logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 8 Assurance

Mallory
Mula sa aming kinatatayuan ay lumitaw si Steve. Napapanganga namang napatingin si Verone sa kanya habang gulat lamang ang nakarehistro sa mukha ni Damien. Agad na tumungo si Verone nang mag-sink sa kanya na nasa harapan niya ang pinakamataas na Grand Elder sa buong konseho.
“Verone...” sambit ni Steve. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Agad na lumayag sa paligid namin ang mabigat na enerhiya ni Steve dahilan upang kalabitin ko siya sa kanyang bisig. Hindi iyon nakita ni Verone kaya ayos lang. Alam naman ni Damien ang tungkol kay Steve kaya ayos lang.
“She’s not an enemy, Steve...” I spoke in a whisper.
Steve sighed. Ewan ko kung out of relief ba o boring lang talaga ‘yong buhay niya. Hindi na mahalaga kung ano ang nararamdaman niya basta ang sa‘kin lang ay ibaba niya ang napakabigat niyang awra dahil kung hindi ay bibigwasan ko talaga siya.
“She tries to hurt you...” tiim-bagang na anya sa wikang Ingles, “...and your friend,” dagdag niya pa upang mapalingon ako sa gawi ni Damien.
Inis akong napa-tsk, ibinaling ko ang paningin kay Verone at saka ibinalik kay Steve na noo’y naroon pa rin ang nagdidilim niyang atensyon sa kaawa-awang dalaga.
“Hindi kami nasaktan kaya ibaba mo na ‘yang nagbabanta mong enerhiya, Steve. Alam kong alam mo kung sino siya at alam ko ring hindi mo maaatim na saktan ang isa sa mga Clan Leader ng Vladian,” mahabang sabi ko habang pinaalalahanan siya.
Kanina pa nakatungo si Verone. Mananatili siyang gano’n hangga’t hindi nasusuklian ang kanyang pagtungo. Isa kasing kultura sa buong Vladian ang pagbibigay respeto sa mga nakatataas sa pamamagitan nang pagtungo at kapag sinuklian sila nang pagtungo rin ay roon lamang nila maiaangat ang kanilang mga ulo.
Nakita ko kung papaano umigting ang panga ni Steve at sabay sabing. “I know, Lori what I am doing. Please don’t remind of that,” he said that made me embarrassed. “Bago sila dumating dito ay inabangan ko na sila dahil nalaman ko ang binabalak ni Tarius sa’yo... At kung humantong kayo sa madugong labanan at sinira ang lugar na ito ay hindi ako magdadalawang isip na pugutan kayong pareho,” seryosong anya dahilan upang mapalunok ako.
Gano’n na lang din ang pagkagulat na ipinakita ni Verone kahit na siya ay nakatungo roon. Napatingin ako kay Steve at hindi pa rin niya ibinababa ang kanyang enerhiya. Ngayon ko lamang naramdaman ang kakaiba sa kanya lalo na sa pagitan namin at sa relasyon na mayro’n kami. We are family but it seems that in one grievous sentence, he created a gap between us. Ganito yata talaga ang katungkulan ng Grand Elder lalo na kapag mas binibigyan nilang halaga ang kapaligiran lalo na ang kanilang nasasakupan.
Nabigla ako nang lumuhod si Verone sa harapan ni Steve. Napagtanto ko sa oras na ito na tila nagkakaroon ng makapal na pagitan sa amin ni Steve. Nakahihiyang tinatawag ko lamang siya sa kanyang pangalan at hindi siya binibigyan ng respeto. Muli akong napalunok. Nararamdaman ko na rin ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napasalampak ako sa malamig na sahig. Tumama ang tuhod ko sa konkreto at hindi ininda ang sakit na nararamdaman. Gaya ni Verone ay napatungo rin ako at napaluhod habang nasa harapan ni Grand Elder Steve.
“Humihingi po ako ng kapatawaran dahil sa aking ginawang kasalanan. Hindi ko po itinatangging ako ay nagkasala at tinatanggap ang anumang kaparusahan alinsunod sa alituntunin ng bansa...” sabay naming bigkas ni Verone.
Ito ang nagiging diskurso sa tuwing nakagagawa kami ng kasalanan sa kapwa namin o sa kapaligiran. Hindi matatakasan ng sinuman ang diskursong ito dahil pansamantalang ginagawaran ang isang nagkasala ng selyo o seal upang magampanan niya ng ayos ang kanyang kahatulan.
“Tumayo na kayo riyan...” mahinahong utos ni Grand Elder Steve.
Pero nanatili pa rin kaming nakaluhod sa harapan niya at tila nabingi sa kanyang tinuran. Narinig ko ang kanyang pagsinghap lalo na ang kanyang pagbuntong-hininga.
“I have forgiven you two. Tumayo na kayo bago ko bawiin ang kapatawarang inanunsyo ko,” anya kaya naman ay nakatungo kaming tumayo. Nakakaramdam na rin ako ng panginginig pero nawala rin ‘yon dahil ibinaba na ni Grand Elder Steve ang kanyang mabigat na enerhiya.
Awtomatikong umangat ang ulo namin dahil sa pagtungo ni Grand Elder Steve. Iminuwestra niya ang kanyang pagngiti sa harapan naming pareho. Kaagad ko namang narinig ang boses ni Damien sa aking isipan.
“What’s happening?”
“Shut up, Damien kung ayaw mong mamatay!” pagbabanta ko kaya hayun bigla siyang nagtikom.
Bumalik ako sa diwa ko habang nakatuon ang atensyon sa kaharap namin. Pareho kaming hindi mapalagay ni Verone at tiyak akong ang nararamdaman niya ay hindi nalalayo sa nararamdaman ko.
“I was just kidding,” ulat niya dahilan upang bahagyang manglaki ang mga mata ko pero hindi ako nagpadala sa gulat na ‘yon.
“Humihingi po talaga ako ng kapatawaran ninyo Grand Elder dahil sa pagsalakay na ginawa ko na hindi man lang siniyasat muna kung ano ang nakakubli rito. Nabulag ako dahil sa pangambang maaaring ipataw sa akin ni Grand Elder Tarius kaya ko siya sinunod ng walang pag-aalinlangan,” mahabang paliwanag ni Verone.
“Naiintindihan ko, Verone subalit nais ko lamang matanong kung paano mo nakuha ang amulet ni Lori gayung malayo sa Coven ang tahanan ko,” nakakunot-noong tanong ni Grand Elder Steve. Hindi na yata nila nararamdaman ang presensya ko.
Muling napatungo si Verone. “Hindi ko po maipapaliwanag sa inyo nang maayos dahil napaslang na po ang mga kasama ko. Nang papunta na po kasi kami rito ay nasa kanila na po ang amulet,” paliwanag niya.
Nagkamot si Grand Elder Steve ng kanyang baba. “At iyong mga sinabi mo kanina? Tungkol sa akin...” taas-kilay na tanong ni Steve kaya naman ay napalunok si Verone.
“Iyon po ang habilin sa‘kin ni Grand Elder Tarius, pasensya na po talaga...” pagpapaumanhin pang sabi niya.
Napatango si Grand Elder Steve. “Forgiven, hija... Ano na ngayon ang plano mo? Tiyak na kapag nakarating kay Tarius ang ginawa mong paglilihis sa mga plano niya ay ipatutugis ka niya,” seryosong wika ni Steve.
“Wala pa po akong nahahabing plano sa aking isipan pero kung inyong mamarapatin ay gusto ko po sanang makipagkaibigan sa inyong apprentice,” dire-diretsong wika ni Verone dahilan upang manglaki ang mata ko.
Napalingon sa direksyon ko si Grand Elder Steve kaya agad akong napatungo. “Bakit hindi mo sabihin kay Lori ang kagustuhan mo tiyak akong magiging positibo ang kanyang magiging kasagutan,” nakangiting anya habang nakatingin sa gawi ko.
Nalihis sa direksyon ko ang nakaaawang mukha ni Verone. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa pang-iipit na ginawa ni Grand Elder Steve. Hindi lang ako sanay na tawagin siya sa karespe-respeto niyang pangalan subalit wala akong ibang pagpipilian dahil iyon naman talaga ang katawagan para sa kanya.
Tumungo sa harapan ko si Verone, “Gusto ko sanang makipagkaibigan sa inyo, Mallory... Maaari ba?” pormal na wika ni Verone. Napalingon ako kay Steve na noo’y nakatingin lang din sa gawi ko.
“W—walang problema sa ‘kin pero sa kasama ko ay baka magkaroon ka ng problema,” wika ko sabay lingon kay Damien na nanglalaki ang mga mata nang tingnan ko. Siya ang tinutukoy kong kasama.
“I can assure you his safety...” she said straightforwardly.
Hindi man lang tinanong kung ano ang uri ni Damien. Pero ayon sa pananalita niya ay tiyak akong alam niya kung anong klaseng nilalang si Damien. Hindi na ‘yon bago dahil sa pang-amoy naming ‘sing talas ng punyal.
“Kung gano’n ay maaari na kayong magtungo sa akademya bukas. Tiyak na magiging mapayapa kayo roon dahil hindi nasasakop ng konseho ang akademya,” usal ni Steve saka siya lumingon kay Verone. “At hinding-hindi ka magagalaw ni Tarius sa kahit anumang paraan...” dagdag pa ni Steve.
Nakita ko ang pagkislap ng luha ni Verone sa sulok ng kanyang mga mata at sa ilang sandali ay nakita kong bumuhos ang mga iyon at nagsimulang humikbi. Nakaaawa kung bibigyang laan subalit sa ginawa niya ay hindi ko maatim na bigyan siya ng aking awa.
“Maraming salamat po, Grand Elder Steve. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang kagandahan ng inyong damdamin...” hikbing wika ni Verone.
Naglakad ako upang lapitan si Damien na noo’y nanglalamig sa kanyang pwesto. Nararamdaman ko ang takot sa kanyang kalooban dahil tatlo kaming bampirang naririto sa tapat ng kanyang tahanan. Wala na ‘yong dalawang lalaki na napaslang ng aking sandata dahil naglaho sila kasabay ng hangin. Naging abo sila to be exact.
“Labas ka na riyan,” utos ko kay Damien.
Umiling siya. “Hindi kailanman! Hindi ko na nga maatim na makasama ka sa iisang bahay tapos dumagdag pa ‘yang dalawa?” duro niya kina Verone at Steve.
“Gago! ‘Wag mong pag-iinitin ang ulo ni Grand Elder Steve baka kasi lamunin ka niyan at kapag ginawa niya ‘yon ay walang posibilidad na mailigtas kita sa mga kamay niya,” pananakot ko.
“Tangina! Bahala kayo diyan!” anya at pagsasarhan pa sana ako pero mas malakas ako kaya hindi niya nagawa.
“Sus! Nag-iinarte ka ba? ‘Di ba ikaw nagsabi na sasamahan mo ‘ko sa akademya? Nakalimutan mo na?” pagpapaalala ko.
Umungot siya, “Kalimutan mo na ‘yong sinabi ko!” sigaw niya mula sa loob.
“Aba! Walang limut-limot lalo na kapag nangako ka!” hasik ko.
“Hindi kita pinangakuan, Lori. Ang sabi ko ay sasamahan kita subalit may makakasama ka na kaya ano pang silbi ko roon?”
“Hindi nalalayo ang ibig sabihin niyon, Damien at isa pa kasama na natin si Verone. I can guarantee your safety. Hindi ka rin naman niya pababayaan gano’n na rin si Grand Elder Steve—”
“Grand Elder ka diy—”
“Manahimik ka, Grand Elder Steve dahil hindi ikaw ang kinakausap ko.” may diing salita ko na kaagad na nagpatikom sa kanya.
Napahinga nang malalim si Damien at saka niya binuksan ang kanyang isipan dahilan upang marinig ko ang kanyang mga sinasabi.
“Gustung-gusto kong makapag-aral doon subalit hindi naman palaging nasa tabi ko sila kaya may posibilidad pa ring mapahamak ako o mamatay...”
“Kung ‘yan ang iniisip mo ay maaari ko munang ipahiram sa’yo pansamantala ang amulet ko,” desisyon ko upang matalima siya.
“S—sige...” mahinang sagot niya.
‘Sus! Papayag din naman pala sa huli! Nagpapakipot pa ang gago!’
“O siya kung gano’n ay kailangan na ninyong sumama sa akin papunta sa tahanan ko upang hindi na kayo mahirapan pang maglakbay papunta sa akademya,” usal ni Steve. “At lilinisin ko na rin ang mga pangalan ninyo. Palalabasin kong napaslang ka sa misyon mo, Verone,” wika pa ni Steve habang nakamasid sa gawi ni Verone.
Nang makalabas si Damien sa kanyang tahanan at makuha ko mula sa mga kamay ni Verone ang amulet ko ay inilahad ko iyon kay Damien. Nang maisuot niya iyon sa kanyang leeg ay bigla na lamang nagliyab ang kanyang tahanan dahil na rin sa kagagawan ni Steve.
Malungkot na nilingon ni Damien ang kanyang tahanan. “Dapat po bang sunugin talaga ang bahay ko?” tanong niya.
“Magiging malaking ebidensya natin ito kay Tarius,” paliwanag ni Steve na tinanguan ko naman gano’n na rin si Verone. Napababa naman ang mga balikat ni Damien.
“Sabi niyo e...” malungkot pa niyang usal.
Nabibigla ako sa mga nangyayari. Una ay sa pagiging Clan Leader ni Verone at hawak niya pa ang isa sa pinakamakapangyarihang sandata, ang Scythe. Pero nakapagtataka rin kung bakit niya nasabing pati ako ay gaya niya. Maaari kayang dahil ito sa dual daggers ko na ipinamana sa akin? Gaano ba kalakas si Kertia? At ang huli ay ang pagsusuot ni Damien sa amulet ko.
Ang kung sino mang magsusuot niyon ay agad na sasabog dahil sa tindi nang lakas niyon subalit nakakamanghang wala man lang nangyayaring masama sa kanya. Parang nagsuot lang siya ng isang ordinaryong necklace.
Hindi ko maiwasang hindi siya siringan doon sa pwesto niya. Nalalanghap ko pa rin naman ang sariwa niyang dugo na sa tuwing nahahagip ng pang-amoy ko ay mahirap labanan. Mabuti na lamang at hindi ako masyadong attracted sa kanya dahil kung nagkataon ay baka matagal nang malamig ang katawan niya.
‘Sino ka nga bang tunay, Damien?’

Komentar Buku (361)

  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Famae Villarosa Sumoba

    🥰🥰🥰

    27/01/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru