logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 10 THE BREAK-UP

HINDI nagtagal ay nakauwi na rin sina Ashy. Kahit paano ay bumubuti na rin ang kalagayan ng papa nito. Ngaun, kailangan naman nitong harapin ang problemang naiwan niya. Kailangan niyang magreport sa school nila dahil malapit na ang graduation nila. Isa pa, kailangan niyang makita si Storm. Kailangan niya iyong maka-usap at magpaliwanag ng personal kung bakit hindi ito nakasipot sa usapan nila, positibo naman ito na maiintindihan niya ang sasabihin niya.
Bago siya umalis ng bahay ay pinuntahan muna nito ang papa niya.
"Goodmorning pa, kumusta po ang pakiramdam niyo?" Nakangiting tanong nito.
Umaliwalas naman ang mukha ng papa biya nang makita siya.
"Okay na okay ako anak. Ikaw kumusta ka naman? Hindi ka ba pupunta sa school niyo, ang tagal din na hindi ka nakapasok," ngiti ng papa niya sa kanya.
"Pupunta ako ngaun pa, sumaglit lang po ako dito to make sure you're okay po," hinalikan niya ito sa noo at umupo sa tabi niyo.
Maya-maya ay hinawakan ng papa niya ang kamay nito.
"Anak, pasensiya kana ha? Kasi  nagamit natin yung pera na naipon namin. Para sayo naman talaga yun," sambit ng ama nito na maluha-luha.
"Pa naman, "hindi na nito napigilan ang luha na tumulo sa kabyang mga mata. Kahit nkaratay na kasi ito sa kama ay siya parin ang iniisip nito na sobra namang dumurog sa puso niya.
"Pa, huwag niyo na pong isipin ang tungkol dun, ang mahalaga po sa akin ngaun is naoperahan na kayo at gagalibg kayo, diba? Pera lang yun pa, pag nkhanap na po ako ng trabaho magkakapera na ulit tayo. At kayo ni mama, dito na lang kayo sa bahay hindi na kayo magtatrabaho." Ngiting sagot nito. Yun naman ang isang bagay na gusto niyang isukli sa kabutihan ng mga magulang. Wala ng kahit anong bagay ang mas mahalaga sa kabya ngaun, kundi ang galibg ang papa niya at makasama pa nila ito ng matagal.
"Napakaswerte namin na ikaw ang naging anak namin," naluluhang sambit ng papa niya.
"Mas maswerte ako pa, kaya kailangan ko na pong umalis kasi bka hindi na ako ipasa ng mga professors ko," natatawa niyang sagot sa ama. Tatayo na sana siya para lumabas ng kwarto ng biglang hawakan ulit ng papa niya ang kamay nito. Nilingon niya ito.
"Anak, ayusin mo yang problema ng puso mo. Piliin mong maging masaya, ang pagkakataong magmahal ay minsan lang sa buhay ng tao. Oo marami ang darating, pero sa buhay ng isang tao, isa lang ang mamumukod-tangi sa puso natin." Seryosong sabi nito na parang ramdam niya ang pinagdadaanan nito.
"Niyakap niya ito saka lumabas ng kwarto
Pagdating sa eskwelahan ay nakita niya agad si Jem, niyakap niya ito saka nagsalita.
"Ashy, saang lupalop ng mundo ka ba nanggaling, ang tagal mong nawala. Mga professors natin hinahanap ka buti dumating ka ngaun pwede k pang humabol sa major exams." Dere-deretsong sabi ng kaibigan habang hawak-hawak ang mga kamay nito.
"Jem pasensiya ka na ha? Sunod-sunod kasi ang mga nangyari, hindi ako mkapag-isip ng tama ni hindi na nga kita nasabihan, sorry talaga," paghingi nito ng paumanhin sa kaibigan.
"Ang importante andito ka na, halika na magreport kana para malaman mo kung anong gagawin sa grades mo." Pagmamadali ng kaibigan.
Pinuntahan naman niya agad ang mga professors niya. Ikinuwento niya ang mga nangyari at naintindihan naman siya ng mga ito. Binigyan siya ng konsiderasyon para mkapag-final exam. On the spot nag-exam siya. Nagibg madali naman sa kanya ang mga ito dahil kahit paano ay npaghandaan din niya at sadyang matalino talaga siya.
Pagkatapos ng problema niya sa grades niya hinanap agad niya si Jem, nakita niya ito sa canteen na halatang hinihintay siya nito.
"Oh kumusta? Anong sabi nila?" Bungad na tanong nito sa kanya.
"Okay naman, naintindihan nila ako at on the spot nag-exam ako. Bukas malalaman ko na ang result." Sagot nito
"So baka naman pwede ka ng magkwento sa akin," umpisa ng kaibigan.
Ngkuwento nga siya. Ikinuwento niya sa kaibigan ang nangyari sa papa niya at ang biglaang pagpubta nila nf Amerika para dun maoperahan ito.
"Nagkita na ba kayo ni Storm?" Tanong ni Jem sa kanya.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito halatang nag-aalala.
"Hindi pa nga ehh, hibdi ko din kasi makontak. Nung pagdating namin dito tinatawagan ko siya pero hindi ko siya makontak." Sagot nito.
"Alam mo bang hinahanap ka niya sa akin? Kasi hindi mo nga daw siya sinipot sa usapan niyo."
"Nagsend naman ako ng message sa kanya na hindi ako makakapuntakasi nga inatake si papa," takang sagot nito,imposibleng hindi niya yun nabasa.
"Kung ganun bakit ka niya hinahanap sa akin? Hinanap ka nga din niya kay Mark ehh, pinubtahan ka pa sa bahay niyo kaso nga wala daw tao. Kaya ang nasa isip niya tinaguan mo na siya. Na oinaasa mo lang siya kaya hindi mo siya sinipot," mahabang sagot ng kaibigan.
Nasapo na lang niya ang mukha nito. Bakit, bakit hindi niya nabasa ang message niya. Tinawagan pa nga niya ito kaso nga walang sumasagot at wala na din siyang sapat na panahon nuon para pubtahan siya. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala baka kubg ano na ang naiisip nito.
"Jem, please samahan mo ako sa bahay nila, kailangan ko siyang makausap. Hindi pwedeng mag-isip yung ng kung anu-ano. I swear nagmessage ako sa kanya, eto pa nga oh,," ipinakita nito yung message na sinend niya sa kanya.
"So hindi niya yan nabasa, kasi kung nabasa niya yan, hindi siya maghahanap sayo ng ganun." Sang-ayon naman ng kaibigan.
"Hindi ko alam, kaya pala tinatawagan ko siya pero hindi ko na matawagan cannot be reach lagi ang number niya," halata sa mukha nito ang pagkabalisa. Hindi niya kasi alam kung ano na ang iniisip nito sa mga oras na iyon. Baka inisip na nga nito na tinaguan na niya ito. Hindi niya ito hahayaang mangyari. Hanggat may kaya pa siyang gawin, gagawin niya para maisalba ang relasyon nila. Sa kahit anong paraan.
Dali-dali nga silang umalis ng kaibigan para puntahan si Storm sa bahay nila.
Pagdating sa harap ng bahay nila nagdoor-bell agad ito. Binukasan ng katulong ang gate pagkatapos ay umalis ito upang tawagin si Storm, mahigpit kasing bikin sa mga ito na huwag basta-basta magpapapasok ng bisita lalo kung hindi kilala.
Nang bukasan ulit ang gate bumungad sa kanila ang isang babae na may edad na rin pero halata sa itsura at pananamit nito ang karangyaan. Baka ito ang mama ni Storm nasabi niya sa sarili. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok na lang siya bago magsalita.
"Magandang umaga po....."
"Mrs. Chavez," dugtong ng babae.
"Magandang umaga po Mrs.Chavez," ulit niyang bati sa babae.
"Yes, what can I do for you?" Masungit na tanong ng babae.
"Ahmmm... andiyan po ba si Storm, ako po pala si Ashy," pagkasabi pa lang ng pangalan niya ay tumaas na ang kilay ng babae na mukhang kilala na niya ito.
"Ako ang mama ni Storm, what do you want from my son?" Tanong nito na seryoso pa rin ang mukha.
"Gusto ko lang po sana siyang makausap tita, importante lang po." Sagot nito.
"If its about your plan to run away well you better forget about it. Napag isip-isip kasi ni Storm na mali ang makipagtanan sayo, one more thing don't call me tita, hindi tayo close," mariing sagot nito.
"Pero hinanap daw po niya ako, kaso nataon na wala kami sa bahay dahil kianilangan po naming dalhin sa ospital ang papa ko ng araw na iyon, kailangan ko pong magpaliwanag. Baka po magbago pa ang isip niya,"pagmamakaawa biya rito.
"Yes, he tried na hanapin ka, but then one thing he realized is that,your not worth it. Narealize niya na si Girlie talaga nag mahal niya at hindi niya ito kayang malagay sa kahihiyan. So if I were you, stop pushing yourself to my son. You don't deserve him. You almost ruin his life, his future, mark my word I'm not gonna let that happen, kung anuman ang ipinangako niya sayo kalimutan mo na. Ikakasal na sila and thats final, so you better go and leave my son alone!" Pabulyaw na sabi nito sa kanya. Hindi niya alam sa mga oras na iyon kung anong mararamdaman niya. Halos lumubog siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya lubos maisip na ganun pala kababaw ni Storm.
Habang pauwi hindi niya alam kung paano kakalmahin ang sarili niya. Hanggat maari ayaw niyang makita ng mga magulang niya na umiiyak siya. Ayaw niyang madagdagan ang anumang bigat na nararamdaman ng mga ito. Gayunpaman kailangan na niyang unuwi para makumusta ang papa niya at para matulungan ang mama niya sa pag-aasikaso dito.
"Okay ka lang, gusto mo ihatid na kita," alaok sa kabya ni Jem.
"Okay lang ako Jem. Bumalik ka na lang sa bording baka nextweek dun na ulit ako mag-stay sa ngaun kasi kailangan pa ni mama ng kasam na mag-alaga kay papa," sagot nito sa kaibigan.
Naghiwalay na nga ang mga ito. Pigil parin ni Ashy ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos. Akala kasi niya kaya talaga siyang ipaglaabn ni Storm pero hi di pala, dahil hindi pala siya nito pipiliin at hi di siya nito kayang ipaglaban. Ganundin naman siya hindi niya din kinayang iwan ang mga magulang niya sa oras na kailangan siya ng mga ito.
Dahan-dahan siyang pumasok sa bahay nila.
Pinuntahan niya ang papa niya.
Ngumiti ito at gaya ng dati ay hinalikan niya ito sa noo.
"Kumusta anak, kumusta ang school?" Tanong ng papa nito habang nakatingin labg sa kabya.
"Okay naman pa, nag-exam na po ako kanina by tomorrow pwede ko ng makita nag grades ko. Mkakagraduate na din ako." Ngiting sagot niya dito. Oo nakangiti siya pero hindi nito naitago ang lungkot sa mga mata niya.
"Ehh bakit parang hindi ka masaya?" Ulit na tanong nito.
"Masaya ako pa," lumapit iyo sa kanya saka siya yumakap dito na parang bata.
"Yung problema diyan sa puso mo naayos mo ba?" Biglang tanong ng papa niya. Duon hindi na niya napigilan pa ang sarili niya. Inilabas na niya ang mga luha na kanina pa gusyong kumawala sa mga mata niya. Panay ang iyak niya na walang kahit isang salita na lumalabas sa bibig niya. Ang gusto lang niyang gawin nang mga oras na yun ay ang umiyak ng umiyak.
"Bakit anong nangyari," tanong nga papa niya sa kanya habang hinahagod ang likod nito upang kumalma siya.
"Pinuntahan ko siya pa,pero hindi ko siya nakausap. Mama niya lang ang nakausap ko. Hindi niya ako nahintay pa. Magpapakasal na siya."sagot nito. Na umiiyak parin.
"Ang sakit- sakit pa, sobra. Hindi ko inakala na ganun lang 'yon magiging kadali sa kanya." Sumbong nito..
"Anak, kapag nagmahal ang isang tao, kasama diyan ang sakit. Hinding hibdi yan mawawala. Sa isang relasyon, hindi 'yan puro saya lang. Minsan mas madalas yung sakit na nararamdaman. Pero tandaan mo iyang sakit na nararamdaman mo ngaun abg magiging dahilan upang mas maging mabuti ka pang tao. Iyang sakit na yan ang magpapalakas sayo sa kahit na anong hamon sa buhay." Sagot ng ama nito.
"Gaya ng sabi ko sayo,kpag wala na ako sa mundong ito, lagi mobg piliin ang tama, lagi mong piliin kung ano ang mkakapagpasaya sayo. Huwag kang mabuhay para sa ibang tao. Kundi dapat mabuhay ka nang para sa sarili mo." Makahulugang sabi ng papa niya.
"Lagi mo naman akong sasamahan diba pa?"ngiting tingin nito sa ama.
"Hindi ako mawawala sa inyo ng mama mo. Sasamahan ko kayo lagi," paninigurado naman nito.
Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay guamaan sa kalahati ang bigat na nararamdaman niya. Sapat na para sa kanya ang mga salita ng papa niya upang mpagaan ang kalooban niya. Dahil dito, mas nagibg desidido siya na magibg matatag. Kung kinakailangan ay kalimutan niya si Storm dahil yun ang dapat. Pinaasa lang dmsiya nito sa salitang siya lang ang mamahalin niyo at gustong makasama habang-buhay. Pero nasaan ang pangako na iyon? Magpapakasal na nga ito sa girlfriend niya. Paanong pagmamahal nga ba ang tawag dun?
Sinubukan ni Ashy na harapin ang katotohanan na hanggang pangarap na lang ang mkasama si Storm. Hindi niya maiwasang isipin ang  mga sandaling magkasama sila. Ang higpit ng yakap nito. Ang matatamis niyang halik na nkakapagpahina sa katawang tao niya. Lalo na ang katoyohanan na magaling ito sa kama, mga bagay na akala niya magiging kanya buong-buhay niya. Pero ngaun ay kailangan na niyang tanggapin na sa kanlungan na ng iba ito mamamalagi. Napapikit siya ng mga sandaling iyon dahil sa mga naiisip niya na hindi naman dapat.
Nabalik lang siya sa sarili ng marining ang sigaw ng mama niya, tinatawag siya nito na halatang umiiyak. Nang lumabas ito ng kwaeto ay niyakap siya ng ina.
"Wala na ang papa mo anak," iyak nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Para siyang tinapunan ng malamig na tubig bg mga sandaling iyon. Nakita niya ang kapatid niya na nakaupo habang umiiyak kararating lang din nito.
Isang libggo na lang bago ang graduation, bakit kinuha sa kanya ang papa niya. Ni hindi man siya niyo nakitang umakyat sa entablado upang tanggapin ang karangalan na para sa kanila ng mama niya.
Dumating ang araw ng pagtatapos ni Ashy, masaya siya dahil eto na ang pangarap nilang lahat. Bgunit sa kabila nito ay nakardam siya ng lungkot na sa isang iglap ay nawala sa buhay niya ang dalawang pinaka-importanteng lalake sa buhay niya.
Nagtapos siya bilang Magna Cumlaude, at sa bahagi ng speech niya ay hindi niya nakalimutan na pasalamatan ang ama niya.
"Pa, wala ka man ngayon sa tabi ko, hindi ka man namin kasama, gusto kong malaman mo na para sa iuo lahat ng tagumpay ko. Sa inyong dalawa ni mama, I want to thank you, for all your sacrifices, your unending support to us. You might not be with us. But you will always be here in our heart." Sabay turo ang tapat bg kanyang puso. Tinapos niya ang talumpati dahil bumuhos na rin ang luha niya.
Gustuhin man niyang magcelebrate nang araw na iyon, hindi niya magawa. Mas ginusto na lang niyang magpahinga. Ilang araw din siyang tahimik lang, nag-iisip kung anong dapat niyang gawin. Iniisip niya kung paano siya magihibg malakas ulit gaya ng dati.
"Ate, kailangan ko ng bumalik, pasensiya ka na kung hindi ko kayo masasamahan dito," paalam ng kapatid niya. Sa ibang university din kasi ito nag-aaral at medyo malayo din ito.
"Eto kunin mo to. Kailangan mo to. Para sa summer class mo. Mag-aral mabuyi ha?" Sabay abot ng pera sa kapatid niya.
"Ate, huwag na, kailangan niyo yan ni mama. May scholarship naman ako ehh," tanggi nito. Natural hindi papayag si Ashy sa pagtanggi ng kapatid.
"Maghahanap na ako ng trabaho, wag mo na kaming alalahanin ni mama. Ang importante komportable ka habang nag-aaral ka." Sabi nito sa kapatid at hinawakan ito sa balikat.

Komentar Buku (185)

  • avatar
    Krislam Catabijan

    how to heal

    08/04/2023

      0
  • avatar
    Joshua Gabato

    good story

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Yrene Lei

    ang ganda ng story

    13/02/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru