logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2: Dark Depression

Braille Onix Yu's Pov
Marahan ang bawat hakbang ko, habang lumalapit sa kinahihigaan nya.
Every step towards her, felt like hell. Like a thousand of knives is piercing through my heart and I can't even call for help.
Cause no one can.
"Braille..." rinig kong tawag ni Tita Eva. Mama ni Iryll habang umiiyak
Hindi ko na tuloy napigilan pa ang pagtulo ng luha ko, habang palapit sa kinaroroonan ng pinakamamahal ko. Lumala pa ang pagtulo nito ng makita ko na talaga sya
Nakapikit ang mga mata at animong natutulog lang. Pero sa kulay palang ng balat nito at pagkakahiga nito na hindi man lang gumagalaw, alam ko ng wala na sya
Yun ba? Yun ba ang ibig mong sabihin, sa hindi ako pwedeng sumama at aalis ka?
Bakit mo ako iniwan, Iryll? Akala ko ba tayo hanggang dulo? Akala ko ba walang iwanan? Paano mo nagawa saakin ito?
"Braille, wala na sya.." ramdam kong hawak ni Tita sa balikat ko
Hinahaplos nya ang likod ko na animong dinadamayan ako sa pagkawala ng anak nila
Ang sakit, napapikit ako para mapigilan ang mas malalang pagbuhos ng luha ko. Pero walang epekto. Iniwan nya ako...
"K-kasalanan ko ito Tita. S-sorry po. Dapat ako po yung nawala" Kung nag-ingat lang ako sa pagdadrive
"Wala kang kasalanan, aksidente ang lahat. Wag mong sisihin ang sarili mo" yakap nila saakin
Pero hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Kung sa daan lang ako tumitingin nun, possibleng nakita ko ng mas maaga ang truck. Hindi kami madidisgrasya. Hindi sya mawawala
Pero yung puso nya...
"T-tita.. sabi ni Tito Rob, dinonate nyo daw ang puso ni Iryll? K-kanino?" naalala kong tanong
Yung folder na pinakita ni Doctor Chen, yun yung personal data ni Iryll. Mula sa card nito sa red cross na may laman ng blood type nya na O at card na nagsasabing kapag namatay or napahamak sya idodonate nya ang isang organ nya
Puso yun ng girlfriend ko, gusto kong malaman kung sino. Kahit yun lang. Makabawi man lang ako sakanya sa pamamagitan ng taong yon
"Pinakita nya sayo yun?" mahina pero pinilit ngumiti ni Tita
Tumango naman ako. At nilabas pa ang card na patago kong kinuha
"Bakit nyo po dinonate?" May chance pa naman siguro syang mabuhay nun since puso ang binigay nila
Bakit nila sinukuan si Iryll?
"Cause that's what she wants"
Napatingin ako kay Tito na mugto ang mga mata, at lumapit saamin
"Pero, Tito--"
"Yun ang gusto ni Iryll. Ang mabuhay ang batang yun" putol ni Tito at tumingin sa kabaong ni Iryll
"Gusto ko po syang makilala, sino po sya?" tanong ko nalang
Pero umiling lang si Tito "Pasensya ka na, Iho. Pero ngayong wala na si Iryll. Wala ka na ding kaugnayan saamin" seryosong turan ni Tito na ikinagulat ko
A-ano?
"Pwede ka ng umalis, salamat sa pakikiramay mo" dagdag pa nila na ikinayuko ko nalang
I get it.
Sinasabi man ni Tita na hindi ko kasalanan ang pagkamatay ni Iryll, pero iba naman ang iniisip ni Tito... ako ang sinisisi nya
Napatalikod nalang ako at sa huling pagkakataon, tinignan ko ulit ang maamong mukha ng babaeng pinakamamahal ko.
I love you, Iryll...
------------------------------------------------------------------
Bawat paghinga, parang ang hirap. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito.
Ilang linggo ko na tinitiis ang sakit ng pagkawala nya, at bawat araw na lumilipas, lalong kumikirot..
"I want to be with you.." puno ng pangungulilang tingin ko sa kutsilyong hawak ko
Tinutok ko yun sa pulsuhan ko, at handa ng wakasan ang paghihirap na nararamdaman ko..
Napapikit ako ng mata, bago ko ilapit ang kutsilyo sa pulsuhan ko
Paala--
"Kuya, Wag!" biglang agaw nito ng kutsilyong hawak ko
Pagmulat ko ng mata, nakita ko ang kapatid kong si Ryan na gulat at umiiyak. Napalingon din ako sa pintuan ng makitang pumasok na din doon si Mama kasama ang ibang mga kapatid ko
"Anong ginagawa mo?!" may halong galit at pag-aalalang tanong ni Mama
Napayuko nalang ako
"Braille naman! Panganay ka. Paano mo nagawang isiping magpakamatay para lang sa isang babae?"
Himdi ko sila kayang tignan sa mata, nahihiya ako. At the same time gulong-gulo na ako. Pagod na pagod na ako, all I wanted was for all the pain to go away
Tuluyan akong napaiyak ng makita ang paghagulhol ni Mama, habang yakap at pilit syang pinapatahan ng nakababata kong kapatid na si Jonas na umiiyak din
"B-baka kailangan lang po ni Kuya ng tulong, Ma" malungkot na sabat ni Jonathan "Kuya..." abot nya pa ng kamay, tipong sinasabi nyang nandito lang sya
But I don't think, accepting it will help. Pero kahit ganun, tinanggap ko parin ito, habang inalalayan naman nila akong tumayo
"Kumain nalang muna tayo, tsaka natin pag-usapan ito"
Narinig ko pang turan ni Mama at pilit nitong tinatago ang lungkot
Lalapit na sana ako para yakapin sila ng umikot ang paningin ko...
"Kuya!"
"Braille!"
------------------------------------------------------------------
"N-nasaan ako?" hirap na bangon ko
Mukhang pinatay nila ang ilaw, dahil ang dilim ng paligid. Ano bang nangyari at ang sakit ng ulo ko?
"Braille, iho. How are you feeling?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses
Huh? Boses yun ni Doctor Chen...
"I'm fine, just had a headache" I lied
Medyo masakit din kasi ang balikat ko, animong nauntog
"Ilan ito, Braille?" may himig na pag-aalalang tanong nito
Kumunot ang noo ko sa tanong nila
"Ilan po ang alin? Tito pwedeng buksan nyo po muna ang ilaw? I can't see a thing" mahinang tawa ko
Kinakapa ko na din kasi ang ilaw sa pader ko, pero wala akong mahawakan. Nakakahiya naman kung checheck-up-in nila ako ng walang ilaw.
May narinig akong humihikbi.
"Doc, ano pong nangyayari sakanya?" Boses ni Mama!
Nag-aalala ito at parang umiiyak. Malalim namang huminga ang isa, nakaramdam ako ng kaba sa paghingang yun, tila masamang balita
"Sa tingin ko, Braille is suffering from a depression, affecting his eyes from seeing" parang bombang sumabog sa mukha ko ang sinabi ni Doctor Chen
Ano??
"Ano pong ibig nyong sabihin? Bulag ang Kuya ko?!" may halong galit at pag-aalalang tanong ni Ryan
"Oo, may mga rare instances kasi na mabubulag ka literally kapag nadepress. In Braille's case, ito na yun"
Akala ko wala ng mas malala sa dinadanas ko. Meron pa pala..
Para akong naputulan ng dila sa mga narinig. Ni hindi ko magawang umiyak. Bulag ako?
"Gagaling pa ba ang anak ko?" boses ni Mama
Base sa boses nya, parang pilit nyang pinipigilan ang paghikbi
"May chance, but the best option is Psychiatric therapy" napapikit ako para pigilan ang dagdag na sakit na nararamdaman
Napamulat ako ng mata, nang maramdaman ang isang kamay sa kamay kong nakapatong sa gilid ng kama. kahit na hindi ko nakikita ang taong humawak sa kamay ko, ramdam ko ang init nito
"Doc, gawin nyo po ang lahat para makakita ulit ang anak ko"
Alam kong si Mama yun, at hindi ko na mapigilang tumulo ang luha sa sinabi nya
"That will depend if the patient is willing to do it"
Rinig ko ang mas lumakas na hikbi ni Mama na ikinabigat lalo ng nararamdaman ko
Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon, in that moment, narealize kong wala akong kwenta kung tatapusin ko ang buhay ko dahil lang nahihirapan na ako.
Kasi ganun lang din ang mangyayari kay Mama. Masasaktan ko lang din sya at mas malala pa. Kaya para sakanya lalaban ako.
Lalaban ako kahit mahirap
Tumugon din ako ng hawak sa kamay ni Mama. Naramdaman ko yung tingin nya, kahit hindi ko sya nakikita, kaya pinilit ko nalang ngumiti
"I'll do it" tango ko pa
Ayoko din namang mabulag habang-buhay, lalo na at ang malungkot na mukha ni mama ang huli kong nakita. Gusto kong makita ulit ang mga ngiti nya. At kung ang pagtiis sa sakit ang ikasasaya ni Mama.
I'll do it
------------------------------------------------------------------
"Welcome to your new room, this will be your temporary home. Hanggang sa bumalik ang paningin mo" Doctor Chen guided me
Tumango nalang ako since hindi ko naman nakikita ang paligid.
"Susunduin ka ng mga nurses dito kapag time na ng session mo. Tuturuan ka nila kung paano magcope sa kondisyon mo" instruct ni Doc na ikinatango ko nalang "May mga kapit-bahay ka pala, but you have nothing to worry, mababait sila. Makulit lang" tawa pa nila na ikinangiti ko
"Are they the same age as me?" I couldn't help but ask
Thinking that someone will be here and has the same condition as me, is not so bad. Atleast may makakausap ako at distraction sa pag-o-overthink
Iwas isip din kay Iryll...
Lihim akong napailing sa naisip, kakasabi ko lang eh
"Yup, so I hope you could get along with them" napatango nalang ulit ako
I hope so too
Inalalayan ako ni Doc na makaupo. Sa tingin ko kama ko ito, may mga unan akong nakakapa eh
"If you need anything, just press this" lagay nya ng isang box shape sa kamay ko
Pinakiramdaman ko ito at mukhang remote na dalawa lang ang bottons
"The left is kung may kailangan ka na emergency, for example may masakit or nabunggo ka na nakasugat sayo. While the right botton for light needs, may ipapaabot ka lang o ano man, ok?" Tumango ulit ako at ngumiti
"Sige, lalabas muna ako at ichecheck ko yung iba. Magpahinga ka muna" paalam nila bago tuluyang umalis
Malalim akong napahinga pagkaalis ni Doc
Great. Dahil sa kondisyon ko mas malala pa ako sa nastroke. Ni hindi ko alam kung paano makaka-adjust
Ihihiga ko na sana, gusto ko kasing matulog nalang muna kaysa mag-isip ng kung ano-ano. Nang makarinig ako ng mga boses sa labas ng kwarto na ikinakunot ng noo ko
Hindi ba sound proof ang hospital na ito?
"Sino yung bago?" boses ng isang babae
Malumanay ang boses nito at parang mabait
"Oo nga, anong pangalan?" babae ulit
Ito naman medyo matining at masakit sa tenga. Mahina lang ang pagkakasabi nya pero parang nakamic
"Sorry, pero kung gusto nyo syang kilalanin, katukin nyo nalang" sa tingin ko nurse yung sumagot
"Tsk! Sasabihin lang eh"
Malakas na matinis namang sumbat nung isa. Nakarinig ako ng hush
"Xie, kalma" saway ng isa na boses, yung malumanay
"Woah! Hindi ka nanaman natulog Xie no?" panunukso ng isa. Yung malumanay, sweet din ang boses nya
"Hype, atleast hindi lang nakatulog. Ito nga mukhang hindi nanaman kumain" bawi ata nung Xie. Sya yung may malakas na boses
"Bwisit! Ako nanaman nakita mo ah. Ba't di mo pansinin si sleeping beauty" sagot nung matining ang boses
"Heh!" natatawang sagot ng isa. Katulad nung nauna malumanay din ang boses nito na parang hindi mo alam kung babae o batang lalaki sa boses nya
Hindi ko alam pero napalingon ako sa pwesto kung saan ko naririnig ang ingay. Kasabay nun narinig ko ang pagsinghap ng isang tao
"Uy! Mga sira kayo. Wag nyong silipin" saway ng isang boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko
Iryll??
"Nakita ba kayo?"rinig kong tanong ng boses lalaki. Ang lalim naman ng boses nito
"Ewan, sinara ko agad"
"At muntik akong maipit" sabat ng isa na tinawanan nila
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko silang makita. Nagsinungaling ba sila tungkol kay Iryll?
Pero impossible, nakita ko na sya mismo sa loob ng kabaong..
So sino yun? Sino yung kaboses nya?

Komentar Buku (22)

  • avatar
    manguladmhel

    more story po so nice author,😍

    23/03

      0
  • avatar
    Mae Villareal II

    it so good story.

    09/01

      0
  • avatar
    AniaLucsadatu

    Wowww i love it

    09/12

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru