logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Two

HINDI namalayan ni Saji na sa pagbabalik-tanaw niya sa tagpong iyon ay tumutulo na pala ang mga luha niya. Ang totoo ay doble-doble ang sayang naramdaman niya, hindi lang dahil sa tanggap parin siya ng pamilya ng lalake kundi dahil narin sa tagal na panahon ay muli niyang nayakap ang ginang na tumayong ina na niya noon.
Ang totoo ay wala siyang matandaang nagkaroon ng ganoong tagpo sa sa kanila ng kanyang totoong ina. Ni minsan ay hindi niya naranasan mayakap o yakapin ang mga magulang niya. Ever since she was a kid, she's already seeking for their attention, care and love.
Nang makilala niya ang magulang ng dating kasintahan ay tiyaka lamang niya naramdaman ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang.
They really treated her like their real daughter and she was so happy because of it. Pero tinatatak parin niya sa isip na maaring hindi iyon permanente. Alam niya na nakikihati lang siya sa pagmamahal at atensiyon ng mga ito.
Since she was 13, she decided to come here in the Philippines. May bahay ang magulang niya sa bansa at may katulong na siyang kasa-kasama niya noon. Madalang lang rin siyang kumustahin ng kanyang magulang… lagian lamang ang paglalagay nila ng pera sa bank account niya. Alam niyang hindi sapat iyon para matawag silang mabuting mga magulang. Aanhin naman niya ang pera kung salat naman siya sa pag-aalaga at pagmamahal ng mga ito? Baka nga kunh hindi niya nakilala ang mga kaibigan at ang lalake kasama ang magulang nito ay napariwara na siguro ang buhay niya at piniling magrebelde.
Kaya nga malaki ang pasasalamat niya sa mag-asawa, for letting her experience being a child, being loved and cared by a parent.
Iyon rin ang dahilan kaya nang tumawag ang ginang sa kanya personally noong isang linggo, hindi na siya nakatanggi sa imbitasyon ng mga ito. Malaki ang utang na loob niya sa kanila kahit pa sabihing nakagawa siya ng malaking kasalanan… na kung tutuusin ay hindi niya rin naman ginustong gawin noon.
Iyon ang dahilan kaya ngayon ay hiyang-hiya na siya sa mga ito at piniling umiwas… pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maiharap sa mga ito.
Tuwa at kaba ang naramdaman niya nang yakapin soyang muli nang ginang. Na para bang walang nangyari sa kanila nang anak nito. Ganoon parin kasi kainit ang pagtanggap sa kanya. She just can't help but to apologize silently to them.
Now, reminiscing all of those, can't help her but cry again. Hindi bale at wala namang nakakakita sa kanya. Ayaw na rin niyang may makakitang ibang tao na ganoong umiiyak at mahina siya.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakaiyak doon sa veranda. Nagising nalang siya nang maramdamang may humagod sa ulo niya.
"Saji," napaangat siya ng ulo mula sa mesa at tumingin sa tumawag sa kanya, ang ginang.
"Mamang," wika niya lang with her husky voice.
"Diyan ka na nakatulog, lumipat ka sa kama at baka mahamugan ka dito. At nang hindi ka narin mangawit."
'Bakit ba siya laging nakangiti sa akin? Lalo pang bumubigat yung nararamdmaan ko eh.' Tanong niya sa isip niya. "Pasensiya na po, masarap po kasi yung hangin dito." Palusot niya nalang at gumanti ng ngiti sa ginang.
"Okay ka lang ba anak?" tanong niya nang makatayo na si Saji. "Namamaga yang mata mo, umiyak ka ba?"
"Ayos lang po ako, kulang lang po ito sa tulog." Pagpapalusot niyang muli. "Nakatulog na po pala ako dito nang hindi ko namamalayan."
"Oo nga eh… nga pala, heto yung mga gamit na naiwan mo dito noon. Baka kasi magamit po pa ang mga ito." Sabay pakita ng mga nakatuping damit at nang ilang gamit.
"Nandito pa po pala ang mga ito… kala ko natapon na." bulong niya tiyaka kinuha ang mga iyon. "Salamat po," sagot niya sa ginang.
"Tara na sa ibaba at kumain ng gabihan, naroon na rin ang iba." Aya pa ng ginang.
"Sunod na lang po ako, magsha-shower lang po ako saglit." Sagot niya ditto dahil ayaw niyang bumaba na ganun ang itsura niya, ramdam niyang medyo maga pa kasi ang mga mata niya sa kakaiyak.
"Sige, bumaba ka agad ha." Wika nalang ng ginang at hinawakan ang balikat niya tiyaka ito umalis.
Humugot muna siya ng hangin bago inayos ang mga gamit niya sa closet at kinuha ang mga gamit na kailangan niya tiyaka dumeretso sa banyo ng kwartong iyon. Naglagay siya ng gamot sa mata niya para kahit papano ay hindi halata ang pagmaga nito. Tiyaka siya bumaba para kumain.
"Mommy, sino po siya?" tanong ni Wayne nang madatnan niya. Hindi pa siya agad napansin ng mga ito kaya tumayo nalang muna siya sa may banda ng pinto.
"Siya si Taliah, pamangkin ko siya," si Rhian ang sumagot.
"Can I play with her tomorrow po?" tanong pa ni Wayne.
"Oo naman apo, tanungin mo nalang siya bukas ha?" sagot naman ng ginang.
"Nga pala, bukas ay pupunta ako sa bukid sakay ng kalabaw. Kung gusto niyo ay sumama kayo sa akin para naman maranasan niyo ang sumakay ng kalabaw." Yaya naman ng ginong. "Tiyak na mag-e-enjoy kayo ng husto. Hindi naman sila mabilis maglakad o tumakbo tulad ng mga kabayo."
Ang ginong ang mahilig magpasyal sa kahit sinong bisita na dumarating sa Farm nang mga ito mula pa noon. Ito kasi ang may alam ng pasikot-sikot sa lugar at kung saan ang magandang pasyalan.
"Kalabaw po lolo? Yung malaki po?" tanong pa ni Wayne at inextend pa ang kamay para i-action ang isang malaking bagay.
"Oo apo, gusto mo bang sumakay doon?" tanong pa ng ginong sa kanya.
"Opo," tango naman ni Wayne "Mommy… diba that's bigger than a horse? Makakasakay narin ako dun." Baling niya sa ina.
"Are you excited baby?" tanong naman ni Mart ditto.
"I'm so excited for tomorrow na po tita Rhian, mommy," sagot pa ni Wayne.
"Kaya you should rest for now, kasi mapapagod ka sa pamamasyal bukas." Paalala pa ni Rhian sa mga pamangkin. "Taliah, you're also coming with us okay? Huwag kang matakot sa kanila kasi mababait sila. Kaibigan sila ni tita. Pwede mo siyang maging playmate." Baling nito sa mismong pamangkin.
"Mommy, is she mute?" tanong bigla ni Wayne kay Mart.
"No baby… she's just shy… just keep on talking to her and make friends, okay?" sagot naman ni Mart.
"Okay po," wika pa ng bata at napatingin sa kanya sa entrance ng dining room. "Mamita, you're there na po pala."
"Yup… ang bango naman niyang ulam, nasa hagdan palang ako amoy ko na." sagot niya lang at kunwaring kararating lang. Nakangiti siyang tumabi kay Rhian.
"Ba't ang tagal mo Saji?" tanong pa ni Mart sa kanya pagkaupo niya.
"Eh ang sarap magbabad sa tubig, hindi na kailangan ng heater kasi mainit na siya kahit na gabi." Palusot ni Saji.
Habang kumakain sila, napansin niya na panay ang sulyap sa kanya ang batang kaharap niya, na tahimik lang kung kumain, si Taliah… yung anak ni Dylan.
'Bakit kaya ito nakatingin sa akin? Anong problema nito? May gustong sabihin? Itanong?' tanong niya sa isip.
Nginitian niya na lang ito nang mahuli niya siyang tumingin sa kanya ulit.
'Alam niya kaya yung nangyari sa amin ng tatay niya? Ano kayang naaramdaman niya sa akin? Ayaw niya kaya akong nandito? Hay ewan, nakaka-paranoid… feeling ko anytime ay lalabas si Dylan at paaalisin ako dito at sabihing wala akong karapatang pumunta pa dito.' daing niya sa sarili.
"Mamang, curious lang po ako…" napatingin naman silang lahat sa kanya nang nagsalita siya. "Nasan na po yung nanay niya? Hindi ko po naririnig na binabanggit niyo siya kanina. Kasama niya po ba ang tatay niya sa ibang bansa ngayon?" curious na tanong niya.
"Matagal nang wala ang nanay niya, anak. Isang taon siya nong naaksidente ito sa ibang bansa. Kaya nga matapos ang isang taon na namatay ito ay inuwe ni Delaney ang bata dito dahil walang magbabantay sa kanya doon habang nagtratrabaho ito." Ang ginong ang sumagot.
"Sorry… hindi ko po alam." Paumanhin niya nalang.
Malay niya bang maagang namatay ang ina ng bata.
"Ayos lang hija, alam naman na ng bata ang tungkol doon." Wika naman ng ginang at inakbayan pa si Taliah na tahimik paring nakayuko habang kumakain.
Matapos silang kumain ay nagkanya-kanya na sila ng pinag-pahingaan. Bumalik nalang si Saji sa kanyang kwarto at inayos ang natirang mga gamit na di niya pa naayos kanina. Maya-maya pa ay naghanda na silang lahat para matulog ulit dahil mahaba-haba ang araw nila bukas.
---

Komentar Buku (99)

  • avatar
    Jarred Custodio Labana

    good work

    18d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    sndbdbdnnskejebsnsnsjjdjdjddndnbdbdhdjdjjddjrenebrbdbdbndbdbdndjskekekendndnbfnbfnrieowkwnenenrndndndndbndnrnnnnnnnnnnnnnnnnnejjdjdjdhdjfnfnfnfjfjfjfjfjjfjfnndjdkskekejrjndndnfndnnfdkrkrkkrkrkrkrkrjrjjrnrnrnndndndjdjndnfjfnfnfnnfnfnfnnfnfnfnndnnenenrnrrnfnndndnfnrnrnfnrnnrnfnfjdjfndnrnrnrndndjdjdndndndnndndndnndnfndndfjfjjrjrnrnsoowowowjenenndddjdddjjdjdj me know if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺 😭 nnnsnsnsnndndndnndn on the news and mama not sure ka na na na song lyrics to Tripan nakikisa

    19/07

      0
  • avatar

    so beautiful 💕

    16/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru