logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Nasa kalagitnaan ng pangangaso sina Kayan at ang dalawa pa niyang kasama nang makita nila ang isang sugatang dalaga sa tabi ng ilog. Nang malaman nilang buhay pa ito ay walang alinlangang binuhat niya ang walang malay na dalaga at dinala sa kanilang tribo. Alam niyang hindi matutuwa ang kanyang mga magulang at kanayon ngunit mas pinili niyang dalhin ito doon upang magamot.
"Mapanganib ang mga gaya niya, alam mo iyon." Hindi pagsang-ayon ng ama ni Kayan nang malaman nitong nagdala siya ng taong labas sa kanilang tribo. Noon pa man ay galit na ang kanyang mga kanayon sa hindi nila kauri. Palaging sinasabi sa kanila na masasamang tao ang mga nasa labas. Maamo ang mukha ng dalaga na tinulungan niya at hindi siya nakaramdam ng panganib nang lapitan niya ito kaya naman hindi siya nagdalawang isip na dalhin ito sa kanilang tribo. Tiyak niyang hindi lahat ng mga taong labas na gaya nito ay maitim ang budhi.
"Alam ko naman ho iyon Ama, ngunit mag-isa lamang siya kumpara sa ating tribo. Wala siyang kalaban-laban sa atin. Nakakaawa naman kung hahayan natin siyang mamatay." Tukoy ni Kayan sa dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.
"Paano kung hindi siya nag-iisa at may mga kasama siya?"
"Huwag ho kayong mag-alala. Bukas na bukas din ay tutungo ako roon upang alamin kung may kasama nga siya. Lilibutin din namin ang kalapit na kagubatan upang maibsan ang inyong pangamba," kumbinsi niya rito na hanggang ngayon ay hindi mapanatag, na baka trahedya ang dala ng dalagang inuwi niya.
Kinaumagahan nga ay lumisan siya kasama ang ilan sa kanyang kanayon. Pinakiusapan niya ang isang dalagita na bantayan ang nahihimbing na dalaga at pakisamahan ito sa oras na magkamalay.
Nagising si Luna dahil sa mga ingay na kanyang narinig.
"Buhay pa pala ako," aniya nang mapansin ang ilang benda sa kanyang katawan. Nagtaka siya dahil nasa loob siya ng isang kubo at wala sa hospital. Iba na rin ang kanyang suot at hindi niya mawari kung sa anong tela ito galing. Kung nasa isang kubo siya, ang ibig sabihin lang ay maaaring nasa loob pa rin siya ng gubat at may nagmagandang-loob na tulungan siya.
Akmang tatayo ang dalaga upang tingnan kung saan siya naroroon, nang pumasok ang isang matandang babae na may kakaibang pananamit at palamuti sa ulo, gaya na lamang ng napapanuod niya sa tv.
"Gising ka na pala?" ani nito.
"Sino ka?" tanong niya.
"Ako ang dapat na magtanong sayo niyan. Sino ka at ano ang pakay mo sa aming lugar?" tanong nito ng may autoridad.
"Ako ho si Luna, nasaan ako?"
"Ano ang pakay mo rito?" diin ng matanda.
"Wala ho akong pakay, sa totoo lang ay nahulog ang aking sinasakyan at napadpad ako rito."
"Sinungaling!"
"Hindi ho ako nagsisinungaling," depensa niya.
"Ang mga taong labas na gaya mo ay hindi mapagkakatiwalaan. Ano ba ang totoong pakay mo rito? May mga kasama ka ba? Nasaan sila?"
"Wala ho akong kasama." Hindi niya alam ngunit ilang beses siyang tinanong nito ng paulit-ulit. Naubusan na siya ng pasyensiya at sinagot ito ng pabalang. "Ang tigas din ng ulo niyo eh, sabi ngang wala akong pakay dito sa lugar ninyo. Ni hindi ko nga alam na nag-e-exist ang lugar na'to," kahit na masakit ang katawan ay pinilit niyang maglakad papalapit sa matanda.
"Matuto kang gumalang."
"Ikaw kaya ang tanungin ng paulit-ulit at sabihan ng sinungaling. Matutuwa ka ba?" naiirita niyang turan. Pinaka-ayaw niya sa lahat ang sinasabihan siyang sinungaling dahil hindi siya pinalaking ganoon.
"Salamat na lang ho sa pagtulong niyo. Don't worry, uuwi ako ngayon din." Maglalakad na sana siya papalabas nang harangin siya sa pinto ng dalawang lalaki na parehong walang damit pang-itaas. Nagulat pa siya sa nakita. Hindi pangit ang katawan ng mga ito, sadyang hindi lang magandang tingnan lalo na't babae ang kaharap nila.
"Wala ba kayong mga damit?" tanong niya sa mga ito.
Hindi sila sumagot.
"Ah alam ko na! wala kayong pambili. Maaari ko kayong bigyan, bilang pasasalamat na rin sa pagtulong niyo sa akin," aniya ngunit tiningnan lang siya ng masama.
"Buhatin siya at dalhin sa pook-litisan," ani ng matanda na sumunod pala sa kanya. Agad siyang binuhat ng isa at isinaklay sa balikat nito na tila sako ng palay.
"Ano ba, saan niyo ako dadalhin?" pagpupumiglas niya ngunit sadyang mas malakas ito kumpara sa isang kuting na gaya niya. Saka hindi pa hilom ang kanyang mga sugat, baka mas lalo itong lumala kung manlalaban siya kaya naman pinili niyang manahimik na lang.
Pagkalabas niya sa kubo ay bumungad sa kanya ang ilang mga tao na may magkakaparehong damit at palamuti sa katawan. Sila ay abala sa kani-kanilang gawain. May mga bata ring masayang naglalaro ng habulan. Sa tingin ni Luna ay nabibilang sa indigenous people ang mga ito base na rin sa uri ng kanilang pamumuhay at pananamit. Bawat lalaking makita niya ay mga walang damit pang-itaas gaya na lang ng dalawang kasama niya. Hindi niya naman pwedeng sabihin na may shooting ang mga ito at isinama siya sa palabas. Malinaw sa kanyang isip na nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at tinangay siya ng ilog sa lugar na 'yon.
Kayumanggi ang kulay ng kanilang balat kaya tiyak niyang hindi ita ang mga ito. Wala naman siya sa Mountain Province para isiping igorot sila. But likely they are more close to igorot people.
Itinali ang dalawang kamay ng dalaga at ibinitin malapit sa isang malinaw na tubig kung saan sa ilalim nito ay may mga gumagalaw na itim na bagay o kung ano man na hindi niya pa mawari. Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng mapagtantong linta ang mga ito. Hindi niya alam kung mahihimatay ba siya o ano.
"Dont tell me, ilalagay ninyo ako riyan?" may takot na tanong niya. Kita niyang gumagalaw-galaw pa ang mga linta na tila nag-aabang ng sisilain.
"Oo, sa oras na hindi mo sinagot ang aming mga katanungan," sagot ng isang matandang lalaki, sa tabi nito ay ang matandang babae na kumausap sa kanya kanina. Sa tingin niya ay ang mga ito ang kanilang pinuno base na rin sa suot nila dahil mas elegante ito kasya sa iba.
"Ano ba ang mga tanong ninyo? For pete's sake! ask me now and let me go."
"Ano ang pakay mo sa aming lugar?"
"Wala ho akong pakay sa lugar na ito, nahulog sa bangin ang sinasakyan ko at dito ako dinala," piliwanag niya. "Diba kayo pa nga ang nakakita sa akin at gumamot sa mga sugat ko?"
"Laging ganyan ang katwiran ng mga taong labas na pumaparito. Magsabi ka ng totoo."
"Iyon ho ang totoo," aniya.
"Ibaba ang lubid," ibinaba nga ang lubid at dumampi ang kanyang mga paa sa tubig. Tila uhaw na dumikit doon ang mga linta. "Ahhh~ let me go, please!" aniya habang iwinawaksi sa ere ang mga paa. "Nagsasabi naman ako ng totoo eh." Kung hindi lang masakit ang katawan, magagawa niya itong baluktutin para hindi sumagi ang paa sa tubig.
"Please, get rid of them!" Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa takot at pandidiri sa mga linta. Nagsimula na ring mangati ang kanyang paa. Panay ang pagwaksi ng dalaga rito, umaasang maaalis ang lintang nakakapit.
"May mga kasama ka bang pumarito?" tanong ng isa sa kanila.
"Wa-wala h-ho akong kasama," agad niyang sagot. Nangawit na ang kanyang mga kamay sa pagkakabitin.
"Pakawalan niyo naman ako oh, parang-awa niyo na!"
Mukhang naawa sa kanya ang mga ito kaya naman inalis siya sa pagkakabitin at inilagay sa isang kulungan na gawa sa kahoy. Lumapit sa kanya ang isang babae na sa tingin niya ay mas bata sa kanya ng ilang taon, at tinulungan siyang alisin ang ilang linta sa kanyang paa pagkatapos ay pinahiran nito ng dinikdik na dahon ang namumulang kutis.
"Gagaling din yan," wika nito.
"Salamat," aniya. Buti na lang at may nagmalasakit na tulungan siya. "Ako nga pala si Luna, ikaw anong pangalan mo?"
"Mutya ho."
Nakiusap si Luna kay Mutya na kung maari ay patakasin siya nito, ngunit ang sabi nito ay malabong makalabas siya sa lugar nila. Walang taong labas na pumaparoon ang nakakakabalik sa pinanggalingan nito. Makalipas ang ilang minuto ay umalis ang dalagita at naiwan siyang mag-isa.
Bumabalik na lang ito kung dadalhan siya ng pagkain at inumin.
Hindi maiwasang isipin ng dalaga ang ama, kung maayos na ba ang kalagayan nito. Alam na ba nilang nawawala siya? Hinahanap na ba siya? Siguro nagdiriwang na sa ngayon ang kanyang kapatid at ang ina nito. Baka pa nga isipin ng mga itong patay na siya.
Naaawa siya sa kanyang sarili. Ang kanyang pighati at pangungulila ay iniiyak na lamang niya hanggang sa siya ay makatulog.
For the first time in her life, she slept inside a cage.

Komentar Buku (64)

  • avatar
    Ash Abpa

    gusto

    20d

      0
  • avatar
    Rolando Calderon

    good

    04/08

      0
  • avatar
    Desemie Valencia Tagapan

    i like this😍

    03/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru