logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Nang sumapit ang sabado, natuwa ako dahil totoo ngang pumunta sila sa bahay. Nagulat pa ako nang makita na kasama rin nila si Kahel. Ang akala ko kasi ay wala siyang balak pumunta rito dahil iritado siya sa akin. Wala namang nagbago sa trato niya. Hinahayaan ko na lang din dahil nasasanay na ako.
"Ang ganda pala rito sa inyo, eh! Malawak." Komento ni Vera habang nasa labas kami at naglilibot sa bakuran. Sumang-ayon din sina Emily at Nana. May mga bulaklak ng gumamela na nakasabit sa tenga nila na nagmula sa mga tanim ni Lola.
"Tara roon tayo sa may palayan." Pang-aakit ni David. Sumang-ayon silang lahat maliban sa amin ni Kahel. Balak ko na sanang tumutol kaso nakita ko na silang mabilis na tumatakbo patungo roon. Napabuntong-hininga ako saka mabagal na sumunod sa kanila.
Hindi maganda ang karanasan ko sa palayang ito noong nagtangka akong maglibot. Nahulog ako sa palayan at punong-puno ng putik ang katawan ko. Ayaw ko nang mangyari pa ulit sa akin iyon.
Nakita ko naman sina Vera na mabilis kung tumawid sa mga makipot na pilapil. Nasapo ko ang noo nang makita na naghahabulan pa sila kasama ang mga lalaki.
"Vera! Baka mahulog kayo riyan!" Sigaw ko sa kanila. Tumawa lamang sila at kumaway-kaway sa akin. Nakita ko naman sina Sayon na nakatanaw sa may palayan at may kinukuha roong kung ano.
"Sanay na ang mga iyan na tumawid sa pilapil dahil puro palayan naman sa mga probinsya." Saad ni Kahel sa aking tabi. Nabigla ako na talagang kinakausap niya ako ngayon ng hindi pinapagalitan. Hindi rin siya mukhang galit ngayon. Tahimik lamang siyang nakatanaw sa unahan at pinagmamasdan ang mga kaibigan.
"O-oo nga. Baka lang mapamali sila ng tapak. Kagaya ko..." Hininaan ko ang aking boses nang banggitin ang huling linya. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari sa akin noong unang araw ko rito. Si Kahel pa talaga ang nakakita sa akin. Iyon yata ang dahilan kung bakit iritado at palagi siyang galit sa akin. Ang akala niya kasi maarte ako dahil sumisigaw ako nang maputikan ang damit.
Napasimangot ako sa alaalang iyon.
"Ana! Halika rito may ipapakita ako!" Sigaw ni Sayon sa may hindi kalayuan. Naghesitate ko na pumunta lalo na at natatakot akong madulas na naman sa mga pilapil. Babagsak na naman ako sa palayan at mapuputikan. "Ana!" Napabuntong-hininga ako nang muli niya akong tawagin.
Wala akong ibang nagawa kundi ang magtungo roon.
"Saan ka pupunta?" Napatigil ako sa tanong ni Kahel. Bigla akong nagdalawang-isip na tumuloy dahil ang sama na naman ng tingin niya sa akin ngayon. Bakit ba siya ganiyan? Ano na namang ginawa ko?
"D-doon kina Sayon. May ipapakita raw siya sa akin." Alanganing tugon ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Hindi ka ba nadadala? Kita mo na ngang nahulog ka na dati hindi ba?" Mas lalo akong napaiwas ng tingin. Hindi pa rin talaga niya nakakalimutan iyon?
"M-mag-iingat naman ako. Hindi na ako mahuhulog." Katwiran ko sa kaniya. Ano ba naman sa kaniya kung pumunta ako roon? Kung mahulog man ako, naroon naman sina Sayon at Vera para tulungan ako.
"Paano kung may ibang mahulog?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha?" Umiwas siya ng tingin sa akin. Mas lalo naman akong nagtaka. Hindi na siya nagsalita pa kaya umalis na lamang ako roon para puntahan sina Sayon.
Mabagal akong tumapak sa pilapil upang mag-ingat. Mabuti na lamang at hindi umulan nitong mga nakaraang araw kaya hindi masyadong malambot ang daan. Ngumiti sa akin si Sayon nang makita akong papalapit sa kanila. Nasa tabi niya sina Jeryc at Jorem. Sina Vera naman ay kumukuha na ng litrato sa kabilang banda.
"Ano ba iyang tinitingnan niyo riyan?" Tanong ko sa kanila. Lumapit naman sa akin si Sayon para alalayan ako. "Salamat." Ngiting saad ko.
"Ito oh. Nakakita ka na ba ng ganito?" May ipinakita siya sa aking kulay pink na bagay na nakakapit sa mga puno ng palay. Umiling lamang ako dahil ngayon lamang ako nakakita ng mga ganito.
"Ano ba iyan?"
"Itlog ng mga kuhol." Sagot ni Jorem. Kumuha siya noon at inilapit sa akin. Napaatras naman ako.
"Totoong itlog iyan ng kuhol?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganito. Ang akala ko noong una ay mga lumot lamang ito.
Inilapit ulit sa akin ni Jorem kaya napaatras ako. Nakita ko naman ang pagtawa nila ni Jeryc sa akin.
"Tigilan niyo nga iyan." Pagsuway sa kanilang dalawa ni Sayon. Napahinga ako ng maluwang nang muli nilang ibalik ang mga itlog sa palayan. Tumingin naman sa akin si Sayon at ngumiti. "Dito ka, Ana. Baka mahulog ka riyan." Inabot niya sa akin ang kaniyang kamay upang alalayan ako. Tinanggap ko naman iyon at hinawakan para hindi ako mahulog.
Nakakapit lamang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang mga gumagalaw na bagay sa palayan. Tumatawa-tawa pa siya dahil alam niyang natatakot akong mahulog. Ang daming kuhol sa palayan. Naghahanap din ako ng totoong linta dahil hindi pa rin talaga ako nakakakita ng ganoon sa personal.
"Anastacia!"
Napalingon ako sa may bahay nang marinig doon ang tawag ni Kahel. Parang alam ko na kaagad ang mangyayari kapag tinatawag niya ng ganoon ang pangalan ko. Napatayo ako at akmang babalik na sana nang muli akong tawagin ni Sayon.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Itinuro ko naman si Kahel. Napatingin siya roon.
"Tinatawag na ako ni Kahel. Magagalit na naman sa akin iyon." Tugon ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na parang nagtataka siya sa sinabi ko.
"Bakit ba ayaw mong nagagalit si Kahel sa'yo? Palagi ka ring sumusunod sa kaniya. Ano ba talagang meron sa inyo?" Ako naman ang nangunot ang noo sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin? Syempre ayokong may nagagalit sa akin. Saka si Kahel, pinakisuyuan siya ni Kuya na tingnan ako. Isusumbong niya ako kay Kuya kapag may ginawa akong hindi maganda." Ganoon naman kasi talaga si Kahel. Siguro ayaw lang niyang magalit sa kaniya si Kuya kaya palagi niya akong pinagsasabihan. Naiintindihan ko naman siya kaya sumusunod na lang ako.
"Eh bakit parang sunod-sunuran ka sa kaniya? Tapos si Kahel naman parang kasintahan ang dating sa'yo." Umiling lamang ako sa kaniya. Muli akong nagpaliwanag na walang ibang ibig sabihin ang mga kilos ni Kahel at ganoon din ang mga kilos ko. Normal lamang iyon para sa akin.
Wala na siyang nagawa nang magpaalam na akong babalik sa pwesto ko kanina. Dumiretso ako kay Kahel na masama na naman ang tingin sa akin ngayon. Naibaba ko naman ang tingin ko sa lupa.
"Bakit ang tagal mong bumalik? Anong pinag-usapan niyo ni Sayon?" Iritadong tanong niya sa akin.
Umiling lamang ako. "Wala. Hindi naman importante." Tugon ko. Hindi nawala ang masamang tingin niya sa akin. Mabuti na lamang at dumating na rin sina Vera. Nailigtas nila ako sa pagkakataong ito.
"Kahel hindi ba't magaling kang sumakay sa kabayo? Tara isakay mo kami. Ihuli mo na lang si Emily." Halata ko ang mapanuksong tinig ni Vera. Ganoon din naman ang mukha ni Nana. Napatingin naman ako kay Emily na ngayon ay namumula na ang mukha. Hindi na siya makatingin ng maayos sa amin.
Napangisi rin ako sa kaniya. "Magandang ideya iyan. Magpapaalam lang ako kay Lolo." Saad ko sa kanila.
"H-huwag na lang. Nakakahiya sa Lolo mo, Ana." Katwiran ni Emily. Mas lalo akong napangisi.
Dumating sina Sayon at kaagad silang pumayag sa suhestyon ni Vera. Anila'y gusto rin daw nilang sumakay sa kabayo. Kaagad naman akong nagprisintang aalalay dahil nitong mga nakaraang linggo, palagi akong sumasama kay Lolo sa pastulan tuwing sabado at linggo para magsanay magpatakbo. At ngayon ay masasabi kong kaya ko na iyong makontrol ng mag-isa.
"Sigurado ka bang papayag ang Lolo mo, Ana?" Paninigurado sa akin ni David. Tumango ako sa kaniya. Panigurado namang papayagan ako ni Lolo. Si Kuya naman ay nasa loob at nagpapahinga dahil isang araw lang ang day off niya. Tutol pa rin siya na mangabayo ako ng mag-isa pero wala na siyang nagagawa dahil nagtatampo ako.
"Oo papayag iyon." Paniniguro ko sa kanila. Palagi naman akong pinapayagan ni Lolo. Ganoon din sa akin si Lola. Ayaw ko namang abusuhin iyon kaya nililimitahan ko rin ang mga hinihiling ko sa kanila.
"Huwag na. Mapapagod si Abacus kapag isasakay ko lahat kayo." Pagtutol naman ni Kahel. Napasimangot silang lahat sa sinabi niya pati ako. Kahit kailan ay siya talaga ang palaging tumututol sa kasiyahan namin. Parang hindi rin siya natutuwa na pumunta rito.
Napabuntong-hininga ako. "Edi dalawa na lang gamitin natin. Ako magsasakay sa iba. Marunong na akong magpatakbo." Nakangiting anas ko sa kanila. Nagsigawan naman sila sa tuwa lalo na sina Vera at Sayon.
"Totoo marunong ka?" Tanong ni Sayon. Nakangiting tumango ako sa kaniya. "Ayos! Turuan mo ako kung paano magpatakbo!" Dagdag pa niya.
Natuwa ako at mas lalong na-excite sa sinabi niya. Dati kasi ay ako pa ang tinuturuan nina Lolo at Kuya kung paano magpatakbo ng kabayo. Ngayon naman ay ako na ang siyang magtuturo. Hindi naman ako ganoon kagaling pero siguro kahit papaano ay makakatulong na ang mga nalalaman ko para magturo kung paano magkontrol ng kabayo.
"Sige! Madali lang naman magpatakbo. Tuturuan kita-
"Anastacia!"
Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang iritadong pagtawag sa akin ni Kahel. Ayon na naman iyong pamilyar na tono niya sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko. Kung hindi iritado ay galit naman.
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko. Alin ba sa mga sinabi ko ang masama? Hindi ba magandang turuan ko ang kaibigan na magpatakbo ng kabayo? Ano ba namang mali roon?
Naroon na naman ang masamang tingin niya. Natahimik ang mga kaibigan namin at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Tinatawag ka ng Lola mo. Umakyat ka na sa bahay niyo." Iritadong anas niya. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong narinig na tinatawag ako ni Lola. Napabuntong-hininga na lamang ako saka nakasimangot na naglakad patungo sa bahay.
Bakit ba palagi na lamang tumututol iyang si Kahel sa kasiyahan namin? Ano ba talagang problema niya?
"Lola tawag niyo raw po ako?" Tanong ko sa kaniya. Nasa kusina na naman siya at naghahanda ng meryenda namin. Kumunot ang noo niya sa akin.
"Ha? Hindi kita tinatawag, apo." Kunot noong anas niya.
"Sabi po ni Kahel tinatawag niyo ako."
"Baka nagkamali lang ng dinig si Kahel." Bumuntong-hinga ako at tumango sa kaniya. Bakit ba ako pinapunta rito ni Kahel kung hindi naman pala ako tinatawag ni Lola? Madalas talaga ay hindi ko siya maintindihan.
Palagi na lamang siyang galit at iritado akin na para bang wala akong nagawang matino sa paningin niya. Magmula pa lang noong una ay ganoon na ang tingin niya sa akin.
Ano kayang magagawa ko para mabago ang tingin niya at bumait naman siya kahit konti sa akin?
Sa huli ay hindi rin natuloy ang naunang plano. Hindi na kami nakapangabayo dahil umayaw na rin sila sa hindi malamang dahilan. Sa susunod na lang daw. Nalungkot ako pero wala na rin naman akong magagawa kung ayaw nga nila. Mas mabuti na rin iyon. Mas magsasanay pa ako para mas mahusay na ako kung tuturuan ko man sila kung paano sumakay ng kabayo.
Kinahapunan ay nagpaalam na rin sila dahil baka raw hinahanap na sila sa kanila. Nakangiti ko naman silang inihatid hanggang sa labas ng bahay. Hindi na ako sumama sa sakayan dahil iyon ang sabi nila.
Kinabukasan ay nanatili lamang ako sa loob ng bahay. Hindi na rin ako lumabas pa lalo na at gumawa pa ako ng mga assignment ko.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. December na ngayon at naghahanda na kami ng pang-decoration sa classroom namin. Si Fatima ang president kaya siya ang pinakaabala sa lahat. Nanatili naman kaming nakaalalay at sumusunod lamang sa mga utos niya pati na rin ng iba pang mga officers.
"Kahel patulong naman, gumagalaw iyong upuan." Napatingin ako kay Kahel na tamad na tumayo sa upuan niya para tulungan si Fatima. Nagdidikit kasi siya ng mga decorations sa dingding. Tapos na kami sa iba at kaunti na lamang ang lalagyan.
"Pwede naman kasing sa lalaki na lang ipagawa. Arte-arte kasi." Bulong ni Vera sa aking tabi. Siniko ko siya para patigilin. Nitong mga nakaraang buwan ay nahahalata ko ang matinding pagkadisgusto niya kay Fatima. Hindi ko naman maintindihan ang rason niya kung bakit ayaw niya rito. Nakikita ko naman na walang problema kay Fatima.
             
Walang dahilan para ayawan siya ng mga tao.
"Baka marinig ka niyan." Pagsuway ko sa kaniya. Ayoko rin kasi na magkaroon sila ng away. Hindi iyon magandang tingnan lalo na sa mga babae.
"Ewan ko sa'yo. Hindi ka kasi sa akin naniniwala na palagi ka niyang iniirapan kapag hindi ka nakatingin. Pinagbubulungan ka nga rin nila ng mga kaibigan niya." Inis niyang anas. Ilang beses na niya itong sinasabi sa akin pero hindi ako naniniwala. Wala namang dahilan si Fatima para gawin sa akin iyon. Mabait naman siya at palaging ngumingiti sa akin.
"Hindi naman ganoon si Fatima. Maayos nga niya akong kinakausap palagi." Pangangatwiran ko. Tumingin naman ako kay Fatima na ngayon ay abala pa rin sa paglalagay ng mga decorations. Ang sabi rin kasi niya sa amin ay gusto niyang maging maganda ang classroom namin kaya siguro masyado siyang tutok sa ginagawa.
"Plastik kamo. Nagpapapansin lang iyan kay Kahel."
"Vera." Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala na akong magagawa pa para mabago ang isip ni Vera tungkol kay Fatima. Minsan nga ay naiimpluwensyahan pa niya sina Nana at Emily. Sumasang-ayon naman ang dalawa lalo na at nalaman ko na may gusto nga si Emily kay Kahel.
Natahimik na lamang ako at nanatiling nakatingin sa unahan. Tapos na ang ginugupit ko kanina kaya wala na akong ginagawa. Sina Vera naman at ang ibang lalaki ay hindi rin tumutulong. Ganoon naman talaga palagi. May mga kaklase kang tamad na tamad tumulong at maglinis ng classroom.
"Ana." Napatingin ako kay Fatima nang tawagin niya ako. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako. "Pwede favor?" Saad niya. Tumango ako.
"Sige ano ba iyon?"
"Pwede bang idala mo kay Ma'am Ladines itong mga papel? May ginagawa pa kasi ako eh." Napatingin naman ako sa table ni Ms. Ladines at nakita ang mga papel na naroon. Pinigilan kong bumuntong-hinga lalo na nang makita kung gaano karami iyon. Hindi ko alam kung kakayanin kong buhatin mag-isa.
Hihingi na sana ako ng tulog kina Vera kaso lamang ay inutusan din sila. Nakita ko pa ang pag-irap niya bago tuluyang umalis. Tumayo na lamang ako at nagtungo sa unahan upang kuhain ang mga papel. Inayos ko pa ang pagkakasalansan nito para hindi mahulog sa braso ko.
"Ana? Kailangan mo ng tulong?" Tanong ng isang kaklase kong si Allan. Kaagad siyang lumapit sa akin at akmang tutulungan ako nang tawagin din siya ni Fatima at may iutos din sa kaniya. Napatingin siya sa akin at binigyan ako ng nagpapaumanhing tingin. "Sorry hindi pala kita matutulungan."
"Okay lang. Kaya ko na." Ngumiti ako sa kaniya. Iiling-iling naman siyang nagpaalam sa akin.
Lumabas ako ng classroom dala-dala ang mga papel. Malayo-layo pa rito ang faculty. Napasimangot naman ako dahil sa pangangalay ng kamay. Muntik ko pa itong maibagsak lahat sa lupa. Mabuti na lamang at may taong tumulong sa akin.
Nagulat ako nang makita si Kahel na hawak na ang mga papel na hawak ko kanina.
"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi ba't inaalalayan niya si Fatima kanina? Bakit narito na siya ngayon sa tabi ko?
Tumingin lamang siya sa akin at hindi na sumagot. Himala na hindi niya ako tiningnan ng masama ngayon. Siguro ay maganda ang mood niya ngayon. Gusto ko sanang tanungin kung anong nakain niya kaso baka bigla na naman siyang magalit sa akin.
Natahimik na lamang ako at napangiti. Minsan lamang ito mangyari kaya dapat sulitin ko na.

Komentar Buku (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru