logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Ikaanim na Yugto - Walang Papalit

"Sa piling mo'y walang kibo
Ngiti'y di maalis
Sana'y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit"
- Walang Papalit by Music Hero
*******************************
"So Ate, sino ang Jade na yan? Boyfriend mo? Pumapag-ibig kana ah." Hays, tong pinsan kong ito, kung mambintang eh parang kilalang-kilala niya kong sino si Jade.
"Clea, ano kaba? Hindi no, si Jade, ang pinakamayaman na lalaki sa school namin, pamangkin siya ng may-ari ng school, and then, badboy, bulakbol at parating nang-aaway yun sa school namin. Number 1 bully yun noon. Frenemy ko na siya, simula nong niligtas niya ako-" Hindi ko nalang tinuloy ang sasabihin ko. Di pa nila alam yung nangyari sa akin nong nakaraang linggo. Ayaw ko sabihin dahil alam kong mag-aalala ang mga kapatid ko lalo na rin tong babaeng to. Ayokong ganun. Okay narin naman ako ngayon.
"Niligtas ka nong ano Ate?"
"Ah, wala naman. Niligtas na ano? Wala naman akong sinabi na ganun."
" Weee? Parang meron eh"
" Wala! Wala! Promise!"
" Okay, pero ate, nabanggit mo, diba magkaaway kayo dati, tapos naging best friend na kayo, eh, ate hindi naman sa sinasabing kong nagdududa ako jan kay Jade, pero Ate baka kasi, mabait na siya dahil gusto kaniyang gantihan. Baka, patibong niya lang yun."
Mukhang may point naman si Clea. Pwede rin naman. Naging mabait siya ngayon dahil baka gusto niya akong gantihan. Ba't di ko naisip yun. Pero, kasi iba yung pakiramdam ko. Totoo yung mga pinapakita niyang kabutihan sa akin, hindi Fake. Hindi niya naman niloloko. Pero, posible eh.
Naglalakad kami pauwi ng bahay ni Clea nang patakbing lumapit sa amin si Teresa, ang kasamahan ko sa patahian. Hinihingal siya pero parang mahalaga ang sasabihin niya sa akin.
"Teresa, bakit? Anong problema?"
"Faith, Kyline, umuwi na kayo! Bilis! Si Madam Martina na sa bahay niyo, binubulyaw at sinasaktan si Kyle!"
" Ano! Bakit? "
" Basta pumunta na kayo doon. Hindi namin maawat si Madam ji Mam Trina kaya hinanap ka namin pero di ka pa pala nakauwi. Bilis na! "
" Si Kyline? Nasaan?"
" Na kay Madam Trina, dinala muna siya ni Madam sa patahian para pakalmahin kasi, di siya maawat sa pag-iyak."
" Sige, Teresa. Salamat! "
Tumakbo na kami papasok ng iskinita ni Clea. Anong nangyayari? Anong dahilan bakit sinasaktan niya ang kapatid ko? Madaming tao ang nakikiusyoso.
"Sandali! Mama! Tama na!"
"MABUTI AT NANDITO KANA FAITH! MABUTI DAHIL NANDITO KANA DAHIL ITONG KAPATID MO! WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAGBULAKBOL!" Ano? Magbulakbol? Hindi naman nagbubulakbol si Kyle ah.
"Mama, ano pong sinasabi nyo?"
"ITO ANG MGA REKLAMO NG MGA TEACHERS NIYA, ANG REPORT CARD NA PURO 75 ANG GRADO! HINDI SIYA PUMAPASOK NG ESKWELAHAN DAHIL MADALAS SIYANG NASA COMPUTER SHOP! AYAN FAITH, TINGNAN MO ANG GINAWA NG MAGALING MONG KAPATID!"
Hindi totoo yan! Paano? Eh, nag-aaral siya palagi. Ibig sabihin, niloloko niya lang ako? Hindi siya nag-aaral kundi nasa Comouter shop parati at naglalaro! Kyle!
Napatingin nalang ako kay Kyle na nakayuko at pinipigil ang pag-iyak niya. Hindi ko mapigil ang sarili kong sumbatan siya. Papano? Naiiyak ako sa mga nalaman ko sa kanya.
"K-kyle? Paano mo nagawa to?"
"MABUTI PA FAITH, IKAW ANG DUMAKDAK DIYAN SA KAPATID MO! NAKAKAPANG-INIT NG ULO! BWESIT!"
Umalis na si Tita. Pati ang mga tsismoso at tsismosa! Di ko maisip, di ko kayang maniwala na nagagawa ito ni Kyle.
Nilapitan ko siya. Naaawa ako sa kapatid ko pero, anong dahilan kong bakit niya nagagawa to?
"Kyle? Kyle? Halika, tumingin ka nga sa akin, Kyle.." malumanay kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin. Umiiyak na siya. Niyakap ko nalang siya.
"S-sorry ate, di ko iniisip ang lahat ng mga ginagawa ko. Sorry!" Napahagulgol siya. Masakit para sa akin, na nakikitang umiiyak ang kapatid kong ito, si Kyle. Minsan ko lang siyang makitang ngumiti, sa tuwing pinapatawa siya ni Kyline, sa tuwing nagkukulitan kaming tatlo at naghahabulan. Seryoso siya at tahimik lang.
"Bakit mo ginawa yun Kyle? Alam mo namang masama yun diba? Bakit mo pinabayaan ang pag-aaral mo? Alam mo bang yun lang ang tanging kayamanan mo pagdating ng araw? Kyle, bakit?"
" Kasi ate, niyaya ako ng mga barkada ko. Di ko talaga gustong sumali pero, nong nasubukan ko hindi ko na mapigilan. Halos lahat ng baon ko napupunta doon, wala na akong oras pumasok sa klase."
" Pati baon mo? Kyle, yung mga binibigay ko sa inyo ni Kyline na galing sa dugo't pawis ko, kumakayod ako para sa inyo. Para sa iyo, para sa atin. Tinitiis ko ang lahat ng pagod at hirap para, para may ibigay ako sa inyo, kahit na hindi sapat!" Hindi ko mapigilang mapataas ang boses. Nadismaya ako. Di ko akalain na ang lahat ng to, lahat lahat.
"Yun lang naman ang hiling ko diba, makapagtapos kayo ng pag-aaral. Magkaroon ng magandang buhay. Yun ang pangako kina Mama at Papa, pag-aaralin ko kayo, itataguyod ko kayo. Kyle, hindi mo ba naiisip yun?"
" Naiisip ko yun Ate!" Di ako makapaniwalang, sisigawan niya ako nang ganito, di ko akalain na nagagawa niya akong sagot-sagutin.
"Oo Ate! Para karing si Mama eh! Oo na kasalanan ko. Ako na ang walang kwenta. Walang patutunguhan pero, ate lahat ng to may dahilan, at alam mo kong ano ang dahilan, nakakalimutan ko yung mga problema at pangungulila ko kay Mama at Papa Ate kapag nakakapaglaro ako. Di ko naiisip yun, lahat ng yun! Kasi, ate, kailangan ko sila eh. Gusto ko silang mabuhay. Gusto ko silang kasama!"
" Kyle, alam ko ang nararamdaman mo. Naiintindihan kita. Pero, sana kaunting koordinasyon naman, Kyle, nahihirapan rin ako. Nahihirapan! Sobra-sobra! Mas doble ang sakit na nararamdaman ko kesa sayo! Nakikita niyo ba akong malungkot? Hindi, dahil ayokong sumuko at ipakita sa inyo na mahina ako at di ko kayo kayang alagaan. Lahat gagawin ko para sa inyo! Hindi pa ba sapat yun? Ni minsan ba nakita mo akong nagsisi sa kalagayan natin? Hindi. Kasi ito ang pinagkaloob sa atin, problema, pero lalampasan natin to nang magkakasama!" Di na maawat ang mga luha ko. Di ko maatim na ganun kababaw ang rason niya para pabayaan ang pag-aaral niya. Niyakap ako nang mahigpit ni Kyline na hindi rin tumitigil sa pag-iyak. Di ko maisip na ganito ang magiging relasyon namin ng mga kapatid ko.
"Mahal ko kayo Kyle! Kaya, ano man yan, kahit kailangan ko pang isakripisyo ang lahat, basta para sa inyo, para lang sa inyo. Pero anong magagawa ko, wala tayong pero para maibigay ang mga pangangailangan niyo. Yung mga gusto niyo!"
Hindi na siya makatingin sa akin. Nilapitan ko nalang siya at niyakap.
"Sorry Ate! Sorry! Ate, pangako, babawi ako. Sorry sa lahat"
" Sige, tahan na. Basta, lagi niyong tatandaan, kahit na anong mangyari, walang iwanan. Kahit saan, kahit kailan, sa hirap man o ginhawa di mawawalay sa isa't isa. Tandaan niyo, na mahal na mahal na mahal ko kayo, Kyle at Kyline. Kayo ang lakas ni Ate!"
Hinalikan ko ang kanilang noo. Magkakatabi kami sa kama habang akap-akap nila ako. Di ko maiwasang maiyak. Mahal ko sila. Gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sila nalang ang natitira sa akin. Kung sakali mang, darating ang araw na mawala ako sa tabi nila, ang pagmamahal ko sa kanila ay di kailanman mawawalay sa puso't isipan nila.
"Ate, kantahan mo nga kami."
"Oo Ate, kantahan mo kami, para makatulog kami!"
" Sige ba, ang awitin na ito ay pinamagatang, Tupad Na Ang Pangarap Ko....."
Kayraming pangarap
Minsan natutupad, minsan di para sa atin
At sa mga pagkakataong ito
Ako'y nagpapasalamat parin
Sa pagsikat ng araw, liwanag ng buwan at bituin
Tubig sa dagat, mga puno't bundok
Sariwang simoy nang hangin
O kay ganda, ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang Pangarap ko
Tupad na ang Pangarap ko
Sila lang ang mga taong maituturing kong kayamanan sa buong buhay ko. Pinapangako kong habangbuhay, mananatili ako sa tabi nila, gagabay, kakalinga at magmamahal sa kanila nang walang hanggan....
HABANG nag-aayos ako nang sarili dahil mamayang alas-otso ay magtatrabaho na ako sa patahian ni Aling Trina. Nakatulog na ang dalawa. May iniwan rin akong sulat sa tabi ni Kyle kong sakaling magis8ng it9 para magbanyo. Nilock ko na ang  pintuan. May susi naman si Kyle at kung may emergency ay maaaring makalabas naman sila agad. Chineck ko ang mga switch, yung pugon namin, yung mga nakasaksak at iba pa. Parati ko rin silang pinaaalahanan na mag-ingat. Medyo may kalayuan rin ang pinagtatrabahuran ko sa bahay namin. Kahit na delikado, kailangan kong kumayod, araw gabi para sa pantustos sa mga pangangailangan namin. 
Pagkapasok ko sa kwartito namin na puro makina ang makikita at mga mannequin na pinaglalagyan ng mga binurda naming damit. Gumagawa kami ngayon ng damit pangkasal. Ako ang naging designer at nagbigay ng idea kung ano ang nababagay na style nang damit sa mayaman naming kliyente. Malapit narin namin itong matapos at kaunting palamuti ay maayis na ito. Next week na ito kailangan dahil sa susunod na linggo, kasal na nang may-ari. Ako palang mag-isa, siguro ay nasa kapehan pa ang mga kasamahan ko at nagchichikahan.
Tinitigan ko nang mabiti ang damit na ginawa ko. Maganda ang ayos, animo'y parang isang reyna ang susuot nito. Gusto ko nang ganitong gown na maisusuot kung ikakasal ako. Ako mismo ang gagawa at magdidisenyo. Nagawi ang mga mata ko sa singsing na suot ko ngayon sa kaliwang kamay ko. Hindi ko alam kong kanino galing ito, dahil sabi sa akin ni Mama ay binigay daw ito dati ng kababata ko. Hindi ko naman maalala kong sino kasi, bata pa ako nun at wala pa akong muwang sa mundo. Sinuot ko nalang ito, bilang ala-ala ng mga ngiti ni Mama nang binigay niya sa akin ito nong, 14 years old ako.
Di ko namalayang kanina pa tumutulo ang mga luha ko habang minamasdan ang singsing na nasa kamay ko. Parang may kung anong kirot ang dala nito sa puso ko, may naka- engraved pang salitang "La Promesa, Mi Amor". Nakaramdam ako nang lungkot at galit sa hindi ko malamang dahilan. Huminga nalang ako nang malalim dahil baka nangungulila ako kay Mama. Pinagpatuloy ko nalang ang pag disenyo ng mga bulaklak sa belong pangkasal. Nagsidatingan na ang mga kasamahan ko. Binibati nila ako at nginingitian ko nalang sila. Lima lang kaming babae dito, kaya ako at si Jennifer ang close dito.
"Day, kamusta? Narinig ko yung nangyari kanina sa bahay nyo, lamusta na ang mga kapatid mo? Sinaktan ba sila nung dragon mong madastra?"
" Hindi naman, mabuti nalang dahil, nakauwi agad kami ni Clea. Ayos narin sila."
" Eh ikaw? Anong problema at bakit ganyan ang fliss mo? Haggard ah! Namumutla ka oh. Gusto mo nang kape?"
" Uh, hindi na. Nakapagpahinga naman ako eh. Tsaka, pagod lang to, mawawala rin to mamaya."
" Naku Day, sinasabi ko sayo, wag mong abusuhin ang sarili mo. Marami kapang mararating oh."
" Sige ba. Salamat Jen!"
" Ayos Day! Basta ikaw!"
Hinanap ko ang isang telang puti na para sa dagdag na tabas nang gown. Nasa kabualng side oa nang table ni Lea. Kukunin ko na sana ito nang biglang umikot ang paningin ko, napatabig ako sa mesa at nahulog ang mga sinulid at ikinagulat nila.
"Feng, ayos kalang"
"Feng..."
Patuloy pang sumasakit ang ulo ko. Di ko mapigil. Napasigaw ako.
" Aray!"
" Dyos ko, tawagin niyo si Madam"
"Faith, Faith!"
Sa sobrang sakit ay sa tingin ko ay tuluyang nang namanhid ang katawan ko at bumagsak sa sahig at tuluyang nawalan nang malay.
*******************************
Naalimpungatan ako sa lakas nang kabog ng dibdib ko. Di ko maipaliwanag. What the! Binangungot ako! May nakita akong babaeng humihingi ng tulong, di ko siya mamukhaan at naliligo siya sa sariling dugo. Nakakatakot. Napatingi ako sa oras. 8:30 pm. Sus, nakatulog agad gaking sa school. Dina ako nakapag-bihis pa.
Pababa na ako nang hagdan nang makita ko sina Mom and Dad sa veranda. Kinakausap nila si Sunshine at parang umiiyak.
Anong gingawa nila at bakit may mga maleta sa tabi nila?
"Mom, Dad what's happening?"
Napatingin agad sila sa akin. Nginitian lang ako ni Mom. And as usual, busangot lang ang mukha ni Dad but now, he's angry.
"Mabuti at lunabas na rin sa lungga mo! You know what! Kajit kailan Jade! Kahit kailan wala ka talagang kwenta!" Ano naman bang kasalanan ko? Wala naman akong ginawa. Kakauw8 nalang nila ganito lang ang isumsumbat nila sa akin? Sanay na ako na tuwing nandito sila, puro away lang ang nangyayari sa amin ni Dad. Even si Mommy, she doesn't seems to care!
"What? Fine, i know ako na yung walang kwenta. Pero, di ko alam oong saan naman nanggagaling yan galit mo." Mahinahon kong sabi sa kanya. Ayaw ko nang away ngayon, badtrip ako at pagod.
"Ah, talagang wala kang alam o nagmamaang-maangan kalang? Here, look! Ito ang report card mo! Sige, anong klaseng grado yan? Ha! Tell Me, Jade Tristan! Tell me!"
" Wala akong sasabihin sayo Dad, nandyan na yan eh, ano pang magagawa ko. Wala parin naman akong kwenta kahit na baguhin pa yan. Sabi nyo diba"
" Aba! Kung hindi dahil sa tito mo na CEO ng school na pinapasukan mo ay malamang wala kanang mapapasukan, hindi kana makakapag-aral! Wapa kang utang na loob, Jade! Wala. Kaya this time, isasama namin si Sunshine sa business trip namin sa Canada mamaya."
Ano? Hindi nila pwedeng dalhin si Sunshine. Mag-isa na naman ako.
"No! Hindi. Dito lang si Sunshine. Aalagaan ko siya. Basta dito lang ang kapatid ko!"
"Aalagaan? Did you hear you're self Jade? Pag-aaral mo napapabayaan mo, kapatid mo pa kaya? Baka kung ano pang mangyari sa kanya kapag nag-stay pa sya dito. Di mo sya mababantayan. Dahil puro ka busy sa mga kalokohan mo."
" Hindi. Dad. Sunshine olease stay with me!"
" No! Hindi ko siya ipagkakatiwala sayo Jade. Pababayaan mo lang siya. Ayoko nag maulit ang nanguari sa kapatid mo. Ayokong masaktan siya dahil sa kapabayaan mo."
" Dad!"
" Enough! Halika kana Sunshine. Pumasok kana sa sasakyan."
" No! Hindi! Dad!"
" Kahit kailan, hindi na kita pagkakatiwalaan dahil wala kang kwenta! Wala kang utang na loob! Nakakahiya ka!"
Hindi pwede to. Okay lang kong ano pang sabihin niya, basta wag niya lang ilayo sa akin si Sunshine.
"Anak, please wag na natin pahabain pa. Please, just calm down. Sundin nalang natin ang Dad mo."
What! Sundin. Siya nalang parati ang masusunod. Ano pa bang gagawin niya? Lahat-lahat nalang.
"Mom, please! Wag niyo ilayo si Sunshine sa akin."
" Kung ako lang ang masusunod, gusto ko kayong kasama anak. Pero...."
Yeah, parati nalang Dahil siya ang ama, siya ang masusunod.
Umalis na sila. Kahit anong pilit kong huwag nila ilayo sa akin ang kapatid ko. Ayaw nila.
"Arghhhhhh! Sunshine!"
Ganito nalang parati ang takbo ng buhay ko. Ayaw na nila akong pagkatiwalaan. Ang tingin nila sa akin, wala na akong pakinabang at walang kwenta. Ganyan sila. Wala silang pakialam na may anak pa sila. Na may nangangailangan rin ng pagmamahal nila. Buong buhay ko, di ko naranasang magkaroon ng ama at ina sa tabi kahit nandyan sila. Parati silang umaalis at walang oras para sa akin. Masakit sa akin yun. Tanging hinihingi ko lang, atensyon, tiwala at pagmamahal.
Pero ang mga iyon na sana'y ang sarili kong magulang ang magpaparamdam nun, ni hindi nila maibigay. 
Umalis nalang ako. Pumunta sa bar. Gaya ng dating gawi. Magpakalunod sa alak. Alak lang kasama ko sa buhay, mula noon. Wala akong pakialam.
Uminim lang ako nang uminom. Di ko rin mapigil na umiiyak dahil kahit na brusko, mahina ako.
" Kahit kailan, hindi na kita pagkakatiwalaan dahil wala kang kwenta! Wala kang utang na loob! Nakakahiya ka!"
"You  know what! Kahit kailan Jade! Kahit kailan wala ka talagang kwenta!"
Grabe no! Sariling pamilya, tingin sayo parang ibang tao, di ka pinagkakatiwalaan. So ano pang makukuha mo? Pera lang nila ang mahalaga. Wala na.
" Yun lang gusto ko, mamahalin, pagkakatiwalaan at pahalagahan man lang. Sana, merong taong magpaparamdam sa akin nun."
After nang ilang oras kung emote, i decided to go home. Pero, nahihilo na ako. I go to the nearest convenient store, buti at bukas pa. Bumili ako nang tubig, dalawang bote! Pero wala paring epekto! Di ako pwede mag-drive nang lasing! Mapapahamak ako. Pero siguro mas mabuti nalang. Para matapos narin lahat.
Aalis na sana ako, nang may tumawag sa akin. Di ko alam kong namamalikmata lang ako o ilusyon ko lang ang nakikita ko. Si Bakekang Tapang este si Faith!
"Jade! Huy!"
Nilapitan niya ako. Di na ako makatayo nang maayos dahil mas lalo pang tumindi ang sakit ng ulo ko.
"Jade, naku anu bayan! Bakit ka naglasing"
"Faith, iiwan mo rin ba ako?"
" Ha ano? Anong iiwan? Broken ka ngayon? May GF ka? Hala, talaga? Parang wala naman. Di ka naman pogi" Iba rin tong babaeng to noh, sasagutin na ngalang sasabihin ko. Manlalait pa.
"Anong sagot mo?"
Tinitigan niya lang ako. So, gaya rin pala siya ng mga magulang ko? Mabuti pa sina Raven, nandito palagi sa tabi ko.
"Ayos lang wag muna sagu-"
"Oo naman. Dito lang ako, di kita iiwan Jade"
Ayoko mang bigyan ng ibang meaning yun.  I stare at her surprised! Nagulat ako. Di ko rin maintindihan kong bakit di ko maalis ang mga mata ko sa kanya at ang pakabog ng dibdib ko. Then, she hugged me so tight!
"Kahit di mo man sabihin, kahit di mo man ipagsigawan sa mundo, di ko man alam kong gaano ka kahirap ang pinagdaraan mo, alam ko ang nararamdaman mo Jade. Nag-iisa kalang sa mundong sa tingin mo, wala kang maiia-ambag. Magkaibigan na tayo diba? Quits na tayo? Kaya...."
Humilay siya sa akin. Tinitigan niya ako. Napahinga lang siya nang malalim. Samantalang ako, di ko maalis yung mga mata ko sa kanya.
"Kaya, sasamahan kita, naiintindihan ko ang hirap ng mag-isang hinaharap ang lahat ng problema. Dito lang ako Jade, ilabas mo lang ang bigat na nararamdaman mo"
Niyakap niya ako ulit. Di ko akalain na nandito siya. Para sa akin? I hug her. I felt love on her arms. Kaya di ko mapigilang umiyak. Gaya nang sabi niya, ilabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
It took for awhile, then umulan na.
We're on each other's arm beneath the rain
~Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo'y walang kibo
Ngiti'y di maalis
Sana'y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit~
*******************************
Please vote and comment Guys! Maraming Salamat!
Huling Sandali by fabulousqueenangel

Komentar Buku (132)

  • avatar
    Christine Marie Cadiatan Emot

    I love your story🥹

    12d

      0
  • avatar
    RishlyRishly

    nakakaiyak😭

    11/08

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    verry nice

    10/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru