logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Hindi na siya dinala sa pook-litisan ngunit ang naipit sa kanyang nagawa ay si Kayan. Mas pinapanigan daw siya kaysa sa mga kanayon nito. Alam niya namang tama lang ang paghatol ng binata dahil hindi lang naman siya ang nagkasala, ngunit hindi niya maiwasang ma-guilty sa pangyayari. Inako niya ang kasalanang nagawa at sinabing labas na doon si Mutya.
Bilang parusa ay dinala sila sa isang piitan sa ilalim ng lupa. Isa-isa silang ipinasok sa bawat silid pagkatapos ay iniwan. Wala kang ilaw na makikita sa paligid kundi puro kadiliman. Iyon na siguro ang parusa nila. They are torturing them psychologically.
Nagmistulang bulag si Luna sa loob. Wala siyang makita kahit ano, pakiramdam niya ay masisiraan siya ng ulo kung magtatagal pa siya roon. 
"Kumusta ka, taong labas? Nanginginig na ata buong katawan mo, pffft~" pangungutya sa kanya ni Marikit. Sanay na siguro ito sa dilim kaya parang wala lang dito ang kanilang sitwasyon. Maging ang dalawa nitong kasama ay nakisawsaw na rin. Ipinikit niya na lamang ang mga mata at hinintay ang oras na lumipas. Tatlong araw silang mamamalagi sa kulungang iyon. Limitado rin ang pagkain na ibinigay sa kanila kaya kailangan niya itong pagkasyahin.
"Akala ko ba matapang ka? Ba't hindi mo ipakita ngayon?" sigaw sa kanya. Hindi na lang siya umimik dahil wala rin lang silbi kung papatulan niya ang mga ito. Nang magutom siya ay pakapa niyang kinuha ang pagkain sa isang lalagyan at kinain ito. Daig niya pa ang isang presong nakapatay ng tao sa oras na iyon. Buti nga 'yong mga preso sa kanilang lugar kahit paano ay nasa maayos na kulungan, hindi gaya niya na parang dinukutan ng mata sa kadilimang nakikita. Ang mga ganitong parusa ay sa mga aklat niya lang nababasa, hindi niya akalain na mangyayari ito at sa kanya pa mismo.
Wala siyang orasan kaya hindi niya alam kung ilang araw na ang lumipas. Ubos na ang mga pagkain niya, ilang beses ng tumunog ang kanyang tiyan dahil sa gutom. Pakiramdam niya ay isang taon na siya sa loob dahil sa bagal ng oras. Hindi rin siya makatulog kahit na anong pilit niya.
Nangako si Luna sa sarili na hindi na siya babalik sa impyernong kulungang iyon.
Pagkalabas niya ay agad siyang humingi kay Mutya ng makakain. Sige lamang siya sa pagsubo kahit na natatawa ang kasama sa paraan ng kanyang pagkain. Hindi pa siya bihasa sa pagkakamay kaya medyo makalat siyang kumain. "Ang sarap naman nito, baboy ramo ba ito?" tanong niya sa dalagita dahil isa ito sa mga nasisikmura niyang kainin sa karne ng hayop na kinakain ng mga ito.
"Hindi, karne ng unggoy iyan," sagot nito na siyang ikinaluwa ng kanyang nginunguya.
"What the hell! Bakit hindi mo sinabi agad?" Tila nawalan siya ng gana sa nalaman.
"Mukhang gutom na gutom ka kaya hindi ko na sinabi," nangingiti nitong saad.
"Ang sama mo!" Patakbo niyang tinungo ang bintana upang ilabas ang mga kinain. Sabi ni Mutya ay pinapahirapan niya lang ang kanyang sarili, kanina ay sarap na sarap naman daw siya. Inirapan niya na lang ito. Hindi niya akalain na nakatikim na siya ng karne ng unggoy, sa isiping iyon ay naduduwal na naman siya. Kapag nalaman ito ni Eunice, sigurado niyang pagtatawanan siya ng kaibigan.
Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam ng gutom ang dalaga. Hindi na siya magtataka dahil iniluwa niya 'yong kinain niya kanina.
"May pagkain pa ba riyan?" tanong niya kay Mutya.
"May natirang inihaw na sawa at sinabawang ulo ng usa."
"Wala na bang mas matinong pagkain?"
Natawa ang dalagita sa sinabi niya.
"Wala na ate."
"Kahit prutas?"
Sa kasamaang palad ay wala ring prutas.
"Si Kayan kaya, baka may pagkain siya sa kanyang kubo," aniya nang maalala ang binata. Hindi sila close nito pero maliban kay Mutya ay ito lang ang lumalapit sa kanya. Aalis na sana siya nang pigilan siya ng kasama.
"Wala ngayon si Kuya Kayan sa kubo niya. Sa oras na pumunta ka roon ay maaari kang pagkamalang magnanakaw."
"Hindi naman ako magnanakaw. Hihintayin ko lang siya sa kanyang kubo at hihingi ako ng pagkain pagdating niya."
"Naku ate, hindi ka pwedeng pumunta sa kubo niya."
"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.
"Hindi pwedeng pumunta ang isang dalaga sa kubo ng isang binata kahit na sila ay magkasintahan. Hindi ito magandang tingnan. Sa oras na may makakita sa'yo ay maaari kang parusahan."
"Ay grabe! Bakit nung isang araw may nakita akong binata na pumasok sa kubo ng isang dalaga, hindi naman sila naparusahan."
"Ibang usapan na kung lalaki ang bibisita dahil mas may kalayaan silang gawin ang naisin kaysa sa kababaihan," paliwanag nito.
"Ang unfair naman!" himutok niya.
Dumating si Kayan na galing sa kung saan.
"Mabuti naman at nakalaya ka na," ani nito sa kanya.
Hindi siya nagsalita dahil sa gutom siya. Gusto na niyang kumain. Nang tumunog ang kanyang tiyan ay kunot-noo siyang tiningnan ng binata.
"Hindi ka ba kumain?"
"Hindi naman siguro ito magugutom kung busog pa ito," pamimilosopo niya habang hawak ang namimiraos na tiyan.
Binalingan nito si Mutya at tinanong kung hindi ba siya nito binigyan ng pagkain. Sagot naman nito ay hindi niya gusto ang mga pagkaing nakahain.
"May natira pang karne ng bayawak sa aking kubo. Teka lang at kukunin ko."
Aalis na sana ito nang magsalita siya.
"Hindi ako kumakain ng bayawak. Prutas na lang pwede?"
"Wala na akong prutas."
Hindi niya naiwasang bumusangot sa sinabi nito.
Umalis si Kayan at sa pagbalik nito ay may dala itong mga prutas. Agad kinuha ng dalaga ang hawak nito at walang pasabing nilantakan.
"Akala ko ba wala kang prutas sa kubo mo? Saan mo ito ninakaw?" tanong niya rito.
"Hindi ko 'yan ninakaw. Pinitas ko 'yan sa kabilang ilog."
"Naks naman! Salamat," aniya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Iniwasan na lamang ni Luna sina Marikit para walang gulo. Itinuon niya na lang ang pansin sa pagtulong kay Mutya at sa mga kanayon nito. Hindi maganda ang tingin sa isang tagalabas na gaya niya, kailangan niyang magpakabait upang makuha ang kanilang loob. Sayang din naman kung may impormasyon siyang makakalap sa mga ito.
"Ate Luna, Ate Luna," sigaw ng batang si Isagani. Tumakbo ito papalapit sa kanya at nagpakanlong. Dalawang taon pa lang ito ngunit tuwid na kung magsalita at napakadaldal. Noong una hindi gusto ng ina ng bata na lumapit ito sa kanya ngunit sadyang mapilit si Isagani at palagi siyang sinusundan. Kaya walang nagawa ang ina kundi sundin ang kagustuhan ng anak. Kung abala ang mga ito ay si Luna ang nagpepresinta na alagaan ang bata. Pumayag na lang ang magulang nang makitang magiliw sa bata ang dalaga. Hindi naman siguro niya ipapahamak ang kanilang anak.

Komentar Buku (64)

  • avatar
    Ash Abpa

    gusto

    19d

      0
  • avatar
    Rolando Calderon

    good

    04/08

      0
  • avatar
    Desemie Valencia Tagapan

    i like this😍

    03/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru