Mallory Alas tres y media na ng hapon noong marating namin ang palasyo ni King Augustus. Inihanda namin ni Steve ang aming mga sarili nang pasukin namin ang silid pulungan dahil tiyak na hindi kami makalalabas dito kung sakaling malaman nila kung ano ang totoong pakay naming dalawa. Sa katotohanan ay ako lamang itong mayro’ng mabuting pakay rito sa kaharian. Palihim akong napangisi. Nabalitaan ko kasi na mayroong pagpupulong na magaganap dito at dahil isa si Steve sa may mataas na posisyon dito sa Coven, napagdesisyunan niyang dalhin ako upang magmatyag dahil wala namang nakakikilala sa akin bukod kay Steve. In fact, he had no choice but to bring me. I am Mallory Dawson and I am a pure-blooded vampire. Bukod sa akin at kay King Augustus ay wala ng ibang nakagagamit sa kapangyarihan ng isip. Ang telepathy. Kaya kong bumasa ng isip ng isang nilalang, makipag-usap, at magpagalaw ng mga bagay gamit lamang ang isipan ko. Ang kakayahan kong ito ay alam ni Steve at kabilin-bilinan niyang huwag ko raw itong ipaaalam sa iba. Steve is much more older than me. Hindi naman daw big deal kung Steve lang ang itatawag ko sa kanya, ‘yon ang sabi niya sa akin noon. Batang bata rin kasi ang mukha niya gano’n na rin ang pisikal niyang katawan. Pero ang pananatili ng katawan namin sa ganitong anyo at estado ay isa lamang sa mga katangian ng mga bampira. “Steve,” I spoke inside my head. Nasa tabing upuan lamang siya kung saan ako nakaupo ngunit hindi niya ako nilingon dahil paghahalataan kami lalo na at masyadong mapangsiyasat ang mga Elders na kasama namin dito ngayon. Sa pagkakakilala ko naman kay Steve ay ibang iba siya sa kanila. Mas may sense of humor si Steve at higit sa lahat, siya ang kinikilalang pinakamataas na Elder dito sa konseho. “’Wag kang magpapahalata, Lori. Hindi kita maililigtas ‘pag nalaman nila kung ano’ng kaya mong gawin!” galit na sagot ni Steve sa kanyang isipan. “I know, Steve. Gusto ko lang na malaman kung bakit narito tayo sa conference room? Hindi ba dapat ay naroon tayo sa santwaryo?” tanong ko dahilan upang mapansin ko ang paglunok niya. Nakaupo kaming lahat dito at sobrang nakabibingi ng tenga ang katahimikan dito. Mula rito sa kinauupuan ko ay makikita ang pito na Elders sa kabilang mga upuan gano’n na rin sa magkabilang dulo. Narito sa dulo si Steve dahil siya ang pinakamataas na Elder at sa kabilang dulo naman ay si Elder Yttria. Pare-pareho kaming lahat na nakasuot ng makapal na talukbong. Actually, my hood is different from all of them. Ang dahilan ay dahil hindi naman ako parte ng konseho. Isa lang akong disipulo ni Steve. Yes, I am his gorgeous apprentice. He sighed heavily. “I have already explained it to you why we can’t go there, right?” pagkasabi niya niyon ay blangko na ‘yong isipan niya. Iyon nga ang sinabi niya noon sa akin na bawal daw ang pumunta roon kahit na ang mga Elders. Binabantayan kasi ang santwaryo ng mga pinakamataas na ranggo ng Coven. Sila ‘yong hinasa upang magsilbing proteksyon ng santwaryo. Sabi pa ni Steve sila raw ay hindi maaaring galawin. Hindi ko alam kung bakit. At nadudumihan ang isipan ko sa tuwing maiisip ‘yon. Ano ba kasing klase ng galaw ang ibig sabihin ni Steve? Noong bata pa lamang ako ay dinadala na ako ni Steve dito. Siya na ang kinilala kong pamilya, parang ikalawang ama gano’n pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tawagin siyang ‘papa’. Wala kasi sa mukha at parang ayaw sa responsibilidad. Natawa pa nga ako noon nang may dumating na dalaga sa mansyon niya at hinihikayat siyang pakasalan nito subalit hindi pa man natatapos sa pagsasalita ang dalaga ay pinagsarhan na niya ito ng pintuan. Nagpapakipot si lolo. “Steve...” muli ay tawag ko sa kanya gamit ang isipan ko. “Hmm?” sagot niya. “Labas lang ako.” He frowned. “At saan ka naman tutungo?” “Iihi lang ako!” malditang sagot ko sa isipan niya. Mas naging klaro ang pagkakakunot ng kanyang noo. Hindi niya kasi mawari kung nagbibiro ba ako o hindi. Little did he know that I am just pretending. “Ii—what? Pwede bang behave ka muna, Lori?” naiinis niyang sagot. Ginawa pa niya akong aso. Dahil dakila akong pasaway ay agad akong tumayo. Tumungo muna ako sa kanilang lahat upang magbigay respeto. “Lalabas na po ako,” magalang na usal ko at hindi na hinintay pa ang sagot nila dahil wala naman akong pakialam. Kay Steve lang ako may pakialam dahil siya lang ‘yong pamilya ko rito. Nang makalabas na ako ay narinig ko pa ang paalala ni Steve sa isipan ko. “’Wag kang lalayo ng conference room. Mahigpit ang mga ranggo ngayon lalo na at may pagpupulong na nagaganap...” seryosong aniya. “Naiintindihan ko. Maninilip lang ako...” sagot ko habang humagikhik at dali-daling nilisan ang ispasiyo. Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod na sinabi niya dahil tiyak na mabibingi lang ako. I am too old to be dissuaded. Ilang taon na ba noong tumuntong ako ng pagkadalaga? Oo, 242 years old na ako at wala akong pakialam kung hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Hindi ko ‘yon kailangan, ‘no! Napakalawak ng palasyo ni King Augustus at kulang na kulang ang isang araw upang mapuntahan ang lahat ng silid dito. Natatandaan ko pa naman ang daan papunta sa santwaryo. Hindi pa mahigpit ang mga nagbabantay na ranggo noon subalit nang may nagtangkang kunin ang isinumpang kopita ay mas naging mahigpit ang seguridad dito. Abilidad naming mga bampira ang pagkakaroon ng walang hanggang buhay. We are immortal. We have the power to never age. We have an unnatural strength. We have also the ability of unnatural speed. Vampires can move faster than the human eye and heal rapidly from any physical injury. Iyon ang ilan sa mga karaniwan na abilidad na mayroon sa mga ordinaryong bampira. Upang malaman ang pagkakaiba ng bampira sa kapwa namin bampira, makikita ‘yon sa kulay ng aming mga mata. Ordinary vampires have dark red eyes while those who are High-Ranking members have bright red eyes. Those who have golden eyes are the noble vampires. Those golden eyed vampires possesses an immense and unmeasurable power. Only the late King has been recognized who had this eye color. Kaya kinilala ring pinakamalakas na bampira sa kasaysayan ng Vladian. Nang marating ko ang huling likuan ay huminto muna ako sa isang malaking poste, nagtago ako roon at sinilip kung mayroon bang nagbabantay sa malaking pintuan ng santwaryo. Nang makita kong mayroong nagbabantay ay napagtanto kong hindi nagsisinungaling si Steve. Ba’t naman ‘yon magsisinungaling ‘e ayaw niyon ng sinungaling. May dalawang ranggo na nagbabantay roon. Nakasuot sila ng makapal at itim na balabal. Napangiwi ako sa inis. Hindi ko pa man naihahakbang ang paa ko palapit sa santwaryo, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng lakas. Pero susubukan ko pa rin kung hanggang saan ang kaya ko. Napangisi ako dahil sa naiisip. Inayos ko ang pagkakatayo ko at inayos ang suot kong balabal sa ulo. I acted like I am a part of the council. Diretso lang ang lakad at bawal magkamali. Agad nilang napansin ang presensya ko at parehong napakunut-noo nang lingunin ako. Bampira sila kaya hindi na bago sa kanila ang magkaroon nang matalas na pangdama. I can also sense their heavy force. Agad nila akong hinarang nang tumapat ako sa napakaling pintuan ng santwaryo. Hindi ko pinansin ang pangangatog ng tuhod ko. Nakabubulabog kasi ang katauhan nilang dalawa at pakiramdam ko ay sasabog ako ‘pag nagpasakop ako sa presensya nila. “Sino ka? At anong pakay mo rito sa santwaryo? Hindi mo ba alam na bawal ang ka rito? At alam mo bang hinding-hindi kami nagpapapasok ng basta-basta lang?” baritonong sabi niyong nasa kaliwa ko, napalunok ako nang iharang nilang pareho ang isa nilang kamay sa pintuan. Napataas ang isang kilay ko. Tumikhim ako. “Ako si L-lori...” utal na panimula ko at hinigpitan ang pagkakakuyom sa dalawang palad ko. “I am the apprentice of Grand Elder Stevenson Queency,” pagpapakilala ko at agad na nakita ang pagkawala ng duda nila sa akin. Nagkatinginan silang dalawa at napatango. Napangisi na lamang ako nang tanggalin nila ang pagkakaharang ng kamay nila sa pintuan ng santwaryo at inilabas mula sa bulsa niyong isa ang gintong susi. Binuksan niya ang busol upang pagbuksan ako ng pintuan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang lumabas sa siwang ang gintong liwanag na nagmumula sa altar kung saan nakapatong ang pinaka-iingatang kopita ng santwaryo. It was the cursed goblet of King Augustus. Iyon ang itinawag dito dahil naroon ang hindi masukat-sukat na kapangyarihan niya na naghihintay lamang sa susunod na magmamay-ari nito. “Maaari kang makapasok sa loob kung tatanggapin ka ng kopita. Nakikita mo ‘yang hibla ng gintong liwanag na ‘yan? Nagmula ‘yan sa isinumpang kopita ni Haring Augustus at kikilalanin lamang nito ang sinumang isinugo upang maging susunod na Overlord,” paliwanag ng bansot—ng pandak na ranggo. Hindi ko kilala, pasensya na. “Kung hindi man ako ang hinihintay ng kopita ay ayos lang. Hindi rin naman ako naghahangad ng kapangyarihan at hindi ko rin hinangad na maging kapalit sa trono ni King Augustus. I am out of his league. Hindi ko mahihigitan ang mga nagawa niya sa bansa,” mahabang sagot ko, bago ako pumasok ay napatungo lamang ang dalawang tagapagbantay at hinayaan na akong makapasok sa loob. Isang hakbang ko pa lamang ay agad nang nag-alboroto ang gintong hibla na naglipana sa loob. Nang makalagpas ako sa pintuan at nang magsara ito ay agad na umikot-ikot sa katawan ko ang gintong liwanag at tila sinisiyasat kung sino ako. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ginhawa. Bukod rito ay wala na akong ibang nararamdaman. I just felt relieved when the golden lights flew inside my body and never came out. Ang matingkad na hibla ng gintong liwanag ay naglaho na pero kumikinang pa rin sa liwanag ang kopita. Ang pangyayaring iyon ay isinawalang bahala ko na lamang dahil hindi ko alam kung may kabuluhan pa ba iyon. Ang importante sa akin ngayon ay ang makita sa malapitan ang kopita. Namamangha kong pinagmasdan ang kopita lalo na sa nakikita kong kulay pulang kristal sa gitnang bahagi nito. May mga detalye akong nakikita na nakaukit sa katawan nito dahilan upang mas maantig pa lalo ang paningin ko. Tila ginagayuma ako dahil hindi ko mapigil ang sarili kong lumapit doon. Ilang mga hakbang na lang at maabot ko na ang gintong kopita. Mahahawakan ko na sana ito subalit biglang bumukas ang malaking pintuan at naramdaman ang malakas na paghila sa akin niyong dalawang tagapagbantay. “Ano’ng ginagawa ninyo!?” galit na sigaw ko sa kanila. Subalit wala akong narinig na sagot mula sa kanila sa halip ay naging marahas sila sa paghatak sa akin. These two idiots are High-Ranking ordinary vampires at ang kalakasan lamang nila ang tinataglay nila. Walang katumbas sa kaya kong gawin. Napangisi ako ng palihim. Dapit-hapon na at tiyak akong nagiging agresibo na naman sila. Mahigpit ang pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko at nasasaktan na ako dahil doon. Nagngitngit ako dahil sa inis. “Tinatanong ko kayo kung ano’ng ginagawa ninyo!?” galit na pag-uulit ko sa tanong ko. Hanggang sa mailabas na nila ako ng santwaryo. Kinabahan na ako nang kuyugin nila ako papunta sa kung saan. Dinala nila ako sa isang lihim na silid. Hindi ko alam kung saang parte na ito ng palasyo pero kabisado ko ang pinanggalingan namin. “Let me go!” I screamed furiously. Dahil sa lakas na ipinamalas ko ay namalayan ko na lang na tumalsik sila sa magkiblang direksyon. “Damn!” “Shit!” Sabay nilang pagmumura. Agad na naging pulang pula ang kanilang parehong mga mata habang masamang nakatingin sa’kin. “You’ve messed with the wrong vampire,” I sneeringly said. Nakita ko ang paglitaw ng itim na ugat sa kanilang mga noo. Pareho silang nasasaniban ng kung anong masamang espiritu. Hindi nagkakamali ang pangdama ko lalo na kapag ganitong matataas na antas ng kapangyarihan. They are being controlled! “We have to kill her,” the guy on the right uttered while the other one nodded. Kaya naman ay naisipan ko na lang na wasakin ang pintuang pinasukan namin gamit ang aking kamao. Inipon ko ang ilang pwersa ko sa kamao ko upang magawa ‘yon at nagtira ng kaonti para sa pagtakas. Mabilis akong tumakbo. Kasing bilis ng kidlat subalit nasusundan pa rin nila ako. Hindi ko na naisipan pang tawagin si Steve dahil tiyak akong abala siya ngayon. Sa ginawa ko ngayon ay maaaring maapektuhan na naman ang pangalan niya dahil sa katangahan ko. Nang magbalik ako sa diwa ko ay napansin kong madilim na ang paligid nang makalabas kami sa palasyo at hindi pa rin nila ako linulubayan. Pursigido silang patayin ako sa hindi ko mawaring dahilan. Sa patuloy naming paghahabulan ay kaagad naming narating ang town’s square. Halos walong oras akong nagtago dahil tinutugis nila ako kahit na alam nilang disipulo ako ni Steve. Wala nang nakabukas na bahayan-tuluyan ngayon dahil takot ang mga mortal sa amin lalo ngayong ibinabalita sa buong bansa ang ginagawang paghihimagsik ng kasamaan ng ibang mga bampira. Hindi ko nilalahat ng bampira pero mayroon talagang mga bampirang pumapatay ng mortal upang mapunan ang kanilang uhaw. Lumabas na lamang ako sa pinagtataguan ko rito sa loob ng isang abandunadong town hall. Sa loob ng walong oras ay nanatili lamang akong nagmamatyag sa paligid. Nang mapansin kong wala nang sumusunod sa’kin ay agad akong tumakbo nang mabilis subalit nang marating ko ang labasan ay namataan ko sila roon. May iba na silang mga kasama. “You’re dead, Lori,” ngising wika niyong isa mula sa malayo. Hindi mapurol ang pandinig ko, tiyak na iyon ang nais nilang gawin sa’kin kaya bago pa nila ako madakip ay kaagad akong tumakbo nang mabilis palabas ng Coven. Nang makalabas ako sa border ng Coven ay pumasok ako sa isang maliit at masukal na gubat. Gabi na at sa kabutihang-palad ay mayroon akong enhanced senses. My sense of sight is somehow useful. Nang malagpasan ko ang gubat ay unang bumungad sa akin ang dalawang nakatayong bahay. Napahinga ako ng malalim. I can sense that these two houses are blessed by the Cardinal. Namumutawi ang sagradong basbas dito pero hindi ko na ‘yon inisip pa. I can endure the pain but not death. Pinakiramdam ko sa kaliwa subalit wala akong maramdamang may naninirahan doon kaya naman ay agad kong nilapitan ang nasa kanan at kumatok. Someone is inside this bungalow house. Kagigising lang niya. Ano na ba kasing oras? Hindi ako tiyak. Kumatok pa ako nang kumatok subalit nanatiling naroon siya sa kanyang pwesto. He’s hesitant. “Tulong ...” wika ko sa isipan niya. “Tulong! Tulungan niyo po ako!” “Naririnig kita. Pakiusap, tulungan mo ako! Nagmamakaawa ako! Itago mo ako sa kanila! Pakiusap!” nagmamakaawang pakiusap ko dahil papalapit na ang mga humahabol sa akin. Nabuhayan ako ng loob nang maging positibo ang kanyang desisyon. Kaya nang buksan niya ang pinto ng bahay niya ay agad ko iyong itinulak at mabilis na pumasok sa loob. “Bilisan mo! Ikandado mo na ang pintuan!” mahina ngunit pasigaw at galit na utos ko. Sinisiyasat niya ang mukha ko subalit madilim kaya hindi niya ako makita. Mortal nga pala siya kaya mabango ang nalalanghap kong amoy sa kanya. “Damn! Natakasan tayo!” rinig ko ang boses sa labas ng bahay. Agad na nagtampal ng bibig itong kasama ko. “Sinabi ko sa’yo kanina na tapusin mo na siya subalit ano’ng ginawa mo?” galit na usal naman niyong isang lalaki. “Kasalanan ko bang mas malakas siya kaysa sa’kin?” pangangatwiran naman niyong isa. “I’m here,” I spoke inside his mind. Hinanap niya ako subalit sa iba siya na direksyon nakatingin. “Baliw ka ba? Paano ko malalaman kung nasaan ka kung hindi mo gagamitin ‘yang boses mo!” angil niya. Tama naman siya sa sinabi niya. Mula rito sa sulok ay nakita kong napalingon siya dahil sa nakikitang liwanag sa mga mata ko. Nagmistula siyang tuod doon nang mapagtanto kung sino ang pinatuloy niya sa loob ng bahay niya. I smirked out of my excitement. ‘Tangina! Did I let a freaking vampire enter my house!?’ rinig kong tanong niya sa isipan niya kaya mas lalo akong napangisi. “Shhhhsss...” I hushed while covering his mouth. “’Wag kang mag-iingay dahil mayayari tayo kapag nalaman nilang narito ako sa bahay mo. Kung mamamatay ako ay gano’n ka rin,” dagdag ko pa at napansin ang paglunok niya. Hindi siya nakapagsalita pero naririnig ko ang sinasabi niya sa loob ng isipan niya. “S—sino ka at ano ka!” nagugulat at nauutal na tanong niya. Napangisi ako. “Baka magpatiwakal ka ‘pag nalaman mo kung sino ako. Upang maiwasan ‘yon ay bibigyan na lamang kita ng ibang pangalan. Ako si Lori at...” sinadya kong mapatigil upang iparamdam sa kanya ang matinding takot. “...isa akong bampira.” Ipinakita ko sa kanya ang pangil ko upang magsilbing pruweba na hindi ako nagsisinungaling. Inilapit ko ang nakaawang kong labi sa kanya subalit bigla na lamang siyang nawalan ng malay. ‘I should have trusted my instinct. I should not let this sombre tryst be invaded with bloodsucker like her but it is too late. She already sucked all of my blood out of my virgin body! Hindi ko alam na ganito lang pala ang magiging dahilan ng pagkamatay ko!’ napangiti ako nang marinig ‘yon sa kanyang isipan. Pakiramdam niya siguro ay namatay na siya. Napatawa ako nang mahina sa kabaliwan niya pero agad din iyong nawala dahil naalala ko ang dalawang ranggo na nais akong patayin. Steve must know about it. They must be punished for threatening my prescious life!
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
hi guys
3d
0maganda ang kwento
07/08/2024
0good
14/04/2024
0Lihat Semua