logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Wala sa sarili akong naglakad papunta sa maraming bulaklak. Ekta-ektarya ito. Nakakabighani ang ganda.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya sa aking puso. Paborito ko ang sunflower dahil sa ganda at kulay nito. Nakapunta na din ako sa mga farm na gaintong-ganito rin pero iba ito. Para akong nasa isang lugar na pakiramdam ko safe ako.
Bawat lalampasan kong mga bulaklak ay napapangiti ako. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko dito. Ito na yata ang pinaka-paborito kong lugar.
Nawala ang pagmamasid ko nang biglang may lumitaw sa harap ko galing sa pagtatago sa isang malakimg bulaklak.
Napahawak ako sa dibib ko dahil sa gulat.
Napapikit ako sa inis dahil si Eli nanaman. Ano bang ginagawa ng mokong na 'to?!
Napapikit ako sa inis. "What are you doing here? I had mini heart attack, don't gulat me again," inis na sabi ko sa kanya.
Patawa-tawa lang siya sa reaksiyon ko, akala mo naman eh sobrang close na namin. Eh kahapon lang kami nagkakilala!
"Bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan? Hindi ba't dapat ako? Ako ang taga-rito at itong lugar na ito ay akin." Seryoso ang pagkasabi niya sa huling pangungusap.
Papaanong naging kanya ito? Well, I'm not being judgemental here but he don't look like rich plus dagdag mo pa ang siya ang katulong ni lolo.
"Whatever you say." I rolled my eyes and continue walking, wala akong pake kung kanya talaga ito. Wala naman ding nakalagay sa labas ng 'no trespassing'.
Hayst, gusto ko lang namang mag-enjoy dito. Etong lalaking 'to, kung saan-saan na lang kasi sumusulpot.
Naramdaman ko ang pagsunod niya pero binaliwala ko ito. Inilabas ko ang phone ko at kinuhanan ang magandang tanawin. Mahilig akong mag-picture ng kung ano-ano. Naniniwala kasi ako na halimbawa kapag kinuhanan mo ng larawan ang isang lugar, kahit umalis ka na dito, kahit ilang taon pa ang lumipas naroon pa din ang larawan at memorya mo sa lugar na iyon.
In this world, the only thing that last are photos.
Nabasa ko iyon noon sa isang vlog. May isang tao kasing nag-recommend no'n na panoorin ko daw, hindi naman ako biniho nito dahil may message and lesson ang vlog na iyon. Tama naman siya kasi hindi mo alam kung kelan tatagal ang isang bagay, maaari itong masira. Isang tanawin, maaari itong masira dahil sa mga kalamidad. At ang tao... maaaring nariyan siya ngayon sa tabi mo pero ang tanong, hanggang kailan? Kaya't hangga't maaari, bawat bagay, tanawin, o tao man 'yan, palagi kong kinukuhanan because 'the only thing that lasts are photos'.
"Gusto mo kuhanan kita ng picture?" biglang sabat nito.
Napaisip ako, may silbi din pala pagsulpot-sulpot niya.
"Do you know this thing?" inosenteng tanong ko. I'm not being mean here, huh!
Tumawa siya ng sarkastiko. "Anong akala mo sa mga taga-rito, walang ganyan?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Well, maybe? But I'm serious, do you know how to use this?" tanong ko muli.
He look away and clench his jaw, hindi makapaniwala sa tinatanong ko sa kanya. Malapit na siyang mapikon kaya tumawa ako.
"I was just joking, you're too serious."
Iniabot ang phone ko. Sayang at hindi ko nadala ang camera ko, mas maganda pang-picture 'yon.
"Smile!" he said.
"Okay na, akin na." Nang makuntento ako. Pokus na pokus kasi siya, akala mo naman photographer. Baka kapag chineck ko mga kuha niya, puro blurred.
Nang tiningnan ko ang mga kuha niya ay okay pala.
May isang maliit na silungan doon kaya doon ako pumunta pero dahil nga para siyang aso, sumunod nanaman sa'kin. Hindi ba niya nahahalata na gusto ko mapag-isa?
Umupo ako sa may dulo ng upuan, sa kabilang dulo din siya.
"Alam mo ba..." panimula niya.
"Hindi," simple kong sagot.
Tumawa siya ng mahina. "Pilosopo ka 'no? Pero by the way, paborito kong lugar 'to. Lagi ako dito, kapag wala ako dito, nandoon ako sa dagat," mahina niyang sabi. Nakatanaw kami sa ekta-ektaryang sunflower.
"Ang ganda nga niya, kung dito ako nakatira. Siguradong nandito ako palagi. Paborito ko kasi ang sunflower," I said, maganda naman siya kausap ngayon.
"Gusto mo kuhanan kita ng isa?" tanong niya
Tumaas ang kilay ko. "Baka mapagalitan tayo ng may-ari."
Tumingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. "Hindi ba sinabi kong sa'kin 'to?"
"Whatever!"
Binaliwala ko ang sinabi niya.
"Paborito mo ba ang kulay dilaw?" biglang tanong niya.
Tumango ako. "Yes. Yellow means hope, na kagaya ng sunset ipinapahiwatig palagi nito sa akin na palaging may hope, na kahit mahirap ang sitwasyon, there's always hope. It is the color of the sun, smiley faces and sunflowers. It's a happy and youthful color," sagot ko.
"That's nice."
"You?" pabalik na tanong ko.
"White," maikling sagot niya.
"Plain," tugon ko.
I heard his chuckled.
Kahit may kaunting hangin ay napakinit na kaya pinusod ko ang buhok ko, napatingin siya sa bracelet na suot-suot ko, iyong binigay ni lolo. Tiningnan ko siyanng nagtatanong na tingin.
"Ang ganda ng bracelet mo, bagay sa'yo," Ngumiti siya habang nakatingin dito.
I look at it and it suits to me.
"P-pamilyar sa a-akin iyan" seryoso niyang sabi
"Bagay na bagay talaga sa'yo iyan, Hiraya. Napakagaling kong gumawa, hindi ba?" Kanina pa naririndi ang babae sa kaibigan niyang lalaki sapagkat paulit-ulit ito ng sinasabi, palibhasa, ngayon siya lang nito nabigyan ng regalo.
"Oo na, Lucas."
Iyon lagi ang sagot niya kapag tinatanong siya nito.
"Para namang ayaw mo!"
Parang batang nagmamaktol talaga ito kahit kailan.
Hinarap niya ito. "Eh anong gusto mong reaksiyon ko? Hindi ba't noong una mong ibinigay sa akin ito ay sobrang saya ko? Hayaan mo, hindi ko ito iwawala. Pangako. Basta huwag ka nang maingay sapagkat ako'y naririndi sa iyong boses," mahabang litanya nito.
Napangiti naman ang lalaki sa sinabi nito. "Saan nga pala tayo pupunta?" tanong nito sa kaibigan.
"Ako lang, Lucas."
"Ha? Paano ako? Iiwan mo na ako? Kaibigan mo ako, Hiraya. Hindi mo na ba ako mahal? Ganyan ka na ba--" naputol ang sasabihin nito nang batukan siya ng babae.
Agad namang kumaripas ng takbo ang babae kaya naghabulan sila hanggang makarating sila sa hardin ng mirasol, ang paborito nilang lugar.
Nang mapagod ay sabay silang umupo sa isang kubo na tanaw ang buong hardin.
"Hiraya!" tawag nito.
Lumingon ang babae. "Ano iyon?"
"Kung mabubuhay ka muli sa susunod na panahon, gusto mo pa din ba akong maging kaibigan?" tanong nito.
Natawa ang babae. "Paano ko naman malalaman na ikaw iyon? Kung mabubuhay muli tayo sa susunod na panahon, sigurado akong ibang katauhan na iyon. Paano ka nakakasiguradong magkakatagpo muli tayo?"
Tumingin sa kalangitan si Lucas, tila nag-iisip.
"Hiraya, gagawa ng paraan ang tadhana, kakampi ko kaya ito."
"Hmmm... Kung ganoon. Oo, kakaibiganin pa din kita," ngumiti ang babae.
Sa loob-loob ng lalaki ay nasaktan ito 'pagkat hinihiling niya na kung hindi man sila ngayon, dinadalangin niya na kahit sa susunod na buhay, piliin naman siya nito.
Ngumiti na lang din ang lalaki. "Mabuti kung ganoon, kung hindi ay magtatampo talaga ako sa'yo!" maktol nito.
Tinawanan lang ito ng babae. "Lucas, sa tingin mo. Sa susunod kong buhay, mababa pa din ba ang estado ko? Siguro kung mabubuhay muli ako, sana ang itatadhana sa akin ay ka-estado ko lamang sapagkat kay hirap magmahal ng hindi mo ka-estado," mahina nitong sabi.
"May nagmamahal din naman sa iyo na ka-estado mo ngunit, masyado kang abala sa iba..." mahinang tugon ng lalaki kaya't hindi naintindihan ng babae.
"Ano iyon, Lucas?" nagugulumihan na tanong ni Hiraya.
"Wala. Sana nga, Hiraya..."

Komentar Buku (181)

  • avatar
    Smirk Wei Jha Wuxian

    ang ganda ng kweton

    17/03

      0
  • avatar
    RamayanRonald

    maganda talaga store NATO

    10/11

      0
  • avatar
    Efrylle Trisha Abad Tero

    nicee

    09/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru