logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Naisip ni Luna na pagkakataon na iyon upang tumakas, wala si Mutya sa tabi niya at abala ang lahat upang mapuna ang pagkawala niya.
Nagkunwari siyang tutungo sa kanyang kubo pagkatapos ay lumihis ng daan patungong kakahuyan. Medyo kabisado niya na ang ilang bahagi ng lugar kaya naman hindi siya nahirapang bagtasin ang mga daan. Naglakad siya nang naglakad, buti na lang at may buwan na nagsilbing ilaw sa kanyang daraanan. Dinig niya ang mga huni ng kulisap sa paligid, pinakiramdaman niya na lamang kung may mabangis na hayop sa tabi niya. Mahirap na at baka kainin siya ng buhay.
Alam niyang hindi pa siya nakakalayo dahil tanaw pa niya ang apoy ng bonfire na gawa ng mga katutubo. Iniisip niya kung may nakapansin na ba sa kanyang pagkawala. Umaasa siya na sana ay wala.
Nakita niya ang isang yungib na may nakaharang na bato. "Ito na siguro ang daan," aniya at akmang itutulak ang bato nang may magsalita sa likuran niya na kanyang ikinagulat.
"Hindi ka na makakalabas ng buhay diyan sa oras na pumasok ka."
Pagtingin niya sa likod ay nakita niya si Kayan na matamang nakatitig sa kanya habang nakasandal sa may puno.
"Kanina ka pa riyan?" tanong niya na nagmistulang tupa na nahuli sa akto.
"Ano ba ang nasa loob ng yungib?" lumapit na siya rito dahil wala na rin siyang choice.
Tumalikod ang binata at nagsimulang maglakad, "hindi ka na makakaalis sa lugar na ito. Mapanganib kung paplanuhin mong tumakas."
"Bakit kaya hindi mo ako tulungang tumakas."
Tumigil ito sa paglalakad kaya naman bumangga siya sa likod nito. Walang ekspresyong humarap ito sa kanya, "ang dalhin ka dito sa tribo ay isang paglabag. Ang patakasin ka ay isang pagtataksil. Pasalamat ka na lang at binuhay ka pa."
"Taksil, agad agad? Grabe ka naman pffft~" akala niya nagbibiro ito ngunit nanatiling ganoon ang ekspresyon. Itinikom niya na lang ang bibig at tahimik na sumunod sa binata.
"Ate Luna, magkasama pala kayo kay kuya Kayan, akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Lumapit sa kanila si Mutya na bakas ang pag-aalala sa mukha nito, na agad ding naalis nang makita sila.
"Dalhin mo na siya sa kanyang kubo nang makapagpahinga," ani Kayan at humarap sa kanya, "sa susunod, huwag kang gagala ng mag-isa."
Tanging tango lang ang kanyang naging tugon. Alam nitong nagplano siyang tumakas ngunit bakit nito sinabing gumala lang siya?
Ganoon na lamang ang pag-aalala ni Mutya sa kanya dahil ang akala nito ay napahamak na siya. Nalaman niyang maraming nagkalat na patibong sa paligid at tanging ang mga ito lamang ang nakakaalam. Swerte niya na at hindi siya nabitag. Tama nga ang binata, mapanganib kung paplanuhin niyang tumakas lalo na't wala siyang kaalam-alam sa mga bitag na inilagay ng mga ito. Hindi niya rin gustong mamatay sa kahindik-hindik na paraan. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya gustong manatili sa lugar na 'yon, tiyak niyang naghihintay sa kanya ang kanyang papa at kaibigan.
Nasa ilog ngayon ang dalaga at sinamahan niyang maglaba si Mutya. Aaminin niyang kahit paano ay medyo nasasanay na rin siya sa mga gawain dito. Hindi niya naman gustong maging pabigat kaya paminsan-minsan ay tumutulong siya. Sa ganoong paraan ay makakakuha siya ng impormasyon na maaari niyang gamitin sa pagtakas.
"Mutya, ito pa raw oh! labhan ninyo," sabay tapon ni Marikit sa mga labahan sa kanilang harapan. May hawak din ang dalawa nitong kasama at itinapon sa kanila. Ang ilang damit ay naanod sa ilog na agad pinulot ng dalagita.
"Aba... aba! kita niyo na marami kaming labahan daragdagan niyo pa. Bakit kaya hindi na lang kayo ang maglaba? Mukha namang wala kayong ginagawa ng mga alalay mo." Pagtataray niya na hindi nagustuhan ang inasta nila.
"Huwag kang makialam dito, taong labas. Bakit hindi mo na lang tulungan si Mutya nang matapos agad ang inyong paglalaba."
Nasaksihan niya kung paano utus-utusan ng mga ito ang dalagita nitong mga nakaraang araw, sumusunod na lamang ito dahil ayaw nito ng gulo. Sumusobra na sila! Kung hindi lalaban ang dalagita, siya ang lalaban para rito. Hindi siya nakapagtimpi at kinuha niya ang mga labada kay Mutya at inihagis ito sa mukha ng tatlo na ikinainis ng mga ito. Pagkatalikod niya ay hinablot ni Marikit ang kanyang buhok ngunit nagkamali ata ito ng binangga, walang pasabing sinuntok niya ang dalaga sa ilong na ikinadugo nito.
Muling hinila ng isa ang kanyang buhok, hinawakan niya ang kamay nito at pinilipit pagkatapos ay ibinalibag. Buti na lang at nag-aral siya ng martial arts, ngayon ay mapapakinabangan niya ito.
Aawat sana si Mutya ngunit nakita niyang itulak ito ng isa sa kanila. Hinila ni Luna ang buhok nito at isinubsob ang mukha sa lupa, hindi pa siya nakuntento at idiniin pa niyang lalo. Wala siyang pakialam kung magasgasan man ito.
Panay ang awat kay Luna ngunit hindi siya nagpatinag. Pinagtulungan siya kaya lalaban siya, mata sa mata, ngipin sa ngipin.
"Don't touch me," iwinaglit niya ang kamay na humawak sa kanya. Muli ay hinawakan siya sa balikat, "I said, don't touch m~" pagtingin niya ay si Kayan pala ang pumigil sa kanya. Iwinaglit niya na naman ito na hindi ikinatuwa ng huli. Walang pasabing hinila siya nito saka pinasan sa balikat. "Put me down!" pinagsusuntok niya ang likod nito.
"Put me down~" hindi ito nagpatinag, at nagpatuloy sa paglalakad. Malaki ang katawan ni Kayan kaya parang balewala lang rito ang pagsuntok niya. Sinubukan niyang sundot-sundutin ang tagiliran ng binata ngunit wala pa ring epekto. "Ibaba mo na ako."
"Hey, ang sabi ko ibaba mo na ako. Sige ka, huhubarin ko ang saplot mo," aniya na ikinatigil ng huli sa paglalakad at agad siyang ibinaba.
"Takot ka naman palang mahubaran eh," bulong niya na narinig ata nito dahil salubong ang kilay na tumingin sa kanya. Umayos siya ng tayo at tumalikod na parang walang nangyari.
"Alam mo ba na sa ginawa mo, maari kang parusahan?" saad ni Kayan na nagpatigil sa kanyang paglalakad, hindi makapaniwalang hinarap niya ito.
"Parusahan? Wala akong kasalanan."
"Ang mga kasuotan na dala ni Marikit na itinapon mo sa kanila ay galing sa aking mga magulang. Parang ipinapakita mo na rin na wala kang respeto sa kanila."
"Itinapon niya rin ito sa harap namin ni Mutya," depensa niya. "Kung parurusahan ako, dapat siya rin. Isama na rin 'yong dalawang etchoserang alagad niya." Iniwan niya ang binata sa inis at baka dito niya ibunton ang kanyang galit. Hindi naman ito sumunod sa kanya.
Nang mapansin niyang wala sa likuran si Kayan ay kinuha niya ang pagkakataong 'yon upang tumakas. Kailangan niya lang mag-ingat sa mga patibong kung gusto niyang makaalis sa lugar ng buhay. Malayo-layo na rin ang kanyang nakalad ngunit parang hindi siya lumilipat.
Lumiko ng daan si Luna sa isiping doon ang daan patungong kabihasnan. Sa halip ay isang napakalalim na ilog ang natuklasan. May kalawakan ito at sa sobrang linaw ng tubig ay kita mong nangingitim ang baba nito sa lalim na tila ba walang katapusan.
"Paano ako lalangoy niyan, baka mamaya may lumabas na buwaya sa ilalim ng tubig o 'di kaya ay anaconda," wika niya sa sarili habang iniisip ang mga napapanuod sa movies.
"Nandito ka lang pala. Akala ko tumakas ka na naman." Putol ni Kayan sa kanyang pagmumuni-muni. Nakatuon ang pansin niya sa ilalim ng tubig kaya hindi niya namalayan ang pagdating ng binata. Ang akala nito ay naroon siya para pagmasdan ang tubig. Hindi niya na itinama ang sinabi nito at baka magalit kapag nalamang nagtangka nga siyang tumakas kaso pinigilan siya ng ilog.
"Ang lalim ng ilog. Naranasan mo na bang maligo riyan?" tanong niya sa binata.
"Hindi pa. May nagtangka ng naligo riyan dati at kinain ng buwaya."
Sa narinig ay kinilabutan siya.
"Namatay ba?" 'ay self ang bobo ng tanong mo. Kinain nga diba? Malamang namatay 'yon.'
"Oo. Nang makita siya ay kalahati na lang ng katawan niya ang lumulutang sa tubig."
"Napatay ba 'yong buwaya?"
Umiling ang binata, "lumangoy ito sa ilalim ng tubig at walang nagtangkang sundan ito baka may mga kasama siya roon."
"Grabe nakakakilabot! Ang ganda pa naman ng ilog at ang linaw nito."
Nang mangawit siya sa pagtayo ay umupo siya sa ilalim ng puno. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang ang dalaga nang may umalog sa kanyang balikat. Pagtaas niya ng kanyang mukha ay nakita niya si Kayan.
"Gabi na, uwi na tayo," ani nito. Tinitigan niya lang ang binata, hindi niya alam kung ilang minuto silang nagtitigan dahil hindi rin nagpatinag ang huli. Aaminin niyang gwapo ito, kung bibihisan ito ng pormal na damit at gugupitan ang may kahabaan na buhok ay baka sambahin na ito ng mga kababaihan. Baka nga malaglag ang panty ng kaibigan niya sa oras na masilayan ito. Nagtataka nga siya kung bakit sa isang tribo pa ito naisilang at lumaki. Kung nasa siyudad lang ang binata, tiyak niyang sikat na ito sa pagiging magandang lalaki nito.
"Magtititigan na lang ba tayo rito?" basag nito sa katahimikan na nagpabalik sa kanya sa realidad.
"Tssk! gwapo ka sana, panira lang ng moment," aniya saka tumayo at pinagpagan ang sarili. Tinanong niya si Kayan kung galit ba ito sa kanyang ginawa ngunit sinabi nito na hindi na mahalaga kung galit ito o hindi. Ang dapat niyang isipin ay kung paano niya haharapin ang mga katribo nito.
Pagdating nila roon ay nakatipon ang mga ito na parang hinihintay sila.
"Ang nangyari ngayong araw ay kailangang malutas nang sa gayon ay makatulog ng mahimbing ang mga kanayon," ani Amang Nilo, sa tabi nito ay ang asawa. "Dalhin siya sa pook-litisan."
Lumapit sa kanya ang dalawang lalaki. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Kayan at nagtago sa likod nito. "Ilulubog na naman ba ako sa tubig na may mga linta?" tila bata niyang tanong dito. "I hate that place!" Isipin pa lang na babalik siya sa lugar na 'yon ay nagsisitayuan na ang kanyang mga balahibo.
Pinatigil ng binata ang paglapit ng dalawa sa kanya at nagsalita, "hindi na kailangang umabot pa ito sa pook-litisan. Kapwa nagkasala ang parehong panig, kaya dapat maging patas kayo sa pagpataw ng parusa."
"Hindi mo dapat kinakampihan ang taong labas na 'yan, Kayan," sigaw ng isa.
"Oo nga, nakita mo naman ang galos sa mukha nina Marikit na gawa ng babaeng iyan," duro sa kanya.
Gustuhin niya mang ipangtanggol ang sarili baka mas lalo pa siyang mapasama.
"Wala akong kinakampihan, nagiging patas lang ako," saad ng binata.

Komentar Buku (64)

  • avatar
    Ash Abpa

    gusto

    19d

      0
  • avatar
    Rolando Calderon

    good

    04/08

      0
  • avatar
    Desemie Valencia Tagapan

    i like this😍

    03/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru