logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

"Madam Flora, may bisita po kayo," abiso ni Yaya Esmeralda sa kaniyang amo.
"Papasukin mo, kanina ko pa siya pinapapunta rito," tugon nito sa kaniya, "Siyangapala, paupuin mo muna siya dahil ipagluluto ko muna siya ng spaghetti dahil espesyal siyang panauhin. Saka huwag mo akong alalahanin dahil gusto ko lang magluto, hindi rin naman ako abala ngayon dahil dito sa bahay ako mismo may gagawin. Makakapagpahinga ka na sa pagluluto sa ngayon."
"Maraming salamat po Madam Flora. Sige po, balik na ho ako sa aking ginagawa. Enjoy your cooking po Madam, sana ay magustuhan ito ng iyong bisita," bati niya.
"Walang anuman iyon. Basta sisiguraduhin kong babalik-balikan ito ng aking bisita itong lulutuin ko," ani Flora.
Tatlong segundo ang lumipas ay pumasok na ang bisita ay siya ay nagngangalang Gabriel.
"Magandang umaga po Madam Flora, nandito na po ako," pagbati ni Gabriel.
Tumugon naman ito sa kaniya, "Sandali lang at may ginagawa pa ako. Hintay ka muna diyan at mga sampung minuto lang ang hihintayin mo. At habang naghihintay ka ay magbasa ka muna siya ng libro o hindi kaya mga dyaryo."
"Sige po. Salamat po sa pagpapatuloy sa akin. Ituloy niyo na po ang ginagawa niyo para agad pong matapos," wika niya.
Sa ganitong oras ay papunta sana si Rosa sa sala nang makita niya ang isang lalaki nakaupo sa isang sofa na may binabasang libro. Tila nabosesan pa niya ito nang marinig niya itong kausap nito ang kaniyang ina. Sa pagkakaalam niya ay boses ito ni Gabriel at hindi siya maaaring magkamali dahil alam na alam na niya kung sino itong lalaki na ito. At hindi pa niya namamalayan na para siyang unti-unting nakakaramdam ng galit dahil sa iniisip niya na ito na siya na yata ang tinutukoy ng kaniyang ina na magiging asawa niya balang araw.
"Uhhurmm! You are Gilbert, right? May I ask kung bakit ka nandito sa pamamahay ko?" walang pag-aalinlangan niyang konpronta.
Tila lumabas ang pagkasama ng tabas ng dila ni Gilbert na sadyang hindi na ito bago kay Rosa dahil noon pa man at magpahanggang ngayon ay arogante pa rin ito, "Let me correct you, pamamahay ng ina mo, not yours."
"At ikaw pa talagang may ganang sabihin niyan? Hoy! Dito ako nakatira kaya akin din 'to. Saka baka nakakalimutan mo na bisita ka lang dito ni Mama. Again, may I ask kung bakit ka ba talaga nandito? Anong sadya mo o ano nga ba ang sadya ni Mama sa iyo?" demanda ni Rosa.
Ngumiti naman ito sa kaniya at hindi niya ito inaasahan dahil sa pagkakaalam niya ay never itong ngumingit sa hindi kakilala, "Relax ka lang Rosa. You are too excited kung ano ba ang pakay ko at pakay ng ina mo rito. Basta malalaman mo rin mamaya."
"Siguraduhin mo lang na walang masamang mangyayari at ni hindi ko dapat ito ikagalit dahil unang una, walang nabanggit si Mommy sa akin na may meeting ngayon," gigil na gigil siya rito, "At makaalis na nga! Stress na stress na nga ako sa kaka-decipher sa mga dumarating sa akin na secret messages. Bakit kasi andami pang pautot, magsusulat na nga lang eh kailangan pang patago ang mga laman. Bwesit!"
"Teka sandali lamang. Ako ang may-ari ng mga sulat," nadulas si Gilbert rito.
"Tama ba ang narinig ko? Ikaw ang may-ari ng mga secret messages? Ankapal naman ng pagmumukha mo ano? At bakit mo naman ako padadalhan ng ganiyang kakomplikadong mga sulat? Sino ba kausap mo, isang detective? Sakit sa ulo lang buwesit talaga! At ito huh, kung ikaw man ang mapapakasal ko, no thanks. Ayoko sa mayabang at kapwa mayaman dahil mayaman na kami," umuusok ang ilong ni Rosa kasabay ng pagbilis ng daloy ng kaniyang dugo.
"Hindi mo ako naiintindihan. Hayaan mo akong magpaliwanag," pakiusap nito sa kaniya.
"Oh ganun ba? Sige nga magpaliwanag ka. Bakit mo ako pinapadalhan ng sulat? Bakit need ko pang i-decipher ang contents ni isa wala pa akong na-decipher kasi anlayo ng library sa unibersidad. At saka bakit ba kailangan mo pang magpadala ng sulat eh pwede mo naman sabihin sa akin ang gusto mong sabihin. Pakikinggan naman kita... kung magustuhan ko ang sasabihin mo pero kung hindi, huwag na lang," inulan niya nito ng mga tanong upang mas malinawan siya kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Rosa, noon pa lang ay crush na kita. Kay tagal kitang minanmanan at sinundan. Unang araw pa lang kitang nakita ay naakit mo na ako. Hindi na ako makatulog ni makakain simula nun. Makita lang kita ay masaya na ako. Kapag maligaya ka ay maligaya na rin ako Rosa. Dahil sa pagkasabik ko, kinunan ko ang mukha mo sa akin itong tinitignan palagi upang ako ay makatulog. Sa iyong ganda ay nabihag mo ang puso ko, para akong pinana ni kupido nang dahil sa iyo Rosa," madamdamin na pag-amin sa kaniya ni Gilbert.
Na-highblood na nga siya rito kaya hindi na siya makapagtimpi, "Anong sabi mo? You were stalking me before? And now, you are here in our house to talk to my Mommy? Sabihin mo na nga sa akin kung ano ang pag-uusapan niyo? Nakakairita na huh, dami kong hindi alam sa kapaligiran ko. Pati magulang ko naglilihim na rin at basta-basta na lang gagawa ng hakbang na paniguradong hindi ko magugustuhan. Wari ko ay ginayuma mo ang Mommy ko, inakit mo siya ng mabubulaklak na mga salita para maging close kayo! Hayop ka! HAYOP KA!"
Nakailag naman si Gilbert buhat dito, "Ano ba, huminahon ka lang pakiusap."
"Gilbert... oh Rosa, anak... nandito ka na rin pala. Buti pa pumunta na tayo sa dining room at mag-breakfast muna tayo," salubong ni Flora sa kanilang dalawa.
"Susunod na po kami," ani Gilbert.
"Anong kami ang pinagsasasabi mo? Ako lang ang sasama dahil hindi ka kasali sa pagkain ng umagahan dito. Sa yaman mong iyan wala kang makain na breakfast. Required ba talaga kapag bisita need maging gutom para bigyan ng special treatment? You are so ridiculous!" tinigilan ni Rosa si Gilbert na sumama sa hapagkainan.
"Rosa, stop acting like that. He is our visitor kaya igalang mo siya," saway ng kaniyang ina.
"Coming from you, Mommy! Eh ako nga ang hindi mo nirerespeto. Naglihim ka pa talaga na may bisita ka pala at ito pang kumag na aroganteng lalaki pa ang pinapunta mo rito?" hindi niya maiwasang sagutin ang kaniyang ina.
"Enough of this fight anak. Tayo na, let's eat. Masama ang pinaghihintay ang pagkain sa lamesa at baka makarma pa tayo niyan. Sayang ang grasya at kanina pa akong gutom na gutom kaya halina na kayo," pagtatapos ni Flora ng kanilang sagutan saka tumungo na sila sa kanilang pupuntahan para kumain.
~~~
"So Mommy, bakit tayo nagtipon dito? Bakit mo pinapunta rito si Gilbert?" mariing tanong ni Rosa.
Nanlaki naman ang mata ng kaniyang ina sa kaniyang sinabi, "T-Teka, kilala mo ang lalaking ito? Kailan pa anak?"
Nagsitaan naman ang kaniyang kilay, "Bakit mo tinatanong? Sagutin mo muna Mommy ang mga tanong ko kasi all this time, ngayon ka lang naglihim, pahalata pa talaga ano? I am sick of this fucking secrets na sa pamamagitan ng aking kutob ay malalaman ko rin naman ang totoo. Now, why?"
"Okay fine, anak. The truth is kaya tayo nagtipon dito dahil... Dahil... Dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa engagement niyo ni Gilbert," nakakadismyang wika ng kaniyang ina.
Napatayo naman siya agad nang dahil sa nakaramdam siya ng sobrang init ng ulo na parang umuusok ang kaniyang mga taenga, "Ano! Sinasabi ko na nga ba! Tama ang kutob ko, kahit kailan Mommy ay hindi mo ako hinayaang masaya. Lahat ng mga naging ex ko pinagtabuyan nang dahil lang sa mahirap lang sila at wala kang makukuhang shares sa pera nila? At ngayon, didiktahan niyo naman ako at dito pa talaga ako ipakakasal sa aroganteng gagong lalaki na ito Mommy!"
Slap!
Sinampal siya rito nang dahil sa bigat ng winika niya, "Enough of this drama! Buo na ang desisyon ko. Gilbert, makakaalis ka na. Tatawagan ko na lang kayo para sa signing of papers sa araw mismo bago ang iyong engagement party."
"Did you just slap me? How dare you! Napakasama mong ina! Wala kang kuwentang magulang! Isa kang pundidong ilaw ng tahanan! Kayo na lang ng lalaking iyan ang magpakasal total gusto mo naman siya 'di ba? You motherfucker! Magsama kayong dalawa mga utak-talangka! Pinahiya mo ako Mommy!" dabog niya rito habang mabilis na umaagos ang kaniyang luha sa kaniyang mga mata.
"Anak..." natigilan ito dahil umiwas na siya sa kanilang harapan ngayon.
~~~
"Rosa, wait... Hintay lang, bakit ka nagmamadali? Anong nangyayari sa iyo?" habol nang habol si William sa kaniyang kaibigan.
Liningon naman ito sa kaniya pansamantala, "Stop following me and do not talk to me anymore!"
Hindi naman siya nadala dahil alam niyang may something wrong kay Rosa na hindi lang ipinapaliwanag sa kaniya at gustong gusto niya iyon marinig, "Rosa, what is wrong with you? Kahapon ay kahalikan mo ako tapos ngayon umiiwas ka na. Mayroon ba akong kasalanan sa iyo kaya ka nagkakaganiyan? Pakiusap naman, ipaliwanag mo ang lahat-lahat sa akin. Naguguluhan na ako kung ano ba iyang kinikilos mo, hindi ko na matiis itong inaasal mo sa akin."
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Oo na, ako na ang may problema! Malapit na akong ma-engage sa taong hindi ko mahal at kayang mahal at never mamahalin! Ano, masaya ka na ba? Nasagot ko na ang tanong mo kaya pwede ba ay pabayaan mo muna ako. Gusto ko muna ang mapag-isa," napilitan itong sagutin ang gusto niyang marinig na responde sa kaniyang katanungan at tila nagbigay ito sa kaniya ng kuryusidad kung sino mang lalaki ang tinutukoy ng kaniyang kaibigan kanina.
"No, Rosa. I will stay with you no matter what happens. In this saddest times, handa akong pakalmahin ka at i-comfort. I will provide you anything that will make you happy," pangungulit niya rito.
"Sa papaanong paraan? Paano ko makakalimutan ang problema ko? Anong ibibigay mo sa akin? Foods? No, salamat na lang," tinaggihan siya nito dahil sa alam nito ang kaniyang balak ibigay upang huminahon na ito.
"Rosa naman oh... alam ko naman na you love food trips and this is my way para sumaya ka uli. Huwag mong solohin ang problema. Ang sabi pa nga ni Freddie Aguilar..."
🎶Tawanan mo ang iyong problema...
"Hindi ba? At tama naman siya. Ang buhay ay dapat ine-enjoy mo lang. Tandaan natin na mga bata pa tayo, marami pa tayong pagdaraanan at madidiskobre o matututunan sa buhay natin. Kaya, let me feed you. Do not worry, may pera ako. Dadalhin kita sa Filipino Classic Resto, I will introduce you some foods na hindi masyadong kinakain ng mga mayayaman. Siguro naman kaya mong i-explore pa ang ating food industry. I promise you, matutuwa ka," paliwanag naman niya kung paano niya paliligayahin ang nagdadalamhati niyang kaibigan.
Tumango naman ito sa kaniya, "Okay na pala ako sa ganiyan. Thank you huh dahil natitiis mo ako. Akala ko ay wala nang nagmamalasakit sa akin. Hindi nga pala ako nag-iisa. Nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita. Nang dahil diyan, nadaragdagan na naman ang rason ko para pagbigyan kita kung sakaling ligawan mo ako. Yes, walang biro and you heard it right, I am starting to fall in love with you, William. Again, I like you... "
Nagulat naman siya na para bang binuhusan ng malamig na tubig, "Talaga ba? Seryoso na ba ito? Hindi lang ba ako nananaginip? This is so great! Finally, nahuhulog ka na rin sa akin at huwag kang mag-alala kasi paniguradong ikaw ay aking sasaluhin. Salamat din dahil pinansin mo ako kahit napakakulit ko. Kahit papaano ay mayroon pang natitirang pagtitimpi sa puso mo."
"So... no dramas muna ano? Tara na sa resto na sinasabi mo. I am now curious about them and for sure masasarapan iyon dahil parang alam kong lahat mo sila paborito," atat na atat na pagyaya nito sa kaniya.
Ngumiti naman siya dahil tagumpay ang kaniyang plano, "Naku sinabi mo pa. Tayo na!"
To be continued...

Komentar Buku (13)

  • avatar
    Legaspi Prince

    it's so beautiful

    07/06

      0
  • avatar
    MabutingHelmar

    nice

    18/08/2023

      0
  • avatar
    MarquezMelvin

    keep it up.

    03/06/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru