logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

LIAM BENJAMIN
July 2, 2015
Tinuloy ko na lang ang paglalakad sa pinakadulong room dahil for sure iyon na ang Rm. 501, iwas kahihiyan na rin dahil tingin na nang tingin sa akin ang mga student na nasasalubong ko. Siguro iniisip nila na mukha akong tangang lakad nang lakad 'tapos nakabusangot pa. Eh, ano naman? So what kung mukha akong tanga kakahanap ng room. Do I look I care? Tss.
And finally, after a long search sa pesteng Rm. 501 na 'yan ay nahanap ko rin. Papasasok na sana ako pero.. may teacher na sa loob. Oh shoot... sabi ko ay ayaw kong ma-late pero bakit? Bakit ang malas ko ngayong araw? Sign ba 'to na huwag na pumasok at mag-drop out na lang? Balik na lang kaya ako sa dati kong school?
Tinignan ko ang wrist watch ko kung late na ba talaga ako but in my surprise, 7:50 AM pa lang. It means na may 10 minutes pa ako para pumasok, so hindi nga ako late kaya bakit may teacher na agad dito? Excited lang siya magturo, gano'n?
Hindi ko alam kung papasok na ako o hindi kasi dada pa nang dada ang teacher sa harap. Ang bastos ko naman kung bigla na lang ako e-eksena at mag-go-goodmorning. Baka talaga first day pa lang ay masampolan na 'ko. No way. I would rather not attend this class than be embarrassed.
Aalis na sana ako nang biglang lumingon sa direksyon ko 'yong teacher. Oh fudge... He looked at me na parang iniisip niya kung estudyante niya ba ako o hindi.
I'm stuck in a total ticklish moment.
Bakit ba lumingon pa siya? Gusto ko na rin talaga umuwi dahil hindi ko talaga vibes ang school na 'to. Hahakbang na ako palayo nang magsalita ang teacher sa harap.
"Naghahanap ka ba ng home room mo?" Tanong nito sa akin at binitawan niya iyong hawak na libro at may dinampot siya na parang notebook? Attendance yata iyon? Lumapit siya papunta sa akin habang may chine-check siya sa hawak niya, "can you tell your name, please?" He said while still looking at what he was holding. Bakit pakiramdam ko kapag sinabi ko sa kanya ang pangalan ko ay katapusan ko na?
What the heck, Liam. He's just asking your damn name! Kung ano-ano na naman iniisip mo.
Kahit na kinakabahan ako ay sinabi ko pa rin ang pangalan ko. "L-Liam Benjamin C-Chua, Sir." Shit, why did I stutter? Liam, for pete sake umayos ka kung ayaw mo mapahiya sa first day mo!
Hindi siya kaagad nagsalita dahil parang may chine-check siya sa hawak niya na ewan kung ano ba iyon, malay ko ba sa hawak niya? Sana matapos niya na 'yon kung ano man ang chine-check niya nang makaupo na ako dahil ito na naman ang pakiramdam kong maraming nakatingin sa 'kin.
"Oh, I see," tinignan niya ako ulit ng may ngiti sa kanyang labi. "So, you're the new student from St. Dominic Institute. I'm Mr. Paolo Diaz, by the way. I'm the home room adviser of this class. Nice to meet you Mr. Chua."
"N-nice meeting you, too, Sir." I stuttered one again, jeez.
"Call me Sir Pao na lang. Come in, ipapakilala kita sa mga classmates mo."
Parang biglang natigil sa pag-function ang respiratory system ko nang iminuwestra ng kaharap ko ang kamay niya sa loob ng classroom. My hands are starting to sweat because of nervousness that raging through all my veins.
Here we go again, the part that I hate the most. Kahit ayaw ko pa pumasok dahil sa sinabi niya ay sinimulan ko ng ihakbang ang nga paa ko, mag-iinarte pa ba ako? Nandito na 'to, go with the flow na lang. Good luck, Liam. I pray to all the gods that I won't pass out.
"Okay class, listen for awhile," and yes, they all stop from what they're doing and I guess... they are all looking at me.
Shit. This is really shit!
"Remember what I said last time? Na mayroon kayong new classmate from another school. Nandito na siya ngayon, please say hi to him."
I heared murmurs, someone gasps, 'yong iba naman nakatingin lang sa akin na para bang wala silang pakialam sa sinabi ni Sir Pao. That's what I want, iyong walang may pakialam sa presensiya ko. Oh please, please! Huwag niyo akong pansinin! I'm just an insignificant creature!
"Girl, ang gwapo!"
"My god... Ang pogi niya, bessy!"
"Crush ko na 'yan, girls. Walang mang-aagaw, ah?! Ang mang-agaw, tutubuan ng p*n*s sa noo!"
"Hello, kuya! Single ka po?"
"Tumigil nga kayo ang lalandi niyo."
"Hey, bro! Dito ka upo, tabi ka sa 'min."
"Oh please, shut your stinky mouth! No! Huwag ka tatabi sa mga 'yan. Dugyot 'yang mga 'yan."
"Makadugyot kala mo clear skin? Galis skin naman!"
"HAHAHAHAHA!"
Napuno ng tawanan ang classroom dahil sa pang-ta-trash talk ng isa sa mga classmate ko. Mukhang naasar naman 'yong babae na nagsabi ng dugyot dahil binato niya ng notebook 'yong lalaki na nang-asar sa kanya.
Hmm, mukhang tama nga 'yong lalaki na galis skin siya dahil puro acne ang mukha niya. I tried to hide my laugh so hard, ayoko masabihan ng nag-pe-face shame ako.
I just don't get the irony of this girl. Ayaw masabihan ng foul words about her physical appearance pero nanglalait din naman siya ng kapwa.
I brushed off the thoughts that running on my mind. Hindi na ako makikisali sa asaran nila kahit sa isip lang ako nakitawa.
Habang nagtatawanan pa ang lahat ay natuon ang pansin ko sa isang babae na nakaupo sa dulo malapit sa bintana. Biglang bumaluktot ang mga tuhod ko dahil... Nakatitig sa akin 'yong babae!
-AndyThoughts-

Komentar Buku (88)

  • avatar
    Wayne Jhastine

    goods

    24d

      0
  • avatar
    Carlzoren Pantaleon

    so good

    13/08

      0
  • avatar
    CapangpanganAnagen

    nice

    06/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru