So Maui wasn’t joking. Masama ang loob ko habang nakamasid sa UV na nakaparada sa labas ng campus. Iyon kasi ang sasakyan nila Jan samantalang ako dito kay Isaac sasabay. Ang unfair talaga ng buhay. Kung sino pa yung taong kinaiinisan ko, siya pa talaga yung makakasama ko. Naglakad ako papuntang UV kung saan kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sina Jan, Maui at Colin. “Dito na lang ako.” pagmamakaawa ko kay Jan sabay kapit sa braso niya. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay sabay baling ng tingin sa likuran ko. Sinundan ko naman iyon ng tingin at nakitang nakamasid sa akin si Isaac. “Puno na yung sasakyan, wala ng space para sa’yo.” sambit niya saka pinagtulakan ako pabalik sa kotse ni Isaac. Siguro nung umuulan ng kamalasan nakalimutan ko mag-payong. Nakakaasar naman. “Get in.” Lumingon ako kay Isaac saka sinamaan siya ng tingin. Hindi niya ako madadala sa kagwapuhan niya ngayon. Galit pa rin ako sa kaniya dahil sa mga sinabi niya kahapon. “Sasakay ka ba o iiwan kita rito?” I sarcastically laughed at pinameywangan siya. “Edi iiwan mo.” paghahamon ko. Napakamot naman siya ng batok dahil sa inis. Tama ‘yan, mainis ka lang sa akin. Dahil iinisin kita hanggang sa mapikon kang suplado ka. “Sasakay ka ba o bubuhatin kita papasok sa loob ng kotse?” Natigilan naman ako sa sinabi. Maya-maya ay natagpuan ko na ang sarili kong nasa loob ng kotse at nagkakabit ng seatbelt. Sumunod naman siya at agad na pinaandar ang sasakyan. “Takot naman pala.” Pabulong-bulong pa siya akala niya naman hindi ko narinig. Inirapan ko na lang siya saka umusod palapit sa bintana. Inilabas ko na rin ang earphones sa bag ko at isinalpak iyon sa aking magkabilang tenga. Hindi pa kami nakakatagal sa byahe nang biglang huminto ang sasakyan. Mabilis kong ibinaba ang glass window ng kotse upang tingnan kung bakit ang haba ng pila ng sasakyan. “Traffic! Ano ba ‘yan!” “Sinong kinakausap mo diyan?” kunot-noong tanong niya. “Sarili ko lang, bakit ba?” pagtataray ko sa kaniya. Halos isang oras din bago umusad ang mga sasakyan. Nabo-bored na ako dahil wala akong makausap. Mukhang mapapanisan pa ata ako ng laway ngayong araw. Kung sana lang kasi kasama ko sila Jan edi masaya ako ngayon. Tatlong oras na rin kaming nasa biyahe kaya nang bandang tanghali ay nakaramdam na ako ng gutom. Ilang beses pa akong lumingon sa kaniya. Pinag-iisipan ko kung kakausapin ko ba siya o hindi. Kaya lang kung paiiralin ko ang pride ko, mamamatay ako sa gutom. “Baka pwede na tayong kumain?” Lumingon siya sa akin sandali. “Meron diyan sa likod, marami dyan.” Mabilis akong tumingin sa backseat. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang makitang puro junkfoods iyon. “Yung totoong pagkain sana.” hirit ko pa. Muli naman siyang lumingon sa akin saka pinagtaasan ako ng kilay. “Grabe naman ang arte, yung mga bata nga sa ibang bansa walang makain eh.” Aba! Ganoon ba? Agad kong ipinag-ekis ang dalawang braso ko at humarap sa kaniya. “Puwes, ibahin mo ako at isa pa nasa Pilipinas tayo oh.” Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho. Hindi naman ako nainform na ganito pala ang ugali nito, napaka antipatiko. Napaisip tuloy ako bigla kung bakit ko naging crush ‘tong lalaking ‘to. “Saan mo ba gustong kumain?” Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magsalita. Nang magtama ang aming paningin pakiramdam ko ay nalunok ko ang dila ko at hindi na ako makapagsalita. Dahil sa lapit namin sa isa’t isa ay ngayon ko lang napansin ang kaniyang hitsura. May maamong mukha, clean cut ang buhok, at higit sa lahat, mabango. His narrow nose and thin sensual lips shifted the beat of my stupid heart. “Faye, saan mo gustong kumain?” Napapitlag ako nang muli siyang magsalita. Agad akong umiwas ng tingin. Saka ko lang narealize na nasa Batangas na pala kami at kasalukuyang nakahinto ang kotse niya sa parking lot ng isang mall. Dahil sa kaba ay mabilis akong bumaba ng kotse. Hindi na ako nakapagpaalam dahil sa sobrang pagkataranta. Agad akong napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. I can almost hear my own heartbeat. Pagpasok ko sa isang fastfood restaurant ay agad akong dumiretso ng CR. Agad akong napaatras nang makita ang mukha ko sa salamin. Ang pula! Dinaig pa ang kulay ng kamatis. Mabilis akong naghilamos at nagpunas ng mukha. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Ano ‘yon? Bakit bigla-bigla na lang ako nakakaramdam ng gano’n? Agad kong pinaypayan ang sarili. Tila balewala ang aircon ng fast food dahil naiinitan pa rin ako. Muli akong tumingin sa salamin at humugot ng malalim na hininga. Hindi, hindi. Na-carried away ka lang. Natural gwapo ‘yon. Okay lang ‘yan. Crush mo lang siya, okay? Hindi ka pa nasisiraan ng bait. Muli akong huminga ng malalim bago nagdesisyong lumabas ng CR. Nang makabalik ako sa receiving area ay nakita kong sunod-sunod na pumasok sina Jan kasama pa ang candidate ng bawat colleges. Agad kong natanaw si Jeron kaya mabilis akong lumapit sa pinakamatangkad na taong pwedeng pagtaguan. And there I found a man who is tall enough. Mabilis akong lumapit dito at tumayo sa kaniyang gilid. Nang mag-angat ako ng paningin ay halos maubusan ako ng hangin sa dibdib nang makitang si Isaac ‘yon. Kalma, Faye! “Anong ginagawa mo?” kunot-noong tanong niya sa akin sabay lingon sa paligid. I placed my finger in my lips to hush him up. Nang muli kong sinilip si Jeron ay nakita kong mukha itong may hinahanap. “Nagtatago ako.” bulong ko sa kaniya. “Bakit?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Basta, h’wag ka ngang tanong nang tanong diyan, baka isipin kong intresado ka sa’kin.” sambit ko sabay muling silip kay Jeron. “Eh kung sabihin kung oo.” Kumunot ang noo ko. “Ha?” “Oo, intresado ako sa’yo.” Napatitig ako sa kaniya sandali. Nang makahuma ay agad akong pumalakpak at tumawa. Hinampas ko pa siya sa braso. “Uy, joker ka pala!” Muli akong tumawa saka pinalo-palo siya sa braso. “H’wag mo nang uulitin ‘yon ah.” saad ko sabay takbo papunta sa table nila Jan. H’wag mo nang uulitin dahil baka maniwala ako. Pagkarating ko sa puwesto nila ay agad kong itinakip ang palad ko sa aking mukha at pinadyak-padyak ang aking mga paa sa sahig. “Anong nangyari sa’yong bruha ka?” tanong ni Jan. Umiling lang ako. Ano ba naman ‘yon? Sinadya ba niyang sabihin ‘yon para makita kung kikiligin ako o hindi? Nagmukmok na lang tuloy ako sa lamesa at hindi na nakakain. Itinake out ko na lang yung pagkain na para sa akin. Nang makabalik ako sa loob ng kotse ay saglit akong natigilan nang makitang nandoon na siya. Mukhang kanina pa naghihintay. Nang lumingon siya sa akin ay agad akong nagpanggap na may ginagawa. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Cute mo.” I cleared my throat and acted like I didn’t hear what he said. Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa aking cellphone at napanggap na may tinitext. Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya hindi ko na napigilang mapatingin sa kaniya. “It’s true.” sambit niya bago tumingin sa akin. Napakurap-kurap ako at napalunok ng sariling laway. “Ang alin?” “I’m interested in you.” aniya saka tipid na ngumiti.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 29 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Lihat Semua