“Manong, para!” kabadong sigaw ko sa driver ng jeep nang matanaw ko ang main gate ng Arellano University. Kinakabahan ako dahil baka lumampas ako. Ito kasi ang unang pagkakataong sumakay ako ng jeep dahil may sakit ang family driver namin na si Kuya Basti. Kaya wala akong ibang choice kundi magcommute ngayong araw. Hindi ko naman akalaing marami pa akong mararanasang mga epic na sitwasyon. Una, yung katabi ko ginawang unan ‘yong balikat ko, pangalawa muntik nang mapunit yung cartolina banner na dala ko dahil sa mga estudyanteng dinaig pa si Dash ng The Incredibles kung sumakay sa jeep. Pangatlo, naranasan kong maging taga-abot ng bayad dahil nasa likuran lang ako ng driver nakaupo. Mabuti na lang mahaba ang pasensiya ko dahil kung hindi baka hindi pa nakakalayo ng San Beda yung jeep ay bumaba na ako. “Manong bayad.” saad ko sabay abot ng 100 pesos sa driver. Kumunot ang noo nito saka lumingon sa akin. Heto na naman, bigla na naman akong kinabahan. “Bakit ho? Kulang ba?” maging ako ay napakunot din ng noo. Kulang ba? Hala nakakahiya! “Sobra ‘to Ma’am. 12 pesos lang po.” Sasagot pa sana ako kaya lang biglang nag-vibrate yung cellphone sa bag ko. “Naku manong, wala po akong barya. Keep the change na lang.” Nagmadali akong bumaba dahil alam kong si Maureen na ‘yong tumatawag. Hindi ko na sinagot iyon dahil mas matatagalan ako kapag kinuha ko pa ‘yong cellphone sa loob ng bag ko. Nagmadali na akong tumakbo papasok ng main gate dala ang banner na pinagpuyatan kong gawin kaninang madaling araw. Sa sobrang daming case readings at kailangang i-memorize na codal provisions halos muntik ko nang makalimutan ang ipinapagawa ni Maureen sa akin na banner na gagamitin niya mamaya sa pag-cheer sa basketball team ng Mapua kung saan player ang boyfriend niyang si Kier. Dahil unang beses kong makapasok sa loob ng AU, kinailangan ko pang magtanong sa ibang estudyanteng naroon para mahanap kung saan yung gym. Mukhang hindi pa naman nagsisimula ang first game ng basketball dahil marami pang tao sa labas, karamihan ay bumibili ng bottled water at snacks na pwedeng baunin papasok sa loob ng gym. Nang makapasok ako sa entrance ay agad kong nakita sina Maureen at Janelle sa pinakaunahang hilera ng upuan malapit sa inuupuan ng mga basketball players kapag break time. “Iba talaga kapag inspired, ang bilis makakuha seat sa first line.” Bungad ko sa kanila saka padarag na umupo sa isang vacant seat. Napatingin pa ako sa kaliwang side ko dahil may nakaupo roon na nakahoodie at sweatpants. Nakasandal din ang ulo nito sa backrest ng upuan. Bigla akong nahiya dahil mukhang natutulog yung katabi ko tapos ang ingay ko. “Grabe, akala namin naglakad ka mula San Beda hanggang Arellano sa sobrang tagal mong dumating.” reklamo ni Janelle saka mabilis na kinuha mula sa akin ang banner na ginawa ko kaya nabaling nang muli ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Janelle and Maureen are my friends since first year college. Pare-pareho kaming gum-raduate sa course na civil engineering sa Mapua. After college, the three of us decided to enter medical school. We can’t help but to laugh kasi magme-med school kami pero ang pre-med course namin ay engineering. Halos wala kaming advantage kumpara sa mga estudyante na Med-tech ang kinuha as their pre-medical course. That time, I thought I was ready. Handa na lahat ng requirements na ipapasa ko sa UST pero nagulat na lamang ako nang matagpuan ang sarili kong nakasakay sa kotse at nagpa-drive kay Kuya Basti patungong San Beda para mag-enroll bilang isang law student. Sa aming tatlo, ako lang ang nahiwalay sa kanila. Nagpatuloy sila sa UST at pareho nilang nirespeto ang desisyon ko na pumasok sa San Beda. Our bond remained intact. We don’t let our studies and hectic schedules ruin our friendship. And we make time for us to go outside kahit dalawang beses lang sa isang buwan. Minsan ay depende pa sa schedule namin sa school. “Omg! Ang ganda ng pagkakagawa mo. Sana all creative.” saad ni Maureen saka ngumuso. Ngumisi lang ako saka pumikit muna at saka sumandal sa backrest dahil bigla ko na lang naramdaman yung pinaghalong pagod at puyat dahil sa daming case readings at recitation sa bawat subject namin sa law school. “Pagod?” I heard Janelle asked. I gave her a half smile and nodded. “Teka, Ali! Ayan na ang mga Cardinals!” excited na sambit ni Maureen sabay kalabit sa akin. Napalingon ako sa katabi ko nang bigla rin siyang umayos nang pagkakaupo. Hindi ko makita ang kaniyang hitsura dahil sa hoodie niya but I can smell his branded Bvlgari perfume. Napabuntong hininga siya saka muling sumandal at pumikit. “Ali!” muling tawag sa akin ni Maureen habang itinuturo niya sa akin ang boyfriend na si Kier. Graduating na rin si Kier this year sa kursong Architecture at kung hindi ako nagkakamali, may plano itong mag-take ng masters’ degree sa Barcelona pagkatapos ng graduation. Kier waved at us. Tumango lang ako rito habang si Maureen ay halos tumalon-talon pa sa sobrang tuwa. Sobrang hectic din kasi ng schedule nila sa medical school kaya sobrang dalang nilang magkita lalo na at magkaiba sila ng eskwelahang pinapasukan. Mabuti na lang NCAA season at natapat pang term break nila sa UST. “Ali!” pasigaw naman na tawag ni Janelle. “What!?” Pareho kaming nagulat ni Janelle nang biglang nagsalita ang katabi ko. Marahan ko itong nilingon at sa pagkakataong ito wala nang nakatabon na hoodie sa ulo niya. The guy is handsome. Above average ang hitsura. He looks like a model. But he seemed irritated habang nakatingin sa amin ni Janelle. Busy namang nakikipag-usap si Maureen kay Kier kaya hindi niya na napansin ang nangyari. “I’m sorry. Akala ko ako yong tinatawag niyo.” he said almost whispering saka muling sumandal sa backrest. Nakita ko naman ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi ni Janelle. “Ali rin name niya.” pabulong nitong saad na may halong pang-aasar. I rolled my eyes at her. Imbes na umidlip ay kinuha ko na lamang sa bag ko ang libro ko sa Civil Procedure. Sa tuwing aalis ako ng bahay o kapag may lakad ako, palagi kong sinisiguradong makakapagdala ako ng isang libro na maaari kong basahin kapag may free time. Sa law school, kapag wala kang alam, babagsak ka. Kaya dapat palagi kang nagbabasa. Mahirap magkaroon ng bad recit at mas lalong mahirap kapag napalabas ka ng prof mo dahil hindi ka nakasagot sa tanong niya. “Ayan na ‘yung Chiefs.” bulong ni Janelle habang kumakain ng popcorn, may hawak din siyang maliit na notebook at mukhang may mine-memorize. Palipat-lipat lamang ang kaniyang atensiyon sa binabasa at mga players na napapadaan sa gawi namin. Tahimik kong pinagmasdan ang mga players ng Arellano University habang dumadaan sila sa harapan namin. Lahat ng players matatangkad at nakaka-intimidate tingnan. Malaki rin ang advantage nila dahil homecourt nila ang gagamitin sa first game against Mapua Cardinals. “Ali!” Napalingon ako sa lalaking nakasuot ng blue na jersey na may tatak na number 2 sa harap. Mabilis itong lumapit sa kinaroroonan namin kaya napalingon ako sa katabi ko. His nose crinkled. Halatang naiirita sa lalaking tumawag sa kaniya. “Hindi ba sabi ni coach magpahinga ka, bakit nandito ka?” tila nang-aasar na tanong nito sa katabi ko habang ang dalawang braso ay nakapatong sa railings. “Siguraduhin mo lang na makaka-score ka Sebastian.” walang ganang sagot ng katabi ko. The guy’s face reddened. Mukhang na-offend sa sinabi ng lalaking katabi ko kaya umalis na rin kaagad. Ilang sandali lang ay nagsimula na rin ang first quarter ng game. Sa pagkakataong iyon ay nagsuot na ako ng earphones dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao. Cheer dito, cheer doon. Wala na akong naiintindihan sa binabasa ko. Pasulyap-sulyap lamang ako sa scoreboard para tingnan kung sino na ang lamang. Natapos ang first quarter na lamang ng 10 points ang Mapua. Good start. Napangiti ako samantalang yung katabi ko halos malukot ang hitsura. He keeps on uttering some curse words while watching the game. Inalis ko muna ang earphones na suot saka sumandal sa backrest. 22 pa lang ako pero yung backpain ko pang 60 years old na. I was peacefully resting nang biglang tumunog ang buzzer for second quarter. Bahagya akong nagulat kaya nalaglag sa sahig ang libro na kanina’y nakapatong sa hita ko. Pupulutin ko na sana iyon kaya lang ay naunahan ako ng katabi ko. Kaya imbes na libro ang maabot ko ay likod ng palad niya ang nahawakan ko. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang maramdaman ang init ng katawan niya. His body temperature is high. High enough to consider it as a fever. Hindi siya ngumiti nang iabot niya sa akin ang libro. Hindi ko na rin nagawang magpasalamat dahil at some point, nakaramdam ako ng pag-aalala sa kaniya. Namumula na rin siya kaya mas lalo akong nag-aalala. Tumingin ako sa parehong entrance ng gym at nakitang puno ng mga tao at halos walang madaanan. If this guy suddenly collapse… I suddenly thought. Oh God! Please don’t. “Ali, okay ka lang?” rinig kong bulong sa akin ni Janelle. Nginitian ko si Janelle saka marahang tumango. Dahan-dahan kong inabot ang bag ko saka kinuha roon ang bottled water na hindi pa nabubuksan at kumuha rin ako ng isang paracetamol sa isang pouch na naglalaman ng mga gamot for emergency purposes. Marahan kong nilingon ang katabi ko at alanganing inabot sa kaniya ang tubig at paracetamol. His brows furrowed in confusion. Mukhang naguguluhan pa dahil sa biglaang pag-abot ko sa kaniya ng tubig at gamot. Maya-maya pa ay narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Siguraduhin mong walang lason ‘to.” saad pa niya sabay abot ng gamot at tubig. I scoffed in irritation. Grabe! Babawiin ko na sana ang ibinigay sa kaniya ngunit mabilis niyang ininom ang gamot. “Thanks!” saad niya saka muling pumikit. Hindi na rin ako nakapagbasa dahil sa ingay ng paligid kaya ibinalik ko na lang ang libro sa bag. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa panunuod kahit hindi naman talaga ako mahilig sa basketball. Humahabol na rin ang Chiefs sa score ngayong second quarter pero malaki pa rin ang lamang ng Cardinals. “Homecourt pero olats, tsk!” palatak na saad ng katabi ko. Mabilis na natapos ang second quarter at agad ding nag-resume para sa third quarter. “Foul!” Sigaw ng referee sa lalaking nagngangalang Sebastian. Pang-limang foul na ni Sebastian ‘yon sa buong game, ibig sabihin mabibigyan ng pagkakataon na magka-free throw ang Cardinals. “Tangina, ang tanga!” mahina ngunit mariing sabi ni Ali. The game was about to resume when the coach of Chiefs called for time-out. Naramdaman kong hindi mapakali sa tabi ko si Ali. It’s as if he’s battling with himself onto something. Hanggang sa nagulat na lamang ako dahil bigla siyang tumayo at tumalon sa nakaharang na railings. “Sub!” sigaw niya sabay alis ng suot na hoodie. Inside of his hoodie he’s wearing a basketball jersey. “Oh! Basketball player pala ang baby mo.” saad ni Janelle habang tinuturo si Ali. “Baby ko? Sino? Si Ali?” nagtatakang tanong ko. Her lips formed an “o” Unti-unting ngumisi si Janelle dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ng lalaking kanina’y katabi ko. “Speed ha, close na kayo? Nagfi-first name basis ka na eh.” pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Ay sorry naman. Akala ko baby mo kasi binigyan mo ng tubig eh” natatawa niyang saad saka nag-peace sign. Muli kong naalala na may sakit pala siya. Sa sobrang taas ng lagnat niya hindi ko alam kung kaya ba niyang maglaro. Pero bakit nga ba ako nag-aalala? Hindi naman kami magkakilala. I heavily sighed before looking at him again. Pero paano kung bigla siyang mag-collapse habang naglalaro? “Hoy! Okay ka lang ba?” Maureen narrowed her eyes as if she’s studying my reaction. Tumango naman kaagad ako. “Eh bakit parang nagdadasal ka diyan?” aniya sabay turo sa kamay kong nakapatong sa tuhod ko habang magkasiklop ang mga iyon. “Pinagpe-pray niya yung baby niya.” sabat ni Janelle na nasa pagitan namin. Agad ko naman siyang siniko ngunit tinawanan niya lamang ako. “Ayan na! Resume na!” sigaw ni Maureen saka muling nag-cheer. “Viva Mapua!” sigaw pa niya. Nanatili lamang ang paningin ko kay Ali. Mabilis niyang naagaw ang bola sa isang Mapua player at mabilis na nag-travel at ihinagis ang bola sa ring. Sana pumasok, sana pumasok! Nakapikit na dasal ko. When I heard a loud cheer from the crowd ay nakahinga ako nang maluwag. Hanggang sa sunod-sunod nang maka-score ang Chiefs. Nag-tie ang score nila sa half ng fourth quarter. Masyadong dikit ang laban kaya mas heavy ang offense and defense. Ilang minuto na rin lang ang natitira at hindi ganoon kabilis ang galaw ng Cardinals kahit nasa kanila ang bola. Alam kasi nila na maling galaw lang, posibleng makuha ng Chiefs ang bola. Muli kong sinundan ang kilos ni Ali. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Mas lalo akong kinabahan. “Janelle, mataas ba ang probability na mag-collapse ang isang tao kapag mataas ang lagnat niya tapos in game siya?” Saglit na napaisip si Janelle at agad niyang narealize ang ibig sabihin ng tanong ko. “Mataas ang lagnat ng baby mo?” “What the hell?! Hindi ko siya baby! Pero oo, mataas ang lagnat niya.” Mabilis niyang inayos ang suot niyang salamin at pinagmasdan din si Ali gaya ng ginagawa ko. “OMG, Ali. Pulang pula na siya. He might faint anytime soon.” nag-aalalang bulong ni Janelle sa akin. Muli akong tumingin sa time board. 2 minutes na lang. Please, stand by. Hwag ka nang gumalaw, let your team mates do their part this time. Halos nakadikit na sa baba ko ang magkasiklop na palad dahil sa kaba. Ngunit hindi nadinig ni Lord ang dalangin ko dahil mabilis siyang kumilos upang makuha ang bola sa isang Cardinal player. Nang hawak niya na ang bola ay agad siyang tumira. Nang pumasok ito sa ring ay napatayo ako. Three points, secured. Naghiyawan din ang mga Arellanites! “For God and Country, Arellano University!” Paulit-ulit na sigaw mga nanunuod. Napansin ko naman ang pagsimangot ni Maureen habang patuloy na nagche-cheer sa Cardinals. Marami rin namang Mapuan ang pumunta sa game pero mas marami ang Arellanites. Muli akong napatingin sa time board bago muling bumaling sa kaniya. Mas lalo akong kinabahan nang makitang paika-ika na siya maglakad. “Naku, Ali mukhang na-reach na ni baby mo yung limit niya.” Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Janelle. Ngunit nagawa niya pa ring maka-shoot ng bola for two points. Nang makita kong 20 seconds na lang ang natitirang oras ay mas lalo akong kinabahan. Kahit na konting oras na lang, humahabol pa rin ang Cardinals. 99-101 ang lamang ng Arellano chiefs. Nasa possession ng cardinals ngayon ang bola kaya sobrang init ng laban. Malaki ang chance na manalo ang Mapua sa game one kung makaka-three point shot sila. Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko nang makitang napatid siya sa paa ng isang opponent. Mabuti na lamang ay tinulungan din siyang tumayo ng mga kasama niya. “He’ll faint anytime soonest. Ano ba yan bakit ang tagal ng oras!?” inis na palatak ni Janelle na ngayo’y nakatayo na rin sa tabi ko. 5 seconds. Sa huling pagkakataon ay naagaw niya ang bola, saglit na nagtravel malapit sa ring, bago niya inihagis ang bola sa ere. Napapikit ako nang marinig na tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang game one. Puro hiyawan sa paligid ang narinig ko. Paulit-ulit na cheer ng mga Arellanites. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang inaalalayan siya ng kaniyang mga team mates pabalik sa bench kung nasaan ang kanilang coach at players. Ito lang naman ang laro ng Cardinals ngayong araw kaya wala na kaming ibang rason para manatili rito. I looked at him before I picked up my bag. Halatang masaya sila sa pagkapanalo sa unang game. Kailangan ko pang bumalik sa San Beda dahil may mga papers pa akong kailangang tapusin. Ngunit bago pa man ako tumalikod ay nakita kong tumingin siya sa akin. Agad akong umiwas nang tingin saka sumabay sa agos ng mga taong papalabas ng gym. “Ayaw niyo nang manuod? Next game San Beda Red Lions at Saint Benilde Blazers.” tanong ni Maureen habang kumakain ng ice cream. Mabilis akong umiling saka ipinakita sa kaniya ang hawak na notebook kung saan nakalista ang mga case digests na kailangan ko pang basahin. “Gusto mo bang ihatid ka na namin? Dala ko yung sasakyan ko.” Mas lalo akong umiling dahil offer ni Janelle. “Kaya ko namang mag-commute. Nagawa ko na kanina, magagawa ko ulit. Saka malapit lang naman ang San Beda. Ilang minutong byahe lang yon.” saad ko habang inaayos ang strap ng backpack na suot ko. “Sigurado ka ha?” nag-aalalang tanong ni Janelle. Ayoko na silang abalahin pa. Gusto ko lang ma-enjoy nila kahit papaano ang term break nila. Nagpaalam na ako saka nagmadali sa paglalakad patungong bus stop. Napatingin ako sa suot kong wristwatch at napagtantong alas onse pa lang pala. Hindi mainit ngayon dahil sa mga makakapal na ulap na humaharang sa sikat ng araw. Mukhang uulan pa yata. Mabilis akong umupo sa waiting bench at saka inunat at ginalaw-galaw ang paa ko na medyo masakit dahil sa suot na bagong sapatos. Dapat pala hindi bagong sapatos ang sinuot ko ngayon, hassle tuloy maglakad. Nang makita ang paparating na bus ay agad akong tumayo ngunit nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko. Nang tumalikod ako ay agad na kumunot ang noo ko sa nakita. Ibang na ang kulay ng hoodie na suot niya ngayon. Tiningnan kong mabuti ang hitsura niya. Kung kanina mukha niya lamang ang pula, ngayon pati mata niya na. “Okay ka lang ba?” tanong ko sabay lapat ng palad sa kaniyang noo. Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit pa siya sa akin ng konti. Aatras sana ako ngunit agad niya akong hinawakan sa aking beywang. But one thing that made me left there dumbfounded is when he carefully rested his head on my shoulder while the rain starts to pour.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice
27/01
0mabuting construction workers
01/01/2025
0wc too you
14/12/2024
0Lihat Semua