logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Scythe

Mallory
“Hindi lahat ng moralidad ay kailangang patas. Sa inyong mga mortal ay mahalaga ang bawat buhay pero ang pagpapahalaga ninyo ay baliwala lamang sa amin. Naiiba ang bawat moralidad at maaaring wala kami kahit na isa niyon,” mahabang pahayag ko nang lingunin ko siya.
Kaagad siyang napatungo at tila sinusubukang iproseso ang mga sinabi ko. Pero bago pa man siya makapagsalita ay narinig ko na ang mga iniisip niya. He’s transparent again. Binubuksan na naman niya ang kanyang isipan pero hindi ko pa rin magawang mabasa ang lahat ng nilalaman niyon.
Bago buksan ang pintuan ay kinuha ko mula sa likuran ko ang nakasuksok kong sandata. Inayos ko rin ang suot kong talukbong kasabay niyon ang pagpapatibay ko ng aking enerhiya. Maliliit man ang aking mga punyal ay tiyak na nakahihiwa ito ng kahit na anumang bagay.
“Ngayon na!”
Nang ibigay ko ang hudyat kay Damien ay agad niyang binuksan ang pintuan at saka ako kumaripas nang takbo palabas dito. Kasing kalmado ng pulso ko ang ginawa kong paghakbang dahilan upang hindi nila ‘yon mapansin.
Napapangisi ako habang tinatakbo ang distansya namin ng babae subalit nang nasa harapan na niya ako ay kaagad na dumako papunta sa harapan niya ‘yong dalawang kasama niya upang bigyan siya ng dipensa. Tumama ang mga punyal ko sa espada nilang dalawa at umalingaw-ngaw ang kalansingan nito.
“Napakagandang dalaga pala niya...” namamanghang pamimintas niyong nasa kanan, iyong mas pandak habang kulang na lang ay kumislap ang kanyang mga mata dahil sa sinabi.
Pero agad din siyang bumalik sa diwa niya dahil sa paniniko niyong mas matangkad at sabing, “Umayos ka bansot kung ayaw mong ako ang magpalipad sa’yo pabalik sa Coven,” galit na suway nito dahilan upang gano’n na lang ang inis na iminuwestra ng katabi.
“Aba’t—”
“Baka nga ako pa ang magpalipad sa inyo pabalik ng Coven!” galit na bulyaw sa kanila niyong babae. “Umalis nga kayo riyan sa harapan ko! Hindi ko naman sinabing dipensahan niyo ako,” dagdag niya pa na kulang na lang ay umusok na ang dalawang maliliit na butas ng kanyang ilong.
Sa isang salita ay agad na tumabi ‘yong dalawang lalaki. Naroon pa rin sila at tila nakaabang sa kung ano ang susunod na mangyayari. Napangisi ako nang humakbang ang babae papalapit sa‘kin.
‘Ano na naman kaya ang binabalak niya? Kailangan kong bantayan ang mga kilos niya...”
Naroon pa rin sa loob ng bahay si Damien hinihintay niya lamang na bigyan ko siya ng hudyat bago lumabas. Kailangan kong maging mahusay sa gagawin kong hakbang dahil kung hindi ay maaaring isa sa amin ang mamatay. I can not guarantee his safety. Sinabi ko na ‘yon sa kanya kanina at tiyak akong bukas ang isipan niya roon.
“Hindi ko alam na wala palang kadala-dala ang apprentice ni Grand Elder Steve,” bigkas niya kasabay ang kanyang nakaiinis na pagngisi. “’Yong hunghang na ‘yon! Hindi man lang sinabing ganito kababa ang MP ng estudyante niya! Ha ha ha!” anya pa at humalakhak matapos alipustahin si Steve.
Hindi ko ibinaba ang sandata ko at parehong nasa tapat ko pa rin ito. Nakahanda sa anumang binabalak niyang panglulupig na gagawin. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa mga punyal dahil sa narinig na pangbabastos sa kinikilala kong pamilya.
“You don’t know Steve, so stop underestimating him as if you are on his level...” I spoke as I gritted my teeth. “At ‘wag kang nagmamataas lalo na kung hindi mo kilala nang lubusan ang taong binabangga mo,” seryoso ko pang dagdag.
Nang matapos kong sabihin ‘yon ay nanatili siyang naroon sa tapat ko at binibigyan ako nang nayayamot na mukha. Gusto kong bigwasan ang pagmumukha niya subalit hindi ‘yon kasama sa mga plano ko.
“Pfft!”
Hindi napigilan niyong dalawang lalaki ang kanilang pinipigil na tawa. Napapangisi rin ang babaeng nasa harapan ko na mas lalong nagpapainis lang din sa’kin.
“Nagpapatawa ka ba, Mallory?” natatawang tanong niyong babae.
“Mallory? So that’s what your real name?” Damien said inside my mind.
“Shut up, Damien! Hindi ito ang tamang oras upang sitahin mo ako sa totoo kong pangalan na ipinagkait ko sa ’yong malaman!” inis na bulyaw ko sa kanya pabalik sa loob ng isipan ko.
Muli kong itinuon ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko. She has a dark red eyes that gave me advantage to her. Nasa ikalawang pinakamababang uri siya ng bampira pero nakapagtatakang mayro’n siyang napakalakas na kapangyarihan.
“Kung sana ay nagpaubaya ka na lamang sa’kin ay hindi ka mapupunta sa ganitong sitwasyon,” nakangisi pang wika niya dahilan upang magpintig ang tenga ko dahil sa inis.
“P’wes tiyak akong rumerehistro na sa mumunti mong isipan na hindi ako basta-basta lamang nagpapaubaya lalo na sa tulad ninyong maiitim ang budhi,” angil na sagot ko.
Kung tutuusin ay maganda siya. Bagsak ang kanyang itimang buhok at bagay na bagay sa kanya ang bangs niyang hanggang baba ng kanyang makakapal na kilay. Kung gaano kaganda ang kinalabasan niyang anyo ay gano’n naman kasama ang kanyang panloob na katauhan.
Hindi niya yata nagustuhan ang lumabas sa bibig ko dahil bigla-bigla na lamang niya akong inatake. Using her magical weapon that she summoned—a black fan, she instantly pushed me away. My back painfully smashed the concreted wall. Nawasak ang panglabas nito at dahil sa impact ay malakas na nagsarado ang pintuan ng bahay ni Damien.
“Ayos ka lamang ba, Lori?”
“Gusto mong masapak? Manahimik ka na lang diyan at hintaying matapos kami rito!”
Lumundag ako pabalik sa pwesto ko kanina. Mula sa kinatatayuan ko ay nawasak na nga ang daan dahil sa lakas ng kanyang kapangyarihan pero hindi dahil doon ay magpapatalo na ako. She’s far stronger but if we compare our fate? It’s obviously me.
“Tama ka. Hindi ka nga basta-basta lang pero sa kasamaang-palad ay makakatapat mo ang isa sa mga Ascendant, ako ‘yon,” anya at saka itinuro ang kanyang sarili.
“Ha ha ha ha!” malakas ang tawang lumabas sa bibig ko.
Ascendant ba ang sinabi niya? Baka mali ‘yong pagkakaintindi ko? Nahiya pa talaga siyang gamitin ‘yong ibang ibig sabihin ng salitang ‘yon. Low-Ranking vampires pero sa kulay ng mga mata niya? Dark red? E, sa pang ordinary vampire lang ‘yong kulay na ‘yon e!
“What the fuck are you laughing at!?” she irritatingly asked while her brows are arching.
Bigla siyang umatake kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang ilagan siya nang ilagan. Her reflexes are fast, so as her agility but I wasn’t overpowered. Kung tatansyahin nang mabuti ay hindi nagkakalayo ang abilidad namin maliban sa klasipikasyon ng mga mata namin.
‘I told you. In the end, I will be the one laughing and not them.’
“Mallory...”
Agad kong nahimigan ang tinig niya sa isipan ko kaya agad akong nalingat at nawala sa diwa. Steve is here. Nasa malapit lamang siya at pinanonood kami.
“Lori! Sa likod mo!” agad akong bumalik sa diwa ko nang sumigaw nang malakas si Damien.
Awtomatiko akong umikot upang sanggahin ang atake niya subalit napakabigat pala ng pwersa niyon kaya naman ay muli akong humambalos sa kalapit na pader. Nasira ‘yon at nagkaroon ng butas hindi gaya kanina. Mula sa butas ay nakita ko ang nasisindak na mukha ni Aling Menchi na noo’y naroon malapit sa bintana. Pinanonood niya kami rito sa labas.
“Pasensya na po,” magalang na paghingi ko ng paumanhin na agad naman niyang tinanguan.
Kasing bilis nang kisapmata ay nakarating ako sa tapat niyong babae at gano’n na lamang ang gulat na rumehistro sa kanyang mukha. Hindi niya inaasahang makakababawi ako kaagad kahit na mataas ang porsyentong natamo ko mula sa atake niya. Minamaliit niya talaga ako.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong inaatake niyong dalawang lalaki si Damien. Sinisira nila ‘yong pintuan. Hindi nila magawang mahawakang ang mga ‘yon dahil mayro’ng basbas ng Cardinal at tiyak na mahihigop ang kanilang pagiging immortal kapag hinawakan nila ang bagay na ‘yon.
I hold my weapons tightly and thrust my body towards her. Gano’n din ang ginawa niya kaya naman noong magsalpukan ang mga sandata namin ay nakagawa ito ng malakas na pagsabog at kahit na gabi ay makikita ang makapal na usok. Lumundag ako palayo at saka tumakbo pakanan upang atakihin siya sa kanyang likuran subalit sinalubong niya ako. I maneuvered my weapons but she managed to dodge my attack by bending herself.
Sa ginawa niya ay nakagawa siya ng opening para sa akin dahilan upang tamaan ko ang sikmura niya ng aking tuhod. Tumilapon siya at humampas sa pader ng bahay ni Damien.
“Tangina! ‘Yong bahay ko sinisira niyo!” pagmumurang sigaw niya roon sa loob habang binibigyang suporta ang pintuan upang hindi mawasak niyong dalawa.
Napasinghal ako at hindi maiwasang mapatawa nang mahina. Hindi namalayan niyong dalawang lalaki ang paglapit ko gano’n na rin ang pag-atake ko sa kanila. I have my power with me and I can summon my ultimate weapon without effort. Agad na nagpalit ang maliliit na punyal ko sa mahahabang espada at walang paligu’y ligoy na pinutulan ang dalawang bampirang lalaki ng ulo dahilan upang bumagsak ang walang buhay nilang katawan sa malamig na konkretong sahig.
Tumayo ako mula sa pagkakatukod ng isa kong tuhod at malademonyong dinilaan ang aking ibabang labi saka pumihit upang harapin ang babaeng kanina ko pa kinaiinisan. Nang titigan ko siya ay naroon siya at kababawi niya pa lamang ng kanyang tindig pero ang nanglalaking mga tingin ay nasa gawi ko.
Out of the blue, she went berserk while summoning her ultimate weapon. Namamangha kong pinanood ang pag-iiba ng kanyang pamaypay sa napakalaking sandata. It is a scythe. Naalala ko ang tungkol sa karit na nakikita kong hawak niya. Magkaiba ang disenyo nito mula sa librong nakakitaan ko pero hindi ito nalalayo roon.
Umihip ang malakas na hangin kasabay ang paglutang niya roon sa kanyang pwesto. Nagbago ang kanyang kasuotan. Mula sa mahabang talukbong ay naging hapit na hapit ito sa katawan niya at nagpalit din ang kulay ng kanyang damit. Ang mapupula niyang mga mata ay nakadagdag sa sindak na nararamdaman ng sinumang magpapadaig doon lalo na roon sa kanyang sandata na ngayon ko lang din napagmasdan sa malapitan.
Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay gano’n na lamang din ang panglalaki nito nang lumapat ang paningin niya sa hawak-hawak kong kambal na sandata.
“You are a Clan Leader too?” nanglalaking tanong niya at tila nanghihinang itinuturo ang hawak kong sandata.
Hinay-hinay na nanglaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung mabibigla ba ako o malilito. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil bukod sa alam ko ang kahulugan ng isang Clan Leader ay hindi ko maaninag kung ano ang pinupunto niya.
‘I am a Clan Leader? Too? So ibig sabihin ay Clan Leader itong babae na ito?’
“H—hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,” hindi ko mapigilang hindi mautal.
Tumawa siya nang mahina. “Bakit ko pa nga ba itinanong pa kung ang katotohana’y estudyante ka ng isang Grand Elder na tulad ko?” wika niya habang paunti-unting lumalapat ang mga paa sa lupa.
“Anong sinasabi ng babaeng ito, Steve?”
Sa halip na sumagot ay wala akong narinig kahit isa man lang na salita mula sa kanya. Nagngitngit ako dahil sa umuusbong na inis kay Steve. Maaari kayang naglilihim itong si Steve sa’kin? Naku! Sinasabi ko talaga!
Hindi ko inalis ang tingin ko sa babae dahil sa pagtawag niya sa ultimate weapon niya o mas alam sa katawagang soul weapon ay mas pinatindi pa nito ang lakas niya. Pero hindi naman nalalamangan nito ang sandatang hawak ko dahil tila nagkikiskisan ang mga pwersa namin.
“Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit ka ipinatutugis sa akin ng ilang mga Grand Elders,” wika niya pa roon sa kanyang pwesto sakto lamang upang marinig ko.
Napakuyom ako ng aking palad dahilan upang humigpit ang kapit ko sa mga sandata sa aking kamay.
“Tell me. Are you the one who activated the goblet?” she straightforwardly asked.
Naramdaman ko ang pag-atras ng katawan ko dahil sa pagkabigla. Napalunok ako dahil tila sinusubukan niya akong ikulong sa tanong niyang ‘yon.
“Yes, I am...”
“Now, it all make sense why the council wants you under their supervision. ‘Yon ang dahilan kung bakit gusto ka nilang makuha at kung bakit ka ipinagtatanggol ni Grand Elder Steve laban sa limang mga Grand Elder ng council...” mahaba pang litanya niya.
Nagsimula akong kutuban dahil sa mga nalalaman kong ito. Kahit na wala akong maisip na dahilan upang matakot ay tila gumagapang ang hilakbot sa aking katawan.
“And why are you telling me these now? Anong mapapala mo kapag ipinaalam mo ito sa’kin?” seryosong tanong ko, napansin ko rin ang presensya ni Damien na nasa bukana ng kanyang pintuan.
“Hindi na mahalaga kung ano ang magiging kapalit niyon sa’kin. Ang mahalaga ngayon ay malinaw na kung ano ang binabalak ng konseho,” sagot niya at sa isang iglap ay naglaho ang kanyang soul weapon. Bumalik na rin sa dati ang kanyang enerhiya. Naging normal na naman siyang nilalang.
Sa ginawa niyang ‘yon ay natalima ang kalooban ko dahilan upang gawin ko rin ang nararapat. Sa isang utos ko ay naglaho si Kertia. Tawag ‘yon sa soul weapon ko. Sabi ni Steve ay ipinamana ito sa akin ng mga namayapa kong mga magulang at pinangalanan nila itong Kertia. Hindi ko pa kasi alam masyado ang kasaysayan ng sandatang mayro’n ako.
Hindi nag-atubiling lumapit ang babaeng iyon sa akin at naglahad ng kamay sa aking harapan. Nagtaas ako ng aking kilay dahil sa pagkakalito.
“Ano ang ginagawa mo?” nagugulumihanan na tanong ko.
“I want to be friend with you. Hindi ba obvious?” sarakastikong hasik niya.
I rolled my eyes.
“Tss!”
Tinalikuran ko siya. Lumapit ako sa pintuan ng bahay ni Damien at mula roon ay lumabas siya. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na ang babaeng baliw at tila nahuhumaling sa mabangong dugo ni Damien.
“Sino siya, Lori?” tanong niya.
I frowned at her direction. “Hindi tayo close para tawagin mo ‘ko sa palayaw ko,” inis na sita ko sa kanya.
Mas lalo lang napataas ang kilay ko nang pabilugin niya ang kanyang labi.
Wala sa sariling napaturo si Damien sa babaeng nasa tabi ko. “B—bati na kayo ng baliw na ‘yan?” nauutal niyang tanong.
Agad akong nakaramdam nang pagsabog ng damdamin sa tabi ko dahil sa tanong ni Damien.
“What did you say!?” the unlady-like exclaimed in annoyance.
‘Takte! Kanina pa kami nag-uusap tapos ‘di ko pa nalalaman ang buong pangalan ng baliw na ‘to!”
“Teka nga. Hindi ka pa nagpapakilala sa amin,” seryosong wika ko dahilan upang mapahiya siya at saka nag-peace sign.
“He he he... Ehem!” anya at agad na umayos ng tayo, “My name is Verone Debora and I am the successor and the Clan Leader of Fyzan Clan,” pormal na pagpapakilala niya at hayun na naman ang mapaklang mukha ni Damien.
Sa pagsusutilan nina Damien at Verone sa isa’t isa ay roon ko naramdaman ang paghinga ko nang maluwag. Nangyari na ang lahat at sa huli ay mapayapa kaming nag-uusap. I was guilty by killing her comrades. Pero settled na kami dahil tila nawaglit ang galit na nararamdaman ni Verone sa akin at nagpasyang sumama na lamang sa amin.
Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit gano’n ang naging desisyon niya. Wala ako sa posisyon upang hatulan siya. Ang nais ko lang ay makita niya ang kahalagahan nito. Kung ano ang nakikita niyang resolba ay tiyak na makabubuti ito sa kanya at kung hindi man ay sisikapin kong matulungan siya sa abot ng aking makakaya.
“No. It should be done, Mallory. The council needs your power, just like mine. They need our power...”
We’ve settled the commotion but what she said to me a while back had been firing me up. Hindi ako natatalima sa sinabi niya kanina. Kung anuman ang binabalak ng konseho ay kailangan kong paghandaan.

Komentar Buku (361)

  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Famae Villarosa Sumoba

    🥰🥰🥰

    27/01/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru