logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

NMKIMB 9

LINZEI POV:
"Tao po! May tao po ba rito?" Malakas na sigaw ko mula sa labas nitong napakataas na 'JKM Bookstore'.
Dalawang palapag ito at sa naalala ko ay English Novels ang nasa pangalawang palapag. At sa unang palapag ay mga Tagalog Novels naman. Minsan na akong nakapasok dito para bilhin ang mga libro na gusto kong makuha.
Sobrang mahal ng libro na 'yon sa ibang store kaysa sa bookstore na ito. Abot kaya talaga ng mga mamimili. Minsan na rin itong muntikan na ipasara ng may-ari sa kadahilanan na maraming nangyari na hindi maganda.
Kilala rin ang owner nito na nampapahiya ng mga empleyado. Trending sa social media ang pambabastos niya sa ka-ka-isang taon pa lang na si Samantha Evans. Marami akong nakita na negative comments tungkol sa post at mayroon din na positive.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nagrereklamo sa may-ari. Sa pagkakaalam ko na kapag may ginawang mali ang isang owner, papatawan siya ng maraming kaso. Kaya nakakapagtaka lang na hanggang ngayon wala pang umaaksyon.
Ang sabi rin ng kaibigan ko na may gusto sa kaniya ay gwapo at may ibang lahi ang may-ari ng bookstore. Kaso nga lang daw mahirap makausap ng maayos, malamig makitungo kahit na sobrang 'nice' raw nito habang tinatanong ng kaibigan ko ang tungkol sa pagkuha ko ng trabaho.
Nagtataka nga 'yon kung bakit sa lahat pa raw ng mga naghahanap ng empleyado, sa JKM Bookstore ko pa gustong mag-apply.
Ka-ka-tanggal ko pa lang sa isang restaurant kahit na bago pa lang ako. Hindi ko naman alam na kilalang tao ang tumawag sa akin at ang mga magulang nito.
Sobrang tanga ko at mas tumataas ang pagiging mahiyain ko magmula ng tawagin ako ng lalaking iyon.
Saka nagtataka ako sa lalaking iyon kung bakit kinuha niya pa ang menu kung alam niya naman na mayroon pala sa lamesa. Alam kong nakita niya 'yon, ang mas ikinagulat ko pa na malamig man siya makitungo sa iba.
Lahat ng lumalabas sa bibig niya ay nakakataba ng puso. Like—w-wow! Siya lang ang kauna-unahang nagsabi sa akin na maganda ako kahit na manang ako at losyang manamit.
' Katulad din kaya siya ng may-ari ng bookstore na ito? Hindi man maganda makitungo sa iba, pero alam naman nito kung paano maging mabuting tao sa ibang paraan?'
"Hayst... walang gano'n na tao kakaunti lang na mayroon gano'ng ugali." Naiiling na sagot ko naman sa aking sarili dahil sa naisip ko na walang kwenta.
Pinagmasdan ko pa nang maigi ang buong paligid ng bookstore. May nakalagay na 'CLOSED FOR 5 DAYS' ang pintuan.
Pero nandito raw ang may-ari sa loob, nag-aayos at naglilinis ng mga libro. Halata rin sa pintuan na bukas at wala man lock.
Napag-isipan ko na pumunta rito ng hapon kahit na sinabi ng kaibigan ko na hindi raw ito nang-ru-rush ng oras.
Kailangan ko lang talaga ng pera. Lalong-lalo na't kailangan ng natitirang pamilya ko sa probinsya.
Masyado ng matanda si Inay at ang mga kapatid ko naman ay nag-aaral pa. Kaya napag-isipan ko na ako na lang ang makipagsapalaran sa siyudad.
Kung ano ang malaki ang sahod, kahit na gaano pa man ito kahirap kailangan kong suungin. Nagawa kong mabuhay sa siyudad ng dalawang taon kahit na maraming mga tao ang nanliliit sa akin.
Hindi ko magawang lumaban dahil nangako ako kay Inay na iiwas na ako sa mga away.
Muntikan na rin akong mawalan ng gana pang maghanap ng trabaho simula ng patalsikin ako sa restaurant na 'yon. Ni hindi man lang marunong mangkonsindera ang manager na 'yon. Alam naman niyang bago pa lang ako. Kaya sinasanay ko pa lang ang sarili ko sa bagong atmospera, pero hindi ko na maibabalik pa ang lahat.
'Buti na lang naalala ko ang katagang 'yon na sinambit sa akin ng lalaki. Kailangan ako ng pamilya ko! Ako na lang ang aasahan nila. Kaya hindi dapat ako sumusuko!
Nagpalabas na naman ako nang mahinang buntong-hininga at muling tiningnan ang pintuan.
Baka wala na ang may-ari sa loob. O baka umalis kaya walang nagsasalita.
"Mukhang wala naman pa lang tao. Dapat bukas ko na lang pinuntahan. Hindi talaga ako marunong ng salitang ' patience'."
Kailan ba ako matututong magkaroon kahit ni katiting na pasensiya sa lahat ng mga bagay? Dapat i-rush talaga, Linzei?
Kaya ako lang din ang nahihirapan sa huli 'e. Kasalanan ko rin naman.
'Makaalis na nga lang.' Tanging komento ng aking isipan at napag-isipan na nga lang na umalis na lang kaysa ang maghintay sa walang darating.
"Wait a minute, Ms.!" Walang emosyon na sigaw mula sa loob.
Medyo nakakalayo na ako sa pintuan matapos kong maglakad dahil akala ko walang katao-tao sa bookstore.
Napatigil agad ako sa aking pag-apak sa semento. Sinusuri ko pa nang maigi ang boses na 'yon. Parang narinig ko na 'yon sa isang lugar pero hindi ko na maalala.
Para makumpirma na tama ang hinala ko sa aking utak ay napag-isipan ko ng lumingon sa lalaking tumawag sa akin.
"You?"
"I-Ikaw?"
Iyon na lang ang lumabas na kataga mula sa aking bibig. Ang salitang 'Ikaw' na putol-putol pa dahil hindi ako makapaniwala na siya nga 'yon.
Hindi man siya katulad ng lalaking nakilala ko sa restaurant na desente ang pananamit. Naka-business attire at ang upo ay parang isang supremo.
Ngayon ay puros alikabok at dumi ang polo na blue na suot niya at maging ang brown pants niya. Panigurado na kanina pa siya naglilinis sa loob. Maging ang kaniyang buhok mula sa tuktok ay may sapot pa ng lawa.
Pero kahit na ganito man ang ayos niya. Kitang-kita pa rin ang pagiging matipuno, matangkad at angat na pagiging ibang lahi na tao.
Unti-unting sumilay ang ngisi mula sa labi nito. Napaayos pa ito ng tayo at ang dalawa niyang kamay ay nilagay sa may bulsa ng pants niya. Nakaramdam ako ng hindi mabuti sa pagitan naming dalawa. P-para bang may iniisip siya na hindi maganda.
'Tama ba ang desisyon ko na magtrabaho sa bookstore na ito? Kaso wala na akong ibang choice pa, ito rin pa lang lalaking ito ang magiging amo ko.'
"I never thought that we will meet again, Ms. Waitress. Hindi lang sa paraan kung paano ka umayos ng sarili. Where's your eyeglasses?"
"U-uhmm... naiwanan ko sa apartment dahil sa kakamadali."
"Oh! Okay! Are you really sure na mag-a-apply ka sa akin ng trabaho? Hindi na ako magtatanong pa kung kilala mo ako, pero alam kong alam mo na kung anong klase akong amo? Hmm?" Dahan-dahan naman akong tumango sa naging tanong niya.
" Y-yeah... but I don't know who really are you... I mean your name, Sir." May paggalang ko namang saad.
Ngumiti naman siya sa akin nang sarkastiko at naglakad sa aking direksyon. Habang umaapak siya sa semento, mas lalong lumalakas ang tibok ng aking puso. Namamawis na rin ang aking kamay na nakahawak sa folder na kinalalagyan ng requirements ko. Hindi ko alam kung bakit ganito kalaki ang impact ng lalaking ito sa akin.
May nagsasabi sa akin na hindi siya normal na negosyante lang, pinapaalam na 'mas' pa siya roon.
Halos tumigil ang pagtibok ng aking puso. At maging ang paghinga ko ay napatigil din simula nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga.
At ang kaniyang hininga na nanggagaling sa kaniyang bibig ay naramdaman ko mula sa aking leeg.
Sobrang init—at mabango. "Well, I'm Jack Krean Miller. The owner of JKM Bookstore, nice meeting you Ms.?"
" I-I'm... "

Komentar Buku (159)

  • avatar
    aquinorosemarie

    baka po may book 2 na. subrang nakakabitin po pramis. hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa story can't wait na maging si jack at linzie ulit❤. i really really loved this novel❤. hope you do Sooniest the book 2❤

    07/11/2021

      0
  • avatar
    ChePie Intrepido Ronde

    Wonderful

    14/07

      0
  • avatar
    Mandirigma Cabs Bou

    this is sow wird

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru