logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 12 Beginning of their Story

“Are you okay?” tanong ni Jake sa kanya. Niyakap siya nito at inalalayang makatayo. Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at may tinawagan.
Lalong napaiyak si Anna ng makita si Jake. Kung hindi sa lakas nito ay hindi siya makakatayo sa sobrang panginginig ng kaniyang mga tuhod. Iginiya siya ng binata sa isang sulok at tiningnan nito si Lenard. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Walang anu-ano ay hinablot nito muli si Lenard sa kuwelyo at muli itong pinagsusuntok. Maya-maya pa ay dumating na ang mga security ng building. Dinampot ng mga ito si Lenard na noon ay halos mawalan ng malay sa mga suntok na tinamo mula kay Jake.
“Anong klaseng security kayo? Ginagawa nyo ba ang trabaho niyo! What’s the use of that CCTV? Someone almost got raped in this building for f*ck sake!” galit na galit ito. Hindi naman makapagsalita ang mga dumating sa takot narin. Sa opisina nito siya dinala ni Jake para kalmahin dahil sarado narin ang clinic.
“Are you okay? May masakit ba sayo?” tanong nito.
Nanatili lang siyang nakatungo habang naglalandas ang luha sa kaniyang mga mata. Gulong gulo ang isip niya. Nahihiya din siya sa binata sa nangyari. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa ganoong sitwasyon. Baka isipin pa nito na may mali din siya kaya nagkaganon si Lenard. Na baka inakit niya ang binate.
“Anna, answer me dam*it!” medyo tumaas ang boses ni Jake at narinig niya ang marahas na pagbuntong hininga nito. Noon lang siya nag-angat ng tingin at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Marahan siyang tumango.
“I-I’m s-sorry,” mahinang sagot niya.
“You don’t have to apologize. I’m sorry na nangyari ito sayo..at dito pa sa opisina,” sagot ng binata. Ilang minuto pa ang lumipas ng muli itong magsalita. “I’ll take you to the hospital. Then we will go to the police station, but you have to tell me what happened first.”
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. “Police station? A-anong mangyayari kay L-Lenard?” tanong niya. Natatakot siya. Hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon.
“Are you still worried about him?” galit na tanong ni Jake sa kanya.
“O-of course not! Naawa lang ako--” mabilis na sagot niya.
“Good, because I will make sure that he will never set foot in this building again,” matigas na sagot ng binata.
Matapos ikwento kay Jake ang mga nangyari ay sinamahan siya nito sa hospital at police station. Sa hospital ay nakita niya ang pag-aalala sa mata ng babaeng Doctor na tumingin sa kaniya ng malaman kung ano ang nangyari. Naiilang siya habang ini-examine siya niyto. Nilingon ni Anna si Jake at nakita niyang may kausap ito sa cellphone pero sa kaniya ito nakatingin.
Pagdating sa police station ay nakita niya sa Lenard. Maga ang mukha at putok ang labi nito sa dami ng suntok na tinamo ngunit mukhang nagamot narin ito sa hospital. Nabalot siya ng takot ng makita muli ang lalaki. Gusto man niyang saktan ito ay mas nangibabaw ang takot niya. Sinubukan ni Lenard na makiusap sa kaniya ngunit si Jake na mismo ang nag-insist na kasuhan ang binata. Gabing gabi na ng makaalis sila sa presinto.
“Anna, hindi mo na kailangang ikwento sa kahit na sino ang mga nangyari,” nag-aalangang sabi ni Jake sa kanya. “I promise that you will never see that bastard again.”
Nabigla man siya sa sinabi nito ay nauunawaan niya. Isa pa ay aayaw niya din talagang magkwento sa mga kasamahan sa trabaho ng tungkol sa nangyari. Sigurado siyang pag-uusapan siya sa opisina. Maaaring may maniwala sa kanya, pero malaki parin ang posibilidad na siya pa ang lumabas na masama sa ibang tao.
Marahan siyang tumango. “I understand. A-ayaw ko din sanang malaman pa ng iba ang nangyari.”
“Ako na ang bahala sa mga security na nakakaalam,” sagot nito sa kanya.
“I-I’m sorry, naabala pa kita,” nahihiyang sagot niya.
“It’s okay Anna,” malumanay na sagot nito sa kanya. Inabot nito ang kamay niya at marahang pinisil. “Will you be okay on your own? Gusto mong tawagan ko si Sarah—“
“Okay naman na ako. Sa apartment nalang ako. Gusto ko sa sanang magpahinga,” sagot niya kahit sa totoo ay takot na takot parin siya. “Don’t worry about me.”
“Imposibleng hindi ako mag-alala sayo,” sagot nito sa kanya.
Nagtataka man siya sa sinabi ng binata ay hindi nalang niya pinansin iyon. Natatakot lang siguro ito na masangkot sa issue ang company.
“You don’t have to report for work tomorrow—“
“Papasok ako,” mabilis niyang putol sa sinasabi nito.
Mataman siyang pinagmasdan nito at saka nagtanong. “Are you sure?”
“Oo, baka lalong magtaka ang mga tao kapag wala ako..at wala din si L-Lenard,” nahihirapan siyang banggitin ang pangalan ng lalaking nagtangka sa kaniya ng masama.
“Okay. If that’s what you want,” sabi nalang nito at inihatid na siya sa apartment niya.
Hindi si Anna nakatulog ng maayos buong gabi dahil naiisip parin niya ang mga nangyari. “Dapat matapang ka, Anna!” kausap niya sa sarili. Hindi na niya namalayan kung anong oras siya dinalaw ng antok. Nagising nalang siya kinabukasan sa tunog ng alarm niya.
Tulad ng sinabi niya kay Jake ay pumasok parin siya sa trabaho. Sobrang paranoid niya ng araw na iyon. Kapag may nakikita siyang nagbubulongan ay pasimple siyang nakikinig dahil baka tungkol iyon sa kaniya at kay Lenard. Nagtanong ang mga kasamahan niya sa trabaho pati narin sina Gab at Natasia ng mapansin ang pamumula ng pisngi niya. Nagdahilan nalang siya na aksidenteng may nakatama sa practise nila ng sayaw. Lumipas ang maghapon ngunit wala ni isa man siyang nabalitaan tungkol kay Lenard.
JAKE POV:
To say he's mad would be an understatement. He was in a rage. Pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay ng mga sandaling iyon. Nasa opisina siya ng gabing iyon doing paperworks. Sumasakit na ang ulo niya dahil maghapon siyang nakatitig sa laptop kung kaya nagdecide siyang magpahinga muna. Tumayo siya at naglakad lakad dahil nangangalay narin ang kalamnan niya sa maghapong trabaho at stress. Alam niya na nasa conference sa ibaba floor ang grupo nila Anna at nagpa-practise tuwing gabi. His curiosity was piqued. Naglakad siya patungo sa floor na iyon. Naisip niyang silipin ang mga ito tutal ay magkaka-grupo naman ang Department nila. Ayaw man niyang aminin ay gusto niya rin makita si Anna. Ngunit pagkarating niya sa conference ay nakita niyang sarado na iyon at patay na ang ilaw sa loob. Marahil nakauwi na ang mga ito. He was about to leave ng may marinig siyang boses ng babae na nagsisisigaw.
“Tulongan niyo ako! Help me!”
Napakunot noo siya. Kilala niya ang boses na iyon! Nabalot siya ng kaba at nagmamadali siyang tumungo sa pinagmulan ng boses. Iniisip niya kung anong nangyayari at sumisigaw si Anna. Naisip niyang baka naaksidente ito. Hindi niya inaasahan ang eksenang tatambad sa kaniya. Nakita niya ang dalaga sa sahig, nakalilis ang damit nito hanggang dibdib at nakadagan dito ang isang lalaki. Hindi siya napapansin ng lalaki at akma nitong hahalikan si Anna. Tila nagdilim ang paligid niya at walang ano-ano ay hiniklat niya ang lalaki at inupakan ito ng suntok. Tiningnan niya si Anna at napansin niya ang mga luha nito. Tinulongan niya itong tumayo. He can feel her body shaking. Her lips are trembling at napansin niya ang pamumula ng isang pisngi nito. Tila kumulo ang dugo niya lalo, hindi siya nakapagpigil at marahas niyang hinila ang lalaking nanakit dito. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang saktan din ito at ibalik dito ang sakit na pinadanas nito kay Anna. Pagdating ng mga security ay saka lang siya tumigil. Halos gusto narin niyang idamay ang mga security ng building dahil sa kapalpakan ng mga ito.
Dinala niya si Anna sa opisina niya. Nakatungo lang ito at tahimik na umiiyak. Her tears pained him. Nakuyom niya ang kamay sa galit. “Magbabayad ang Lenard na iyon!” banta niya sa isip. Ito pala ang lalaking nagpapadala ng bulaklak sa dalaga ng mga nakaraang araw. Dinala niya ang dalaga sa hospital para matingnan ito. Tinawagan niya ang tita niyang Doctor para ito ang personal na magcheck-up sa dalaga. Pinagmamasdan niya ito habang sinusuri ng Doctor. Kita niya ang pagkailang sa mukha nito at naawa siya dito. Sa police station ay ramdam niya din ang takot nito ng makita si Lenard. Kung kaya siniguro niyang makukulong si Lenard at hindi na kailanman makakalaya pa.
Nag-aalala man ay inihatid niya ang dalaga sa apartment nito. Gusto sana niyang sa bahay nila Sarah muna ito dalahin ngunit nais nito ay sa apartment umuwi. Wala na siyang nagawa pa. Pagkahatid dito ay bumalik siya sa building. Agad niyang ipinatawag ang mga security sa building na iyon. Maging ang mga ito ay nakatikim sa kanya ng sermon. Tinanggal na niya ang security na dapat sana ay naka-monitor sa CCTV ng gabing iyon. Kahit anong pakiusap nito ay hindi niya ito pinakinggan. Paanong hindi nito nakita ang mga nangyayari? Paano kung hindi siya nagtungo sa floor na iyon? Hindi sapat ang paghingi nito ng pasensya sa kapabayaan nito. Mahigpit din ang bilin niya sa mga ito na dapat ay walang makaalam ng mga nangyari ng gabing iyon. Ayaw niya na magkaroon pa ng issue at higit sa lahat ay ayaw niyang lalo pang madagdagan ang mga pangamba ni Anna. Hindi man niya kayang tanggapin na may nararamdaman na siya para sa dalaga ay handa naman siyang protektahan ito kung kinakailangan.

Komentar Buku (348)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Juncel Mahilum

    hlw

    21d

      0
  • avatar
    EnojasShayne

    the story is very nice

    24d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru