logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 9

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko matapos ang nakakahiyang eksena na 'yon. Pagkapasok ko ay humiga agad ako sa kama at tinitigan ang number ni Jacob sa cellphone ko. Humagikhik ako sa kakatitig sa number niya.
May number na niya ako!
Humagikhik ulit ako at niyakap ang unan sa tabi ko. Napatigil lang ako nang napagtanto kung ano ang ginagawa ko.
Ano bang ginagawa ko? Kinikilig ba ako?
Ngumisi ako sa hindi malaman na dahilan. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin.
Napatigil ulit ako dahil naalala ko na naman 'yong nangyari kanina. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, nagbabakasakaling makalimutan ang nakakahiyang eksena kanina. Sinubukan ko na lang umidlip para naman makapagpahinga ako, pero kahit anong gulong ko rito sa kama ay hindi talaga ako makaidlip kahit konti. Kaya naman ay bumangon na lang ako at lumabas, pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain at pagkatapos ay sa sala naman ako para manood na lang ng mga palabas.
Umupo ako sa mahabang sofa at naghanap ng maaring panoorin sa netflix, marami namang magaganda pero mas gusto ko ang drama ngayon. Kaya drama na lang ang pinanood ko.
Habang nanonood ay tulo naman nang tulo ang luha ko. Bakit ba kasi ito ang pinanood ko? Kahit wala pa namang nakakaiyak ay tumulo na ang luha ko. Ang OA ko!
Pinunasan ko ang luha ko dahil panay pa rin ang tulo nito kahit tapos na ang movie, hindi pa kasi ako nakakamove on sa palabas eh. Tumayo na lang ako at pinatay na ang TV at niligpit na rin ang pinagkainan ko. Hindi pa rin kumakalma ang luha ko kaya naisipan ko na lang lumabas at maglakad-lakad. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakitang kasambahay.
So, ibig sabihin nandito lang si Jacob.
Nagdadalawang isip pa ako kung magpapaalam pa ba ako, eh sa labas lang naman ako ng bahay. Sa huli ay ipinagkibit balikat ko na lang at lumabas ng bahay, tutal dito lang naman ako eh.
Paikot-ikot lang ako sa bakuran at medyo naiinip na rin dahil pabalik-balik na rin ang view ko. Gusto ko tuloy lumabas ng gate. Hindi na ako nag-isip pa at dumiretso na ako sa gate. Pagbukas ko ay halos mapatalon pa ako sa gulat nang biglang tumayo ang guard na nasa guardhouse at nagtataka akong tiningnan.
"Saan po ang punta niyo, Ma'am?" tanong no'ng guard nang nakalapit na siya sa akin.
"Diyan lang, Manong. mamamasyal lang po," sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Nakapagpaalam na po ba kayo? Hindi po kasi kayo pwedeng lumabas, Ma'am."
"Hindi naman po ako lalayo eh, diyan lang oh." may tinuro pa ako pero kalsada lang naman ang meron.
"Hindi po pwede Ma'am eh, balik na lang po kayo sa loob," sabi niya at iginaya pa ako papasok.
Kumunot ang noo ko at hindi siya sinunod.
Tss. Anong karapatan niya? Sabi ni Jacob ay siya lang sundin ko. Hindi naman siya si Jacob.
Umirap ako sa kaniya. "Tss. Manong, hindi naman kita kailangan sundin eh, ang sabi ni Jacob ay siya lang daw ang sundin ko," irita kong sabi.
Napakamot naman ng ulo ang guard. "Ma'am, magpaalam na lang po muna kayo—"
"What are you doing again here, Sashira?!" napatalon ang balikat ko sa gulat nang narinig ko ang biglaang pagsigaw ni Jacob sa hindi kalayuan sa akin. Nang balingan ko siya ay nasa pintuan siya at galit na nagmartsa palapit sa pwesto namin.
"S-Sir, pasensiya na po. Gusto pong lumabas ni Ma'am, pinipigilan ko po pero mapilit po eh." sumbong no'ng guard nang nakalapit si Jacob sa amin.
Pinandilatan ko naman ang guard pero hindi niya nakita dahil nakayuko naman siya. Napahilot naman sa ulo si Jacob.
Oh oh... mukhang galit na naman ang dragon.
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Bakit ba hindi ka marunong magpaalam? Binigay ko na nga ang number ko sa 'yo," galit niyang sabi.
"Tss. Diyan lang naman eh, hindi naman ako lalayo." inirapan ko siya dahil naiirita rin ako.
Hinilamos niya ang kamay niya sa kaniyang mukha at matalim akong tiningnan. Matalim ko rin siyang tiningnan.
Kala mo ha! Galit din ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit galit ako.
"Magsabi ka kasi kung lalabas ka."
"Eh 'di, Jacob, lalabas ako." sarkastiko kong sabi saka pinagkrus ang mga braso. "Ano okay na?"
Mas lalo naman siyang nagalit. "Hindi ka pwedeng lumabas. Bumalik ka na lang sa loob," malamig niyang sabi pagkatapos ay tinalikuran ako at pumasok na siya sa loob.
Tss. Suplado! Kala naman niya kung sino siya. Binalingan ko si Manong at matalim na tiningnan, nahihiya naman siyang yumuko at napakamot sa batok niya.
Inilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at tinaasan siya ng kilay. "Palabasin mo na kasi ak—"
"Sashira!" pagalit na sigaw ni Jacob galing sa loob.
"Heto na!" napairap na lang ako sa hangin.
Padabog akong pumasok sa bahay at nang nadaanan ko si Jacob ay inirapan ko lang siya. Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ang galit ko. Gusto ko lang namang lumabas, kailangan pa talagang magpaalam? Hindi rin naman ako lalayo at babalik din naman ako.
Padabog akong umupo sa sofa at pinagkrus ang braso sa dibdib. Umupo rin si Jacob sa kabilang sofa.
"'Wag ka ngang magdabog diyan, baka mapa'no yo'ng bata!"
Hindi ko siya sinagot, imbes ay inirapan ko lang siya ulit. Ang OA nito, hindi naman masyadong malakas eh.
"Ano bang problema mo?" tanong niya.
"Gusto ko lang namang lumabas," medyo malakas ang boses ko dahil galit ako.
"Bakit hindi ka nagpapaalam? Simpleng katok lang sa kwarto ko o 'di kaya text lang hindi mo pa magawa!"
"Hindi nga ako lalayo! Hindi rin naman ako tatakas, kung makaasta ka parang tatakas ako! Ano ako, bilanggo? Isa pa bakit mo nga ba ako kinukulong dito?" galit na talaga ako.
"Subukan mo lang tumakas Sash," bahagya akong kinilabutan nang marinig ko ang pagbabanta sa boses niya.
"Hindi nga!" pinatapang ko ang aking boses. "Bakit ba ako nandito? Pwede namang sa bahay ko na lang ako."
"Hindi naman kita kinukulong, ang akin lang naman ay kung aalis ka ay magpaalam ka nang mabantayan ka."
"Bakit pa kailangan ng bantay? Maglalakad lang sa labas kailangan pa ng bantay? Hindi nga ako lalayo!"
"Will you just please follow me?! Don't be so stubborn!" pagalit niyang sigaw sa akin, nauubusan na ng pasensya.
"Will you please don't shout at me?! Nasa Pilipinas tayo pero english ka nang english. Nakakairita ka!" sigaw ko rin sa kaniya.
Natahimik naman siya at napanganga. Hinilot niya ang kaniyang sentido na parang ang laki ng problema niya.
Tss. Kasalaman mo 'yan. Bakit mo pa kasi ako dinala rito.
"Saan mo ba gustong pumunta?" kalmado na ang kaniyang boses ngayon.
"Tss. 'Wag na! Wala na akong gana." padabog akong tumayo at pumasok sa kwarto ko saka padabog ring sinara ang pinto.
Kinakalma ko ang sarili ko habang nakaupo sa kama ko. Bakit ba sobrang galit ko? Pero bakit pa ba kasi kailangan pang magpaalam! At bakit kailangan pa ng bantay? Ayaw niyang tumakas ako? Eh ano naman ngayon?
"Arghh!" sinigaw ko na lang ang frustration ko. Mababaliw na talaga ako rito.
Buti na lang at meron na akong gamit sa pagpipinta, 'yon na lang ang pinagdiskitahan ko.
***
Malapit na akong matapos sa pagpipinta at pinagpapawisan na rin ako. May pintura ang kamay ko at palagay ko may pintura na rin ako sa mukha dahil kanina pa ako pahid nang pahid sa pawis ko.
Napatingin ako sa pinto dahil may kumatok at binuksan nito ang pinto. Napairap na lang ako nang nakita ko si Jacob na sumilip. Tumingin siya sa kama ko at inilibot ang paningin sa buong kwarto, nang nagtama ang paningin namin ay napabuntong hininga naman siya.
Lumapit siya sa akin at umupo sa sahig katabi ko. Nasa sahig lang kasi ako at sa pinakagilid ng kwarto ako nagpipinta dahil mas malapit sa bintana. Tiningnan ko lang siya saglit at nagpatuloy na rin sa pagpipinta.
"Malapit ka na bang matapos?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako at nagfocus na sa gingawa.
"Nakapagluto na ako ng dinner, kain na tayo."
"Mauna ka na, tatapusin ko lang 'to," sabi ko sa kaniya na hindi siya tinitingnan.
"Sabay na tayo, hihintayin na lang kita."
Tumingin ako sa kaniya pero binalik ko rin kaagad sa ginagawa ang paningin at tumango na lang.
Habang nagpipinta ako ay palipat-lipat naman ang tingin ni Jacob sa pinipinta ko at sa akin, pero mas matagal ang titig niya sa akin kaya medyo naiilang ako.
"Mamaya ko na lang 'to tatapusin," sabi ko na lang dahil hindi na nakayanan ang titig niya.
Nagsimula na akong magligpit ng gamit ko at tinulungan naman niya ako. Pagkatapos ay kumuha ako ng wet wipes at pinahiram ang kamay ko, kumuha rin siya at dahan-dahan niyang pinahiran ang mukha ko. Natigil ako sa pagpupunas sa aking kamay at napatitig sa kaniya. Seryoso lang siya habang patuloy na pinapahiran ang mukha ko.
"Tapos na," sabi niya at tinitigan ako sa mata.
Napakurap-kurap ako at biglang uminit ang aking pisngi. Yumuko na lang ako at pinahiran ulit ang kamay para hindi niya makita ang pamumula ko.
Shit! Kanina lang galit ako, ngayon naman... Arghh!
"T-tapos na rin, kain na tayo?"
Tumango lang siya at tinulungan niya akong tumayo, seryoso pa rin ang mukha niya. Mas lalo naman akong namula nang natitigan ko ang mukha niya sa malapitan.
Ang gwapo!
Yumuko na lang ulit ako dahil nakakahiya na talaga ako! Ano bang nangyayari sa akin? Sash, gumising ka nga!
Ipinilig ko ang aking ulo.
"Are you okay?" tanong niya na seryoso pa rin.
Tumango lang ako dahil kapag nagsalita ako ay manginginig naman ang boses ko.
Nauna ako sa kaniyang lumabas ng kwarto at nagmamadaling pumunta sa kusina. Namumula pa rin ako kaya nakayuko lang ako.
Oh my goodness, Sashira! Asan na ang galit mo ngayon? Natangay na ng hangin?

Komentar Buku (67)

  • avatar
    Jhet Rabago Delacruz

    good very lovely

    03/12/2024

      0
  • avatar
    Jusfer Damaso

    Yuo

    03/10/2024

      0
  • avatar
    TernidaLeanzel

    thanks

    08/08/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru