logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 4 Ikatlong Yugto - Sayo

"Kung tunay nga, ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw?
Iparating sa mundo
Kung maging tayo
Sayo lang ang puso ko"
- Sayo by Silent Sanctuary
************************************
Sa wakas, natapos narin ang exam namin ngayong araw. Nakaabot pa ako sa unang subject ko kahit, nakabangga ko ang
NAG-IISANG JADE THE VENOM! Argh! Bakit ba sa dinami-rami ng nabangga ko siya pa. Ang sama niya talaga. Napakabastos pa. Tiningnan ko lang siya nang masama at lumayas sa harapan niya. Pero, yung tingin niya parang iba eh. May halong lungkot at awa. Sus, siya maawa sa akin? May awa bayun sa ibang tao? Demonyo yun at walang pakialam sa iba.
Well, kailangan ko munang pumunta ng library para sa mga researches ko about sa topic na irereport ko. Sige lang! Kaya ko naman to! Enjoy pa nga ako kasi dami kong isusulat. Basta kasi sulatan ang pag-uusapan, di ko uurungan yan.
Nang makarating ako sa library, kinuha ko yung mga libro na kakailanganin ko at pumunta sa pinakadulong part ng mahabang mesa na tahimik na lugar lang. Mas maganda mag-aral pag tahimik nga.
Basa dito, sulat doon, sulat dito, basa doon. Gustong-gusto kong kaharap palagi ang libro. Walang oras na wala akong katabing papel at ballpen. Di naman sa pagmamayabang pero marunong ako mag construct nang topic at i-discuss sa mas madaling paraan para mas maintindihan ko.
Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang may tumabi sa akin. Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuwattttttttt! Yung bagong lipat na playboy at kasing sama ng venom na Jade, si Trevor.
Yung pormahan niyang pang gangster, pang playboy, tapos parang ang adik niyang tumingin at nakangisi. Piste! Nakakatakot ang mokong nato! Wala ba siyang mapagtripan.
"Hey, miss. You look so studious girl. Why you're so busy? Well, i want to say na pwede va kitang maging kaibigan?" Huwat! Kaibigan?   Sino niloloko nang baliw na to? Luh! Huwag ako. Ang kapal!
"Sorry, Mr. Trevor pero, snob ako sa personal at hindi ako friendly. Kung may balak kang pagtripan ako, sorrt but no! Hindi mo ako magagawang takutin ng ganiyan" sinamaan ko siya nang tingin at umalis na ako, binalik ko sa shelves ang mga books at naglakad na. Wala ba siyang utak?
Kaibigan. Sa buong buhay ko. Wala akong kaibigang nakasalamuha. Buong buhay ko nakakulong lang ako sa isang malaking kwarto. Pero, alam kong hindi ito ang buhay na pinapangarap ng mga magulang ko para sa akin. Pero nang mawlaa silang pareho, papatunayan kong kaya kong igapang ang mga kapatid ko nang ako lang. Walang tutulong sa akin. Sanay akong mabuhay mag-isa.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng mapansin ko na may nagkukumpulan. Nakita ko agad si Dexter, yung kaklase kong nerd at tahimik. At sinisigawan siya nang timawang... JADE!
Lumapit ako sa kanya at tinulungan ko siyang tumayo. Inuharang ko ang sarili ko sa kanya. Nagbubulung-bulungan pa ang iba na, kaya ko daw bang harapin ang Timawang Jade na nasa harapan ko.
Tiningnan ko siya nang masama, yung puno ng galit. Nagitla siya. Hindi niya inexpect na may lalaban sa kanya. Dapat lang.
"Demonyo ka talaga! Wala ka talagang respeto sa kapwa mo!" Bwelta ko sa kanya. Ang timawa napangisi lang.
"Wow! Do you think who i am? Im Jade Alexander Ruiz. Wait, Demonyo ako? Hahahaha! Grabe eh ikaw? Ano ka? Pakialamerang basura na akala mo may ipagmamalaki? You're just a TRASH!" Sigaw niya. Nasindak ako sa mga sinabi niya. Sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nasabihan ng Basura. Masakit yun ha! Pero wala akong pake! Akala niya masisindak niya ako.
"Oo, basura lang ako na pakialamera. Pero hindi ako kagaya mo, hindi ako gaya mo na bastos, walang respeto at paggalang sa iba. Oo ikaw na ang hari, ikaw na lahat. Darating ang panahon, babalik sayo lahat ng ginagawa mo!"
" So? Nakakatakot ka na niyan? Wala akong pakialam. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo Miss. I can make your life miserable. You should think first."
" Miserable na ang buhay ko. At kung sa tingin mo, magagawa mo akong takutin, di kita uurungan. Wala akong kinakatakutan. At kung gusto mong gantihan ako, fine."
Tinulungan ko nalang si Dexter at naglakad na kami, kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Dapat lang niya malaman yun. Para maramdaman niya na hindi lahat ng tao, natatakot sa kanya.
Sa lahat nang ayoko ay nag mayabang ay bastos. Swerte niya dahil nakaharap niya ako.
"Hindi kaba natakot sa kanya, Faith? Bakit mo sya kinalaban? Alam mo namang grabe ang balik sayo pag binangga mo yun." Sabi ni Dexter.
" Sus, kung di pala ako dumating eh, papaapak kalang dun sa timawa na yun? Ay, hindi yan tama Dexter, oo, iiwas ka sa gulo pero minsan isipin mo rin ang dignidad mo."
" Salamat sa pagliligtas sa akin Faith, salamat talaga. Paano ako makakabawi sayo?" Hehe, ang sarap sa pakiramdam nang napapasalamatan noh! Ay, kinilig ako din, hehe! Char.
"Naku, wala na. Ayos nayun, sa susunod ha, pag nakikita mo yung mokong nayun, lumayo ka."
"Thank you ha. Sige mauna na ako Faith! Bye!"
"Bye!"
Pumasok na ako sa classroom ko para sa last subject ko. Tapos, may trabaho pa ako sa patahian ni Aling Trina mamayang gabi.
KRING! KRING! KRING!
Kyline
Calling
"Hello Ate! Good afternoon, naistorbo ba kita?"
"Hi Darling! Good afternoon rin, kamusta ang baby ko? Hindi naman ako busy eh! Papunta lang ako sa classroom ko, bakit?"
" Ate, i have good news sayo! High Honors ako ngayun! Hehe."
" Naku, love love talaga kita Baby ko! Sige mamaya bago ako pumasok sa patahian, date tayong dalawa ha. Iwan natin si Kyle. Hayaan muna ang mokong nayun!"
" Haha, sige ate! Bye bye! Hintayin kita sa bahay ah. Love you!"
"Love you too! Darling! Mwah!"
Call Ended
Hay! Ang galing talaga ni Kyline. Mahal na mahal ko talaga sila. Nagpapasalamat ako dahil di sila gaya ng iba na sakit sa ulo ng mga ate at kuya. Maswerte ako dahil naging kapatid ko sila.
************************************
5:30pm na. Hayst! Kaialngan ko na umalis. Bibili pa ako nang pang date namin ni Kyline. Nasa bahay na yun for sure.
Papalabas na ako nang campus nang may tumakip ng bibig ko at hinila ako sa may garden. Iilan nalang ang tao dito! Dyos ko! Sino to!
"Huy! Bitawan mo ako" Gosh! Si Trevor! Anong gagawin niya sa akin.
"Hi Miss, nagkita ulit tayo. Sabi ko sayo kanina, pwede bang makipagkaibigan sayo pero, matigas ka. You're pretty naman, may itsura, kulang kalang sa ayos. Palalambutin kita ngayon, Faith"
Nakilabutan ako sa sinabi niya. Para siyang nang-aakit. Nakangisi pa na nakalalaglag panty maski wala kang panty! Chos!
"Uyy, ang bastos mo, ano ba, bitawan mo ako" naiiyak na ako
Di niya parin ako bininitawan. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ako nang mahigpit.
"Ang babaeng gaya mong kasing-tigas ng bato ang ugali at puso, ay palalambutin lang ng paraan nato. Let me enter your wonderful world, Faith."
Hinahalikan niya ang leeg ko, patuloy parin ako sa pagpupumiglas. Hayop na lalaking to! Lalabanan ko to pero kahit anong pwersa ko, di ko sya makaya. Umiiyak na ako.
"Please, wag mong gawin to, maawa ka sa akin."
Patuloy lang ako sa pag-iiyak. Walang nakakarinig sa amin. Wala nang tao dito. Dyos ko. Tulungan nyo ako. Di ko kaya to! Ang pagkababae ko.
Nagulat ako nang may sumigaw at may humili kay Trevor papalayo sakin.
"Stay away from my Girl Trevor! Or else, i will kill you!"
J-JADE? Si Jade bato?
Nang magtama ang mga mata namin, binigyan niya ako nang Don't Worry, Ako Bahala look. OMG! Totoo bato?
J-JADE! SIYA NGA!
Sa unang pagkakataon, naranasan kong may magligtas sa akin, at sa unang pagkakataon, si Jade pa ang Knight in Shining Armor ko!
**************************************
Please Comment Guys! Maraming salamat! Love you all!
-Binibining Elena

Komentar Buku (132)

  • avatar
    Christine Marie Cadiatan Emot

    I love your story🥹

    12d

      0
  • avatar
    RishlyRishly

    nakakaiyak😭

    11/08

      0
  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    verry nice

    10/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru