logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Four

Pinanood ko ang sariling repleksyon sa salamin. Panay lang sa paggalaw ang mga taong nasa likod ko at abala sa kung ano-anong bagay habang ako naman ay nananatili lang sa harap ng salamin at abala sa pagmasid sa sarili habang nakaupo.
Naghihintay lang ako ng mga taong gagalaw para sa 'kin.. para ayusan at lagyan ng palamuti ang mukha ko dahil isa ito sa napaka-importanteng kaganapan sa buhay ko.
Walang buhay ang mga mata ko ngayon dahil maski ako ay tumitiwalag sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ko.
Never kong hinihiling sa mga magulang ko na enggrande ang maging selebrasyon sa kaarawan ko pero… ano nga bang magagawa ko kung sila rin ang masusunod?
Like what the fuck, sila ba ang may birthday?
"Light make up lang, bata pa ang balat ni Bella," rinig kong usapan ng mga make up artist na abala sa pag-uusap tungkol sa gagamitin kong make up.
Isang irap ang pinakawalan ko dahil kanina pa ako naghihintay sa kung ano mang ipapatong nila sa balat ko.
Kanina pa ako naghihintay na pinturahan nila ng kung ano-ano pa ang inosente kong mukha.
Ito ang gusto ni Mommy.. ang makuha ko ang atensyon ng lahat na kahit maski ako ay wala namang balak na makuha at mamalimos sa atensyon nila.
Nakakainis lang kung tutuusin pero… may parte sa pagkatao ko ang napupunan kung nakukuha ko ang atensyon ng karamihan.
Gusto kong palaging nakadungaw sa akin lahat ng taong nakakasalubong ko, napapayuko sa tuwing makakaharap ko at nag iiwas na lang ng tingin sa tuwing may kagagalitan ako. Ito ang buhay na kinalakihan ko at mukhang dadalhin ko hanggang sa pagtanda.
Malaki ang negosyo ng pamilya ni Daddy na tanging siya lang ang nagmana sa kanilang magkakapatid. Si Mommy naman ay may balak na tumakbo bilang senador at hindi biro ang mga kalaban ni Mommy.
Expected ng mga tao na dahil sa posisyon nilang dalawa ay susunod na ako sa mga yapak ng mga magulang ko? No way. Ayoko ng magulong buhay at ayokong puno ng kunsumisyon mula sa nga taong hindi sumusunod sa batas ang magiging almusal ko sa tuwing bubungad ang umaga.
Ang maharap sa isang ganitong klase ng pamilya na kung saan ay related sa politics at business ay minsan ding nakakatuwa, pero madalas ay nakakatakot.
Hindi ka matatakot sa responsibilidad pero matatakot ka para sa kapakanan ng mga taong nakapaligid sa 'yo at loyal sa team niyo.
Isang maling galaw mo lang.. issue agad. Isang pagkakamali mo lang sa pagbabato ng salita.. papatayin ka.
Anyways, hindi pa naman kami nakakatanggap ng death threats mula sa kabilang panig at kalaban sa posisyon ni Mommy at sa tanyag na business ni Daddy at kung meron man.. baka ginagawa lang ng mga parents ko ang makakaya nila upang ilihim sa akin ang lahat.
Required ako na magdala ng bodyguards na araw-araw na sumusundo sa akin sa klase. Nang dahil sa pag iingat para sa kaligtasan ko.. bihira ko na lang na makasama ang mga kaibigan ko. I'm not allowed to go somewhere na wala sila, na walang titingin sa 'kin na maski isa sa kanila dahil ang palagi nilang sinasabi sa tuwing gagala ako..
"You are not allowed to go somewhere, Bella. Mag stick ka na lang sa bahay nang malaman mong babae ka at nararapat lang na nasa bahay ka," pag alingawngaw ng boses ni Mommy na ikinanguso ko na lang.
As usual, panay siya sa pagkuda kung ano nga ba dapat ang ginagawa ng isang babae sa loob ng bahay at patuloy rin siya sa pagpapaliwanag kung bakit dapat lang na magstay sa isang bahay ang isang babae.
Nakakaurat, sa totoo lang. Yung mga ganitong klase ng scene sa tuwing mag aaya ng gala ang mga kaibigan ko, hindi ko magawang makasali o sumama man lang nang dahil sa desisyon ng mga magulang ko. Depensa nila ay para rin naman sa kaligtasan ko ang paghihigpit nila.
Hindi nila alam na sa tuwing paghihigpitan nila ako, mas lalo ko lang naipapakita sa sarili ko na nararapat lang na maglaho na lang ako sa bahay na ito at maghanap na lang ng ibang lugar kung saan mararamdaman ko ang kalayaan.
Hindi ba alam ng mga magulang natin na sa tuwing pagbabawalan nila tayo sa isang bagay na gusto ng mga anak nila, hindi man lang ba nila naisip na mas lalo lang magrerebelde ang mga anak nila?
Ipinagkakait nila ang kalayaan ng isang tao para lang sa banta buhay nila kahit sabihin pa nilang para rin naman ito sa kaligtasan namin.
Sana man lang ay bigyan nila kami ng pagkakataong mapatunayan sa sarili namin na kailangan naming protektahan ang sarili at kaya naming tumayo sa sarili naming mga paa.
Paano mo maipapakita sa bata na kailangan niyang maging independent lalo na kung lumalaki na siya? Paano mo mapapaintindi sa bata na kailangan niyang tumayo sa sariling mga paa at mag isang solusyunan ang problema nang hindi man lang humihingi ng tulong sa mga magulang nila, hindi ba?
"Matagal pa ba?" reklamo ko sa make up artist dahilan upang doblehin nila lahat ng kilos.
Once na pinakita ko na ang iritasyon sa kanila.. gusto ko nang matapos ang lahat ng bagay na hinihintay ko.
Hindi ako sanay na may hinihintay ako mula sa iba at iyon ang pinakahuling bagay na dapat nilang malaman bago sila pumasok bilang tauhan ni Daddy. Hindi ako sanay ng pinaghihintay at mas lalong mabilis akong mairita kung pinaghihintay ako sa bagay na alam kong ayoko.
"Pasensya na po, Ma'am. Medyo nahuli po kasi yung-"
"Faster," putol ko sa kanya habang taas noong nakamasid sa repleksyon ko sa salamin.
Kita ko ang palihim nilang sulyap sa isa't isa na mas lalo kong ikinairita.
Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung lihim kang pinag uusapan, kesyo sa isip mo pa binabanggit lahat ng pagkamuhi mo sa akin o kahit na sa pribadong lugar pa kayo magpalitan ng tsismis, wala akong pakialam.
Ilang sandali pa ay narinig na namin ang pagkalabog ng pintuan ng kwarto dahilan upang matigilan kaming lahat at kusang napataas ang tingin sa kapapasok lang sa loob.
Ang Mommy ko…

Komentar Buku (53)

  • avatar
    Cressida Astrid Volkzki

    Nice

    21/02/2023

      0
  • avatar
    Medina Algaba Balboa

    Keep writing author🤝💕👏🥂🙇‍♀️

    13/01/2023

      0
  • avatar
    RiveraRiane

    I Like it so much

    12/07/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru