logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Unang Pahina

June 2, 2008
8:00 p.m
Dear Diary,
Ngayon ang unang araw ng pasukan. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa araw na ito. Masaya, dahil sa wakas ito na ang huling taon ko sa sekondarya, magko-kolehiyo na 'ko sa susunod na pasukan. Malungkot, dahil ito na rin ang huling taon na makakasama ko ang aking mga kaibigan. Hindi pa naman ako sigurado kung iisa lang rin ba ang unibersidad na aming papasukan sa susunod na taon at kahit pa sa iisang unibersidad, iba-iba rin naman ang kursong aming kukunin. Iniisip ko palang na magkakalayo kami, sumisikip na ang dibdib ko't nangungulila na sa kanila.
Marahil ika'y naguguluhan kung bakit kita sinusulatan ngayon. Alam kong batid mo na hindi ko hilig ang magsulat ng talaarawan ngunit nais ko lang itala rito ang mga nararamdaman ko sa araw na ito at sa mga darating pang araw na ayaw kong malimutan gaya ng nangyari kanina na hindi ko inaasahan.
***
"CRISSA!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon pagkapasok ko palang sa entrance gate ng sk'welahan.
"Jenny!" balik sigaw ko rin sa pangalan ni Jennifer nang makita ko siyang excited na nagtatakbo papunta sa akin.
Halos dalawang buwan din kasi kaming hindi nagkita ng kaibigan kong ito. Panay mensahe lang nagagawa namin sa cellphone. Paano ba naman masyado itong sosyal, sa Australia nagbakasyon kaya hindi tuloy kami nagkaroon ng bonding time no'ng summer.
"Oh my God! How are you?" bahagya akong napangiwi sa lakas ng boses niya matapos ang aming mahabang yakapan sa gitna ng pasilyo.
"Nakapag Australia ka lang, ini-english mo na ako?" biro ko sa kan'ya.
"Para naman mas feel talaga na galing akong abroad, no?" nagtawanan kami dahil sa sinabi niya saka nagyakapan ulit.
Iyong yakap na sobrang higpit. Ramdam na ramdam talaga ang sobrang pangungulila namin sa isa't-isa. Nag-iyakan pa nga kami parang mga baliw lang eh. Natigil lang kami sa pagda-drama nang may tumikhim mula sa aming likuran.
"Nakakatampo kayo, ah? Hindi niyo man lang ako isinama riyan sa group hug niyo,"
"Marky!" sabay naming bulalas ni Jenny saka dali-daling lumapit at lumambigit sa braso ni Marky. Isa rin sa mga na-miss ko ang bakulaw na 'to.
"Easy lang girls! Pinagtitinginan na tayo, oh. Baka iisipin na naman nilang bakla ako," natatawang ani Marky na ikinatawa na rin namin.
Magkaibigan na kaming tatlo mula pa first year highschool. Sa sobrang close namin, napagkakamalang bakla itong si Marky.
"Nasa'n si Cristy?" kapagkuwa'y tanong ni Marky sa'kin.
Matagal na rin kasi siyang may gusto sa kapatid kong si Cristy. Hindi nga lang makatiyempo dahil bawal pa kaming magpaligaw ayon kay Papa.
"Sabi na nga ba eh! 'Yan talaga ang rason mo kung ba't ka lumapit sa 'min!" kunwaring nagtatampo na sabi ni Jenny.
Aalma pa sana si Marky nang biglang hinila ng isang lalaking estud'yante ang tali ng isang maliit na kampanang nakasabit sa harap ng faculty room, hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Nakita naming nagsisitungo na ang ibang estud'yante sa kan'ya-kan'yang linya kaya 'yon na rin ang ginawa naming tatlo.
Nang nasa linya na kami, busy'ng-busy na si Jenny makipagk'wentuhan sa iba naming kaklase habang panay naman ang lingon ni Marky sa linya ng mga third year. Malamang, hinahanap na naman niyan si Cristy.
"First section si Cristy, ayun siya oh!" sabay turo ko kay Cristy sa kan'ya na ngayon ay masayang nakipag-chikahan sa kaibigan niyang lalaki. Bahagya pang kumunot ang noo ni Marky.
"Uy, nagseselos!" sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya upang asarin siya. Ilag naman siya ng ilag habang tumatawa.
Para kaming mga bata sa kanto na nagkikilitian. Natatawa nalang na umiiling 'yong mga kasamahan niyang mga lalaki sa linya habang nakatingin sa 'min. Natigil lang ako sa pagtawa nang mapansin ang bagong mukha na nasa linya nila Marky na ngayon ay nakatitig lang sa akin ng diretso. Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-ilang.
Bagong kaklase?
"May bago tayong kaklase?" mahinang tanong ko kay Marky habang pasimpleng sumusulyap sa likod kaya napatingin na rin siya roon.
"Siguro. Nakita mo naman na dito siya nakapila sa seksiyon natin, 'di ba?" medyo may halong sarkasmo na aniya.
Kung kailan graduating na, saka palang magta-transfer ng paaralan. May mga estud'yante talagang gan'yan ano? Napasulyap ulit ako sa likod pero mukhang mali yata dahil nahuli ko na naman siyang nakatitig sa 'kin.
Hindi ba siya nakakaramdam ng hiya diyan sa ginagawa niyang pagtitig sa akin?
Creepy!
Matapos ang flag ceremony at ang maliit na programa para sa pagbabalik esk'wela ay pinapasok na kami sa respective classrooms.
"Oh tahimik ka yata?" kalabit sa 'kin ni Jenny nang makaupo na kami sa upuan.
Hindi kami magkatabi. Nasa kabilang table siya. Bali, in every table dalawang estud'yante lang 'yong uupo at ka table niya si Marky. Wala pa naman 'yong adviser namin kaya malaya muna kaming makakapag-usap.
"Ano bang gusto mo? Magsisigaw ako rito sa loob ng classroom?"
"Iyong mukha mo kasi parang ang dami na nating projects, eh kakabukas palang naman ng klase,"
Ewan ko nga kung ba't parang bigla akong nabalisa mula nung matitigan ko 'yong bago naming kaklase kanina. Hala, baka may kasamang gayuma 'yong tingin niya!
"Good morning, class!" biglang sambit ni Gng. Asuncion kaya napaayos ng upo ang lahat.
"Good morning, Mrs. Asuncion!" bati namin pabalik sa kan'ya.
"Now, I want to introduce to you your new classmate, Mr. Clay Villaclaros." panimula ni Gng. Asuncion saka may naglakad papunta sa harap.
Narinig ko pa ang pagsinghap ng iba kong kaklaseng babae kasama na si Jenny nang humarap na ito sa amin na may nakahuhumaling na ngiti.
"Ang g'wapo huhu!" bulong ni Jenny pero rinig na rinig ko naman.
"Hi, nice to meet y'all!" aniya na may pa kaway-kaway pa na mas lalong nagpabaliw sa mga kaklase kong mahadera.
"Okay, you may now take your seat. Doon ka sa may bakanteng upuan sa likod sa tabi ni Ms. Del Mundo,"
Gulat akong napatingin kay Gng. Asuncion. Ano? Hindi p'wede!
"Eh Ma'am! Saan na po uupo si Mariz?" tukoy ko sa katabi ko na hanggang ngayon hindi pa rin dumadating. Mukhang late siguro.
"Siyanga pala, for the information of everybody, nagtransfer na si Ms. Aguinaldo," sabi ni Ma'am na ikinagitla namin.
Naglakad na papalapit sa akin ang Clay na iyon habang seryoso ang tingin na diretso sa mga mata ko at sa hindi malamang dahilan, naghuhuramintado ang puso ko.
***
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksiyon ng puso ko sa simpleng tingin niyang iyon. Posible kayang nangyayari talaga sa totoong buhay ang sinasabi nilang love at first sight? Well, love at first sight nga ba itong nararamdaman ko?
Crissa

Komentar Buku (61)

  • avatar
    Ashley Nicha Agustin Cuerdo

    good

    08/06

      0
  • avatar
    pagagonganRaiyyana

    its so good I want to graduate and this up helps me alot

    15/05

      0
  • avatar
    Ashley Riponti

    This story is so nice

    13/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru