logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

chapter 8

ZYRA'S POV
Napahikab ako habang nakaupo pa rin sa table namin. I'm bored! I wanna go home and sleep. Napakatagal naman yatang magsimula ang party na ito. Sino pa bang hinihintay nila?
Darating ba ang presidente ng Pilipinas? My God, daddy ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang maghintay!
Ahm, narinig ko na ang pagkulo ng aking tiyan. Aist, gutom na ako!.Nakakahiya naman. Para na akong patay gutom nito.
"Friend, ang tagal namang magsimula ng party. Gutom na ako. Sana pala kumain na tayo sa inyo".si Anica na napahawak pa sa tiyan niya.
"Oo nga eh, narinig ko na ang kulo ng tiyan ko."tugon ko.
Nagkatinginan kami at nagkatawanan. Akalain mo namang pareho pala kami ng nararamdaman. Magkarugtong na yata ang aming bituka. Mga patay gutom!
Narinig namin na parang may ugong ng mikropono. Yong tunog ba na parang tini-test ito. Magsisimula na. Sa wakas at nang makauwi na maya- maya. 
"Good evening ladies and gentlemen!". si Tito Xavier ang nagsasalita."I apologize if medyo na  delay ang pagsisimula natin Are you guys hungry?".tanong nito na tinapat pa ang mic kunyari sa audience.
Nagpalakapakan ang mga bisita. Na halata namang galing sa matataas na antas ng lipunan. Mga negosyante at mga mayayaman. 
"Then lets not delay this anymore. Anyway, We are here tonight to welcome my son's homecoming from abroad. He just funished his master's degree in Business Administration. And soon, he will follow my footsteps in the business world. Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit tayo nagtipon-tipon   sa ngayon. I want to formally introduce him to my partners, friends, allies, investors and even competitors in the business world. Soon, he will become the youngest CEO in town at the age of 24. He will inherit Trevino Group of Companies in a few months from now. But for now I still need to hone his skills. Im still giving him time to learn and familiarize the business. Without further adue, I would like to introduce my son, the man I am talking about, Xyrus Trevino". 
Dahan dahan namang naglakad papunta kay Tito ang anak nito. At dahil nasa unahan ang table namin ay malapit lang kami sa kinaroroonan nila. 
Unti unti nang naging malinaw sa akin ang itsura nang lalaki. At parang namamalikmata yata ako. Nakusot ko ang aking mata para siguraduhin kong tama nga ang nakikita ko.
Naalala kong di ko pala suot ang aking eyeglass sa ngayon kasi pinagamit ako ng contact lens ni Anica. Pero kahit wala akong salamin, kitang kita ko naman siya. 
Dejavu! Tama ba ang nakikita ko? Siya ba talaga yan? Siya yong lalaking bigla na lang sumulpot sa harap ko at inangkin akong girlfriend ng araw na yon. 
Napakaliit naman ng mundo. At talagang dito pa kami magkikita. Bigla akong kinabahan. Baka nandito rin yong babae na humabol kuno sa kanya sa mall.To be continued pa yata ang eksena na yon ah! 
No,baka naman nakalimutan na nila yon. Hindi nila ako puwedeng makita.
"Friend, bat parang balisa ka? May problema ba?",si Anica na nakatingin na parang nag-aalala. Kami lang dalawa ang nasa mesa bukod kina miss Farah at sa mga kakilala niya. Sinama kasi si Yen ng kaibigan niya na kapatid ni Xyrus. 
Xyrus Trevino pala? Ang dakilang babaero!. What a world! 
Clap! Clap! Nagpalakpakan ang mga bisita nang tuluyan ng humarap si Xyrus sa lahat. 
"Good evening everyone!",bati nito."I won't make this long. I just want to thank you for coming here tonight. Im not expecting na ganito pala ang plano ni dad....".
Yan ba ang hindi mahaba? Ang tagal namang matapos. Napasandal pa ako sa upuan ko. 
Klooooook!!
Narinig ko na naman ang pagkulo ng tiyan ko. Napatingin sa banda ko si Anica at bahagyang natawa. 
"Anyway", pagpapatuloy nito."Thank you dad, sa lahat. And whatever wishes you have, I'll make sure to do it for you. And everyone, lets enjoy the night.".
Wow! masunuring anak! Bravo! 
At bago pa pumalakpak ang lahat nauna na ako. Dalawang palakpak na matunog lang naman para sa isang masunuring bata. 
Napalakas yata ang pagkapalakpak ko kasi nagsipag-lingunan ang mga tao sa akin. Kitang kita ko  ang ngiti ni Tito Xavier nang mapadako ang tingin nito sa table namin. 
At si Xyrus, para bang inaninag niya kung kilala niya ako.Well, Im not sure kung makilala niya ako ngayon. Kasi hindi ko suot ang eyeglass ko, naka dress ako at nakalugay ang tuwid kong buhok. Ibang-iba sa nakita niya sa mall. 
"So everyone, let the party begins. Foods and drinks are on the buffet table. So just be at home",si Tito Xavier. 
Nagsilapitan na ang mga usherettes para i-guide ang mga bisita sa pagkuha ng pagkain.
"Ani, tara kumuha na tayo ng atin."yaya ko sa kaibigan..At sabay na kaming  pumunta sa buffet table.
Napaka organized naman ng party. May live band pa na tumutugtog habang abala sa pagkain at pakikipagsalamuha sa isat- isa ang mga bisita. 
At dahil gutom, mabilis naming natapos ang aming  pagkain. Hay! patay gutom ang peg ko ngayon. Hehehe! aist ngayon lang naman. 
"Oh my, friend! You wont believe what I'm seeing". napipilitang mag englis si Anica. May ininguso  siyang direksiyon. 
Sinundan ko  ang tinuro ng nguso niya. Nakusot ko ulit ang mata para siguraduhin ang nakita ko.What a small world, Zyra.! Reunion ba to? Bat nandito ang mga taong gumugulo sa buhay kong dati ng magulo. 
"Ang ex mo, nandito rin pala". 
Tumango ako at pinagmasdan ulit ang kinaroroonan nila. Kasama niya ang babaeng ipinalit niya sa akin. Si Amelie Ferrel, isang sikat na modelo at galing din sa mayamang angkan. Siyempre, nag research ako noon para kilalanin ang aking karibal. 
Pero si Amelie ay di ako kilala. Wala siyang alam sa akin. Tanging si Kenzo lang at ako ang may alam sa kung ano kami dati. 
Nakita ko nga na naglalambingan ang dalawa. I sighed. Tanggap ko na ba talaga? Dapat lang siguro para makalaya na ako.Aist! Kaya pala pakiramdam ko ayoko talaga sanang pumunta. 
At least, di ako magtataka kung bakit siya ang pinili mo? Kasi napakaganda at napakasexy niya, mayaman pa at sikat. E, ano lang ba naman ako? Just your ordinary girl. At least, be happy with her for me". napangiti ako ng mapait sa aking naisip. 
"Okay ka lang?",si Anica
Tumango ako"."Oo naman. Ang ganda niya noh. Bagay sila".nasabi ko. 
Hinawakan ni Anica ang kamay ko na nasa hita at hinarap ako. 
"Maganda ka rin naman friend,. huwag kang mag-isip ng ganyan.". aniya na pinisil pa amg kamay ko. Nginitian kk siya at pinisil ko rin ang kamay niya. 
"Pero di  ako ang pinili niya. Balewala pa rin ang ganda ko. Hehehe!".biro ko kunyari pero ang totoo gusto ko na lang maglaho ngayon mismo. 
"Eh, paano tanga siya eh. Nasa kanya na ang pinaka the best na babae, pinakawalan pa niya.". 
"Hahaha! aist, huwag mo na nga akong bolahin".at hinampas ko pa siya. 
Pinakawalan ko na siya at pinaubaya sa iba. Pero di ko pa rin maiwasang masaktan. Masakit pala na makita ang taong mahal ko noon ay may iba nang mahal ngayon. 
Masakit makitang masaya na siya sa piling ng iba samantalang ako nasasaktan pa rin kahit paano. .Nakita ko siyang tumawa at ngumiti. Pero ang nakakalungkot kasi, hindi na ako ang dahilan noon..
Iniiwas ko ang paningin sa kanila at tumingin sa ibang direksyon. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang namamasa ang aking mata. No, hindi na ako iiyak. I'm done with that already.
"Ani, punta lang akong restroom ha!", sabi ko."Di ka ba sasama?". 
"Maya na ako friend, parang punung- puno ang tiyan ko. Baka mahirapan akong maglakad.hehehe!". 
"Sige, aalis muna ako sandali.".at iniwan ko siya doon.
Hindi ko pa rin mapigilang masaktan. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pero kailangan kung magpakatatag. 
'Move on, Zyra.'bulong ng isip ko. 
May nakita akong isang usherette at tinanong ko sa kanya kung nasaan ang   comfort room. Itinuro naman nito. Nasa loob pala talaga ng mansiyon nila ang C.R
Pagpasok ko ay may mangilan-ngilang tao. Parang mga personal na kakilala nila at nagpapahinga. Mayroon ding mga katulong na abala sa kanilang mga trabaho. 
Nakita ko na nga ang Comfort room pero napako ako sa akong kinatatayuan kasi sa tapat ng pinto para sa mga babae ay nakita ko si Kenzo at ang kanyang nobya. 
Bahagya akong nagtago para di nila ako makita.
"Hon, hintayin mo na lang ako sa living room ha" sabi nong babae at hinalikan pa sa lips si Kenzo. Na naging dahilan ng mainit nilang paghahalikan. 
Napapikit ako sa aking mga nakita pero sa pagpikit ko isang butil ng luha ang tumulo. Dali-dali ko itong pinahid ng aking daliri. Napasinghot pa ako. 
Binilisan ko ang aking paglalakad para makaiwas. Baka makita nila ako. Hindi pa ako handang harapin sila. 
May nakita akong isang lagusan.Doon ako  dumaan. At tumambad sa akin ang isang napakagandang fountain na pinalibutan ng mga nagagandahang bulaklak. Parang sandaling nawala ang sakit sa nakita ko. Ang ganda! 
Karugtong yata ito sa garden kung saan dinaos ang party nila pero wala masyadong tao dito.
"Bel?". 
Para akong naestatwa nang marinig ko ang pagtawag na yon. Ako ba ang tinutukoy niya? Kilala ko ang boses na yon. Iisang tao pa lang ang tumawag sa akin sa ganoong pangalan. Pero ang pagtawag niya ay parang patanong. Di siya sigurado.
Ang boses na yon ang dating nagpapawala sa katinuan ko. Ang boses niya rin na yan ang nagpapakalma sa akin sa tuwing nalulungkot ako. Pero ang boses ring yon ang naging daan para masaktan ako. Boses iyon ni Kenzo. 
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Nakatalikod ako sa kanya at nakaharap ako sa fountain. Nakuyumos ko ang laylayan ng aking damit sa sobrang pagkabalisa. Kailangang taas noo ko siyang harapin. 
Kailangang ipakita ko sa kanya na okay na ako at masaya na ako. At least, to boost my ego. Yon na lang yata ang kaya kong gawin. Pinaskil ko sa mukha ko ang isang napakalapad na ngiti. Inayos ko ang aking pagkakatayo. At hinarap ko na siya. 
"Ken!". kunyari pagkabigla ko ng makita siya. "Kumusta?".ako pa talaga ang nangungumusta. 
Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Okay naman ako Bel, ikaw? Sinong kasama mo dito ngayon?". 
Napalingon  ako sa paligid. Wala namang masyadong tao. Baka bigla na lang akong sugurin ng nobya nito. 
"Kasama ko si Anica at si Zienna."sagot ko sa tanong niya kanina. 
Nangalay ako bigla kaya napaupo ako sa may bench sa gilid ng fountain. Habang siya naman ay nakatayo lang. 
"I don't know na pupunta ka pala dito ngayon. Kasi wala ka namang hilig sa ganito",.sabi niyang nakangiti
" Kailangan eh. Nasaan na pala ang girlfriend mo?.". 
"Ohm. Nasa CR lang.". 
"Aist! alam ko, nakita ko kayo kanina. Ang ibig kong sabihin, asan na siya ngayon baka hanapin ka.". 
Nanlaki ang mata niya sa gulat ng sabihin kong nakita ko sila kanina. Eh malamang, masyado kayong PDA. 
"Nakita mo kami kanina?," tanong pa niyang naninigurado. 
Oo nakita ko kayong naglalaplapan sa harap ko mismo. 
"Nakita ko kayong magkasamang pumunta doon".
Nagliwanag ang kanyang mukha. Eh,ano naman kung makita ko kayo sa ganoong ayos. Siyempre, mag-syota normal naman yon. Bat parang ayaw niyang makita ko yon?
"Napakaganda mo ngayon, Bel. Bagay na bagay sa iyo ang damit mo.". 
Nalunok ko ang sarili kong laway sa sinabi niya. Kung noon niya sinabi sa akin yan. Baka natuwa pa ako pero ngayon?.. 
"Huh!", singhal ko."Wag na wag kang magsalita ng ganyan Kenzo, ang pangit pakinggan para sa taong may nobyang katulad mo". 
"Ano namang masama, humanga lang naman ako sayo."
"Humanga your ass! Bat di mo sabihin yang sinabi mo sa akin Kenzo, doon sa girlfriend mo. Baka matuwa pa yon. Kaunting respeto naman sa mga babae.".
"Huwag ka namang magalit, Bel.".
"At anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa at kiligin pagkatapos mong purihin sa ayos  ko. Tarantado! Baka nakalimutan mo kung anong ginawa mo sa akin?".
Akma pa siyang lalapit sa akin."Im sorry, Bel.".
"Ang sorry ay para lang sa mga bagay na hindi natin sinasadya. Pero ikaw, sinadya mong lokohin at ipagpalit ako sa iba. Kaya wag kang mag sorry". 

Komentar Buku (93)

  • avatar
    Steph A Contreras

    I love romance novels and I think this is one of the best romance novels i've read. Thank you and looking forward to read all novels you've wrote.

    26/11/2021

      0
  • avatar
    Princess Caillo

    ang ganda

    20/07/2023

      0
  • avatar
    ClorCristedy

    Salamat po

    23/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru