logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Kuya Gilbert has been so overprotective when it comes to me. Mas strikto pa siya sa akin kaysa kay Mama. My mother always let me decide and gave me things that I didn't asked for. Sinasabi ko naman sa kanila ang mga kailangan ko lalo na pagdating sa pag-aaral. Pero si Mama, she loves to spoil me unlike Kuya. Eitherway, I know they both love me that's why they care for me.
"Darating pa ba iyon? Sinabi ko na kasi sa'yo na ako na lang ang sasama sa'yo sa pag-eenrol." Kuya told me for another time. Nakakailang ulit na siya niyang linya niya simula pa kanina. Hindi pa naman ako ganoon katagal naghihintay. I know it's still early. Kuya is just overacting again.
"Pwede ka nang umalis, Kuya. Baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo." suhesyon ko sa kaniya. Kaagad naman niya itong tinutulan. Napabuntong-hininga ako. As what I have expected.
"Mamaya na. Iintayin ko muna iyang Kahel na iyan. May ibibilin pa ako sa kaniya." mariing anas niya habang nakaupo sa pang-isahang silya.
"Kuya!" pagprotesta ko. Ako ang tumatanggap lahat ng kahihiyang ginagawa niya. Mabuti siya dahil hindi siya nahihiya. Paano naman ako? Makakasama ko iyong tao mamaya tapos baka kung anong sabihin niya roon. Baka mas lalo sa aking mairita si Kahel.
"May ibibilin lang ako. Hindi ko siya bubugbugin, Anastacia." kunot-noong anas niya sa akin. Natahimik na lamang ako. Seryoso siya ngayon. Gusto ko sana siyang tutulan subalit wala naman akong magagawa pagdating kay Kuya. Ayoko siyang magalit o magtampo sa akin.
Nanatili na lamang akong nakaupo habang naghihintay. Kanina pa ako naligo at nagbihis. Naihanda ko na rin ang mga requirements na kakailanganin sa pag-transfer ko sa bagong school. Kagabi ko pa iniisip kung ano ang magiging itsura ng school na papasukan ko. Expected ko na mas maliit iyon kaysa sa school na pinasukan ko sa Manila. Pero kung tutuusin, mas mabuti na rin dito dahil mas sariwa ang hangin. Hindi katulad sa lungsod na puro usok mula sa mga dumadaang sasakyan ang malalanghap mo.
Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko na naiwan ko roon. Ano kayang ginagawa nila ngayong semestral break? Ang alam ko maliligo sa beach sina Abby at ang pamilya niya. Hindi ko naman natanong sina Panny kung anong balak nila. Gusto ko sana silang kausapin pero wala naman akong sariling cellphone. Wala rin akong facebook account hindi kagaya nila.
"Ana! Narito na si Kahel!" sigaw ni Mama mula sa labas habang nagwawalis sa bakuran.
Napaahon ako sa aking kinatatayuan. Dumiretso ako paibaba sa hagdan subalit pinigilan ako kaagad ni Kuya. Inutusan niya akong pumasok daw muna ako sa taas.
"Kakausapin ko muna." anas niya sa akin. Binigyan ko naman siya ng nagmamakaawang tingin. Sana naman ay wala siyang sabihing masama kay Kahel. Nag-aalala ako masyado na baka sumama ang loob o baka ma-offend siya ni Kuya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Kuya. Nanatili ako sa itaas subalit dumiretso ako sa may bintana para silipin sila. Nakita ko si Kahel na nakasuot ng isang puting t-shirt at kulay itim na shorts. Napangiti ako nang mapagtanto na bagay na bagay sa kaniya iyon.
Magkaharap na silang dalawa ni Kuya at seryosong nag-uusap. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa distansya subalit nakita ko si Kahel na taimtim na nakikinig sa mga sinasabi ni Kuya. Napaiwas ako ng tingin nang biglang sumulyap sa akin si Kuya habang nakasilip ako sa bintana. Bigla akong nahiya lalo na nang sumulyap din si Kahel.
Napasandal ako sa pader at nasapo ang noo ko dahil sa matinding kahihiyan. Nang makabawi ay nagpasya na lamang ako na maupo sa salas. Doon na lamang ako naghintay hanggang sa tawagin ako ni Kuya. Pilit kong ibinababa ang tingin ko dahil nahihiya ako sa mga ginawa ko kanina. Nahuli pa nilang akong nakasilip at pilit silang pinapakinggan.
"Sige na bumaba ka na, Ana." tumango ako kay Kuya subalit iniwasan ko ang mga tingin niya. "Diretso uwi kaagad ha? Bawal magpa-gabi." tumango ulit ako.
Wala rin naman akong balak magpaabot ng dilim lalo na at hindi tabing kalsada ang bahay namin. May kaunting gubat ka pang dadaanan. Sa totoo lang ay hindi naman talaga iyon gubat dahil marami rin naman ang dumadaan. Mapuno lang talaga at madamo sa bahaging hindi nadadaanan.
"Alis na ako, Mama." paalam ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin pati kay Kahel matapos kaming bilinan na mag-iingat.
Sumunod naman ako kay Kahel nang mauna na siyang maglakad. Tahimik lamang siya habang naglalakad sa unahan ko. Pilit ko naman siyang hinahabol dahil likas na mas mabagal akong maglakad.
Gusto ko rin sanang magtanong kung anong sinabi sa kaniya ni Kuya. Kaso pinangunahan ako ng hiya lalo na at hindi ganoon kaganda ang mga nagiging pag-uusap naming dalawa.
Nakasunod lamang ako sa kaniya nang bigla siyang tumigil. Nagulat ako nang mabunggo ako sa likod niya. Naibaba ko ang aking tingin nang sumulyap siya sa akin.
"Iyan lang ba ang dala mo?" tanong niya. Kahit kalmado ay bakas pa rin ang iritasyon doon. Para talagang iritadong-iritado siya sa akin. Halata naman na napipilitan lang siyang samahan ako dahil siya ang pinakisuyuan ni Lola. Bigla akong nalungkot sa ideyang iyon.
"Oo." mahinang tugon ko.
Nagulat ako nang bigla niyang ilahad ang kamay sa akin. "Ako na magdadala niyan." gusto ko sanang isipin na umiiral lamang ang pagiging maginoo niya. Subalit sa tono niya, halatang napipilitan lang. Kung ayaw naman kasi niyang samahan ako, pwede niyang itanggi. Sana hindi na siya pumayag sa sinabi ni Lola noong nakaraang araw.
"A-ako na lang. Hindi naman mabigat." pagtanggi ko sa kaniya. Pilit kong iniiwasan ang mata niya subalit hindi ko siya mapigilang tingnan. Gusto kong malaman kung paano siya kumilos at kung anong gagawin niya.
Nakita ko ang pagtatangis ng bagang niya dahil sa iritasyon. Natakot ako na dagdagan ang iritasyon niya kaya mabilis kong inabot sa kaniya ang envelope na dala ko.
Tumalikod siya sa akin at muling nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mapasimangot. Nalulungkot talaga ako sa pakikitungo niya sa akin.
Nang tuluyan kaming makalabas sa gubat ay saglit kong pinagmasdan ang paligid. Mas marami ng tao rito at may mga tricycle din na nakaparada. Meron din akong nakikita na mga nagtitinda ng gulay, niyog at kung anu-ano pa.
"Sino iyang kasama mo, Kahel?" napatungo ako nang madaanan namin ang isang babae na nagtitinda ng mga gulay. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ako. "Kasintahan mo ba ito?" tanong pa niya. Doon tuluyang namula ang pisngi ko.
Sumulyap sa akin si Kahel. "Apo ng mga Mendoza. Taga-Maynila po." tugon niya sa babae. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang banggitin na Taga-Manila ako. May galit ba siya sa mga taga roon?
Tumango-tango naman sa akin ang babae. Nakangiti pa rin siya sa akin habang pinagmamasdan ako. "Ang ganda-ganda mo naman, hija. Anak ka pala ni Lily kaya hindi na ako magtataka."
Alanganin naman akong ngumiti sa babae. Hindi pa rin ako sanay kapag may pumupuri sa akin na maganda ako. Hindi katulad ni Mama na kahit 43 na ay batang-bata pa rin ang itsura.
"Kilala niyo po si Mama?" tanong ko naman. Alam kong taga-rito talaga sina Mama. Bakit nga ba nagtataka pa ako na kilala siya ng mga taga-rito?
"Aba oo! Palaging sumasali iyang si Lily sa mga beauty pageant dito at palaging nananalo. Iyon din ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ng Papa mo." pagak akong napangiti nang mabanggit niya si Papa. Tumango na lamang ako at hindi na tumugon. Mabuti na lamang at nagpaalam na si Kahel na may pupuntahan pa kami. Ang ganda talaga niya kung makipag-usap sa iba pero pagdating sa akin, iritadong-iritado siya.
Sumakay kami sa isang tricycle patungo sa bayan. Saglit pa akong nailang dahil pinagtitinginan ako ng mga driver. Siguro ay inaalam nila kung sino ako. Isa ito sa mga mahirap na parte kapag hindi ka taga-rito sa isang lugar. Lahat tititigan ka at maninibago sa presensiya mo.
Hindi ko rin magawang magsalita habang nasa loob ng sasakyan dahil magkatabi kami ni Kahel. Nakaupo siya sa may pintuan. Hindi rin siya nagsasalita o sumusulyap man lang sa akin. Naiilang ako sa tuwing magkakadampi ang mga balat namin kapag lubak-lubak ang daan. Lumalayo ako dahil baka mas lalo siyang mairita sa akin pero parang wala naman siyang pakialam doon.
Bumaba kami sa harap ng isang malaking gate. May nakasulat na malaking pangalan sa labas niyon. Meron ding tarpaulin ang school. Nakalagay doon ang mga building. Nagulat ako nang makita si Kahel sa tarpaulin kasama ang isang babae. Silang dalawa ang ginawang model ng school.
Napatigil ako sa pagtitig doon nang makita na nasa loob na si Kahel. Kinakausap niya iyong guard. Ngumiti naman sa akin si Manong nang dumaan ako sa harap niya. Tipid lamang ang iginanti kong ngiti.
Tumakbo ako hanggang sa makahabol ako kay Kahel. Ang bilis talaga niyang maglakad. O baka naman ayaw lang niya ako makasabay sa paglalakad?
"Sumama ka sa loob." tumango ako sa kaniya. Pumasok kami sa loob ng office. Doon ay nadatnan namin ang mga teacher pati na rin ang mga principal. Magalang na bumati si Kahel ng magandang umaga sa kanila kaya gumaya rin ako kahit nahihiya.
Pagkatapos ay dumiretso kami sa harap ng table ng isang teacher. Nakasulat sa table niya ang pangalan 'Ms. Christine Ladines.' Sumunod ako kay Kahel nang umupo siya sa tapat ng table. Nagdalawang-isip naman ako kung dapat ba akong umupo sa harap noon.
Nagpapasalamat ako dahil si Kahel na mismo ang nagsabi na magpapa-enrol ako. Siya na rin ang nagbigay ng mga requirements. Saglit pa niyang tinitigan ang card at ang I. D. ko bago iyon iniabot kay Ms. Ladines.
"Transferee?" tumango ako. Pinagmasdan ng teacher ang mga requirements ko. Nang mapagtanto na nakatayo pa ako ay kaagad niya akong inutusan na umupo. "Saang school ka galing?"
"Andres Bonifacio National High School po." tumango siya sa akin. Napakagat naman ako ng labi dahil sa kaba. Mag-eenrol lang naman pero kinakabahan pa rin ako. Siguro isa na ring dahilan iyong bago lamang ako sa lugar na ito. Hindi ko alam kung matatanggap ba kaagad ako ng mga tao.
"Sa classroom ko ang pasok mo sa November 2. Wisdom ang section mo." tumango ako at ngumiti sa teacher. Tinanong pa niya ako tungkol sa ilang mga bagay. Naitanong din niya kung bakit kami lumipat sa Quezon. Sinabi ko na lang na mas gusto ni Mama na sa probinsya kami para may kasama sa bahay sina Lola.
"Kaano-ano mo siya, Kahel?" tanong ni Ms. Ladines. Napatingin naman ako kay Kahel na kalmadong nakasulyap sa kaniya. "Pinsan mo ba?"
"Hindi po." tugon ni Kahel.
"Kasintahan mo?" namula na naman ako sa tanong na iyon. Bakit ba lahat ay tinatanong kung kasintahan ko si Kahel. Pakiramdam ko ay masyado pa rin kaming mga bata para pumasok sa isang relasyon. Wala pa rin akong balak lalo na at pag-aaral ang gusto kong unahin higit sa lahat.
Pero kung sakali man... gusto ko sana sa mga lalaki iyong matangkad at lalaking-lalaki kumilos. Gusto ko rin iyong walang bisyo at may pangarap sa buhay kagaya ni Kuya. Ayoko kasing matulad sa mga napapanood ko sa TV at sa mga nakikita ko sa paligid ko kagaya ng mga babaeng nasasaktan dahil mali ang pinili nilang lalaki sa buhay.
Ngumisi si Kahel at umiling. Napailing din ako nang mapagtanto kung gaano siya kaangas sa ngising iyon.
"Si Lily ba ang nanay mo?" bumaling naman sa akin si Ms. Ladines. Sunod-sunod akong tumango sa kaniya. Napangiti siya sa akin. "Kababata ko ang nanay mo. Palagi kaming magkasama noon."
"Totoo po?" manghang tanong ko. Tumango naman siya sa akin. Mas lalo akong natuwa dahil sa nalaman. Hindi ako makapaniwala na maraming kakilala rito si Mama.
Nawili ako nang magkwento si Ms. Ladines ng mga alaala nila noon ni Mama. Nakangiting-nakangiti lang ako habang nakikinig sa mga kwento niya. Nakakapagtaka lang na ni isang beses ay hindi sa akin nabanggit ni Mama ang tungkol kay Ms. Ladines gayong matalik pala silang magkaibigan noon.
"Bakit po nawalan kayo ng komunikasyon sa isa't-isa?" tanong ko. Nanatiling tahimik naman si Kahel at nakikinig lang sa usapan. Nawalan na ako ng pakialam kung anong iisipin niya tungkol sa akin dahil masyado akong nawili sa pakikinig.
Subalit napansin ko na natahimik bigla si Ms. Ladines. Bumalakas ang matinding lungkot sa tingin niya sa akin. Natahimik naman ako nang bigla akong makaramdam ng kakaiba sa tingin niya.
"Sa buhay kasi ng tao, may mga pangyayaring dumarating na hindi natin inaasahan. May mga pagkakataon na kailangan nating bitawan at isakripisyo ang mga bagay para hindi na mahirapan ang mga tao sa paligid natin. Isa iyon sa mga natutunan ko sa buhay, hija."
Napatikom naman ang bibig ko sa mga sinabi niya. Biglang hindi ko malaman kung ano ang itutugon. Hindi kasi niya direktang sinagot ang tanong ko. Parang may iba pa siyang ibig ipakahulugan sa mga sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na baka kaya hindi siya naikwento sa akin ni Mama ay dahil nagkaroon sila ng pag-aaway noon.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin kami na aalis. Masaya ako dahil mabilis kong nakapalagayan ng loob si Ms. Ladines. Kaso nga lang, binabagabag pa rin ako ng mga huling sinabi niya kanina. Siguro tatanungin ko na lang si Mama tungkol doon pagdating ko sa bahay.
Nakasunod muli ako kay Kahel hanggang sa makalabas kami ng gate. Walang mga tricycle na nakaparada roon kaya kailangan pa naming mag-abang ng masasakyan sa kalsada. Halos mapanis naman ang laway ko dahil literal na hindi siya nagsasalita. Gusto ko sanang magka-usap man lang kami bilang magkaibigan pero halatang ayaw niya. Ni hindi man lamang niya ako sinusulyapan.
Hindi kalayuan ay may natanaw akong grupo ng mga kalalakihan na papunta sa direksyon namin. Nakasuot sila ng jersey shirt at shorts. Ang dalawa sa kanila ay dalang mga bola. May tatlong babae rin silang kasama. Mabilis akong kumilos at bahagyang nagtago sa likod ni Kahel. Nahihiya akong magpakita sa kanila.
"Kahel! Tara game!" sigaw ng isa habang papalapit. Napatingin naman ako sa likod ni Kahel. Nakatingin na rin siya sa direksyon ng mga kalalakihan.
"Pass." simpleng tugon niya. Napagtanto ko kaagad na magkakakilala sila. Nanatili naman akong nakatungo at hindi na nagtangka pang sumulyap sa mga dumaraan. Ang problema nga lang, naramdaman ko kaagad na tumigil pa sila sa harap namin. Nagtatawanan at nagbubulungan sila. Mas lalo naman akong tumungo sa lupa.
"Sino iyang kasama mo? Pinsan?" tanong ng isa sa kanila. Nagtangka akong sumulyap sa kanila na hindi ko na lamang dapat ginawa dahil nakita kong nakatingin sila lahat sa akin. Pati ang mga babae ay nanunuri rin ang tingin sa akin. Pasimple ko silang binilang at napagtanto na pito silang lahat.
"Ipakilala mo naman kami, Kahel." saad ng isa. Narinig ko ang tawanan at kantiyawan nila. Mas lalo akong nahiya na sumulyap sa kanila.
"Kahel..." nahihiyang bulong ko sa kaniya. Gusto ko na tuloy umuwi. Hindi ako komportable lalo na at hindi ko naman sila kilala.
Sumulyap sa akin si Kahel. Napabitaw ako sa damit niya na hindi ko namalayang nakapitan ko na pala. Baka isipin niya na masyado akong dikit nang dikit sa kaniya. Natatakot ako na baka mas lalo lamang siyang mairita sa akin.
Mabuti na lamang at may dumaang tricycle sa harap namin. Inutusan ako ni Kahel na pumasok doon kaya dali-dali akong sumunod makatakas lang sa tingin ng mga tao. Mahiyain talaga ako sa umpisa. Siguro kapag nakilala ko na sila ng mabuti ay magiging mas maayos na ang pakikitungo ko sa kanila.
Tahimik muli kaming dalawa habang nasa byahe. Nakatingin lamang ako sa labas at pinagmamasdang maigi ang paligid. Marahas na hangin ang tumatama sa akin mula sa mga siwang ng sasakyan. Sa tuwing hahawiin ko ang buhok na tumatakip sa mukha ay hindi sinasadyang natatamaan ko ang braso ni Kahel. Napapatingin siya sa akin kaya mabilis akong humihingi ng paumanhin. Mabuti na lamang at mistulang wala naman siyang pakialam doon.
"K-kaya ko nang maglakad mag-isa. Kahit iwan mo na ako rito." saad ko nang makababa kami sa sasakyan. Nasa tapat na kami ngayon ng papasok sa bahay nina Lola. Kabisado ko naman na ang daan kaya ayos na sa akin kung iiwan niya ako rito. Isa pa ay ayokong makaabala sa kaniya. Alam kong may mas importanteng bagay pa siyang kailangang gawin kaysa rito katulad na lamang ng pagsama sa mga kaibigan niya.
Napatikom ang bibig ko at napapahiyang nagbaba ng tingin nang lampasan niya ako at manguna sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Siguro ay isa ito sa mga napag-usapan nila ni Kuya kanina. Siguro ay binilinan siya na ihatid ako hanggang sa bahay. Hindi naman na niya kailangan pang gawin iyon. Hindi ko naman siya isusumbong kay Kuya kapag nagkataon.
Nabigla ako ng bigla siyang tumigil. Nabunggo ulit ako sa likod niya dahil literal na sumusunod lang ako sa kaniyang likod. Kita ko na naman ang iritado niyang tingin kaya natatakot akong nagbaba ng tingin sa lupa.
"Tigilan mo nga iyang katitingin mo sa lupa. Sa daan ka tumingin." pagalit na aniya. Hindi ko naman maunawaan kung saan ako titingin. Sa tuwing babaling ako sa unahan ay hindi ko makita ang daan dahil nakaharang siya.
"P-pasensiya na." suminghal siya saka tumalikod. Mas lalo naman akong natakot at nahiya sa kaniya. Gusto ko ring itanong kung bakit parang ayaw na ayaw niya sa presensiya ko. Ano bang ginagawa ko ang nakakairita para sa kaniya? Alin ba roon ang nakakagalit?
Nang mapansin kong malapit na kami sa bahay ay doon ako tumigil. Natatakot at nahihiya man, gusto ko pa ring itanong ito ngayon sa kaniya.
"Kahel..." mahinang tawag ko. Napatigil din siya sa paglalakad at kunot-noong lumingon sa akin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili bago nagsalita. "P-pwede ba tayong maging magkaibigan?" kinakabahang tanong ko. Itinago ko ang aking kamay sa likod at doon kinutkot ang aking mga daliri.
Nakita ko naman ang pagtatangis ng bagang niya. Bumakas ang galit sa ekspresyon niya ngayon sa hindi malamang dahilan. Alin ba sa mga sinabi ko ang nakakagalit? Gusto ko lang naman siyang maging kaibigan. Bakit ba parang napakahirap gawin niyon? Wala naman akong ginagawang masama. Wala naman akong nakakahawang sakit para ayawan niya.
Matagal siyang tumitig sa akin na siyang naging dahilan ng labis na pagkailang ko. Naibaba ko na lamang ang paningin sa lupa.
"Ayaw kitang maging kaibigan, Anastacia."
That was the first time that he called me by my name. Hating gabi na pero hindi pa rin ako pinapatulog ng naging tugon niya sa akin kanina. Bakit parang napakahirap magkaroon ng magiging kaibigan dito? Bakit ba ayaw sa akin ni Kahel? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Nalungkot ako sa isipin na baka hindi na ako makakahanap ng mga kaibigan na kagaya nina Abby sa lugar na ito.

Komentar Buku (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

    ย ย 2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

    01/07

    ย ย 1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

    ย ย 1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru