logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 6 Ikalimang Yugto - Liwanag

"I'm stuck in the dark
But you're my flashlight
You're gettin' me,
Gettin' me through the night
You're my Flashlight..."
- Flashlight by Jessie J
************************************
"Stay away from my Girl Trevor! Or else, i will kill you!"
J-JADE! Totoo ba ito?
Sinuntok niya nang pagkalakas-lakas si Trevor! Jade, totoo ba talaga to!
Basag ang mukha ng hayop. Napakasama niya... Di ko aakalain na magagawa niya.
Niyakap ko nalang ang sarili ko. Iyak ako ng iyak. Di ko maarim na nangyayari ito. Nagulat ako nang may nagpatong nang jacket sa akin at niyakap niya ako. Salamat Jade. Salamat
"Tahan na, Faith, nasasaktan ako pag umiiyak ka. Ihahatid nalang kita. C'mon." Napatango nalang ako dahil di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nagulat talaga ako. Di ako makapaniwala.
Inalalayan niya ako pasakay sasakyan niya. Di ko alam pero, parang iba ang pakiramdam ko tuwing hinahawakan niya ako. Habang nasa biyahe kami, naalala ko na naman ang nangyari. Naiiyak na naman ako. Nakita kong sinusulyapan nya ako. Di ko kaya. Ang sakit! Pinipigil kong di humagulgol. Pero di ko magawa. Nakakahiya lang sa kanya.
"Faith, punta muna tayo sa 7 Eleven." Napatango nalang ako. Hanggang ngayon di ko maibuka ang bibig ko, di ko parin kayang magsalita. Nahihiya na ako. Pipilitin ko parin.
"Jade, salamat, salamat kasi tinulungan mo ako." Napangiti lang sya. Ay kapogi naman! Ayy hehe! Kinikilig organs ko! Mamaya na ang landi! Heh!
"Huwag kang mag-alala, ayos lang. Sa susunod, mag-ingat ka na. Babalikan kapa nang hayop na yun" He smiled. Concerned citizen pala si Kuya! Keleg ake! Hihi! Ampogi pala niya talaga!
Nakarating na kami sa store. Binilhan niya ako nang coffee. As usual, nagkausap kami. Humingi ako nang sorry sa kanya, sa mga nasabi ko lately, lalo na guilty ako sa mga sinumbat ko sa kanya. Utang na loob ko pa ang buhay ko sa kanya. Then, hindi ko inexpect yung susnod niyang gagawin, ANG NAG-IISANG JADE THE VENOM AY HUMINGI NG TAWAD SA HARAPAN NG PRETTY COOL NA FAITH LIBERTY! Hehe! Ako na eh! Me already! He's cute, masasabi mong may itsura talaga sya kasi kung wala, parang faceless villager lang siya minecraft noh?
Napag-alaman kong kakarating lang daw nang kapatid niyang napaka-espesyal sa kanya, kinuwento niya yung closeness nila tapos yung incident na nangyari dito. Dun ko narealize, Ito ang totoong Jade, makikita mo sa mga mata niya ang lungkot, kapag ngumingiti sya, hindi umaabot hanggang mata. Puro sakit at pighati ang dala-dala nya kaya, sya nagiging bulakbol, dahil sa atensyon, tiwala at pagmamahal na tanging hinahangad niya mula sa mga taong nasa paligid niya. Nakatitig lang ako sa kanya ng matagal. Pinagmamasdan ko sya. Di ko makita yung Jade na demonyo sa kanya, para lang siyang, ordinaryong tao na dinadapuan rin ng Problem Fever. Sana, maging okay na siya. Nagulat lang ako nag pitikin niya yung noo ko at sinabing "Ayusin mo yung jacket ko, kita kaluluwa mo, Gurl!" Napatawa nalang ako. Pati sya. Gosh yung tawa niya, parang pamilyar na pamilyar. Di ko lang maexplain. Hihi!
Kinuwento ko rin sa kanya na date namin ng kapatid kong babae. Medyo naging seryoso yung mukha niya nong binanggit ko yung Darling at Baby, hehe, selos ba sya? Kala niya may BF ako! Hihi! Asa ka, Faith!
Sinabi ko rin sa kanya na, kailangan ko nang umuwi kasi maghahanda pa ako ng hapunan at papasok pa ako sa patahian ni Aling Trina mamayang alas-otso. Napatango naman siya.
Hinatid na niya ako sa bahay, salamat naman. Pero aaminin ko, gumaan pakiramdam ko nung kasama ko sya. Sobra!
"Uhmm, Jade, salamat talaga ha. Di ko akalain na mabait ka naman pala. Utang na loob ko sa iyo buhay ko. Sorry rin sa mga nasabi ko sayo." Napayuko ako, di ko sya kayang tingnan ng diretso sa mga mata niya dahil natatakot akong mapaiyak na naman ako dahil.... Dahil sa pagmamalasakit niya. Pero nagulat ako nang i-angat niya yung ulo ko at ngumiti ng matamis. Luh! Grabe!
"Its fine. Ako rin sorry rin ha. Pero sana.... Uhmm, pwede ba tayong maging magkaibigan?" Huwatt! MyGhed! Really? Gusto nya akong maging kaibigan? Yippee! May kaibigan na ako for the first time! Ang saya!
" Uhmm, pwede naman. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Sige ba! So friends na?" Ayy! Ano tong nasabi ko? Ayyyyyyyy oh my bibiselp! Hu! Relax, organs ko!
I offer my hand to him, then, then, thennnnnnnnnn......... Nagshake-hands kami! Ang lambot ng palad ha! Kinis, kamay-mayaman talaga. OMG! TOTOO! Friend na kami!
" Thank you so much, Friend!".
I hug him! Napasaya lang ang lola nyo, ganito ako eh! Basta masaya ako, mahilig akong mangyakap! Medyo nagulat sya! Hihi!
"Bye! Ingat pauwi, Jade"
Hinintay ko muna siyang makaalis pero.... He insisted na...
"Sige na! Pasok kana, gabi ne oh! Ingat karin, Faith! Goodnight"
"Goodnight, Jade"
Pumasok na ako sa gate. Hay! Sa tingin ko parang kamatis na ang face ko then, di ko maexplain tong tibok ng heart ko kong normal or abnormal heartbeat to! Nakangiti lang ako papasok ng bahay. Ayy! Andito pala qng jacket niya! Hehe, bango naman!... Hehe, minsan lang naman kiligin eh! Pero, wala muna to sa priorities ko, alam ko namang hindi ako type nun. Dating player yun.
Unang pagkakataon, nakaramdam ako nang pagmamalasakit, pag-aalala at pagbibigay ng halaga ng isang tao. At ang taong higit na nagpaintindi sa akin nun ay walang iba kundi si Jade Tristan Ruiz.........
************************************
Siguro naman, pag nakagawa ka talaga ng isang bagay na hindi mo inaakalang magagaw mo sa tanang buhay mo ay magiging masaya ka no? Ewan ko sayo?
Pero sa akin, napakasaya. Ang dami pala talagang pagkakataon para magbago no, pero tamad kapang o kaya di mo naiisip pa dahil sa dahilan mong baliktad. Tss. Nakakasakit naman ang salita na Baliktad.
Habang buhay may panahon na magigising ang mga tao sa katotohanan. Magigising sa mga kahibangan, at magbabago. Hindi natin, alam hindi natin sigurado. Pero alam kong darating yun.
For me, Faith is my Light. Siya ang liwanag ko. Naliwananagan ako sa mga bagay. Simula nang dumating siya.
"You know kuya, tama naman ata nun si Faith bayun? I think may point siya sa sinabi niya sayo nong time na nagkita kayo, hahahahh! Nag-away pa talaga kayo!" Hahaa! Grabe talaga pag-kausap ko tong Sunshine, lahat nalang ng bagay, napapansin niya. Simula nong umuwi galing kina Faith, iba raw ang awra ko, parang masaya, tapos nung tinanong niya ako, di niya inexpect na pangalan ng babae ang i-oopen up ko sa kanya. Inaasar pa ako na, magkaka-lovelife na. Tss, hindi mangyayari yun.
" Alam mo Kuya, iba talaga ang feeling no? Feeling inlove ha!"
"Hindi nga! Hindi ako inlove ah! Siya di ko type yun no? Lalaki payun sa akin"
" Ewan, basta Kuya! Maniwala ka sakin, you're inlove! Hihi! Si Kuya Inlab, si Kuya Inlab!"
Naghabulan nalang kami dalawa. Hay naku! She's 18 but she's still a little kid!
***********************************
"Seryoso ka dyan Pre? Bati na kayo ni Bakekang Tapang? Paano? Kailan? Saan?" Hehe! Di tlaaga si makapaniwala na ang Frenemy ko ang bagong besty ko ngayon. Simula nang last meeting namin nong hinatid ko siya, i realize anything. Lahat. She is genuinely happy when i accompanied her last night. Hopefully, she's okay na!
"Yes! Super happy nga ako ngayon, kasi okay na kami. Naiintindihan ko na. Masama talaga! Kaya, simula ngayon, magiging mabuting tao na.. ako..... Tayo!" Hehe, mala-mayor kong magsalita ako no? Pero, seryoso, gusto ko na talagang maging mabuting tao, para...para.. sa sarili ko heheh!
"Sandali lang Pre, parte bato ng plano mo? Plano muna maghiganti sa kanya? Ganda naman ng pasabog ah?" Hanodaw? Plano? Anong?
" Raven, hindi. Seryoso ako. Marami akong narealize naiintindihan mo? Bakit ba, lahat ba nang tao walang karapatang magbago? Meron naman diba?"
" Yes, Jade pero, naninibago lang talaga kami sayo, hopefully magtuloy-tuloy na. I think that girl, will be your inspiration to be a good man!"
" Pero, Jade, ang batas, never kang ma-fall in love, klaro yan ha! Pangunahing batas yan sa pagkakaibigan natin" Sus, akala nila mangyayari yun? Di no, i only see Faith as a friend, kahit kailan hindi ako nagmahal ng babae at ibang tao.
"Yep! I will never do that! I swear!"
Inakbayan nalang nila ako, nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan akong ganito. Sana, magbago rin sila, gaya ko.
Pangako, magbabago ako para sayo, Faith.
************************************
Hays! Panibagong araw na naman. Report dito, report doon. Hays. Sa bagay malapit na rin naman ang Graduation namin kaya busy.
Papunta ako ngayon sa may field kung saan may mga bench and tables na pwedeng tambayan. Dala ko naman ang mga books and reviewers ko na halos 2 araw kong tinype at pinagpuyatan.
Nagulat ako nang may umupo sa harapan ko. Shocks!
J-JADE!
"Uhm hi! Kamusta kana?" Seriously? Ayyy hala! My Gosh!
"Uh, h-hello! Okay naman! Ikaw?"
"Well, I'm fine! Uhm, sino kasama mo?"
Hihi! Bakit niya tinatanong?
" Wala eh! Ako lang!"
"Anong ginagawa mo?"
"Review" maripid kong sagot. Natahimik kami ng saglit habang nagsusulat ako nang notes. Ang awkward eh!
Napabugtong hininga siya.
"Uhm Faith, babalik ako ha, wait lang. Wag ka munang umalis." Bakit naman?
" Uhm, sige ba, di pa naman ako aalis eh, sige hihintayin kita."
Sus, umalis na siya. Saan naman yun pupunta? Sinundan ko lang siya nang tingin. Bahala sya.
Maya-maya, dumating na siya ah, bilis. May dala siyang Coke in Can and sandwiches.
"Uhm here Faith, meryenda muna tayo, gutom kana siguro." Inabot niya sa akin yung sandwich at soft drink. Uhm...
"Ah, naku nag-abala kapa, di naman eh!"
"Wag kanang tumanggi, sayo yan."
"Sige ba, baka naman magtampo ka."
" Hindi ah! Hahahah!" Natawa lang siya. Anong nakain niya? Ang bait niya ngayon?
" Uhm, ano bayang sinusulat mo?"
"Mga notes ko sa Examination, nakita kanina sa Sched, same room and time tayo mag-exam ah!"
" Oo nga eh! Kaso wala akong ganan mag-review"
Seryoso ba sya? Siya magrereview? Eh puro kalokohan ang inaatupag niya ah! Aba! Matinde!
"Faith, gusto ko sanang humingi ng favor sayo?"
"Uhm, ano yun?"
"Pwede mo ba akong tulungan? I will pay you."
" Saan?"
" Sa Examination ko."
Huwat! Grabe ah! Pero, g-gusto niyang tulungan ko siya?
Napaiwas siya nang tingin niya sa akin. Natahimik siya sandali. Naawa naman ako sa kanya.
"Uh, sige ba! Walang problema"
Ngumiti siya. Hahah! Salamat naman kung ganon.
" Wag ka mag-alala, tutulungan kita. Kahit walang kapalit. Pangako!"
" Thank you so much! Uhm, promise. Pagbubutihin ko. Mag-aaral na ako nang mabuti."
" I'm glad na unti-unti kanang nagbabago Jade!"
" Salamat, salamat kasi dahil sayo"
Ano daw? Parang may sinabi pa siyang di ko marinig kasi sumigaw yung mga ulupong kong kaklase nang makita nila si Trevor. Naku!
"Ano yung sabi mo Jade?"
"Uhm, wala. Halika doon tayo sa kabila. Nandito siya. Alam kong hahanapin ka niya. Halika."
Tinulungan niya ako sa mga things ko at umalis kami doon. Nakahanap kami ng bakanteng bench at nagpatuloy na nagkwentuhan habang nag-aaral. Marami palang tinatagong kabaitan tong si Jade sa totoo lang, kita ko sa mga mata niya na masaya siyang inoopen up niya sakin yung mga bagay na gusto niyang pag-usapan, dahil siguro, komportable na siya sa akin at kilala na niya ako. Magkaibigan na kami, kaya walang dahilan para mailang kami sa isa't isa.
Habang nakatitig ako sa kanya, sa loob-loob ko, masaya ako dahil, ang isang taong akala kong masama ay unti-unti nang nagbago.
Sa unang pagkakataon, naging masaya ako para sa iba... Para kay Jade.
************************************
Please vote and comment Guys! Maraming Salamat! Lovelots!

Komentar Buku (132)

  • avatar
    Christine Marie Cadiatan Emot

    I love your story🥹

    12d

      0
  • avatar
    RishlyRishly

    nakakaiyak😭

    11/08

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    verry nice

    10/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru