logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Absurd

Mallory
I managed to put his unconscious body and mind on his cot using my ability which is telekinesis. Himbing na himbing siya roon sa kanyang pagtulog. Napatingin ako sa kanyang makinis na mukha, gano’n na rin sa kanyang matangos na ilong. Bumaba ang tingin ko sa maumbok niyang dibdib pababa sa kanyang malapad na tiyan, pero ang ikinatatakam ko sa kanya ay ang nang-aakit niyang maputing leeg. Umiling ako upang pigilan ang sarili.
Hindi ko na mahagip si Steve dahil sa layo ng distansya namin. Kaya naman ay kailangan kong manatili rito sa bahay nitong lalaki na ‘to hanggang umaga. I can’t leave him like this. May responsibilidad akong magpaliwanag sa kanya dahil ayaw kong may isang tao ang masisira ang buhay dahil lang sa kapabayaan ko.
“Lori...”
Napalingon ako sa dakong pintuan nang marinig ang boses ni Steve sa aking isip. Tiyak akong nasa labas siya ng bahay na pinagtataguan ko. Umaliwalas ang mukha ko nang makompirmang siya nga ang naroon sa labas.
“Steve?” tanong ko.
Naramdaman ko ang nadidismayang presensya niya mula roon sa labas.
“Lumabas ka na riyan sa ‘yong pinagtataguan,” malumanay na utos niya dahilan upang mapanatag ako at mapatango.
Kinuha ko mula sa kamay ng lalaki ang susi ng kanyang pintuan at agad itong binuksan at saka nakita si Steve doon sa labas at nadidismayang nakatingin sa akin. He winced disappointingly.
“Steve!” masiglang wika ko at dali-daling lumabas ng bahay upang malapitan siya. “Paano mo nalaman na nandito ako?” masigla at nakangiti na tanong ko pa.
His face is distorted. Hindi siya nasisiyahan sa ginawa ko at alam ko ‘yon. “I’ve killed those High-Ranking ordinary vampires just to know where you are. Dito ako dinala ng mga paa ko,” gano’n na rin ang kanyang boses ay nadidismaya rin kaya agad akong napatungo.
“I am sorry...”
He gasped. “I’m sorry, Lori but I have to let you stay in here. Hindi kita maisasama sa loob ng Coven dahil nalaman ng ibang Elders ang ginawa mo sa santwaryo,” malungkot na balita ni Steve habang parehong nasa harapan niya ang kanyang mga kamay.
Agad akong napatingin sa kanya dahil sa gulat. Gusto ko pa sanang magsalita at hikayatin siyang kunin ako at dalhin sa pangangalaga niya subalit hindi ko ginawa dahil iyon din ang kagustuhan niya. Hindi niya ba inalam muna kung paano nagsimula ang lahat ng ito? Kung bakit ako nagtatago ngayon?
“I have to protect you, Lori...” malungkot pang wika niya, “At ito lang ang tanging paraan upang magawa ko ‘yon. Manatili ka rito at mabuhay tulad ng mga narito,” usal niya pa at napatango na lamang ako kahit na masakit sa damdamin.
“I understood,” malamyang sagot ko habang nakababa ang magkabilang balikat ko.
‘Ayaw kong mapalayo kay Steve dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko.’
Lumapit si Steve at tinapik ang balikat ko nang mahina. He then smiled eventually. “’Wag kang mag-alala dahil titiyakin ko ang kaligtasan mo rito kasama na ‘yong binatang nasa loob ng sagradong bahay na ‘to,” salysay niya. “At alam ko kung ano ang nangyari sa loob ng santwaryo. ‘Wag kang mag-alala dahil lilinisin ko ang pangalan mo sa palasyo,” dugtong na pahayag ni Steve kaya ay napangiti ako.
“Maraming salamat, Steve...” pagkasabi ko niyon ay agad ko siyang niyakap.
“’Wag kang magpasalamat sa akin. Ginagawa ko ito dahil ito ang responsibilidad ko sa’yo bilang guardian mo at guro,” nakangiting wika niya. “Sige na. Kailangan ko nang bumalik sa coven dahil aayusin ko ang gusot na ginawa mo,” salysay niya pa at iniwan akong hindi man lang nakakapagsalita. Hindi pa rin siya nagbabago, tulad pa rin siya ng dati.
Nakita ko ang bukang-liwayway kaya naman ay dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Ang sinag ng araw sa ganitong oras ay sumpa sa aming mga bampira. Kung hindi malakas ang isang bampira ay uubusin nito ang lahat ng life force nito hanggang sa mamatay kaya kung maaari ay kailangan kong iwasan ang mga ganitong oras.
Nang makapasok ako sa loob ay nandoon pa rin siya at nakahiga habang natutulog nang mahimbing. Hindi maitatanggi ang pisikal niyang katangian. Oo, guwapo siya at hindi ko ‘yon itinatanggi.
Agad akong kumilos at nagtungo sa sulok malapit sa makapal na kurtina na nakatabing sa bintana. Maliwanag na ngayon at nararamdaman ko ang antok na gustong mamutawi sa kamalayan ko. Hindi nagtagal ay nakita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata. Nakasandal naman ang katawan ko sa pader habang nakahalukipkip at nakatingin sa gawi niya.
“Ahhhhh!” malakas at gulat na gulat niyang sigaw.
Agad siyang napabalikwas ng upo nang makita ako rito sa sulok. Ngumisi ako habang nakamasid sa kanya.
“Welcome back...” wala sa sariling wika ko.
“B—bakit nandito ka pa rin? At buhay pa ba ako?” natatarantang inusisa niya ang kanyang leeg kung mayro’n mang marka roon na iniwan ko. Mas lalo tuloy akong napangisi.
“Ang sarap pala ng dugo mo...” ngising wika ko at saka nakalolokong tumawa. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Ahhhhhhh!” sigaw niya ulit at biglang sumuksok sa sulok ng kanyang higaan. “Umalis ka rito!” bulyaw niya subalit nang may marinig akong mga pagkatok sa pintuan ng bahay niya ay natuon doon ang atensyon ko.
May ibang narito at hindi ko maramdaman ang kanyang presensya. Kung ano’ng uri siya ng nilalang. Ang mga ganitong presensya ay natatangi dahil sila ‘yong nilalang na may mataas na antas ng kapangyarihan tulad ko. Nagkatinginan kami ng lalaki kasama ko rito.
“Bakit ka nakatingin sa’kin?” bulyaw na tanong niya sa gawi ko habang yakap-yakap ang sarili.
“What’s your name?” I asked out of the blue while frowning. Sinadya kong hindi sagutin ang tanong niya dahil wala naman ‘yong saysay.
I saw how his mood changed. Napalunok siya sa takot at nauutal na nagtanong. “B—bakit mo tinatanong?”
I rolled my eyes and smirked. “Obvious ba? Tatanungin ba kita kung alam ko?” inis na sagot ko habang nakahalukipkip pa rin.
“E, sino ba kasing nagsabi sa’yo na rito ka sa bahay ko magtungo?” inis na namang sigaw niya. Naririndi na talaga ako sa lakas ng boses niya. Tsk! Lalaki ba ‘to? Kainin ko na lang kaya siya? Bigla akong napailing dahil sa huling naisip. “Ang dami mo namang tanong! Tanggapin mo na lang na magmula ngayon ay rito na ako sa bahay mo tutuloy. And that’s final!” pagdedesisyon ko at inirapan siya, agad namang nanglaki ang mga singkit niyang bilugang mga mata.
“This is absurd!” rinig ko ang hindi makapaniwalang hiyaw niya sa isipan niya habang galit na galit at napapakagat sa labing nakatingin sa akin.
“Ano!? Anong karapatan mo para pangunahan ako sa mga desisyon dito sa loob ng bahay ko! Tangina lang ha! Alam kong trespassing ang ginawa mo at hindi ako tanga upang hayaan lang na magdesisyon ka!” nakabibinging bulyaw niya roon sa ibabaw ng higaan niya habang nanglilisik na nakatingin sa akin. Wala akong naramdaman kahit na katiting na takot kaya napangisi na lamang ako. Agad akong napaismid at napatawa nang mahina.
“I can do whatever I want to do...” taas-kilay na sambit ko at naglakad papalapit sa kama niya dahilan upang isiksik niya pa lalo ang sarili niya roon sa sulok ng kanyang kama. Mas lalo tuloy akong ginaganahan na manatili rito.
“Ibig sabihin niyon ay kung gusto kong sipsipin ang lahat ng dugo mo, magagawa ko...” napapangising dagdag na usal ko habang pinapakita sa kanya ang matutulis kong mga pangil.
“...at dahil mabait akong bampira ay hahayaan kong mabuhay ka,” dagdag ko pa na idinistansya ang sarili sa kanya dahil parang sasabog na siya sa takot. Nararamdaman ko ang galit at inis sa tungo sa kanyang sarili. Kitang kita ko ang panginginig ng katawan niya.
“I won’t harm you. Hindi ako tulad ng iba. Ang gusto ko lang ay manatili rito sa bahay mo hanggang sa malinis ni Steve ang pangalan ko sa Coven,” malumanay kong pahayag subalit hindi pa rin siya nakatingin pero tiyak akong nakikinig siya.
Buong oras na ‘yon ay nagkwento lamang ako sa mga nangyari at siguro naiintindihan niya ang mga kwento ko. Hindi ako nagsinungaling dahil wala rin naman akong mapapala sa kanya. Siya ay mortal at ang tingin ng mga bampira sa mga mortal ay walang silbi rito sa mundo. Hindi pa ako tiyak kong wala nga silang silbi. I can’t just judge them from their existence and their race.
Sa halos isang oras at kalahati ay narinig ko lamang siyang magbuntong-hininga. He raised his face and hesitatingly looked towards my direction.
“A—ako si Damien,” nauutal na pagpapakilala niya na ikinagulat ko. Napalunok ako dahil sa pagkabigla pero agad din akong nakabawi at muling napangisi.
“Alam ko,” usal ko.
Makikita na naman sa mga mata niya ang pagkagulat at pagkamangha sabay sabing, “Naisip ko na rin ang posibilidad na ‘yan,” diretsong sagot niya. Ako naman itong nabigla. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko na nagkunwaring naguguluhan.
“Y—you can read my mind and you can talk through it. I have once read about that ability somewhere else. Hindi ko alam ang ilang mga detalye tungkol sa inyong mga bampira pero aware ako sa mga kakayahan ninyo lalo na sa kulay ng mga mata ninyo.”
Sinsero ang pagkakabigkas niya ng bawat salita at napakaseryoso niya rin. Hindi na ako nagugulat sa mga ganitong kaalaman ng mga mortal. Sino ba namang nilalang ang hindi gugustuhing pag-aaralan ang kanyang mortal na kalaban?
Napangisi na naman ako. “You do have lots of information about us, Damien...” hindi ako nagkamali sa pag-pronounce sa pangalan niya at hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paglunok niya. Bigla siyang umiling at napatingin sa’kin.
“You can kill me if you think I am lying to you. Tutal pinagbantaan mo na rin naman ang buhay ko kagabi,” he dismayingly replied. Nagpintig ang tenga ko dahil hindi ko nagustuhan ang mga huling sinabi niya kaya sa isang iglap ay nasa harapan na niya ako.
I grabbed his wrist and forcedly reposed him in his cot. Mas lamang ako sa kanya kung tutuusin. Lahat ng kalakasan o katalinuhan. I know, I am far better than him. Ang ending ay nasa ibabaw na ako habang sinasakyan ang katawan niya at parehong mahigpit na nakukulong ang palapulsuhan niya sa kamay ko habang nakatihaya siya. He’s so manly. I can sense it. Ang dugo niya. Ang nakaaakit niyang aroma. He’s damn handsome but stupid..
“Ngayon mo sabihin sa akin na gusto mong kunin ko ‘yang buhay mo. Hindi ako magdadalawang-isip,” ngisi na namang usal ko na mayroong diin ang bawat salitang binibitiwan. He’s locked up and he can’t escape from my grips.
Namula ang kanyang mga pisngi gano’n na rin ang kanyang tenga habang nililihis ang kanyang paningin sa’kin. Nang mapagtanto ko ang posisyon namin ay gano’n na lamang ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. Agad akong lumundag paalis ng kama at nahihiyang hinarap ang maputing pader.
Tumikhim ako. “K—kanina pang kumakatok ‘yong nasa labas,” pag-iiba ko ng topiko.
Hindi ko siya narinig na nagsalita sa halip ay bumaba siya ng kanyang kama. Isinuot ang kanyang sapin sa paa at binuksan ang pinto upang lumabas ng kwarto.
“Wait lang po, ‘nay!” rinig kong usal niya habang binubuksan ang mga kandado sa pintuan.
Tirik na ang araw at ramdam ko na rin ang antok ko. Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sa kanya. Hindi ko alam kung paggising ko ba ay buhay pa ako. Natatawa na naman ako sa naiisip ko.
“Kunin mo ito, ‘nak. Niluto ko ito nang may makain ka,” wika ng babae sa labas ng bahay.
Siya ‘yong nilalang na hindi ko mawari ang presensya na kumakatok sa pinto. Gusto ko pa sanang sundan si Damien doon sa labas subalit tinatamad ako dahil sa namamayaning antok sa katawan ko. Napadausdos ako pababa at napaupo sa malamig na sahig.
“Salamat po, ‘nay,” pagpapasalamat pang sagot ni Damien doon sa babae,
“Matanong ko lang, hijo. May iba ka bang kasama rito?” tanong ng ale dahilan upang mapabalikwas ako ng tayo.
“A... He he! Wala naman po. Bakit po?” sagot ni Damien dahilan upang mapahinga ako nang maluwag.
“Kagabi kasi ay may narinig akong mga pagkatok dito sa bahay mo at dahil ayaw ko namang matunton ng mga bampira. Hinayaan ko na lamang at ipinagpalagay na baka may sira na naman ang mga kandado mo,” litanya ng babae. Napaismid ako at napakunut-noo.
‘She’s lying! Alam kong alam niya na mayroong ibang kasama si Damien dito! This pretentious lady is exaggerating!’
Napatawa nang mahina si Damien. “He-he. Gano’n nga po ang nangyari, ‘nay. Siya nga pala, salamat po rito. Sige po, salamat po ulit!” anya. Ramdam kong umalis na ‘yong babae dahil ang mga hakbang ni Damien ay patungo rito sa kwarto niya.
Nang pumasok siya ay gano’n na lamang ang pamemewang niya. Mariin siyang nakamasid sa gawi ko habang nakakunut-noo.
“Dapat ba ay ipinaalam ko kay Nanay Menchi na narito ka?” nakataas ang isang kilay niyang tanong sa’kin.
Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa. “Buti na lang at may utak ka rin,” wika ko at muling dumausdos pababa sa sahig at idinantay ang mga braso sa tuhod ko. Inilapat ko ang noo ko sa mga braso at muling nagsalita, “Thank you nga pala...”
‘She calls her “nanay” and I don’t want to ruin their wellstead relationship. They both trust each other despite of their different race.’
Hindi ko na narinig pa ang ilang mga sinabi niya dahil hinayaan ko na ang sarili kong sakupin ng antok. Hindi ko rin naman mapigil pa ang pagtulog ko dahil palagi akong kulang sa tulog. We, vampires are nocturnal. Yes, that’s part of our characteristics.

Komentar Buku (362)

  • avatar
    CabaseChad

    hi guys

    8h

      0
  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru