“Ma’am Ali, ayos lang po kayo?” agad akong napalingon kay Kuya Basti na kasalukuyang nagmamaneho. Masyado yata akong nadala sa iniisip ko kaya hindi ko na napansing malapit na kami sa San Beda. Marahan akong tumango sa kaniya bago ibinaling ang aking paningin sa labas ng sasakyan habang pinipilit ang aking sarili na kumalma. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka pumikit at sumandal sa backrest ng rear seat ng kotse. I was planning to take a nap but my mind suddenly replayed what actually happened the exact day I met him. “Hoy!” muling tawag ko sa kaniya. His head is still resting on my shoulder at mukhang wala siyang planong alisin iyon. Ang awkward tuloy ng posisyon namin dahil pareho kaming nakatayo. Kinabahan ako kaagad nang makitang paparating na ang bus. Paano ako makakasakay kung bigla-bigla na lang siyang humiga sa balikat ko. “Hey! Paparating na yung bus, kailangan ko nang sumakay.” mahina kong bulong sa kaniya. Tinapik-tapik ko pa ang kaniyang balikat sa pagbabakasakaling umayos siya sa pagkakatayo pero wala. May iilang mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin. Halos takpan ko na ang mukha ko dahil sa hiya. Nang huminto ang bus ay agad na bumukas ang pinto nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I can feel his heavy weight. Biglang nanlaki ang mata ko. Nakatulog na ba siya? Marahan ko siyang hinawakan sa braso at sinubukang alugin ‘yon. “Hey! Nakatulog ka na ba diyan?” tanong ko ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Mukhang nakatulog na yata siya. Paano ba ‘to? Anong gagawin ko? Kung kailan namang nagmamadali ako. Umuulan pa! Unti-unti na rin kaming nababasa dahil hindi ko makuha ang payong ko sa suot na backpack. “Ano Miss, sasakay ka ba o ano?” tanong ng driver ng bus. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa driver at sa kaniya at sa bandang huli ay wala akong ibang nagawa kundi aalayan na lamang siya. “Hindi na po, Manong.” Agad kong nakita ang pagsimangot ng driver. “Maghaharutan na lang kasi sa bus stop pa.” irita nitong saad bago muling pinaandar ang bus. Gusto ko sanang sumagot kaya lang alam kong magsasayang lang ako ng laway. Kahit sino naman siguro aakalaing boyfriend ko ang lalaking ito dahil sa posisyon at sitwasyon naming dalawa ngayon. Nagulat ako nang may bumagsak malapit sa paa ako. Nang tingnan ko iyon ay nakita kong isang bottled water na walang bawas. Iyon ba ang dahilan kung bakit siya lumapit sa akin? Para palitan yung bottled water na binigay ko sa kaniya kanina? Agad ko iyong pinulot bago inayos ang posisyon naming dalawa. Inilagay ko ang kaniyang kanang braso sa aking batok para maayos ko siyang maalalayan at para hindi ako mabigatan. Hindi ko na inalintana ang pagkabasa sa ulan. Kinuha ko ang aking panyo sa backpocket ng suot na pantalon at ipinatong iyon sa ulo niya para hindi mabasa ang kaniyang bumbunan. “Bakit naman kasi ngayon ka pa nakatulog?” bulong ko sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya ako naririnig. Nang may makita akong taxi ay agad ko itong pinara. “Saan kayo Ma’am?” mabilis na tanong ng driver nang makita niya ang kalagayan ng kasama ko. “De Ocampo Memorial Medical Center ho.” mabilis kong turan sa driver. Iyon kasi ang pinakamalapit na Medical Center mula rito sa Arellano. Marahan kong nilapat ang aking palad sa kaniyang noo at mas lalo akong kinabahan dahil nakakapaso na ang init nito. “Manong pwede po bang pakibilisan?” Mabuti na lamang at walang masyadong sasakyang bumabiyahe kaya mabilis kaming nakarating sa medical center. Agad akong tumawag ng nurse para mailagay siya sa stretcher. Nang mabayaran ko ang taxi ay agad na rin akong sumunod papasok sa loob. Ah! What a day! Naihilamos ko ang aking palad habang nakaupo sa waiting area. Almost 30 minutes na magmula nang iwan ko siya upang malagyan ng suero. Napapikit ako nang maalala ang mga dapat na gagawin pa. Hindi ako pwedeng manatili rito at samahan siya hanggang magising siya. “Hi, Ma’am, kayo po ba ang asawa ng pasyente?” tanong sa akin ng Doctor. Mabilis akong tumayo saka umiling. “Girlfriend?” Napangiwi ako. “Hindi rin po.” Saglit siyang natahimik sa isang tabi. “Ah. Ma’am. I would like to ask something; I hope hindi po kayo ma-offend. Are you his mistress? Kasi Ma’am kung oo, pasensya na but our hospital is very much against adultery.” marahan niyang paliwanag. Nanlaki ang mata ko sa narinig. What? No! “No. I… I mean he is just an acquaintance, nagkataon lang na nawalan siya ng malay noong kasama niya ako…” natataranta kong paliwanag Narinig ko ang mahinang pagtawa ng Doctor. “Joke lang, Ma’am. Anyway, bumaba na po ang lagnat niya. Maybe after four hours of resting ay magigising na rin siya.” dire-diretsong saad ng Doctor bago ito tatawa-tawang naglakad papalayo. Hah! Mukha bang nakakatawa ‘yon? I squeezed my eyes shut para pigilan ang pagkainis. Mabilis kong isinuot ang aking backpack at dinala ko na rin ang kaniyang bag papasok sa kaniyang cubicle room. He was peacefully sleeping. At some point, nainggit ako sa kaniya dahil siya nakakatulog pa. “Pasensya ka na ah, kailangan ko nang tawagan ang magulang mo kasi kailangan ko na ring umalis.” mahina kong saad habang hinahanap ang cellphone sa kaniyang bag. Mabuti na lamang walang password iyon. Agad akong tumungo sa contacts nito para tingnan kung sino ang maaaring tawagan. And then I saw one of his contacts na may contact name na Dad. Kinakabahan man ngunit pinindot ko pa rin ang dial button. Nakailang ring sa kabilang linya bago nito sagutin ang tawag. “Oh, Alistair.” Pumikit muna ako bago sinagot iyon. Marahan at malinaw kong ipinaliwanag ang nangyari sa kaniyang ama. And the old man said he’ll come in 15 minutes. Pagkapatay ko ng tawag saka ko na-realize na hindi pala ako nakapagpakilala. I heavily sighed in frustration. Ano ba naman ‘yan? Napaupo na lamang ako sa isang monoblock chair na available sa loob ng cubicle habang naghihintay. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang payapa siyang nakahiga at natutulog sa hospital bed. 15 minutes is up kaya tumayo na ako. Akmang hahawiin ko na ang cubicle curtain nang maunahan ako ng taong nasa labas. Agad kong natutop ng aking palad ang aking bibig nang makita kung sino ang nasa harapan ko. “Miss Valeria?” “Attorney Altamirano?!” Sabay naming bulalas sa isa’t isa. Pakiramdam ko binuhusan ako ng isang timbang malamig na tubig dahil halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Professor Bernard Altamirano is my professor in Criminal Law I. Isa siya sa mga professor na kinatatakutan ng section namin dahil sa sobrang strict at hilig nito magpa-recitation. “I uhm… I think I have to go Sir- Attorney I mean, b-babalik pa po kasi ako sa school.” nauutal kong sabi. Gusto ko na lang maglaho na parang bula dahil sa sobrang hiya. Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng maging ama ng lalaking ‘to, prof ko pa talaga? Tumango naman siya kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad akong lumabas ng cubicle at tarantang tumakbo papalabas ng hospital. “Ma’am Ali. Nandito na tayo.” saad ni Kuya Basti dahilan para mabalik ang aking isipan sa kasalukuyan. Lunes ngayon, at alas otso ang simula ng klase namin sa Criminal Law I at hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa muling pagkikita namin ni Attorney Altamirano. “Bakit namumutla ka? Hindi ka nakatulog?” bungad sa akin ni Mayelle na isa sa mga blockmates ko. “Sana all nakakatulog.” singit naman ng bagong dating na si Aldwin na may dala-dalang McCafe. “Sana all nag-Mcdo.” sabat ko naman sa kaniya. “Uy, gago. Ang aga kong pumuntang Mcdo kanina para bumili ng kape. Yumuko lang ako saglit sa table para umidlip paggising ko mag-aalas otso na. Speed, pre!” reklamo niya saka padarag na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. “Maputla ka today, may sakit ka?” puna niya Napahawak na lamang ako sa pisngi ko. Hindi ko naman kasi ugaling magmake-up kaya siguro nasasabi niyang maputla ako. “Hindi ah. Natural ‘yan.” sagot ko naman saka umupo na rin. Inilabas ko sa bag ang libro na ginagamit namin sa lecture. “Ah please, no recit please.” halos maiyak na saad ni Aldwin habang nilalabas ang kaniyang libro. Dumukmo siya sa kaharap na desk at mangiyak-ngiyak na nagdadasal. Agad namang tumahimik ang buong klase nang pumasok si Attorney Altamirano dala ang kaniyang laptop. Agad niya itong inilagay sa lamesa at binuksan ang TV na naka-attached sa wall ng classroom. Tinulungan na rin siya ng President ng klase namin na si Kyle sa pagse-set up. “Good morning.” bati niya. Agad kaming bumati pabalik sa kaniya. Hangga’t maaari ay iniiwasan kong makita niya ako. Hindi pa rin kasi ako nakaka-move on sa nangyari noong Friday. Hanggang ngayon hiyang-hiya pa rin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin sa pagkakataong ganito. “Early recitation” Nang sabihin niya iyon ay nakita ko ang panghihina sa hitsura ng mga kaklase ko. Si Mayelle ay biglang napasandal sa backrest ng kaniyang upuan samantalang si Aldwin ay bumalik muli sa pagdadasal. “Bakit feeling ko ako ang matatawag ngayong araw?” kinakabahan niyang bulong sa kaniyang katabi na si Bryse. “Feeling ko nga ako eh.” saad naman nito sa kaniya. Nang pindutin ni Attorney ang remote ay agad na nag-appear ang isang mahabang text sa projection ng TV. “Miss Asuncion, please read the situation and the question.” tawag niya sa isa naming kaklaseng babae. Masaya naman itong tumayo at mabilis na binasa ang text na nasa screen. Situation: A plumber had a dispute with a homeowner about the amount owed on a plumbing job. The homeowner paid what the plumber demanded, but the plumber believed that the homeowner stole his drill as a way to get back at him One night, the plumber entered the homeowner’s house without permission to retrieve his drill. The plumber found a drill, but quickly realized that it was not his. The plumber then left without taking anything, locking the door behind him. Question: Is the plumber guilty of burglary? Nang matapos na iyong basahin ni Shullien ay agad siyang pinaupo ni Attorney. “Jackpot si Shullien, safe na sa recit.” bulong ng isa pa naming kaklase na nasa likuran na si Roman. “Is the plumber guilty of burglary? Anyone? Who wants to volunteer?” Napayuko ang karamihan sa mga kaklase namin. Maging ako napayuko na rin dahil kinakabahan din ako. Hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot kundi natatakot ako na baka mautal ako habang sumasagot. “No one wants to answer, okay.” Mabilis itong tumalikod upang kunin sa kaniyang envelope ang isang bundle ng index card na mayroong mga pangalan namin. “Aldwin Cruz. Mr. Aldwin Cruz please answer the question.” Dahan dahang tumayo si Aldwin habang hawak pa rin ang kaniyang libro. Hindi naman mainit dahil nakabukas ang aircon pero pinagpapawisan siya. “Uhm. I… I… No, Attorney. Because the plumber did not take anything.” The color drained his face. I can feel his nervousness. “Can you elaborate your answer Mr. Cruz?” I squeezed my eyes shut. Ito ang ayaw ko sa lahat, yung may mga pahabol na tanong. But what can we do? Estudyante lang kami at wala kaming karapatan na kuwestiyonin ang propesor sa kaniyang paraan ng pagtuturo. “Uhm… uhm…” Bumaling ako nang tingin kay Attorney Altamirano. A corner of his mouth lifted because of dismay. “So… do you want to call a friend?” Call a friend? That’s new! Gulat kaming napatingin kay Attorney sa sinabi niya. We didn’t know what to react exactly. Some are confused, some are totally shocked. Hindi kasi siya yung tipo ng Prof na magsasabi ng gano’n. Mahigpit siya sa kaniyang patakaran na “no recit, no grade” “Nahipan yata ng mabuting hangin ngayon si Attorney.” bulong sa akin ni Mayelle. “Sinong friend ni Mr. Cruz dito? Anyone?” “Luh, p’re, wala kang friend.” bulong ni Roman sa likuran dahilan para lalong sumama ang timpla ng hitsura ni Aldwin. I heavily sighed before I raise my hand. “I’m his friend” Lahat ng naroon ay napalingon sa akin. “Okay, Miss Valeria. Tell us your answer and please elaborate.” “The question is, is the plumber guilty of burglary? My answer is no. Because the plumber made a reasonable mistake of fact. Burglary requires the breaking into and entering of the dwelling house of another with the intent to commit a felony therein. The plumber entered to retrieve what he thought was his drill. This negates the element of intent to commit a felony therein. The intent also needs to be present at the time of the entry. Here, there was a mistake of of fact which negates the necessary mens rea (criminal intent). Therefore, there is neither larceny nor burglary.” Nakita ko ang pagtango ni Attorney. “That’s correct. Very good, Miss Valeria.” My brows furrowed in confusion because of what he said. Nakita ko rin ang pag-awang ng mga bibig ng mg blockmates ko dahil sa sinabi ni Attorney Altamirano. Marahang pumalakpak si Aldwin ngunit agad kong hinampas ang kamay niya kaya agad niyang binaba ito. “Mr. Cruz 85 and Miss Valeria 95 on the recit.” The mouth of our blockmates formed an “o”. I can’t really hide the fact that I’m confused at the moment.
“Why is he so nice to us today?” napatingin ako kay Bryse na nasa likuran namin nina Mayelle. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungong canteen dahil tapos na ang aming unang klase. Mamayang one o’clock pa ang next class namin kaya mahaba pa ang oras para mag-aral. “Hindi ka sure kung nice siya. Baka nahipan lang siya ng good air kanina.” Natatawang nilingon ko ang napadaan naming blockmate na si Richelle. The ever conyo Richelle. “Like parang nahipan lang siya ng good air kanina kaya he’s mabait to us?” panggagaya ni Roman sa pananalita ni Richelle. Agad na napatakip ng bibig si Bryse dahil nagpipigil ito ng tawa. Inis na binalingan ni Rich si Roman at pinagtaasan ito ng kilay. “You’re really weird Fernandez and pangit na rin.” Mabilis kami nitong nilampasan at nauna nang tumungo sa canteen. Hindi ko na napigilan ang sarili na bumunghalit ng tawa. Maging sina Mayelle ay natawa na rin dahil biglang namula si Roman sa sinabi ni Richelle. “Pangit ka pala, dude pare chong!” umarteng tila nandidiri si Aldwin at lumayo pa ng ilang metro kay Roman. Napangiwi ako nang marinig ang sinabi ni Aldwin. Hindi na talaga yata mawawala ang La Sallian accent niya. “Ulol! Eh kahit naman pangit ako, mahal mo pa rin ako ‘di ba p’re?” saad nito saka kinindatan si Aldwin na walang ibang nagawa kundi mapangiwi na lang. “Pero baka naman kasi may bawi talaga next lecture.” turan ni Mayelle “Basta ang alam ko, masaya ako dahil hindi ako naka-60 sa recit today.” pagyayabang ni Aldwin sa likuran. He smiled and even threw a fist in the air na para bang nanalo siya sa isang pustahan. “Eh nagpasalamat ka na ba sa friend mo?” tanong ni Mayelle kay Aldwin saka ako itinuro “Ay, ayoko na siya maging friend. Gusto ko na siyang jowa. Pwede ka bang ligawan, Alissa?” pabirong tanong ni Aldwin. I immediately rolled my eyes and smirked. “Ayoko kasi ng manliligaw na mababa ang recit. Pasensya ka na ha, God bless.” He glanced up to the sky dramatically saka hinawakan ang kaliwang parte ng dibdib. “Ah, ang sakit pala ma-basted. Ngayon ko lang naranasan, shit!” nag-iinarte niyang saad. Nagtawanan na lang kami hanggang makarating sa canteen. Hindi rin naman kami nagtagal doon dahil kailangan pa naming pumunta ng library para sa mga case readings. Nauna silang apat sa library dahil dadaan pa ako sa opisina ng organization na kung saan ako ang President. Kailangan kong idaan ang mga pinrint kong proposal for the upcoming Sports Festival para ma-check na rin ng Vice President kung may kailangan bang idagdag o may kailangan pang baguhin. “Pres!” Pagkapasok ko sa opisina ay agad bumungad sa akin ang auditor ng organization na si Kian. “Good morning, bakit?” mabilis kong inilapag sa entrance table ang folder na hawak ko upang kunin pa ang ibang papel sa loob ng bag ko. “May naghahanap po pala sa inyo.” “Sino?” kunot-noong tanong ko. “Ako.” saad ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng nursing uniform. Words and Their Meanings Mens rea-criminal intent Larceny- the unlawful taking of personal property with intent to deprive the rightful owner of it permanently. Burglary- the act of breaking and entering a dwelling at night to commit a felony. Felony- A crime, typically one involving violence, regarded as more serious misdemeanor, and usually punishable by imprisonment for more than one year or by death.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice
27/01
0mabuting construction workers
01/01/2025
0wc too you
14/12/2024
0Lihat Semua