logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3

Kabanata 3
Friends
--
I was really busy in the following days. Sometimes I actually go to school early to review my notes and to eat. At lunch, I'm with Jaz but I hurried to study at the library. Jaz didn't stop me because she knew I had a lot to do. She has a lot of friends so I don't have to worry about leaving her. May magiging kasama naman sya.
Minsan nagtatampo sa akin si Elise dahil hindi kami palagi nang sabay pumasok. Pero naiintindihan nya naman na marami talaga akong ginagawa. Kahit sa gabi, twelve na ako nakakatulog sa dami ng binabasa. Ayos lang naman. I know it's worth it.
Nagtataka kong tinignan si Elise na pumasok sa kwarto ko pagkatapos kumatok. She's already wearing a nightgown and ready to go to bed. She's carrying two pillows. She quickly climbed into my bed.
"Dito ako matutulog. Pwede ba?" Ngumiti sya sa akin para magpacute.
Natawa ako.
"Sure," I said.
"Palagi kasi tayong hindi nagsasabay pumasok. Nandito ka nga pero hindi naman kita madalas kasama. Kaya dito nalang muna ako matutulog."
Natawa ulit ako. Doon nga sya natulog sa kwarto ko gabi gabi. Tuwing umaga nag iingat ako para hindi sya magising. Maaga pa rin kasi akong pumapasok. It's too early so I shouldn't wake her up.
I'm on my way down when I saw tita Teressa raising an eyebrow while crossing her arms. She looked at me as if she had been waiting for me to come down. I sighed and continued walking.
"Victora," pagtawag nya nang lagpasan ko sya.
I stopped and took a deep breath. Ano na namang kailangan nya? Marami akong gagawin at masakit na ang ulo ko kaya sana naman hindi na nya dagdagan pa. Humarap ako at magalang pa rin syang pinagsalitaan.
"Po?" I said.
"How long will you stay here? Do you really plan to stay here until you graduate?" Lumapit sya sa akin, nakataas pa rin ang isang kilay.
"Yes. Any problem with that?" Tanong ko.
Natawa sya.
"You know we don't want you here. Puro sakit ng ulo lang ang dala mo."
"Talaga? Kailan ko pinasakit ang ulo nyo simula nung dumating ako? Ni hindi ko nga kayo nakikita."
"Surely in the next few days, you will make trouble at your school again. And we will fix it again. Sakit ka talaga sa ulo. You better just go back to Cebu."
"Don't worry. I will not make any trouble. And I will not return to Cebu. Bibisita, oo. Pero babalik? Hindi. Hindi nyo na ako mahihiwalay sa kapatid ko."
Natawa ulit sya.
"You said you just wanted to talk. But suddenly you stay here? What else is your reason for staying here?"
"May kapatid ka rin, tita. Siguro naman alam mo kung gaano kahirap mahiwalay sa pinaka mamahal mong kapatid?" Sarkastiko kong sinabi.
Hindi sya nakapag salita. Matalim nya lang akong tinignan.
"And don't you know? Elise is being bullied. So I'm more convinced to stay here because you don't take good care of her."
"What?" Nagulat sya.
Ako naman ngayon ang natawa.
"Kita nyo na? You're not watching and taking good care of Elise! Elise is being bullied, tita! Do you not notice the wounds on her body? Then you want me to get out of here? I will not leave my sister in your hands if you don't take good care of her like this!"
Natigilan na sya ng tuluyan.
"If you can't take care of Elise, I will take care of her. So don't expect me to leave here because I will never leave this mansion," mariin ko pa syang tinitigan bago tumalikod at umalis.
Hindi naging maganda ang umaga kong yon kaya hindi ako nakapag aral ng maayos. Kunot na kunot ang noo ko habang hindi mawala ang inis sa tita. She didn't know that Elise was being bullied at school. Tapos ang lakas ng loob nyang angkinin si Elise? I know she has the right to take Elise because Daddy told her to take care of us. Pero hindi nya naman inaalagaan ng maayos si Elise!
"Huy! Ayos ka lang ba?" Siko ni Jaz.
Hindi ko namalayan na tumigil na ako sa pagkain. Marami syang kinukwento pero hindi ko magawang makinig dahil sa iritasyon. Tumingin ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa mariing nakatitig dyan, ah? Parang kakainin mo yang lamesa kung makatingin ka," she said.
I sighed.
"Naisip ko lang yung mga tita ko."
"Mga tita mo?" Taka nyang tanong.
Tinignan ko sya. Wala pa nga pala syang alam tungkol sa akin. I sighed again. I sighed again. I think I can open up to her since she's my friend.
"May tatlo akong tita na kasama sa bahay. Mga kapatid ni Daddy," panimula ko.
"Oh?" Naghintay pa sya.
"May isa pa akong tita na nasa Cebu, kung saan ako nanggaling. Si tita Florence. Sya lang ang mabait sa akin. Ang tatlong tita ko na nandito, hindi ko kailanman nakasundo."
Tumango sya.
"Naiinis lang ako dahil hindi nila inaalagaan ng maayos si Elise. Ni hindi manlang nila alam na binubully na si Elise sa school nila."
"What? Really?" Gulat na tanong ni Jaz.
Tumango ako.
"Kung hindi ko pa nalaman, baka kung napano na si Elise."
"Oh gosh! Sino yang mga nambully na yan sa kanya? Baka kilala ko! Lagot sakin yan!"
Bahagya akong natawa roon sa gitna ng iritasyon ko.
"Hindi na kailangan. I already took care of it."
"Ano namang ginawa mo? Dapat pinatanggal mo sa school!"
"I'm not sure if my tita Florence can do that but if she can, I will stop her. Ayos na yon. Hindi naman na nila binubully pa si Elise. Pero sa oras na galawin ulit nila si Elise, hindi na talaga ako magdadalawang isip na kausapin si tita Florence."
"Dapat lang! Kung ako nga ang nasa sitwasyon mo, baka napa talksik ko na yon sa school! Pero... nagtataka ako."
"Mmm? Saan?"
"Bakit ka nasa Cebu tapos nandito si Elise? Bakit magkahiwalay kayo?" She asked curiously.
"Dahil sa mga tita ko. Ayaw sa akin ng mga tita ko. Mas gusto nila si Elise."
"What? Bakit naman?"
"Dahil pasaway ako. Kapapasok ko palang sa school noon, first year high school, nakagawa na agad ako ng gulo. Palaging ang mga tita ko ang umaayos noon. Paulit ulit akong napapa away kaya napagod sila sa akin. Nagalit sila sa akin. Pero kahit naman nung bata palang ako, ayaw na nila sa akin."
Kumunot ang noo nya. "Bakit?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Pero ganon naman yata talaga. Minsan ang pamilya, namimili."
Tumalim ang tingin nya. "No. Hindi ganyan ang pamilya. Pantay pantay ang pagmamahal sa bawat pamilya."
Malungkot akong ngumiti. "Ganon sila."
"Kung ganon hindi sila dapat tawaging pamilya."
Bahagya akong natigilan roon.
"Kung may favoritism na nagaganap, hindi pamilya ang tawag dyan. Nasaan ba ang Daddy mo?"
"Patay na ang Daddy ko."
Natigilan si Jaz. I smiled at her to assure her that it's okay. Pero hindi natanggal ang guilty sa mukha nya. Wala pa man, nakikita ko na ang paghingi nya ng tawad sa mukha nya.
"My Mom is gone too. Matagal na yon kaya ayos lang sa akin na pag usapan."
Muli syang natigilan. Mas lalong nag alala ang mukha nya.
"I'm sorry..." she said.
Natawa ako ng bahagya.
"It's okay, Jaz. Matagal na yon."
Ilang sandali kaming natahimik. Sumulyap ako kay Jaz at nakitang parang may malalim syang iniisip. Hinintay ko hanggang sa magsalita sya.
"Kaya ba... dito ka nag aral at hindi sa school ni Elise dahil..." tinignan nya ako.
Tumango ako at bahagyang ngumiti. Hindi na nya tinuloy ang sinasabi.
"My titas didn't want me to study at Elise's school. They said I will definitely make trouble again and Elise will be affected. Hindi na ako nakipag talo dahil ayos naman na sa akin na nakikitang maayos si Elise. Masaya na akong nakakasama ko sya."
Jaz sighed. Malungkot sya akong tinitigan. I smiled slightly at him and continued eating. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko ngayong nakapag kwento ako sa kanya. Maganda talagang may napagsasabihan ka ng mga problema. Hindi mo maiisip na mag isa ka.
"Pero parang kilala ko ang apelyido mo. Marami akong kilalang Villanueva pero..." nanliit ang mga mata nya sa akin.
Kinuha ko ang tubig ko at inosenteng uminom roon, ayaw syang tignan.
"Victoria ang pangalan mo..." dagdag nya.
"Yeah. Victoria," kaswal kong sagot.
"Can I know your father's name?" She asked.
I sighed and looked at her. Nanliliit pa rin ang mga mata nya sa akin na para bang may ginawa akong masama. Umirap ako.
"Hindi ko alam na ganyan ka pala katalino," sabi ko.
"I knew it!" Sigaw nya.
"Tsk. Tumahimik ka nga," saway ko dahil tumingin ang ibang kumakain dahil sa sigaw nya.
"Tell me your father's name!"
I sighed. Tinignan ko syang nag aabang ng sagot ko. Sa huli, sinabi ko nalang.
"Victor Villanueva."
"OMG!"
"Shh!"
"And who's your mother?"
I sighed again. Mukhang hindi sya titigil.
"Elisa Villanueva."
Hindi sya makapaniwalang tumingin sa akin. Umirap naman ako dahil wala namang big deal roon. Oa lang syang mag react.
"Kung ganon ang yaman mo pala? Dapat pinatalsik mo na talaga ang kung sino mang nanakit sa kapatid mo!"
"Hindi ako mayaman--"
"Victor Villanueva is your father tapos hindi mayaman?"
"Sya lang ang mayaman. Hindi ako."
"Ganon na rin yon dahil anak ka nya!"
"Tsk. Isa ka ba sa mga fan ni Daddy?"
"Oo!"
"Tsh. Kaya pala ang oa mo magreact."
Ngumuso sya.
"Namamangha lang ako. Kaya ko nga gustong magkaroon ng anak na kambal ay dahil sa kanila. Nalaman ko kasi noon, nung sobrang yaman pa nila at sobrang kilala, halos buong mundo ang nakakakilala, na may kambal silang anak. Pero tinatago dahil delikado sa publiko."
Naalala kong nasa Cebu lang kami noon. Namumuhay ng tahimik at simple. Ayaw ipaalam ang tunay naming pagkatao. But when they died in the same accident, our company gradually collapsed and if only tita Florence hadn't led, the company wouldn't have been saved.
Medyo... hindi naging maganda ang nakaraan ko.
"Ang bata ko pa noon pero manghang mangha na ako sa kanila. Ang galing nilang mag design ng mga bahay. Sobrang tatalino. Ikaw? Ayaw mong mag architecture?" Jaz asked.
Umiling ako.
"What?" Nanghihinayang nyang tanong. "Sinong magli-lead ng kumpanya nyo kung ganon?"
Ilang sandali akong hindi sumagot. Dahan dahang umangat ang gilid ng labi ko. I smirked.
"Si Kuya."
Nanlaki ang mga mata nya roon.
"K-Kuya? May Kuya ka?" Gulat nyang tanong.
"Yup. Sa lahat, sya ang pinaka pinakatago tago nina Mommy at Daddy."
"B-Bakit?" Gulat nya pa ring tanong.
"Because he's the heir."
Napanganga sya. Kaunti lang ang may alam na may isa pang anak sina Daddy at Mommy. The public is not that interested but many people are still interested in our company. Now the company is no longer in the hands of tita Florence. Na kay tita Teressa na at maayos naman ang pagpapatakbo nya noon dahil kahit papaano, matalino naman sya.
Pero sa oras na dumating na si Kuya...
"W-Where is he? Nasa bahay nyo?" Gulat at interesadong tanong ni Jaz.
I smirked at her. "I can't tell you that."
"What? Why?"
"It's still a secret."
Ngumuso sya pero naintindihan naman. Nagpatuloy sya sa pagdaldal tungkol sa pamilya namin. Hindi ko alam na kilala nya pala ang pamilya namin. Soon, I can tell her some of our secrets.
Nag aayos ako sa locker ko nang matanaw ko ang pamilya na lalaki. Uwian na ngayon. Jaz went to the bathroom and I will wait for her here. I closed the door of my locker and looked at the man who's arranging the book in his locker. I know he saw me. Kanina ko pa napapansin ang titig nya.
When he finished arranging, he adjusted the bag on his shoulder and looked at me. Magkaharap na kami. I smoothly averted my eyes from him and leaned on the lockers while crossing my arms. I know he's still looking at me.
"Hi," he greeted.
Tumingin ako sa kanya. His eyes are cold again. I smiled slightly at him.
"Hi."
"Pauwi na?" He asked.
"Yup. Hinihintay lang si Jaz."
He nodded. Tumingin ulit ako sa harapan at inakalang aalis na sya pero nakita kong lumapit sya sa akin. I don't know why my heart suddenly throbbed.
"Is your forehead fine now?" He asked.
"Yup," sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya.
"That's good."
I nodded. Hindi na ako nagsalita. Pero hindi pa yata sya aalis. My forehead wound is healed. Just a few days and the pain is a bit gone. There are still scratches but it's okay. I don't know if the scratch will disappear but it looks like it will not disappear.
"I'm Anthony, by the way. You can call me Anton. Hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong magpakilala sa isa't isa noon," he held out his hand.
Napatingin ako roon tapos sa kanya. Inalis ko ang pagkakahalukipkip ko at hinarap na rin sya. He's right and we didn't have the opportunity to introduce ourselves to each other. But I could ask his name that day, I just didn't do it because I was not interested. Or... am I not really interested?
I shook his hand and smiled.
"Victoria."
Hindi ko alam kung bakit may kakaiba talaga akong nararamdaman. Especially now that I'm holding his hand. It was as if I'm electrified so I immediately withdrew my hand. I crossed my arms again and calmed myself. I smiled at him.
Bahagya syang natigilan sa ginawa ko pero binalewala rin kalaunan dahil sa ngiti ko. He smiled slightly too.
"So... we can be friends?" He said.
"Sure," kaswal kong sinabi.
He nodded and smiled. "Susunduin ka ulit?"
"No. I have my bike."
Bahagyang kumunot ang noo nya roon. Humalukipkip sya at tinignan ako ng mabuti. Para bang mali yung sinabi ko kung makatingin sya.
"Why do you only use a bike if you have a car?" He asked.
Nagkibit balikat ako. "Gusto ko lang. I want a fresh air while going to school."
"Mmm. You love nature?"
"A little bit."
Umangat ang gilid ng labi nya.
"You're so cold. Are we really friends now?" He said.
Napatingin ako sa kanya roon. I'm cold? Really? Well... medyo. Pero hindi kasi ako komportable sa nararamdaman ko. My heart is beating so fast and I don't know why! Kakaba kaba naman talaga ang malamig nyang mga mata pero normal pa ba itong pagbilis ng tibok ng puso ko?
"Sorry. I'm just really like this," sabi ko nalang.
"Mmm," tumango sya. "Halata nga. But that's okay. I still want to be your friend," he smiled.
I smiled too but immediately avoided his eyes. Hindi ko alam pero... naiilang ako.
"Victoria!" Mabuti nalang at dumating na si Jaz.
Agad akong umayos ng tayo at sinalubong sya. Nang makalapit sya ay napatingin sya sa lalaking nasa tabi ko.
"Oh, hi! Ikaw yung nakatama ng bola kay Vics, right?" Jaz said.
"Hi. Yup."
Nagpabalik balik ang tingin nya sa aming dalawa.
"Friends na kayo?" Usisa nya.
"Jaz..." saway ko.
"Why?" Natatawa nyang tanong. "Nagtatanong lang, eh!"
Umangat ang gilid ng labi ni Anton habang nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Kinunot ko ang noo at nag iwas ng tingin.
"Yes. We're friends. We're okay now," Anton said.
"Oh! That's good! By the way, I'm Jazmine. You can call me Jaz!" Naglahad ng kamay si Jaz.
"Anton," tinanggap nya ang kamay ni Jaz.
Paalis na rin si Anton kaya sabay sabay na kaming lumabas. Sumakay na sa sundo nya si Jaz at nagpaalam sa amin. Nang maka alis ang sasakyan nya ay bumaling ako kay Anton.
"Una na ako. Nandoon pa ang bike ko," I said.
Tumingin sya sa paligid. "Where?"
"Sa may dulo."
"Nasa may dulo rin ang sasakyan ko. Sabay na tayong pumunta roon?"
I nodded slowly. "Okay."
Nagtungo nga kami roon. Nakita ko na ang bike ko pero nagulat ako nang makitang pinatunog nya ang sasakyang nasa tabi ng bike ko. Ibig sabihin, iyon ang sasakyan nya.
"Magkatabi lang pala," sabi ko.
"Mmm. Yeah."
I nodded and smiled. "Una na ako?"
He nodded. "Take care."
Tumango ako at sumakay na sa bike. Sumakay na rin sya sa sasakyan nya. Nang magsimula akong pumadyak, narinig ko na rin ang pagstart ng kotse nya. Salungat kami ng dadaanan kaya bumusina lang sya at lumiko na sa kabila. Habang ako ay lumiko sa kabila at umuwi na.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru