logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Kabanata 4
Number
--
Nagtaas ng isang kilay si tita Teressa nang pumasok ako sa kusina. They all looked at me. Umirap si tita Pamela habang nagtaas rin ng isang kilay si tita Rowena. Si Elise lang ang ngumiti at tumayo para pumunta sa akin.
"Sasabay ka sa amin?" Masaya nyang tanong, halatang gusto akong kasabay kumain.
I also want to eat with her even though I don't want to eat with my aunts. But I still have a lot to do at school. Kulang ang naging pag aaral ko kagabi. Masyado talaga akong na late sa pagtransfer.
"Sa school ako kakain. I'm just here to say goodbye," malungkot akong ngumiti sa kanya. "I'm sorry. Babawi nalang ako sayo sa susunod."
Nawala ang ngiti nya. Nalungkot sya. I sighed. Gusto ko rin naman talagang kumain kasama sya. Pero kasi hindi kaya ng oras ko. Kailangan kong habulin ang pag aaral.
"I understand. Sa susunod nalang?" Ngumiti sya ulit kahit halata ang lungkot sa mukha.
Tumango ako. "I promise."
Sa school nga ako nagbasa ng mga notes. Habang kumakain ay nagbabasa ako. Wala naman gaanong tao sa cafeteria kaya tahimik akong nakakapag basa. Jaz was not there when I got to the classroom and I don't know if she's there now. Basta nagpatuloy lang ako sa ginagawa.
Mabilis lang akong natapos dahil nag bell na. Nagtaka pa ako dahil hindi pumunta si Jaz sa cafeteria. Palaging dito yon kumakain kaya nakakapag taka na hindi sya pumunta. Pero baka kumain na sya sa bahay nila.
Kadarating lang ni Jaz nang makabalik ako sa classroom. Marami nang tao roon. Nakanguso syang pumunta sa akin. Ngumisi ako.
"Pinilit na naman ako nina Mommy na sumabay sa kanila dahil may sasabihin daw sila," she said.
"Oh? Anong sabi?"
She lowered the bag to her chair and sat slightly on her table. Our seats are a little closer so we can talk.
"Uuwi daw yung pinsan ko," sagot nya.
"Mmm," tumango tango ako.
"Nakakainis. Pwede naman sabihin sakin agad na iyon ang pakay nilang sabihin. Ang dami dami pang sinabi. Hindi tuloy kita nakasabay kumain," ngumuso ulit sya.
Umupo ako sa upuan ko at humalukipkip.
"Mabuti ka pa nga nakakasabay mo ang magulang mong kumain. Tapos naiinis ka pa?"
Natigilan sya sa sinabi ko. She knows what I mean. Nasabi ko na sa kanya na wala na akong magulang.
"Losing a parent is hard and painful. So make the most of the time you spend together. You may regret it later..."
Natahimik sya. The teacher arrived and she just sat in her chair. I took the right book and the class started. I don't know if she realized what I said but I just said what I had to say. Medyo hindi ko kasi nagustuhan ang sinabi nya kanina.
Busy pa rin ako sa pagbabasa ng notes nang maglunch. Kaya naman minsan lang kami nakakapag usap ni Jaz. She also reads her other books. Masipag rin syang mag aral at mukhang may gustong maabot. Kahit maarte at madaldal, alam kong gusto pa ring makapag tapos ng pag aaral.
Maaga lang kaming natapos kumain kaya nagpunta nalang kami sa library para mag aral at para na rin tahimik. Maingay kasi sa cafeteria dahil maraming kumakain. Nang magbell naman ay paruloy pa rin sa pag aaral.
Last subject of the afternoon was PE. I already have a PE uniform and I also have rubber shoes in my locker. Inipit ko ang buhok ko at sabay na kaming pumunta ni Jaz sa field. Maraming tao sa field nang makarating kami. Buong batch yata nandoon at sabay sabay na magp-PE. Nagulat ako nang makita si Anton sa hindi kalayuan kasama ang mga kaibigan nya. Naka PE uniform din sila.
"College na sya, right?" Napatanong ako kay Jaz.
"Mmm? Sino?" She asked.
"Anton," habang hindi inaalis ang tingin sa kinaroroonan ni Anton.
Sinundan nya rin tuloy ng tingin ang tinitignan ko. Nang makita si Anton ay tumango sya.
"Yup. I don't know him very well but he's quite famous here at school so I know he's in college now. Why?" Tumingin sya sa akin.
"Nothing. May PE din?"
"Oo. Siguro nagkataon lang na sabay?"
I just nodded and stopped asking questions. Napansin ko kasing parang ang dami ko nang tinatanong. Umiling ako sa sarili at pumunta sa teacher namin na tinawag na kami.
We will play badminton. Tinuro nya na sa iba ang mga dapat gawin kaya alam na namin ang mga gagawin. Nauna ang ibang maglaro kaya tumabi muna kami. Hindi ko naman mapigilan ang sumulyap sa kinaroroonan ni Anton.
He's still with his friends in bleachers. But my eyes almost widened when I saw him looking at me. I averted my eyes and just looked at my classmates playing.
"Valderama, Villanueva," pagtawag ng teacher na lalaki sa amin ni Jaz.
"Oopps! Maglaban pa yata tayo," si Jaz at ngumisi sa akin.
I also smirked at her and we walked to the teacher. Kinuha namin ang badminton sa kaklaseng katatapos lang maglaro at pumwesto na. Sa kabilang bahagi ako nakapwesto kaya nakaharap ako sa mga bleachers kung nasaan si Anton at ang mga kaibigan nya.
I glanced at him and saw that he's still looking at me. Bahagyang nakakunot ang noo nya, nakahalukipkip at nakasandal sa upuan. His friends are talking and laughing but he just kept quiet and stared at me. Nag iwas ako ng tingin at nagfocus sa paglalaro.
In the first game, Jaz scored. Medyo lumilipad kasi ang isip ko at hindi ko pa mapigilan ang sumulyap sa gawi ni Anton. Ilang beses ko na yatang napagalitan ang sarili sa pagiging lutang.
"Villanueva, are you with us?" Puna na ng teacher nang mapansin ang hindi ko pagfocus.
Uminit ang pisngi ko. Tumikhim ako at nagsalita. Nakita ko ang pagngisi ni Jaz at ang paglingon nya sa likod nya kung nasaan si Anton.
"Sorry, Sir."
We continued to play. Now I'm more focused. I've been wanting to play this for a long time so now that I'm playing it now, I will do my best. Hindi ako magaling pero marunong naman ako. Kaya sa mga sumunod na round, ako palagi ang nakakapuntos.
"Hoy! Ang daya mo, ah!" Biro ni Jaz nang halos lumubog na sya.
Our classmates laughed at her. I also slightly laughed and continued playing. Kalahating oras ang tinagal namin ni Jaz. Lima ang badminton namin kaya nakakapag laro naman ang iba. Nang matapos kaming dalawa ni Jaz, yung ibang mga kaklase naman namin.
Pinagpawisan ako ng bahagya. Ang tagal kasi naming naglaro at medyo mainit pa. Pawis na pawis rin si Jaz. Nagtungo sya sa bleachers at kahit ayoko, sumunod nalang ako. Pilit kong hindi tinitignan ang sa kaliwa.
"Napagod ako! May inumin ka ba dyan?" Si Jaz na hawak na ang towel nya at nagpupunas na ng pawis.
"Nandyan sa bag ko," sabi ko.
"Oh? Bumili ka? Para satin?" Napangiti sya nang makita ang dalawang mineral water.
"No. Para sakin lang yan. Kulang ang isang tubig sakin," sabi ko kahit para naman talaga sa kanya yung isa. Alam ko kasing hindi sya bibili ng tubig.
Ngumuso sya at uminom nalang. I sat down next to her. Nasa pang unahang bleachers lang kami. Yung ibang kaklase rin namin ay nagpapahinga rito. I took the mineral water from my bag and drank it.
"Napansin ko kanina yung tingin mo kay Anton, ah? Ikaw, ah..." siniko ako ni Jaz.
Uminit ang pisngi ko. Kinunot ko ang noo sa kanya at hindi nalang nagsalita. Ngumisi sya at tinuro ang pisngi ko.
"Namumula! Ngayon ko lang nakitang namumula yan!" tukso nya pa.
"May make up ako."
"Tumigil ka! Hindi ka nagme-make up!"
Iritado ko syang tinignan. She chuckled. Hindi ko alam na sa ilang araw naming magkasama, kilala nya na agad ako. Hindi ako makapaniwala. Umiling nalang ako.
"Hindi ko sya tinitignan," sabi ko.
"Sus. Mukha mo. Bakit namumula yang pisngi mo?"
"Hindi sya ang tinitignan ko!"
"Eh, sino? Yung mga kaibigan nya? Eh, ang papangit noon! Oh! Itanggi mo!" Tinuro nya ulit ako.
Inirapan ko sya. Hindi nalang ako nagsalita. Habang nagpatuloy naman sya sa nanunuksong tingin nya. Sinisiko nya pa ako, akala mo baliw. Mas lalo lang tuloy uminit ang pisngi ko.
"Tumigil ka nga, Jaz. Kung ano ano pinag iiisip mo," sabi ko.
She chuckled.
"Pero sabagay. Naiintindihan naman kita. Gwapo naman talaga si Anton. Matikas ang katawan at--"
"Tumigil ka nga! Hindi sabi sya ang tinitignan ko!" Pigil ko sa kanya dahil kung ano ano nang ilusyon ang naiisip nya.
Humagalpak sya sa tawa. Tinakpan nya ang bibig nya at tinuro na naman ang pisngi kong siguradong sobrang pula na. Kunot noo kong iniwas ang tingin sa kanya at muling uminom sa tubig. Hindi ko nalang sya pinansin.
"Ay! Doon muna pala ako at manonood!" Biglang sinabi ni Jaz at walang sabi sabing umalis.
Kunot noo ko syang sinundan ng tingin. Napasulyap ako sa kaliwa at nakitang palapit na ang seryosong si Anton sa akin. Kinabahan ako. Kaya pala umalis si Jaz at iniwan ako rito!
"Hi," he greeted and sat beside me.
I smiled slightly at him even though my heart is beating so fast. I don't know why!
"Hi," bati ko rin.
Nakita ko ang mga nakangisi nyang mga kaibigan habang nakatingin sa amin. I also saw the heads of my other classmates turn to us and then they whispered to each other as if something strange was happening. Medyo hindi tuloy ako naging komportable.
"Are you done playing?" He asked.
"Nope. Isa pang laro tapos tapos na."
"Mmm..." he nodded.
"Ikaw? Bakit nandito ka?" Tanong ko at tumingin sa kanya.
Ilang sandali syang natigilan. Umangat ang gilid ng labi nya kaya nagtaka ako. Para bang nagulat sya sa kung ano pero hindi ko alam kung saan sya nagulat.
"We just finished our game. Hang out here first because there's nothing more to do," he said.
Tumango ako. "Anong nilaro nyo?"
"Soccer."
"Mmm..." tumango ulit ako.
"You're not cold now, huh? You're asking me questions..." he smirked.
Bahagya akong natigilan roon. Napakurap kurap ako.
"Uh... bago palang kasi tayong magkaibigan noon kaya..." nagkibit balikat ako.
"Hindi ka pa komportable?" He asked.
"Hindi naman. Medyo... nanibago lang ako."
"Why? Hindi ka pa nagkaroon ng kaibigan na lalaki noon?"
"Mmm... parang ganon na nga..."
Tumango tango sya, naintindihan ako.
"You're a transferee, right?" He asked.
"Yup."
"Saan ka galing school?" Kuryoso nyang tanong.
"Uh... sa Univiersity of Cebu, Main Campus."
"Oh. So you're from Cebu?"
"No. Dito talaga ako sa Manila. Doon lang dahil nandoon ang tita ko."
"Mmm..." tumango tango sya. "Is it okay if I ask you why you transferred here?" He asked.
Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "It's okay. I'm here for my sister. Matagal ko na kasi syang hindi nakakasama. I just want to be with her..."
He nodded again and didn't ask any more questions, pakiramdam nya siguro marami na syang tinatanong. Tsh. Marami naman talaga. Akala mo chismoso.
Pero... hindi naman siguro masama kung magtanong rin ako, right? Magkaibigan naman kami, diba?
"Uhm... ikaw? Matagal ka na dito?" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin. Tumango sya at nagsalita. "Simula pa nung high school. My family is originally from Bulacan."
Tumango ako at hindi na dinagdagan pa ang tanong. Baka magmukha akong chismosa tsaka wala na rin naman akong itatanong. Just after I nodded, our teacher called me. I will play again. Kaya tumayo na ako at bumaling kay Anton na tumayo na rin.
"Punta na ako don. Maglalaro na ulit ako," paalam ko.
Tumango sya. Tatalikod na sana ako nang magsalita sya ulit.
"Uh... Victoria," he called.
"Mmm?" Humarap ulit ako sa kanya.
"Can I... get your number?" Nag aalinlangan nya pang sinabi.
Napakurap kurap ako roon. Number ko? Gusto nyang makuha? Hindi agad ako nakapag salita. I looked at my classmates and other people there who's looking at us. Maybe Jaz is right that he's famous here and many girls like him. Tumikhim ako at binalik ulit kay Anton ang paningin na kinakagat ang labi, kabado dahil baka hindi ako pumayag sa gusto nya.
Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya. "Sure."
He sighed. He took his phone out of his pocket and gave it to me. I quickly typed my number and returned the phone to him immediately. He smiled and I said goodbye because the teacher called me again.
"Thanks," Anton said.
I smiled and nodded. I turned around and walked back to my classmates. I could feel others looking at me but I just kept going.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru