logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Ang Alalay Kong CEO (Chapter 7)

"Saan mo gagamitin ito?" kuryos niyang tanong rito.
Black dress kasi iyon na hapit sa katawan na may lace sa likod. Maganda kasi ang kurba ng katawan ng kaniyang pinsan. Bilugan kasi ang katawan niya samantalang ito ay slim.
"Birthday kasi ng kaibigan ko next week kaya babalik ako sa Maynila para dumalo. Sama ka ate?" tanong nito. Umiling siya. Hindi siya mahilig sa mga ganoon.
"Hindi ako sasama. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganoon 'di ba?" sabi niya.
Oo, hindi talaga siya mahilig sa mga ganoon. Noong nasa America siya ay hindi siya nakikipagkaibigan sa mga kaklase niya na mahilig sa ganoon.
"Okay," tugon nito saka nagpunta sa fitting area.
Hinanap ng mga mata niya si Rafael. Nakaramdam siya ng selos at galit ng makitang may kausap na itong iba. Nagtatawanan ang mga ito at mukhang siyang-siya ang babae sa pakikipag-usap kay Rafael.
"Angelina, ikaw ba iyan?" ang baritonong tinig na iyon ay naging dahilan para pumihit siya paharap sa nagmamay-ari ng tinig. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino iyon.
"Joseph?!" bulalas niya. Ngumiti ito ng matamis. Kaklase niya si Joseph ng elementarya at naging ,matalik silang magkaibigan.
"Oo ako nga," tugon nito. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang laki ng pinagbago mo. Dalagang-dalaga ka na at higit sa lahat—" Tinitigan siya nito "Gumanda ka lalo," puri nito sa kaniya. Ngumiti siya.
"Salamat sa papuri Joseph. Ikaw kamusta ka na?" tanong naman niya. Nagkibit-balikat ito.
"Ito ayos lang. Walang girlfriend. Puwede ka ba next week?" sagot at paanyaya mito.
Hindi niya maiwasang mainis sa sinabi nito. Para bang iba ang pagkaka-intindi niya sa sinabi nito pero hinayaan niya na lang. Sasagot na sana siya ng biglang may nagsalita sa gilid niya.
"Hindi siya puwede. Kailangan mo pa siyang ipaalam kay Ma'am Divina," Natigilan siya ng marinig ang boses ni Rafael. Ibig bang sabihin ayaw nito ang ideyang makikipaglapit siya sa iba?
"Oh, sorry," hinging-paumanhin ni Joseph saka siya binalingan. "Ipapaalam na lang kita kay Tita one of these days. Sige alis na ako Angelina. Nice meeting you, again," wika nito saka tumalikod at naglakad palabas ng boutique. Hinarap siya ni Rafael.
"Hindi ka dapat nakikipaglapit kung kani-kanino," madiin na sabi ni Rafael. Kinunutan niya ito ng noo.
"Anong ibig mong sabihin? Kaklase ko iyon noong elementary!" pagalit niyang sabi. Ganoon ba ang pagkakakilala nito sa kaniya? Napatingin na rin ang ibang costumer sa kanila. Huminga ito ng malalim.
"Sorry, akala ko kasi nakilala mo lang rito sa boutique," sabi nito.
Napabaling sila Angelina at Rafael kay Katrina ng tawagin sila nito. Nakataas ang kamay nito na may hawak na paper bag. Nakabili na ito ng damit.
"Kuya Rafael, Ate Angelina. Tara na! Sa bahay niyo na lang tayo kumain," paanyaya ni Katrina. Kinuha naman ni Rafael ang dalang paper bag ng pinsan.
"Ang sweet mo naman kuya, Rafael. Tiyak na napaka-swerte ng magiging girlfriend mo," sabi nito. Ngumiti lamang si Rafael saka niyaya na sila na umuwi na.
Pauwi na si Rafael ng mga sandaling iyon sakay ng kaniyang motorsiklo ng biglang sumagi sa isip niya ang magandang ginang na nakausap niya kani-kanina lamang. Bakit kaya ganoon siya nito tingnan na para bang kilala siya nito? Nang makarating sa bahay, ipinark niya ang motorsiklo sa tabi.
"Anak, mukhang ginabi ka, ah?" tanong sa kaniya ng kaniyang ina na si Marcella. Sinalubong niya ang ina at nagmano.
"Magandang gabi po. Opo, may ipinagawa o kasi si Ma'am Divina sa'kin kaya ginabi ako," paliwanag niya.
Sinundan niya ang kaniyang ina ng pumasok na ito sa bahay. Naupo siya sa sofa at isinandal ang katawan sa sofa. Nagtungo naman si Marcella sa kusina na naka-dugtong lamang sa salas. Maliit lang kasi ang bahay nila kaya nakikita niya ang ina na naghahanda ng hapunan. Naisipan niyang ikwento sa ina ang nangyari kanina.
"Nay, may sasabihin po ako," panimula niya. Tiningnan siya ng kaniyang ina na may masuyong ngiti sa mga labi.
"Ano iyon, anak?" tanong nito.
"May nakilala po akong ginang kanina. Kaibigan po siya ni Ma'am Divina. Hindi ko po alam kung bakit ganoon na lang ang tingin niya sa'kin na para bang isa akong kamag-anak na nahiwalay sa kaniya. At, nagtaka rin siya ng makita ang balat ko sa tagiliran," pagpapaliwanag niya. Nakarinig siya ng nabasag. Nagmamadali siyang tumayo at nilapitan ang ina.
"Nay okay lang kayo?" nag-a-alalang tanong ni Rafael sa ina. Pinggan ang nabasag na nabitawan pala ni Marcella.
"Okay lang ako, anak," sabi ni Marcella. Akmang yu-yuko na ito para pulutin ang mga piraso ng nabasag na plato ng pigilan ito ni Rafael. Nginitian niya ang kaniyang ina.
"Ako na po 'nay," sabi niya.
Kumuha siya ng plastic at nagsimula ng damputin ang piraso ng plato. Hindi maiwasang titigan ni Marcella ang anak. Nakaramdam siya ng kaba at takot sa pwedeng mangyari.
Hindi kaya si Erlina si nakausap ni Rafael? Hindi mapigilang itanong ni Marcella sa sarili. Napa-higpit ang hawak niya sa sandok dahil may posibilidad na mawala sa kaniya si Rafael. Ito na nga ba nag ikinakatakot niya. Mukhang nagtagpo na ata sina Erlina at Rafael.
"Rafael," tawag ni Angelina kay Rafael ng umagang iyon. Nagdidilig ang binata ng mga halaman sa kanilang bakuran ng umagang iyon. Kaagad naman na huminto si Rafael saka siya nilingon nito.
"Good morning," bati ng binata sa kaniya sabay suyod ng tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa.
Napakagat-labi si Angelina ng tumigil ang mga mata ni Rafael sa kaniyang mapuputing hita. Kung ibang lalaki ang gagawa niyon kay Angelina ay tiyak na makakaramdam siya ng inis pero iba pala kapag si Rafael ang gumawa niyon sa kaniya.
"Good morning din," ganting-bati niya.
"May pupuntahan ka, Senyorita?" tanong nito.
"Oo, pwede mo ba ako samahan sa taniman ng prutas?"
"Wait, magpapaalam muna tayo kay Ma'am Divina," wika ng binata.
Hindi niya maiwasang titigan ang binata. Kahit na pagod ito sa mga ginagawa rito sa mansiyon ay hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan niyong taglay. May nakadagdag pa iyon sa kaguwapuhan nito.
"Okay na. Nagpaalam na ako. Gusto ko kasing mamitas ng prutas gaya ng una nating ginawa," sabi niya. Tinitigan siya ng binata. Napabuntong-hininga ito.
"Bakit ba napakaganda mo? Kaya nga lalo akong na-i-inlove sa'yo eh," mahinang sabi ni Rafael pero hindi iyon narinig ni Angelina.
"Ano kamo?" pag-uulit niya. Ngumisi lamang si Rafael saka nilapitan ang dalaga.
"Napakaganda mo ngayon Senyorita Angelina," seryusong sabi nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Nag-iwas siya ng tingin.
"Tara na nga! Huwag mo nga ako binobola ng ganiyan!" pagtataray niya saka nilampasan ang binata na narinig pa niya ang mahina pa nitong pagtawa. Sumakay na siya sa passenger's seat at hinintay ang binata na makasakay.

Komentar Buku (27)

  • avatar

    angas

    08/05

      0
  • avatar
    BienAnnalyn

    nice story 😊

    23/10

      0
  • avatar
    Angilyn Fermaran

    this story is good

    17/10

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru