logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The RED EMBROIDED ROSE

The RED EMBROIDED ROSE

RES REHANA


CHAPTER 1 Disclaimer: Names of persons, places, and events in this story are all product of author's creative imagination.

Galing sa Department of Mathematics si Amari at naglalakad ito pauwi na at may nakita siyang school I.D na naiwan sa upuan sa labas ng Chemistry room at tiningnan niya ito kung kaninong I.D. Familiar nya itong mukha ng lalaki dahil magkalapit lang sila ng department kaya lang hapon na at naisipan nyang bukas nalang niya ito ibigay kung sakaling makita niya itong si Bryan Cale ang pangalan na nakalagay sa I.D.
Kinabukasan, pagkatapos ng isang subject nya ay umupo sya sa bench sa harap ng kanilang department at inaabangan niya si Bryan. After 10 minutes ay lumabas na ito sa classroom at agad nya itong nilapitan at inabot ang I.D.
"Bryan Cale! Naiwan mong I.D sa labas ng Chemistry room sa may upuan mo ito naiwan."
"Ahm miss thank you ha at binigay mo sa akin ito. Kahapon ko pa ito hinanap pero diko makita at sabi ng guard asan daw I.D ko. Sabi ko kilala niyo naman ako sir guard ilang taon na ako dito nawala kasi I.D ko kahapon, swerte naman na pinagbigyan nila akong pumasok sa university.
"Oh cge, aalis na ako ha! Mag-ingat ka at huwag mo na iiwan ang I.D mo!"
"Teka lang! Ano ang pangalan mo Miss?"
"Ako si Amari Chu!"
"Sige salamat Amari at pwde ba kita maging kaibigan at mahingi yung number mo?"
Binigay ni Amari ang kanyang number at pumunta na sila sa kani-kanilang classroom. Lumipas ang mga buwan at hindi inaasahan ni Amari na naging close na sila sa isa't-isa at lagi syang nililibre tuwing lunch.
"Uy Amari, may jowa kana noh?" Nang-aasar na kaklase at kaibigan niya na babae si Breah. Nag usap-usap muna sila sa loob ng classroom habang inaantay ang professor.
"Hindi, kaibigan ko lang yun!"
"Nakuh Amari! Halata naman na may gusto yung si Bryan sayo! Kita ka namin sa school canteen noh at saka hinahatid ka sa classroom," sabi naman ng isang kaibigan na si Cathy.
"Pag nanligaw yun sayo Amari sagutin mo na, mabait yan si Bryan Kasi kapit bahay ko yan. Noong bata pa yan lagi niya kami binibigyan ng chocolates kapag galing ibang bansa mommy nya at hindi yan matapobre. Mayaman ang angkan nila," pahayag ng isang kaklase na si Antonia.
After ng class nila at pagkalabas ng classroom nakita ni Amari at ang tatlong babaeng kaibigan nya na nakaupo si Bryan sa labas ng kanilang classroom at pinapansin ng mga babae. Huminto muna sila at nag chismissan.
"Uy girl, sagutin mo na yan baka maunahan kapa ng mga babaeng nagpapansin kay Bryan," pahayag ni Antonia.
"Antonia, maganda rin naman yung friend natin. Mas prefer ko na magpakipot muna si Amari. You know boys na! Lalo at gwapo pa yan," sabi ni Breah.
"Sayang Beh! Nasa kanya na ang lahat," sagot ni Antonia kay Breah.
"Eh, let's see nalang how it goes! Pero Amari sayang nga gaya nang sabi Antonia pero mas sayang kung mapupunta ka sa maling tao. Ang gagawin mo ay kilatisin mo muna," pahayag ni Cathy.
"Guys! Hindi pa naman sinabi ng tao kung gusto niya ako, advance naman kayo mag-isip, eh" malumanay na sabi ni Amari.
"Oh sya kinamay ka na ni Bryan Amari! See you nalang mamaya ha sa next class. Balitaan mo kami!" Pahayag ni Breah. Nagpaalam narin ang kanyang mga kaibigan at kakain na sila nang sabay ng lunch ni Byan.
Si Bryan ang lalaking type ni Amari. Isang kaibigang laging nandyan kapag kailangan, gaya nalang kapag may bibilhing mga school materials ay isasabay na sya sa pagbili. Sweet at caring si Bryan, ito ang gusto ng mga babae sa lalaki. Napansin nyang parang may gusto nga ito si Bryan sa kanya at hindi niya inaasahan ay nanligaw nga ito.
"Ahmm, okay lang ba Bryan kapag ready na ako aantayin mo lang at huwag ka sana magalit sa akin!" Pero deep inside kinilig ito at tuwang-tuwa.
"Okay lang Amari at hindi naman kita pipilitin. Gusto ko ay kung anong gusto mo and I'm willing to wait for you naman dahil gusto kita."
Nang marinig ni Amari ang linyang yun ay kilig na kilig sya at after nila kumain ay pumasok na sya sa next class.
" Uy girl kamusta na?" Bungad na tanong ni Breah nang ito ay paupo si Amari sa upuan.
"Girls tama nga kayo at nanligaw sya sa akin, at ang sabi ko ay antayin muna nya ang sagot ko, eh yun he is willing to wait kung kailan ako ready," pahayag ni Amari na di maitago ang emosyon na natutuwa.
"Haba talaga ng hair ang friend natin! So Amari yan dapat ang gawin pakipot muna," sabi ni Breah.
Hindi naman naapektuhan ang kanilang friendship at kung ano sila dati ay ganoon parin hanggang ngayon.
Naglalakad si Amari galing sa nursing department at may isang lalaking nagmamadali at isa itong medicine student. Ito ay matangkad, maputi, chinito at gwapo.
“Miss I’m sorry kung nabangga kita, hindi ko sinasadya at nagmamadali kasi ako. Okay ka lang?
“Ahm, okay lang ako.”
Pinulot nila ng sabay ang tatlong librong nahulog at ipinatong ito sa kamay ni Amari at umalis na rin ito agad-agad na nagmamadali.
Pumasok na si Amari sa klase niya at siya ngayon ay nasa third year college na nag-aaral sa kursong nursing.
“Hi Amari may klase ka pa ba ng mga 4pm?”
“Wala na Bryan bakit?”
“Aayahan kita mamaya kumain?”
“Manglilibre ka.”
“Syempre, ano go ka?”
“Sige pero saglit lang ha!” pakipot nitong sabi.
Pagkatapos ng kanilang klase, si Amari ay hindi nya inaasahan na nasa labas lang pala ito ng room nag-aantay sa kanya.
“Tara na at umangkas ka na sa motor ko.”
Sumakay nga itong si Amari at hindi inaasahan ni Amari na sila ay pupunta sa isang romantic place. Matatanaw mo talaga dito sa toktok ang malawak na mga lupain, mga puno, kulay asul na dagat at ang ibang Isla na nakapalibot nito, ito ay ang 16,000 Bloosoms at Mountain Peak. Kay ganda ng mga bulaklak dito at foggy ang palibut nito tuwing umaga at hapon at malamig ang lugar, kapag nagugutom ang mga turista o ang bumibisita ay may Cafeterya dito.
“Wow ha ! Dito mo talaga ako dinadala,” nasurprise na pagkasabi ni Amari.
"Sikat na lugar to dito at gusto ko ma experience mo ang lugar dito. This is your first time right?"
"Oo dati sa social media ko lang to nakikita."
“Pasok muna tayo sa Cafeterya bago natin enjoyin ang paligid kakain muna tayo. Antayin mo muna ako dito sa upuan mag-oorder muna ako.”
In few minutes later, ay dala-dala ni Bryan ang bouquet at may chocolates pa. Dito sa Cafeterya nagbebenta din kasi sila ng mga bulaklak and chocolates, teddy bears kasi dito sa lugar na ito madalas pinupuntahan ng mga mag jowa.
“For you Amari! Kailan mo ko tatanggapin? Anim na buwan na ako nanliligaw sayo ‘di mo pa ba ako tatanggapin? Okay lang kung hindi pa at hindi ako magsasawa sayo kakaantay kung kailan mo ako sasagutin.
“Thank you so much Bryan,” matipid na sagot ni Amari.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-ienjoy silang pumasyal at kumukuha ng larawan at nagseselfie din ito para daw ay memories daw sila together at pinu-post ito sa social media.
"Wow, sana all ang ganda ng pictures nyo together! May chocolates and flowers pa! Kayo na ba," nakangiting tanong ni Antonia.
"Hindi parin," maikling sagot ni Amari na medyo matamlay.
"Bakit matamlay? Hindi maganda ang nangyari Amari?" Naging seryoso ang tanong ni Antonia.
"Gusto ko sya pero, kunting time nalang siguro sasagutin ko na sya," sagot ni Amari.
"Sige looking forward for it Amari. Mamaya na tayo usap andyan na professor natin."
Hindi sinagot ni Amari noong mga nakaraan dahil iniisip pa ni Amari kung tatanggapin ba nya o hindi dahil iniisip nya ang mom and dad nya baka daw sila ay magagalit strict pa naman daw mga yon, nang sinubakan nyang tanungin ang kanyang mom and dad.
“Anak you are a big girl na at ang gusto namin ay makapagtapos ka sa pag-aaral at makapagtrabaho. Pinag-aral ka namin sa kolehiyo para magkaroon ka ng magandang kinabukasan at para hindi ka maghirap sa buhay. Tinatanong mo kami ngayon kung pwede ka na mag boyfriend ay kailangan ipakilala mo sa amin ni mommy mo at dapat wala kang tinatago,”pahayag ni daddy Yan.
“Bakit namin kailangan malaman, dahil ayaw namin mapariwara o mapapahamak ang buhay mo dahil sa isang lalaki. Kung may manliligaw man sa iyo ay gusto rin namin makilala sya,”pahayag ni mommy Kara.
“Okay daddy and mommy.”
Kinabukasan ay sinabihan niya si Bryan na makikipag-usap sa mommy and daddy niya at napagdesisyonan nilang dalawa na haharap sila sa mommy and daddy pagkatapos ng last subject nila.
“Amari, I think may mga bagay pa akong dadalhin sa bahay niyo kasi liligawin ko rin ang parents mo. Samahan mo nga ako sa mall bibili tayo ng foods bago maghapunan dapat makarating na tayo doon ng maaga pa, pang dinner lang ang ating bibilhin para no need na maapagluto si mommy mo. Sakay kana sa motor ko.”
Pumunta sila sa mall after class at sa may food court sila bumili ng pansit, liempo, fries and two bottles juice or softdrinks and bumili narin itong si Bryan sa paborito nilang shawarma at sakto alas singko na sila natapos bumili at diretso na ito sa bahay nila Amari.
“Ang dami mo naman binili parang may birthday at baka maubos Ang Pera mo nyan ha,” sabi ni Amari kay Brian.
“Hindi ah kumikita ako sa farm ko. Alam mo nangangatog na talaga itong paa ko, kinakabahan ako eh! Di ba strict yung parents mo?”
“Relax ka lang Bry at maging matapang ka kung love mo talaga ako o gusto. Pipindutin ko na ang doorbell ha! Ready yourself Bry!”
“Mom and Dad! Andito na po kami sabay pindot sa doorbell.
Si Mommy Kara ang nagbukas sa gate at pagkakita nito ay na surprise si mommy ano daw ang meron bakit sobrang daming dala.
“Pasok kayo,” sabi ni mommy Kara.
“Daddy Yan tulungan mo kami dito andito na yung bisita natin,” tawag ni Mommy Kara kay Daddy Yan na nandoon sa sala na nood ng pelikula.
“Oy, pasok kayo andami naman nito para saan ba ito?" 'di makapaniwala si Daddy Yan na may magdadala ng ganito sa bahay.
Nilagay nila sa malaking misa ang mga pagkain at sakto may kanin na naluluto ni Mommy Kara at inihanda na nila ito para kumain na. Kumain narin sila ng sabay-sabay.
“Dad, Mom and Yuhan ito po si Bryan at nang aakyat po sya ng ligaw,” ngiting pag kasabi ni Amari.
‘Oh hindi ka pa ba sinagot ni Amari Bryan? Nakangiti habag nagtatanong. Bryan first of all thank you sa food and we appreciate that you are making an effort at pinapakita mo sa amin kung gaano mo kagusto si Amari. Mahal mo ba anak ko o gusto mo lang sya? Nakangiting tanong ni Daddy Yan.
“Yes po sir gusto at mahal ko po sya at hihingin ko po sana ang inyong pahintulot nyo kung okay lang po sana. Ma’am and sir kung papayag po kayo asahan nyo po na maging mabait po akong boyfriend, maalaga, laging handa tumulong kay Amari kung kailangan nya ako o kung kailangan niyo rin po ako at ninais ko po na balang araw ay siya na po ang aking mapapangasawa kapag natupad na namin ang mga pangarap.
“Napaka sweet mo naman Bryan para sa anak ko. Ano ba ang kurso na kinuha mo?” Tanong ni mommy Kara.
“Veterinary student po ako at ako ay nasa 5th year na at isang year nalang po ang aantayin ko. Meron narin po akong naitayo na negosyo noong second year college pa ako ito po ay poultry farm hindi naman ito masyadong malaki and so far maayos naman ang takbo nito.
“You are business man pala at the same time,”sabi ni daddy Yan.
“Mahilig po kasi ako sa mga hayop kaya veterinary medicine po yung kinuha ko.”
"Ah okay great at may na established kana pala at keep it up," sabi ni Daddy Yan.
"Ang hiling ko sainyong dalawa na ngayon ay magkarelasyon na kayo ay i-priority niyo parin ang pag-aaral," pahayag ni Mommy Kara.
"Ah Bryan! If you really like my daughter you can call me Daddy Yan and call her Mommy Kara. Don't call us ma'am and sir okay!" Sabi ni Daddy Yan.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap at hapunan ay nagpaalam narin ito si Bryan. Ngayon ay magaan na sa pakiramdam ni Amari na pumayag ang kanyang mga magulang at wala siyang tinatagong sekreto.
Ngayon ay linggo at pumunta sila Amari at kanyang pamilya sa simbahan at biglang naalala niya ang nakaraan nang makita niya ang batang nagtitinda ng sampaguita tungkol sa batang tumulong sa kanya after sa pangyayaring yun ay hindi na nya nakikita ang batang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng simbahan. Pagkauwi nila matapos magsimba ay hinanap ni Amari ang burdang kulay rosas na panyong binigay, na ito ay kulay asul ang tila na may nakalagay na LV. Binigyan sya ng panyo dahil pinunas ito sa tuhod na nagdurugo o nasugatan at tinulungan siya nitong makatayo sa pagkadapa. Nangyari yun noong siya ay nasa otso anyos pa at nagsisimba sila noon sa catholic church ng kanyang ina na hindi naman namalayan ng kanyang ina na lumabas pala ito na hindi nagpapaalam habang nagmimisa pa si father. Lumabas ito dahil pumunta sa mga laruang lobo na iba’t ibang disenyo at namangha ito at nang matapos na ang misa ay natataranta na ito dahil ang daming tao ang lumabas sa simbahan at siksikan kaya siya ay napaiyak sa kakahanap at takot at biglang nadapa at tinulungan sya ng bata na makatayo at hinanap ang kanyang mommy.
Nahanap ni Amari ang panyo at ito ay kanyang ginamit kung saan sya magpunta at dala-dala na niya to. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng batang lalaki basta ay ang nakasulat lamang ay LV sa panyo.

Komentar Buku (35)

  • avatar
    Kennth Glorioso

    love you

    26d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    17/06

      0
  • avatar
    FungoJonna

    super beautiful story

    01/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru