logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Six: Lies

   Chapter 6
              " Marco, bago ka pala matulog pakilabas mo muna yung basura ha? ", bilin ng mama niya. " Dadaan nga pala ngayon yung collector. "
               " Sige po ma. "
               " Itinabi ko na dun sa likod bahay, kunin mo na lang.
                Agad siyang sumunod sa ina. Binitbit niya ang dalawang garbage bag mula sa bakuran nila palabas ng gate. Ilalagay niya na sana iyon ng may mapansin siya. Bahagyang nasisinagan ng ilaw mula sa di kalayuang poste ang sidewalk sa tabi ng kanilang gate. Parang may nakahiga roon.
                Teka... tao ba yun?
                Inilapag niya ang dala at nilapitan iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino iyon.
                " Janna!  Janna gising! ", aniya ngunit hindi ito kumikilos.
                Kinalong niya sa isang braso niya ang ulo nito at bahagyang niyugyog ang balikat nito. Tinapik - tapik niya rin ito sa pisngi. Bahagya itong dumilat ngunit pumikit din ulit.
                " Huy Janna! Ano bang nangyari sayo ha? ",
                 Nang hindi ito sumagot ay pinangko niya ito at dinala sa loob ng bahay.
                                           
                 Napabalikwas siya ng bangon ng mapansing wala na siya sa lugar kung saan siya natulog kagabi. Inilibot niya ang tingin. Parang isang kuwarto iyon. Simple lang pero maluwang. Isang inilatag na kutson ang nagsilbing higaan niya. Biglang bumukas ang pinto sa kaliwang bahagi ng silid. Pumasok ang isang babae na mangilan - ngilan ng puting buhok. Nginitian siya nito.
              " Kumusta ang tulog mo? Natagpuan ka raw kagabi ni Marco sa tapat ng bahay na walang malay "
              " Si.. Marco po? ", maang na tanong niya. Tinulungan niya ko?  Weh!
              " Oo. Buti at gising ka na. Gigisingin na sana kita dahil baka ma - late ka sa klase. Sabi ni Marco, transferee ka raw. "
              " Tama po yon.. ako po si Janna "
              " Ako naman si Lucia. Ina ako ni Marco. "
              " Kumusta po mabait na ina ni Marco. Ikinagagalak ko kayong makilala. "
              Natawa ang babae.
              " Tita Lucy na lang hija.. Pasensya na pala at sa kutson lang kita napatulog ha? Wala na kasing extrang kama. At itong silid, extension lang ng kwarto ni Marco."
              " Ayos lang po, marami pong salamat."
              " Yung uniform mo nga pala nalabhan ko na. Pinalantsa ko na rin. Wag ka mag - alala, ako ang nagbihis sayo. Buti at nagkasya sayo ang mga damit ko. Bukod kasi sa mga gamit mo sa eskwela e, wala ka ng ibang dala. San ka nga pala nakatira? "
              " Ang.. ang totoo po niyan, kasalukuyan pa po akong naghahanap ng matutuluyan pansamantala.. kaya lang po wala po akong nakita kaya sinubukan kong sabihin kay Marco kaya lang hindi po siya nakinig kaya diyan na lang ako sa labas natulog. Bago lang po ako sa lugar na ito kaya hindi ko pa masyadong kabisado ", sumbong niya.
               " Naku ganoon ba? Walanghiyang batang yon a..", anito na ikinagulat niya. " Pasensya ka na sa batang yon ha? Di bale, pwede kang manatili rito kahit gano katagal. "
              " T - totoo po??  "
              " Oo nama hija. O siya, maligo ka na at magbihis para makakain ka na ng agahan. May gagawin pa kasi ako. "
              " Naku mabuting ina ni ---- ah eh, Tita Lucy! Maraming salamat po! Hulog po kayo ng langit! Pangako, tutulong ako sa gawaing bahay tuwing walang pasok at saka pagkagaling sa eskwela ", masayang aniya.
              " Walang anuman. Hangga' t kaya kong tumulong, gagawin ko ", nakangiting anito.
              Grabe.. paanong nangyaring ang isang napakabuting ina na tulad ni Tita Lucy ay nagkaroon ng napakasungit, napaka - arogante, napakasuplado, napakayabang, napaka - mainitin ang ulo at napakasalbaheng anak na tulad ni Marco?
              Sa sobrang inis niya, nakalimutan na tuloy niya at hindi niya magawang matuwa sa pagtulong sa kanya ni Marco ng nagdaang gabi.
                                           
                 Binitbit niya ang kanyang uniporme at isang tuwalya na maayos na nakatupi sa ibabaw ng isang lamesita doon. Naroon din ang kanyang sisidlan.
               Pasensya na Eerin. Hindi muna ako magkukwento dahil baka buskahin mo nanaman ako!
               Iisa lang naman ang pintuan sa kwartong iyon, yung pinto kung saan lumabas si Tita Lucy kanina. Kaya malamang, nasa ibang bahagi ng bahay ang banyo. Tinungo niya ang pinto at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang isang silid.
              Bigla niyang naalala ang sinabi ni Tita Lucy na extension ng kuwarto ni Marco ang kuwarto niya. Ibig sabihin, kakailanganin niyang dumaan sa kwarto ng lalaking yon sa tuwing lalabas at papasoniyak siya sa kanyang silid! Hindi maaaring hindi sila magkita---- sabagay, pabor naman iyon sa kanya kung ang misyon ang pag - uusapan..
              Inilibot niya ang tingin. Mukhang normal naman ang lahat. Pero napukaw ang atensyon niya sa isang nakakwadradong larawan sa ibabaw ng lamesita sa tabi ng kama. Kinuha niya iyon. Nakilala niya ang batang lalaki na nakalarawan doon, si Marco at napakakisig na talaga nito kahit sa murang edad. Tingin niya, nasa pito o walong taong gulang ito sa larawang iyon. Sa tabi nito ay isang batang babae. Napakunot ang noo niya. Bitin ang buhok nito sa noo tapos ang kapal pa ng kilay nito. At dahil nakangiti ito, kitang kita niya ang dalawang malalaking ngipin nito sa harap.
               Tao ba to?? ..
                                              
                 " Naku Janna, nakaalis na si Marco ", ani Tita Lucy habang sabay silang nag - aalmusal nito. " Ewan ko ba kung bakit nagmamadali ang batang yon. Maaga pa naman. "
                " Baka po..." Sigurado ho akong ayaw niya akong makasabay!
                " Baka po may importanteng gagawin ", sa halip ay sagot niya. " Salamat nga po pala ulit sa mga tulong ninyo. Napakabuti po ninyo. "
                 " Wala iyon hija. Hindi ko rin alam pero parang ang gaan ng loob ko sayo ", nakangiting anito. " Siya nga pala, paano ka nga ba napunta sa lugar namin? Parang bigla ka na lang sumulpot, kasi ni wala ka ngang mga bagahe. "
               Naku po. Eto na nga ba ang iniiwasan ko eh. Ano namang iddahilan ko??
               Saglit na nag - isip siya. Napansin nitong natahimik siya.
               " Naku hija, wag mo sanang masamain. Hindi naman sa wala akong tiwala sayo. "
               " Okay lang po.. ganito po kasi yon.. ah eh, nagmula lang po ako sa isang mahirap na pamilya.. tapos, ulila na po ako sa magulang kaya.. kaya naiwan po ako sa ilang kamag - anak .. kaya lang, naging malupit po sila sa akin ", aniya.
              Hindi niya alam pero parang naluluha siya sa sobrang ganda ng kwento niya. Pwede na palang maging maiden ang isang gaya niya. Nagpatuloy siya.
              " Isang araw, may nakilala akong isang mabuting ginang. Tinulungan niya akong makapag - enroll sa paaralan at sabi niya pwede raw akong pumisan sa kanyang sa kanyang tahanan. Nalaman iyon ng aking tiya kaya' t kinulong ako sa bahay. Ang totoo po, tumakas lang ako at ang uniporme at gamit pang - eskwela ko lang ang akimg nadala. Pero pagdating ko rito sa inyong lungsod, nabalitaan kong pumanaw ang mabuting ginang kaya hindi na ako maaaring tumira sa bahay niya. Gayunpaman, pumasok parin ako sa eskwela dahil ayaw kong masayang ang mga tulong niya ", aniya habang panay ang agos ng kanyang mga luha.
                Tumayo mula sa kinauupuan si Tita Lucy. Niyakap siya nito. Nakonsyensya tuloy siya. Nakakaiyak.
                Nakakaiyak magsinungaling...
                " Wag ka ng malungkot hija. Di ka na dapat mag - alala.. kami na ni Marco ang magiging pamilya mo.."
                                            
                Mabigat parin ang loob niya dahil sa ginawang pagsisinungaling. Masyadong mabait ang ginang sa kanya ngunit kinakailangan niya itong lokohin. Pinabaunan pa siya nito ng pagkain para sa tanghalian dahil tinanggihan niya ang perang iniaalok nito. Ni hindi niya magawang kainin ang baon niyang iyon. Hindi niya rin magawang lingunin kanina sa klase si Marco. Pag may kailangan siya ay kay Jaren siya nagtatanong. At ngayong lunchbreak naman ay kay Chanelle siya sumabay.
              " Ayos ka lang Janna? Namumugto yang mga mata mo "
              " Ah, wala lang to Chanelle."
              " Kung ganon, kainin mo na yang baon mo. Mukhang masarap ", anito. " Siyangapala, may nahanap ka na bang matutuluyan? ",
               " Oo, may nakilala akong isang mabait na tao at pinatuloy niya ako sa kanilang tahanan. "
               " Mabuti naman kung ganon. "
               " Ah.. Chanelle? Pwede magtanong? ", aniya na naisip na simulan na ang kanyang misyon.
               " Oo naman. Tungkol saan? "
               " Makisig si Marco hindi ba? ", tanong niya.
 Bahagya itong natawa.
               " Mmm.. oo... gwapo nga si Marco ", tumatangu - tangong anito.
               " Eh.. gaano katagal na kayong magkakilala? "
                " Matagal na rin.. magkaklase na kami mula first year ", anito. " Teka bakit mo nga pala tinatanong? "
                " Wala naman.. eh... gusto mo ba siya? "
                Bigla itong tumawa.
                " Anong klaseng tanong yan Janna? Siguro, gusto mo siya no? Uuuyy! Crush niya si Marco! ", buska nito. " Don' t worry, okay lang sakin no. Wala naman akong feelings for him eh. "
               " Naku Chanelle! Nagkakamali ka! Hindi ganun yung ---- "
               " Wag ka nang mahiya sakin. Ang totoo, nung unang beses ko siyang makita, na - attract ako kasi ang gwapo - gwapo niya. Pero nag - fade away din yun after quite sometime ", sagot nito. " Kaya I understand if nagkacrush ka agad sa kanya. "
               " Sigurado ka bang wala na? Baka naman pwede pang bumalik.. o kaya.. baka meron pa kahit konti lang? ",
               " I don' t understand Janna.. ano bang meron? ", takang tanong nito bagamat natatawa parin.
               " Eh kasi kayo ang mag - soulmates! ", biglang bulalas niya.
               " Paano mo naman nalaman? "
               " Dahil isa akong cu------ " aniyang biglang naalalang hindi pala niya dapat sabihin iyon. " Dahil bagay kayong dalawa.."
               " Ahahaha! Ano yan Janna, nagpapaka - cupid ka ba saming dalawa? "
               Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya nakakibo.
               " Hey Janna! I' m kidding ok? Alam mo ang weird mo ", anito at tumawa.
               " Ahahaha! Haha.. ", nakangiwing react niya.
               Muntik na ko dun ah!  ...    

Komentar Buku (149)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️

    05/12/2021

      0
  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    RieMarj

    nice

    06/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru