logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Ayan na naman siya. The most tatay-figure Engineer na nakilala ko. Kanina pa siya tanong nang tanong at may gana pang pagalitan ako dahil daw bumibiyahe akong mag-isa.
Paano raw kung maaksidente ako? O kaya makidnap? E, anak mayaman daw ako at hindi exempted sa mga kidnap for ransom. Aba, may sinabi ba akong exempted ako sa kidnapping? Wala naman, a.
"Shhh..." Tinaas ko ang kamay sa gawi niya. "Pwedeng manahimik, Mister? Kahit kaunti? Pakihinaan ng boses, please."
"Makinig ka sa akin, Larica."
Napabuntong-hinga ako. "I know it already. 'Wag mo nang ipaalala, okay? Naririndi na ako sa boses mo, e."
Doon siya tumahimik. Nakahinga naman ako nang maluwag. Salamat naman at natahimik na ang kotse.
Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e.
"Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port."
Napatingin ako sa kaniya. "Wait, saan bang parte iri-renovate?"
"Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop."
Napaupo ako nang tuwid. "So, hindi magigiba 'yong opisina ni Papa pati na 'yong tambayan ko?"
"That's the plan."
"Yon naman pala. May tambayan pa rin ako so why bother asking me to stop my visits?"
Nagsalubong ang kilay niya habang minamaneho ang kotse. Naningkit ang mga mata ko at tiningnang mabuti ang mukha niya.
I leaned closer to him. "Hindi makasagot?" tudyo ko sa kaniya.
"Don't make me fool around."
Tumaas ang kilay ko at umikhim. Tingnan natin kung matitiis ba niya ang kakulitan ko. "Tell me the reason, Mister. Nahihiya ka ba sa akin? Hmm... ayaw mo akong makita, gano'n? May crush ka sa akin? O... masyado akong maganda kaya madi-distract kita?"
Kumunot ang noo niya. Sinulyapan niya ako sa rearview mirror. "Your reasons are lame."
Ngumuso ako sa sinabi niya. Hay. Walang magawang inyehero. Bakit ba palagi siyang nangingialam? So what kung tatambay pa rin ako sa Port? May magagawa ba siya? Isa pa, buhay ko 'to. Gagawin ko ang gusto ko.
Huminto ang kotse sa harap ng Larica Building. Agad akong umibis at malalaki ang hakbang na tinungo ang entrada. Nakita ko pa ang ilang mangisngisda ni Papa. Inaayos nila ang net. Bumati sila nang makita ako at agad namang nagbalik sa ginagawa.
Pasimple ko silang tiningnan isa-isa. Most of them are morenos. Pero hindi 'yong sobrang pagka-brown, pero 'yong katamtaman lang. Siguro dahil naglalayag lang sila tuwing gabi at umuuwi bago pa sumikat ang araw sa silangan.
Nasabi sa akin ni Papa na iba't ibang metodo ang gamit nila sa pangingisda. Paborito niya ang gumagamit ng floodlight para mahalina ang mga isdang magpunta sa net.
Kaya siguro mahal ang isda kapag full moon. Wala masyadong nahuhuli dahil maliwanag sa laot at madaling ma-distract ang mga isda.
Nilampasan ko sila at nagtuloy-tuloy papasok sa Building. Mangilan-ngilang empleyado ang nakita ko, at kadalasan ay maintenance lang ng building. Sabagay, isda ang produkto kaya mangingisda ang tunay na empleyado.
Dumiretso ako sa opisina ni Papa. Kumatok ako bago pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at nagsusulat. Dahan-dahan akong lumapit at umikhim.
Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makita ako. "Nangingitim ang eyebags mo," sabi niya.
"Pa, lait talaga ang nauna? Wala bang kumusta riyan?"
Natawa siya at sinenyasan akong lumapit. Tumalima ako.
Bigla niya akong niyakap at pinugpog ng halik ang pisngi ko. "Bagsak na ba sa exam?"
"Pa naman, halos mamatay-matay ako sa kakasagot doon tapos nag-i-expect ka na palang babagsak ako? Aba, sana hinulaan ko na lang 'yong sagot."
"Bakit? Naniniwala kang papasa ka?"
"Papa!"
Humalakhak siya. 'Yong tipong nakabuka ang bibig. Napanguso ako at pabirong humalukipkip. Paborito niya akong asarin at nagkukunwari naman akong napipikon para matuwa siya. Hay. Sobrang stress niya kaya palagi rin akong nagpupunta rito para patawanin siya.
Natatawa niyang pinahid ang luha sa gilid ng mata at ngiting tumitig sa akin. "Hindi ka naman nag-aral. Anong isasagot mo sa exam?"
Napabuga ako ng hangin at napalabi. "Paano niyo nalaman, Pa?"
"Tsk tsk." Umiling-iling siya. "Kilala kita. Mas inaatupag mo pa 'yong banda at libro kaysa pag-aaral."
Napanguso ako. "Kasi naman, Pa, stress reliever ko mga 'yon."
"Stress reliever? Rishell, sa ginagawa mo, hindi na stress reliever ang mga 'yan. Stress giver na."
"Si Papa talaga..."
"Bakit?" Nangunot ang noo niya. "Hindi ba totoo? Imbes na mag-aral para sa exam, nakaharap ka sa cellphone at nanonood ng videos. Imbes na tumutulong sa gawaing bahay, ayun, sa loob ng kuwarto at nagbabasa na naman. Kaya ngayon, stress na stress ka sa exam kasi hindi alam ang isasagot.
Pati Mama mo, hindi na alam ang gagawin para mapalabas ka sa lungga. Narinig kong pinapatay na ng Mama mo 'yong WiFi para lumabas ka sa kuwarto."
"Pa..."
"Rishell, mabuti ba ang ginagawa mo?"
Ngumuso ako. "Hindi po."
Naningkit ang mga mata ni Papa at tumango-tango. "Dapat alam mo ang limitasyon. Kung hindi mo alam, tiyak na ikakasira mo 'yan."
"Alam ko naman ang limit ko, Pa."
Naningkit ang mga mata niya. "Ipakita mo sa akin na alam mo at maniniwala ako."
Sumimangot ako at lumayo sa kaniya. "Pa, sige na. Ilalagay ko 'to sa kabila." Tinaas ko ang paper bag. "At, Pa, nangingialam na naman ang Engineer mo. Pagsabihan mo naman."
Nagmartsa ako palabas ng opisina ni Papa at dumiretso sa kabilang kuwarto. Nilagay ko sa bookshelves ang mga libro at tiningnan ang kabuuan. Halos tapos ko na lahat.
Kinuha ko ang Xiaomi sa bulsa at pinicturan ang bookshelves. Sinend ko rin sa gc ng Talimaners ang pictures.
Bigla na lang may nag-send ng author's link sa isang reading app. Pinindot ko 'yon at napunta ako sa author's wall.
Hmm... CareLikeGoldFish?
Napangisi ako. Parang sinasabing napakaiksi ng atensyon niya.
Dinownload ko lahat sa library ang mga stories niya at muling binalik ang cellphone sa bulsa. Pupunta ako ng Ayala para bumili ng gamit dagdag sa collection. Pumihit ako at lumabas ng tambayan.
Nahinto lang ako sa paghakbang nang makita sa labas si Lyndon. May hawak siyang blueprint at panaka-nakang nagbaba ng tingin sa lawak ng dock. Nakatayo siya sa teresa na katapat lang ng pinto ng tambayan ko.
Tahimik akong naglakad papunta sa hagdan pero bigla siyang umikot paharap sa akin. Hindi ko sana papansinin kaso bigla niya akong tinawag.
"Larica."
Huminto ako at lumingon sa kaniya. "Yes?"
"Come here." Ngumiti siya. "I have something for you."
"Ah, kasi may bibilhin -"
"Just a minute, Miss Larica."
Bumuntong-hinga ako at lumakad palapit sa kaniya. Dahil open space, halos hirap akong kontrolin ang buhok na nililipad ng hangin sa lahat ng direksyon. Napautal ako ng mura at pilit hinuhuli ang buhok.
Grabe, hindi ganito kalakas ang hangin kanina, a?
"Ano ba 'yon?" tanong ko at huminto sa harap niya.
Muli siyang tumingin sa labas ng teresa at tinuro ang dock na kitang-kita ko mula rito sa itaas. "That area is too narrow for a fishing port. That should be widen a little. I heard your father is planning to buy parts in Pier 2 for construction of seaport."
"So?"
Sumulyap siya sa akin. "Your course is naval architecture?"
Tumaas ang kilay ko. "Stalker ba kita?"
"No." Natawa siya. "But I like to see how you'll solve ---"
"Excuse me," pigil ko sa kaniya. "Hindi ko trabaho 'yan. Saka pwede ka namang humingi ng opinyon sa registered architect, 'di ba?" Umirap pa ako para ipakita sa kaniyang naiinis ako sa kaniya.
Natawa siya. "Wala pa dito si Architect. I just want to tease you but I see, you're having a bad day."
"Buti alam mo."
Umirap ako saka tumalikod. Nagmartsa ako papunta sa hagdan habang narinig ko naman siyang natawa. Umismid ako. Bahala na nga siya sa buhay niya.
#061720.5.5P
#030621.R

Komentar Buku (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru