Natapos ang two weeks ko na sa bahay lang ako, mabuti na lang nakatanggap na ako ng tawag mula kay Anne na p’wede na daw naming kunin ang grades and p’wede na rin daw mag-enroll for advance summer classes. Kapitbahay kasi nila ang isa sa mga scholar na assign sa registrar, kaya s’ya lagi ang unang nakakapag paalam sa amin ng mga updates. At last, makakalabas na din ako sa lungga ko! Hindi naman ako kabado sa grades ko, kasi alam ko naman na I did what I have to do para kahit paano hindi bababa sa required average ang grade ko. Hindi ako matalino, hindi rin naman bobo sapat lang. Kumbaga, average lang ako. What’s important for me is to finish college and to get a decent job. ‘Di naman kasi lahat ng theory applicable sa actual job ‘di ba. Kaya ‘don ko na ibibigay ang best ko kapag nagtatrabaho na. Madami naman kasing hindi naman matatalino pero pagdating sa work nag-eexcel, kasi masinop sa work kaya madaling napo-promote. We already got our grades, got our scheds and finished the whole enrollment process. Voila! Nakakapagod ding pumila pero okay lang. What’s important is that, we are done with the whole enrollment process. We can then go to the mall. Unwind muna saglit bago umuwi, we ate ice cream our all-time favorite. Then we separated our ways, off we go para sulitin ang remaining days before the summer classes starts. Time pass, quickly by. Sunday, last day of summer vacation for me, kasi bukas Monday first day of summer classes. Hindi ako nagising ng maaga kaya hindi ako naka-attend ng morning mass. So, I decided to attend the afternoon mass instead. I attended the mass alone, as usual. After the mass, naisipan kong maglakad pauwi malapit lang naman ang bahay namin. Saka madaming naglalakad kaya okay lang din, magandang damhin ang simoy ng hangin sa gabi. Six p.m. kasi ang simula ng mass kaya seven p.m. natapos. When I was about to go out the premises of the church, someone poked me. I thought it was just one of my HS classmates, I was flabbergasted when I saw a familiar face standing right next to me. Guess who? It’s no other than the mysterious, slash grumpy, slash boastfull guy in the bus. Pero aaminin ko attracted ako sa kanya. Ewan ko ba? “Hi,” without emotion in his face. “Parang hindi sincere. Ah ewan nag ‘hi’ pa s’ya ‘di ba?” “H-hi,” no feelings din ang pinakita ko sa kanya. Kasi ang totoo kinabahan ako. I remembered what I did. I’m not ready for a confrontation. Not now, please? “Ah, can I talk to you for a second?” “Patay ito na nga ba ang sinasabi ko! Shocks talaga! Kung bakit ko kasi ginawa ko ‘yon? Takte talaga!” “Ah, okay. Make it quick lang ah? Kasi I’m in a hurry eh, I have classes pa kasi tomorrow. Saka baka magtaka ang parents ko na natagalan ako.” Dinadaga ang dibdib ko ng sobra. “Yeah, this will be quick.” “What is all about?” “Para matapos na agad. As if ‘di ko alam, I’m just playing safe.” “Did you call? Kasi sabi ni daddy somone called and was looking for me, named Lui.” “Ah, oo. Sorry, it won’t happen again. I promise. I was just curious when I saw a name Georje Peralta. I’m wondering if is it you or it happens to be just the same name as yours. Sorry, I promise it won’t happen again,” paliwanag ko na hiningal sa haba para lang matapos na agad. Ngayon kasi domoble ang matinding kahihiyan na nararamdaman ko. I didn’t expect na ganito ang mangyayari ngayon. Ayaw ko namang magsinungaling kakalabas ko lang ng simbahan. What made me more nervous was his cold stare. I am not sure if he’s mad or what? “Ang hirap basahin ng mukha n’ya, blanko kasi.” “It’s fine. I just didn’t expect that you’d call. Kasi my friends usually calls me at my lola’s house where I usually stayed.” “Yeah, sorry ulit. Napagalitan ka ba? Kasi parang galit yata ang daddy mo.” “Ha? No, ganoon lang talaga magsalita si daddy.” “No wonder masungit ka din. Like father, like son. Tsk!” “Sige ah, I’ll go ahead. Pasensya na,” sabi ko. “Okay. Sige, thank you. I’ll have to go na rin my friends are waiting for me. I just saw you, kaya naglakas loob akong lumapit bihira lang kasi akong umuwi rito. I took the opportunity when I saw you. ‘Ge, bye.” “Bye,” I changed my mind. Sumakay na lang ako ng tricycle pauwi kasi parang hindi ko kaya maglakad nangangatog na ang tuhod ko sa kaba at kahihiyan. “Shocks, Lui! Don’t do it again para ‘di ka na mapahiya! Nakakahiya talaga sobra! Quota na!” Monday morning came, I prayed na sana no more Georje Peralta encounter na sa bus. “Please lang, Lord! Spare me, ayaw ko na po. Promise magpapakabait na po talaga ako.’” But fate is such a bitch! Hindi ko alam na nasa likod ko pala ang taong pinagdasal ko na ‘wag na sanang magkrus ang landas namin. Putakte talaga! Napatalon ako habang naghahanap ng ma-uupuan nang may nangalabit sa akin. “Lui, it’s you again!” “Shocks! ‘Di ba Lord naki-usap po ako na sana ‘wag magtagpo ang landas namin ngayon? Naman talaga, tsk!” “Uy!” “Lui, ‘wag pahalata na kinabahan ka. Chill Lui, baka mahimatay ka na lang bigla, mas nakakahiya. Quota ka na sa kahihiyan! Tandaan mo!” “What a coincidence!” “Bwisit talaga! Hindi kaya nakakatuwa!” “Ah, oo nga,” sabay upo nang hindi na nag-iisip basta bakante okay na, ang importante naka--upo ako. Kasi minsan punuan ang bus tapos kailangan ko nang makasakay para hindi ako mahuli sa klase kaya nagtitiis akong nakatayo sa buong byahe. Hindi lang naman ako, marami rin namang iba, kaya okay lang. Sa kamalasan tumabi pa talaga. “Putakte talaga! Ano ba naman ‘to? Ayaw ko na talaga! Promise, last na ‘to!” “Would you mind?” “Huh?” tulaley ang lola mo. “I said, okay lang ba tumabi or may kasama ka?” Spaced out. Earth to Lui! He snapped his finger. “Ah yeah its okay.” “Usog Lui, dikit sa bintana.” “Are you okay?” “Ha? Yeah, I’m fine. Sorry I spaced out, just thinking.” “Wag pahalata Lui, relax.” “Uh, okay lang.” “Try to be casual Lui, don’t be obvious.” “Are you taking summer classes too?” “Yeah, kasi may iilang subjects ako na hindi na credit sa school ko ngayon, from my former school.” “Ah ganoon ba? Hassle.” “Yeah, right. Hassle it is.” And with that, I turned my gaze outside the window. Para bang may interesanting tanawin, just to avoid another conversation with this damn guy. Hindi pa din kasi nawala ang matinding kaba at kahihiyan dahil doon sa phone conversation ko sa tatay n’yang masungit na minana n’ya. Nag-iisip ako ng p’wedeng gawing palusot para makaiwas nang- “Uh, Lui?” Bingi bingihan mode. “Bakit ba kasi ngayon pa kami kailangan magkasabay dito sa bus, worse magkatabi pa talaga! Imbis na kiligin ako dahil nakasabay ko siya ngayon eh ito ako parang natatae na ewan? Namamawis sa kaba.” Habang nag-iisip ako ng pwedeng gawin just to avoid another conversation nang kinalabit nya ako. “Lui?” “Huh? Bakit?” “Ang lalim naman yata ng iniisip mo.” “Ah, eh, hindi naman. I’m just thinking about my friend, I forgot to call her before I left the house,” I bit my lower lip. “Patay! Talaga Lui? Gawa pa ng kwento Lui! Convince yourself.” “Bakit?” “Uh, I just remembered last Sunday.” “Kalma self, nalusutan mo na ‘yon ‘di ba? May part two pa ba?” “Why? I thought we already talked about it-” hindi n’ya ako pinatapos sa sasabihin ko. “No, it’s not what I meant. I was about to ask you if you know someone from St. Agustine, named Jed and Ali? Does it ring a bell?” “Oh, yes! They’re both my elementary and high school classmates, they’re my dear friends actually You know them?” nakahinga ako ng maluwang akala ko ‘yong tungkol pa rin sa napag-usapan namin. “Yeah, of course. They are my friends. Actually, they saw you last Sunday, pero nakasakay ka na ng tricycle when they saw you. They didn’t know that ikaw ‘yong hinabol ko para kausapin.” “Really? How did you guys become friends? If you don’t mind. Kasi apparently, we’re not in the same batch nor neither the same school,” I asked. “Well, pareho kami ng hilig we have a common friend na s’yang nag-introduce sa amin and napasama kami sa iisang group.” “Talaga? Wow! That’s cool! Small world, huh?” “Right, small world.” Nagpasalamat ako kasi nawala na ang matinding kaba na naramdaman ko kanina. Hindi ko na napansin na madami na pala kaming napagkwentuhan. Kahit na ako lang mas madaldal talaga, kasi kahit nakikipag-usap siya matipid pa din siya magsalita. Hindi ko inasahan na magiging ganito ang maging conversation namin this time. Pero kahit nag-uusap kami, nand’yan pa rin ang malamig n’yang tingin. “Di kaya ipinaglihi siya sa yelo? Pwede kaya ‘yon ipaglihi sa yelo?” Mabuti na lang malapit na akong bumaba, dadaan muna akong bookstore kasi may kailangan pa akong bilhin. Nangalahati na ang summer classes. Hindi ko namalayan malapit na ang birthday ko, debut actually. Nawala sa isip ko kasi busy sa summer classes tapos sa mga assignments saka projects. Ayaw ko sana talaga mag-party sa debut ko, pero hindi pumayag ang parents ko kasi nag-debut daw ang kapatid ko, tapos dalawa lang daw kaming babae, dapat ako rin daw. Well, sa totoo lang hindi naman kasi ako nag-eenjoy sa party. Mas, gusto ko pang mag-outing na lang with my friends. Sila lang naman ang may maraming bisita at sila lang din ang nasisiyahan, karamihan kasi hindi ko naman kilala. Ayaw ko kasi ng madaming ka-echusan! If I know, madalas sila uma-attend sa mga party plastikan lang naman. As a matter of fact, nakakapagod ang ganyang galawan, plastikan to the max. Takte! Ikaw na nga ang nagpakain, ikaw pa ang gawing headline kinabukasan, tapos ang side comments wagas! Kainis lang! But then, ‘di sila nagpaawat. Sila lang naman daw ang magpe-prepare wala naman daw akong gagawin. Ang totoo ginawa lang nilang rason ang birthday ko pero gusto nilang mag-party para sa mga bisita nila kasi sila lang naman ang nakakaalam sa mga iimbitahan at sa kung ano ang gusto nilang mangyari. Kasi sinabi ko na sa kanila, na hindi na kaya ng schedule ko since full load ako. Sinadya ko talaga dahil akala ko makakaiwas na ako. ‘Di rin naman pala. Umuwi kasi ang ate ko galing sa abroad, kasi annual vacation niya, s’ya na lang daw ang bahala pati sa escort ko, gown, etc. Sa pictorial lang ako may participation, kasi kailangan talaga ang presence ko. Everything went well with my summer classes. Ang saya nga eh, kahit medyo stressful. At least nabawasan na ang subjects ko sa first sem, ibig sabihin, makaka-take na naman ako ng advance subjects, para full load ulit ako sa first sem. Maigi ng busy sa school kasi wala naman akong boyfriend. Friends ko? Busy din sila sa acads nila. Kaya okay lang. Laban lang para sa kinabukasan! My birthday came na wala akong pakialam. Of course, invited ang mga college friends ko, ‘yong close lang. Tapos sila na ng kapatid ko ang nag-invite sa mga HS friends ko and sa iba ko pang friends sa hometown ko. Buti na lang tapos na ang exams, bago pa ang birthday ko kaya sakto ang lahat. Actually, nakapag-enroll na nga pala ako. Saka after ng debut ko, maghahakot na ako ng mga gamit kasi may nakita na kami ni VM na apartment malapit sa school. Mas busy na kasi kaya kailangan ko ng mag-stay within the city. And yes, magkasama kami ni VM. Actually, apat kami, mga friends ni VM na pinakilala sa akin. Dati n’yang kasama, sa dati n’yang tinitirahan na apartment. Lilipat sila, kasi nakita nila na ang lilipatan namin ni VM. Bagong gawa kaya pioneering kami, saka mura lang din, accessible and most importantly, safe ang vicinity. The party went well, I had fun kasi I saw my old friends. Buo ang barkada ko from HS. I was surprised na pati ‘yong mga friends ko sa elementary na ‘di ko inasahan, naka-attend din. In other words, dumating din si Georje together with my former classmates na sila Jed and Ali. Pero mas marami ang hindi ko kilala kasi mga bisita ng kapatid ko, tatay ko saka kung sino-sino pa ang mga invited nila. Ayon, napuyat pero okay naman. ‘Yong escort ko nga pala, sa party na pinakilala sa akin. Friend pala ng kapatid ko. A sort of family friend din ang family nila pa parang ako lang ang hindi nakakilala sa kanila at hindi nakakaalam na family friend sila ng family ko. Palibhasa kasi lagi akong hindi nakakasama sa mga pinagpuputahan nila kasi kailangan may maiwan lagi sa bahay, at syempre ako ‘yon. The day after the party, nagkaroon pa ng impromptu outing with family, my escort and his family. One last blow daw before classes begun. We enjoyed the sea breeze, the white sand. Pero sa ibang resort kami pumunta, not the same resort my friends and I last visited. We had island hopping, beach volleyball tapos swimming, syempre. — Ayon! Kung ano ‘yong pinakaiiwasan mong mangyayari eh parang ‘yon pa ang sadyang inilaan ng panahon na mangyayari. Tulad na lang ng pagkakita nila Lui at Georje. Magiging magkaibigan rin kaya sila ngayong nalaman nilang may mga dating kaibigan pala si Lui na ngayo’y kaibigan rin ni Georje?
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
jhgffdfioojggf
17/11/2024
0so fantastic
22/06/2024
0nice
06/06/2024
0Lihat Semua