minuto siguro mula nung umalis si Enzo ay dumating na rin si Tita, nag grocery kasi sya. Hindi niya naman natanong kung nasaan si Enzo. Buti na lang at hindi ko kailangang magsinungaling.
Kami lang ni tita ngayon ang nandito sa bahay, nasa school kasi si Thrian, si tito naman bihira lang dito sa bahay, mas madalas kasi siyang nasa company dahil medyo busy sya.
Pagkalipas ng ilang oras ay nagtungo na rin ako sa school, inihatid ako ng family driver nila dahil wala namang ibang maghahatid sakin. At kung sakali man, hindi rin ako pwedeng sumabay kay Enzo, alam niyo naman siguro kung anong dahilan.
Kaya nga minsan naranasan ko na ring magcommute, okay lang rin sa akin kasi marunong naman ako, pero syempre mas gusto kong may naghahatid sundo sakin...
Sinanay kasi ako ni Renz eh, bigla ko tuloy siyang naalala. Nang makarating ako sa school, agad naman akong nagtungo sa room namin.
Tahimik lang sila Hallie at Rikki, nasanay kasi akong abutan sila sa klase na nagsasagutan, maingay, kwentuhan. Pero ngayon tahimik lang sila at hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa dumating na yung profe namin, nagsimula ang lesson at makalipas ang ilang oras...
"Class dismissed."
Inayos ko yung gamit ko tapos nagtungo kami nina Hallie sa cafeteria. Hanggang ngayon tahimik pa rin sila.
"Bakit antahimik niyong dalawa?" tanong ko, ibinaba ko sa lamesa yung order kong pagkain at saka umupo.
Nagtinginan sila sa isa't isa at tumingin ulit sakin.
"Hindi ko feel magsalita eh" Rikki.
"Ako rin." Hallie
Ang ganda naman ng feeling nila. Hindi ko na lang pinansin kung anong problema nilang dalawa kaya kumain na lang kami.
"Asan kaya si Enzo, hindi ko pa sya nakikita mula kanina eh." Rikki.
"Baka tinaguan ka na? stalker ka daw kasi eh." Hallie.
"Grabe ka talaga, bakit kaya naging kaibigan kita." Rikki.
"Iyan din sana ang itatanong ko sayo." Hallie.
Ayun, nag usap din silang dalawa. Pero kailan kaya sila magkakasundo?
"baka hindi sya pumasok." Sambit ko habang nakatingin sa plato ko at pinaglalaruan yung kutsara na hawak ko.
"Bakit naman?" tanong ni Rikki.
Tumingin ako kay Rikki.
"Kasama niya girlfriend niya eh---"
"Teka nga Hazel, Napansin ko lang na parang an dami mong alam kay Enzo na hindi naman alam, at parang ikaw lang ang nakakaalam..." Rikki.
Bakit kasi nagsalita pa ako?
"Hazel, naisip ko lang, ngayon ngayon lang naman..." Hallie.
Hinintay ko naman yung karugtong ng sasabihin ni Hallie.
"Sa mga nalalaman mong ganyan..."
Nakatingin pa rin ako kay Hallie, may pabitin effect pa kasi!
"...may gusto ka ba kay Enzo?" Hallie.
H-ha? Ano raw? pero buti na lang hindi pumasok sa isip nila na nasa iisang bahay lang kami ni Enzo, na magkakilala kami.
"Totoo ba yun Hazel?" Rikki.
"ha? ah... hindi no! nakita ko kasi sya kanina, kasama niya girlfriend niya kaya naisip ko... baka di sya pumasok, kasi nga magkasama sila nung girlfriend niya... diba?" ngumiti naman ako kahit labag sa loob ko.
Maniwala kayo please! Kailangan niyong maniwala!
"uy, anong nangyari sa inyo?"
Bigla kasing nag iba yung expression ng mga mukha nila, di ko maexplain. Pero hindi sila sakin nakatingin... kundi sa likod ko, at dahil curious ako kung ano yun, tumingin na rin ako sa likuran ko.
Tapos eto... nakangiti sya sa akin. Maya maya ay hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay sabing...
"Usap tayo."
At niyaya niya akong maglakad...
Sa mga oras na ito parang nawala lahat ng tao sa paligid ko, si Hallie, si Rikki, lahat. Tanging siya lang yung nakikita ko at walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang oras na ito, kasama sya habang hawak ang kamay ko.
Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Tama, si Renz nga, eto kasama, namiss ko sya pero bakit kinakabahan ako?
Hanggang sa makarating kami sa rooftop ng main building. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita, hindi mo ba alam sobrang miss na kita." sabi ko.
Naramdaman ko rin naman yung yakap niya sa akin.
"Sorry, nahirapan kasi ako eh."
Bumitaw ako sa yakap namin at tumingin sa kanya habang mag kahawak pa rin ang kamay namin.
"Ano bang nangyari?" tanong ko.
Hindi sya agad nakasagot, ngumiti sya tapos hinawakan niya yung pisngi ko.
"I love you." sabi niya naman.
Hindi ko alam kung matutuwa ako, ngayon ko lang kasi ulit narinig ang mga salitang yun galing sa kanya. Pero bakit ganun? Bakit feeling ko may ibang ibig sabihin ang sinabi niya.
"May... problema ba?"
"Sorry Hazel, pero sa tingin ko kailangan na nating magiwalay..." nakayuko niyang sambit.
Lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya, hindi rin maabsorb nang utak ko kung anong ibig niyang sabihin.
"Sa tingin mo? Renz... ano bang sinasabi mo?" mahinahon kong tanong.
"Sorry, maghiwalay na tayo Hazel..."
Yun ang mga salitang hindi nag-papigil sa luha ko para pumatak.
"Diba sabi mo mahal mo ako... yun yung sabi mo, pero bakit ngayon nakikipaghiwalay ka? Hindi mo na ba ako mahal? Agad? Renz ano ba kasing problema?" Sambit ko habang nakatingin lang sa kanya
Hindi nag-paawat ang luha ko sa pagpatak, bakit kasi ganito yung nangyayari? Bakit ganito yung kailangang mangyari...
"I love you... totoong mahal kita, ayokong gawin 'to pero hindi kasi ako ang magdedesisyon." tiningnan niya ako.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, yung mga luha ko na lang ang nagsasabi na nasasaktan ako ngayon.
Niyakap niya ako, mahigpit, yung yakap na parang ayaw ka niyang pakawalan... pero bakit ganun? bakit nararamdaman kong mahal niya ako, pero iiwan niya naman ako.
"Si papa, para sa expansion ng company napagkasunduan ni papa at ng business partner niya na ikasal kami ng anak niyang babaeng, ayoko naman talaga eh. At yun din yung dahilan noon kung bakit ilang linggo akong hindi nag pakita sayo..." sinasabi niya yun habang naka-yakap pa rin sa akin ng mahigpit.
"Nakiusap ako kay papa na huwag na lang ituloy, ang akala ko okay na... akala ko magiging maayos na ang lahat, pero ilang buwan pagkatapos nun... tinuloy pala ni papa. At ngayon wala na akong magawa, marami ng nakakaalam na ikakasal kami ng anak ng business ng partner ni papa, at mahirap ng bawiin yun." Inalis niya ang yakap niya sa akin at saka niya ako tiningnan.
"Sorry, ginawa ko lahat Hazel, ginawa ko lahat para sating dalawa, sinubukan kong pakiusapan yung babae, pero hindi sya pumayag, Hazel... i love you and i'm really sorry for doing this to you."
Binitawan niya ang kamay ko pagkatapos ay umalis na sya. Tinawag ko sya pero hindi sya lumingon, lalong tumulo ang luha ko dahil doon, bakit ganun... pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako ay iiwan niya rin ako.
_______________________💕
Enzo's POV
"Class dismissed."
"Enzo, napag isipan mo na ba kung sa bahay niyo tayo gagawa ng thesis?" Jane
"Pinag iisipan ko pa rin" sabi ko habang inaayos yung gamit sa bag ko.
"Okay, next week pa naman yun, marami ka pang oras para mag isip." ngumiti sya at saka umalis na.
Nauna ng umuwi sila Pete, wala ngang pasabi ang dalawang yun bigla na lang nawala. Umalis na rin ako at nagtungo sa parking lot.
Habang papalapit ako sa kotse ko, nakita ko si Hazel na nakasandal sa pintuan nito. Tumingin ako sa paligid at wala namang mga naka-aligid. Naglakad ako patungo kay Hazel at hindi pa man ako nakalalapit ay napansin ko nang umiiyak sya. Napabilis ang lakad ko dahil doon.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko.
Hindi naman sya sumagot at nagpatuloy lang ang pag iyak niya. Pinapasok ko sya sa kotse, para siyang wala sa sarili na sumusunod lang habang umiiyak pa rin. Pumasok na rin naman ako sa kotse, mahirap na dahil baka may makakita sa amin.
"Hazel, kausapin mo ako, bakit umiiyak ka? ano bang nangyari?" Tanong ko pa rin.
Hindi pa rin siya kumibo, Ayaw pa rin akong kausapin. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ang boyfriend niya.
"Sandali lang ah, huwag kang lalabas diyan." bilin ko.
Lumabas ako sa kotse at tinawagan si Andrea.
(Hello Enzo)
"uhm, kasi, mauuna na sana ako... nagkaroon kasi ng emergency, bukas na lang tayo magkita, okay lang ba?" Sambit ko habang napapatingin sa umiiyak pa rin na si Hazel.
(Ah okay, sige okay lang, i love you.)
"I love you too."
Agad ko namang pinatay yung tawag at pumasok ulit sa kotse, pagkatapos ay nagmaneho na ako.
"Hazel, sabihin mo naman sakin ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya.
Hindi pa rin kasi sya tumitigil sa pag iyak.
"Si Renz kasi eh..."
"...wala na kami, sabi niya mahal niya ako pero... wala na kami..."
At lalo naman siyang umiyak, hindi naman sa nataranta ako pero siguro nga nataranta ako dahil sa pag iyak niya, kaya naisipan ko rin na huwag munang umuwi sa bahay, dahil dun iniba ko yung direction at habang nagmamaneho ako, nasabi niya na rin kung bakit sya umiiyak.
"Enzo bakit ganun? Bakit niya sinabing mahal niya ako, mahal niya raw ako pero iniwan niya ako. Bakit okay lang sa kanya na magpakasal sa kung sinumang babae... bakit an dali niya magdesisyon na maghiwalay kami?" Sambit ni Hazel habang nakatingin sa highway.
"Hindi niya man lang hinintay kung anong sasabihin ko... sana sinaktan niya na lang ako! sasabihin niyang mahal niya ako tapos iiwan niya rin ako? Enzo bakit ganun?" Sandali naman siyang tumingin sa akin
Patuloy pa rin siya sa pag iyak. Hindi ko alam kung paano ko pa ga-gaanin ang loob niya, nakikita ko naman kasi na sobrang nasasaktan sya.
"May dahilan naman siguro sya... dib" sabi ko naman.
"Meron nga, kasi para yun sa family niya, pero paano ako? kung talagang mahal niya ako, sana pinili niya pa rin ako... mayaman din naman kami ah! may sarili kaming company at president dun ang papa ko, pwede namang ako na lang ang pakasalan niya, di niya ba naisip yun?" At lalo pa siyang na-iyak
Tama nga ang sabi nila, kapag brokenhearted ka, lahat ng pwedeng solusyon papasok sa isip mo...
"Huwag ka ng umiyak, lilipas din yan" yun na lang ang nasabi ko.
Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko, ngayon lang naman ako nakipag usap sa babaeng kaka-break lang sa boyfriend niya, paano ko ba pa ga-gaanin ang loob niya?
Nanahimik naman sya at sandaling tumigil sa pag iyak niya.
"...Pero hindi ko kaya eh." At nagsimula na namang tumulo yung luha niya
Patuloy lang ako sa pagda-drive kahit medyo nadadala na rin ang ako sa nararamdaman ni Hazel.
"magwa-one year na kasi kami... tapos ngayon, hindi na yun mangyayari..." yumuko siya at alam ko na sinusubukan niya lang itago yung luha niya
Inihinto ko yung kotse, tiningnan ko sya at bigla ko na lang naisip na...
"Halika nga." ...yakapin sya.
Ewan ko ba, naaawa ako kay Hazel ngayon, kung kanina hindi ko pa ramdam kung gaano sya nasasaktan... pero ngayon, gusto kong gawin lahat mabawasan lang ang sakit na nararamdaman niya.
"Lilipas din yan, kaya huwag ka ng umiyak." sambit ko habang yakap pa rin sya.
"May nagsabi na ba sayong ampangit mo umiyak?" tanong ko.
Tinulak niya ako tapos pinunasan niya yung luha niya. Tsk. Yun lang pala magpapatigil sa kanya eh.
Ngumiti ako at napansin ko yung isang convenient store sa gilid namin, kaya bumaba ako at pumunta roon, bumili ako ng tubig para kay Hazel. Pagkatapos bumalik na rin ako sa kotse, binigay ko sa kanya yun at saka naman ulit ako nag maneho pauwi.
Tumigil na sa pag-iyak si Hazel, tahimik lang siyang nakatingin sa bintana habang nasa biyahe kami. Hanggang sa makarating kami sa bahay, lumabas ako ng kotse at pinagbuksan ko siya.
Lumabas naman si Thrian at lumapit sa akin.
"Kuya kanina ka pa tinatawagan ni mom---anong nangyari?"
Kaya pala tahimik si Hazel, tulog na pala. Ginising ko sya kaso ayaw magising. Maya maya lumabas na rin si mom at lumapit sa amin.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? saan ka ba nagpunta En---"
"Mom magkasama sila ni ate Hazel"
At dahil ayaw niyang magising, napagdesisyunan akong buhatin na lang siya patungo sa kwarto niya.
Sila mom at Thrian namin nakasunod lang sa akin.
"Anong nangyari kay Hazel? san kayo galing ha?" Tanong ni mom.
"Inatake siya sa puso." sabi ko habang paakyat ng hagdan.
"Ano? at kailan pa siya nagkaroon ng sakit sa puso?" tanong ni mom.
"Kanina lang nung nagbreak sila ng boyfriend niya, Thrian pabukas naman nung pinto" utos ko kay Thrian
Binuksan niya naman yung pinto ng kwarto ni Hazel. Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama at saka ko kinumutan. Lumabas naman din kami agad pagkatapos nun.
"Break na sila?" Thrian.

Komentar Buku (100)

  • avatar
    LumasagJean

    thank you

    25/07

      0
  • avatar
    Angeline Pablo

    sobrang Ganda pero Hindi ko alama kung paano ma G Cash pero maganda

    15/07

      0
  • avatar
    Garciamaan FernandezGarciamaan Fernandez

    ayy nako

    04/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru