logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

NMKIMB 10

LINZEI POV:
"I-I'm... "
Bago ko pa man sabihin ang aking pangalan sa lalaking nagngangalang Jack Krean.
Bigla na lang may eeksena sa aming dalawa. Napalayo rin sa aking direksyon si Jack or Sir Jack. Hindi ko alam ang itatawag sa kaniya.
Kaya nakaramdam ako ng pagkaginhawa sa paghinga, hindi katulad kanina na sobrang naninikip ang aking dibdib dahil sa kaniyang paglapit.
Napalingon din ako sa aking likuran. Nakita ko ang isang lalaki na kakalabas pa lang sa kotse. Hindi siya ganon kalayuan sa aking height. Makapal ang buhok nito at medyo mahaba. May earring din na itim na maliit kaso iisa lang at nasa kaliwang bahagi ng kaniyang tainga.
Nakasuot siya ng puting t-shirt at trouser. Ang pang-apak naman niya ay Nike na sapatos. Magkaiba sila ng kulay nitong si Sir Jack.
"Hoy Jack! Sino 'yan? Shota mo?" Patanong na wika ng lalaki sa katabi ko.
Kita ko kung paano umasim ang mukha ni Sir Jack. Palingon-lingon pa ako sa dalawang ito. Nakangisi ang lalaking nagsambit na shota 'raw' ako nitong si Sir.
Samantalang ito naman ay kitang-kita ang pagkasama ng kaniyang mukha.
'Hindi na kataka-taka pa kung maraming matatakot sa kaniya. Ako ay natatakot pero hindi ganon kalaki.'
"F*ck you! Anong ginagawa mo rito, Froyd? Nasa'n ang kaibigan mong makot?"
" Makot? What do you mean about makot? Saan mo natutunan ang salitang 'yan?" Nagtatakang tanong nitong Froyd ang pangalan.
Lumayo-layo pa ako sa kanilang harapan. Ayokong makisali sa kanilang pinag-uusapan. Saka boy's talk 'yan, kailangan nila ng pribadong komentasyon sa isa't isa.
Naglakad na lang ako sa direksyon ng pinto na nakasara. Sumandal ako sa tabi nito at pinagmamasdan ang aking mga paa.
"Makot means 'Matapang na Takot', and that is Hanry. Where he is? Bakit hindi mo siya kasama? Break na agad kayo?" Ibang-iba ang lalaking iyon kapag kaharap niya ang kaibigan. Samantalang kung nasa harapan siya ng customer or ibang tao, mahirap siyang makasunduan.
"'E di ikaw na ang genius. Saka punyeta ka hindi kami magjowa! Hindi ako pumapatol sa lalaki at tukmol! Ogag!"
"I know. Sa bakla ka lang pumapatol. Don't worry I still love you, my bro."
"Heh! Ewan ko sa 'yo. Saka sino ba 'yun? Kung hindi mo siya jowa? Bakit kayo magkasama?"
"She's applying as new Sales Lady. She almost tell her name but you've come."
"Mukhang siya na ang itinadhana sa 'yong bookstore 'a. Marunong umalis at umintindi," rinig kong paghanga ng lalaking 'yon. Kahit na ang layo ko na sa kanila ay nabobosesan ko pa ang kanilang mga tinig.
Hindi ba p'wedeng hinaan naman ng kahit kunting volume lang ang boses ng isa. Saka nagpapasalamat ako sa Froyd na 'yon dahil sa magandang komento niya mula sa akin.
'Kahit na medyo nakakahiya dahil ako ang topic nila pagkatapos ng isa.'
"Yeah, so, don't change the topic. What's the matter? How about the bar?"
"Hindi ko pa pinapabukas. Ang aga pa para i-open agad ang bar mo. Saka sakto na pumunta kami sa bar ay may nangyari. Bumalik ako rito para sunduin ka na at baka wala na tayong..." Hindi ko na narinig pa magmula ng humina nang humina ang boses ng Froyd na 'yon.
Alam niya kung paano niya ba babaguhin ang tinig ng kaniyang tono kapag kailangan nilang itago sa ibang tao ang pinag-uusapan nila. Saka kukunti na rin ang nadaan na mga tao rito, hindi naman ganon ka-wide sa tao ang bookstore niya.
Nasa parte ito kung saan katamtaman lang ang bahay na nakatayo. May mga paradahan ng sasakyan at lalong-lalo na matatanaw sa direksyong ito ang kinaroroonan ng isang napakalawak at mataas na mall.
"Huh?"
Napaangat ang aking ulo sa sobrang pagkabigla. Nakita ko na lang sa aking unahan ang magiging boss ko kung maging pasok ako sa standard niya.
At nalito rin matapos niyang kunin ang kanan kong kamay. Sobrang init n'yon, nahiya rin ako sa kulay ng balat niya.
Maputi rin pero mas maputi ang lalaking nagngangalang Froyd.
Kaso ang ikinatulala ko ay makita ang susi sa aking palad. Palingon-lingon lang ang aking ulo sa may susi at maging sa lalaking walang kahit ni isang mababakasan ng emosyon.
"You're hired. We will discuss the other details regarding on your work. But for now, ikaw muna ang bahala na sumarado sa bookstore. Got it?"
Mabilis akong nagtatango-tango. " Y-yes...Sir."
"Good. Well see yah, Ms." Bago pa man siya umalis ay ginulo muna niya ang buhok ko at saka tumakbo na para lapitan muli ang kaibigan.
Habang ako naman ay napatulala lang na nakatingin sa direksyon niya. Sa lalaking iyon na hindi ko maintindihan kung bakit siya ganon makaasta.
Medyo creepy.
"Hahayaan mo talaga siyang saraduhan ang bookstore mo? Nagtitiwala ka sa babaeng 'yon?" Dinig kong tanong na naman ng lalaki.
Pinagdududahan ako na magiging magnanakaw ako. Kung p'wede lang ba, pero hindi naman ako ganon kasamang nilalang kaya gagawa ako ng hindi nararapat.
Saka dapat sanay na ako sa mga pinagsasabi ng tao.
Dahil lang sa kung paano ako umasta at sa kalagayan ko sa mundo, sasabihan na agad nila ako na magnanakaw kahit na hindi naman totoo.
"As what you've said. Maybe, we can trust her. Mukha mo lang ang hindi mapagkakatiwalaan." Sagot naman agad ng boss ko bago pumasok sa loob ng kaniyang kotse na katabi lang ng kotse ng lalaki na sumundo sa kaniya.
Panguso-nguso pa iyong lalaki dahil sa lumabas sa bunganga ng kaibigan niya bago pumasok din sa kaniyang sasakyan.
Nang mapansin ko ng unti-unting nawawala ang dalawa sa aking paningin at maging sa bookstore. Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Napaharap pa ako sa aking likuran, sa mismong bookstore.
Dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto at pumasok sa maliit na espasyo kung sa'n kasya lang ako.
Minsan na akong nakapunta. Pero ang pakiramdam ko kapag nakakapasok sa loob ng bookstore ay parang nasa heaven ka. Hindi mo na kailangan pang magnakaw at hindi mo na rin kailangang itakbo ang libro.
Kung may bakanteng oras ka sa trabaho magagawa mong makapagbasa kahit kukunti lang na pahina.
At saka noon pa man ay pinapangarap ko na talagang makapasok sa isang sikat na bookstore upang doon makapagtrabaho. Para sa akin ay ang saya sa feeling.
"Ngayon natupad na ang pangarap ko. Nandito na ako sa loob ng bookstore. Malilinis ko na rin ang mga iniingatang libro. Pero hindi ko alam kung hanggang saan ba ang itatagal ko rito? Haist!" Mapait akong napangiti.
Nilabas ko ang cellphone ko na nakalagay lang sa aking bulsa at in-open ito. Kakabukas pa lang ay tumambad na sa akin ang tatlong minamahal ko sa buhay. Sa isang maliit na Myphone Android. Naka-wallpaper ang tatlo. Hindi ako kasama dahil wala naman ako sa tabi ng mga ito.
"I miss you. Para sa inyo, hindi ako titigil at susuko. Magkikita rin tayo, hindi lang sa ngayon."

Komentar Buku (159)

  • avatar
    aquinorosemarie

    baka po may book 2 na. subrang nakakabitin po pramis. hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa story can't wait na maging si jack at linzie ulit❤. i really really loved this novel❤. hope you do Sooniest the book 2❤

    07/11/2021

      0
  • avatar
    ChePie Intrepido Ronde

    Wonderful

    14/07

      0
  • avatar
    Mandirigma Cabs Bou

    this is sow wird

    05/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru