I woke up earlier than usual. Marami kasi akong kailangang asikasuhin ngayong araw. Pagbaba ko ng hagdan ay narinig ko si Kuya at Papa na nagtatalo. I heavily sighed. Paniguradong tungkol na naman ito sa nangyari kagabi. Nang makita nila akong papasok sa kusina ay agad silang tumigil. Marahil ay ayaw nilang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Mabilis akong umupo sa upuan at nagsimula nang magsandok ng pagkain. “Kuya, ayaw mo talaga akong samahan sa mall?” muling tanong ko sa kaniya habang kumakain kami ng agahan, umaasa na papansinin niya ako sa kabila ng nangyari sa amin kagabi. “Hindi na. Kaya mo na ‘yan. ‘Di ba malaki ka na?” saad niya sabay subo ng pagkain. I pouted. “Kaya lang naman ayaw mo akong samahan kasi natatakot kang isipin ng iba na girlfriend mo ako. Natatakot ka na baka isipin ng crush mong taga Adamson na may girlfriend ka na.” pang-aasar ko sa kaniya. “Wala akong crush. Saka hindi ka mapagkakamalang girlfriend ko, personal assistant pwede pa.” walang ganang sambit ni Kuya. So he’s still mad at me. Hindi bale na babawi na lang ako sa kaniya ‘pag uwi ko. Hindi rin naman niya ako matitiis. NANG makarating ako sa school ay agad akong nagtungo sa club room namin. Nandoon na rin sina Jan at Maui. Mukhang hindi na rin sila pumasok sa mga klase nila ngayong araw. “Ano, Faye? Nakabili ka na ba ng mga gamit na dadalhin mo sa Coron?” bungad sa akin ni Jan. Mabilis naman akong umiling bago lumapit sa table ko at inilapag ang bag na dala ko. Napangiti naman ako nang makita ang complementary copy ng excuse letter namin na nakapatong sa table ko. Pirmado na ito ng mga Professor at Dean ng kinabibilangan naming College Program. Kinuha ko ang folder at inilagay iyon sa loob ng drawer. “Si Colin?” tanong ko kay Maui. “Sa mall, may mga kailangan pa raw siyang bilihing equipment.” sagot nito habang kasalukuyang nakatitig lang sa photography equipment na pag-aari niya. Marahil ay pinag-iisipan niyang mabuti kung saan ilalagay ‘yon. Hindi na rin naman ako nagtagal sa club office. Pagkalabas ko ng gate ay agad akong pumara ng jeep. Saglit lang din naman ang byahe dahil hindi masyadong traffic. Pagkababa ko ay mabilis akong tumakbo papuntang entrance ng mall. Maaga pa lang pero marami ng tao. Karamihan ay mga senior high school student. Mayroon ding mga college students na kumakain sa mga food stalls at mayroon ding nagre-review. Naging tambayan na ng mga estudyante ang mall dahil maraming eskuwelahan ang malapit dito. Duffel bag at isang pares ng tsinelas lang naman ang bibilhin ko. Sapatos sana, kaya lang naalala ko beach pala ang pupuntahan namin. Yung lumang sapatos ko na lang ang dadalhin ko in case na kailangan. Ayoko naman gumastos nang gumastos dahil wala rin naman akong extrang pera. Napagkasunduan kasi naming h’wag muna galawin ang bank cheque hangga’t hindi pa talaga kailangan. Mas okay na rin ‘yon. Kailangan naming magtipid lalo na limang araw kaming mananatili sa Coron. “Faye?” Agad akong napalingon upang tingnan kung sino ang tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Sir Rafael iyon. Nakasunod naman sa kaniya ang tatlong lalaki na mabagal maglakad. Si Isaac at Sebastien lang ang kilala ko sa tatlo. Hindi familiar sa akin yung isang lalaki na mahaba ang buhok. “Sir!” kunwaring excited na bati ko kahit sa totoo ay gusto ko nang tumakbo palabas ng mall. Bakit naman pati dito nagkakasalubong pa kami? Hindi pa rin ako nakikita nong tatlo dahil mukhang may pinagkakaabalahan silang panuorin sa kaniya-kaniya nilang cellphone. “Good morning Si Rafael, Sir Isaac, Sir Sebastien and Sir…” Napakamot na lang ako ng batok dahil sa hiya. Hindi ko kasi alam kung ano ang pangalan ng isang lalaki. Sabay-sabay naman silang napaangat nang tingin sa akin. Mabilis na itinago ni Sebastien ang cellphone sa bulsa. Si Isaac naman ay seryosong nakatingin sa akin. Samantalang yung isa mukhang gulat na gulat na makita ako. Bakit? May mali ba sa akin? May mali ba sa suot ko? I was wearing a loose white shirt na nakatucked-in sa black high-waisted pants. Okay naman sa paningin ko yung suot ko at komportable naman ako. Bakit ganoon yung reaksyon no’ng isa? “Si Arah ba ‘yan?” bulong nung lalaki kay Sebastien. Nakita kong siniko ni Sebastien yung lalaki dahilan para biglang mapatahimik sa isang tabi. He pursed his lips to prevent himself from talking. “Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Sir Rafael. Mabilis ko namang itinaas ang paperbag na may lamang duffel bag at tsinelas sa loob. Tumango naman siya nang makita niya iyon. “Kumain ka na?” tanong niya. Mabilis akong umiling. Hindi pa naman ako gutom at saka maaga pa naman. “Sumabay ka na sa amin, kakain na rin kami.” “Naku Sir, hindi na po. Okay lang. Maaga pa naman.” His brows furrowed in confusion saka agad na napatingin sa suot na relo. Naka-apple watch siya. Iba talaga kapag mayaman. “It’s already 11:30.” saad niya saka tumingin sa akin, nakakunot pa rin ang kaniya noo. 11:30 na? Chineck ko rin kaagad ang oras sa suot na relo at tama nga si Sir. “Tara na, sumabay ka na sa amin.” yaya naman ni Sebastien sabay hila sa braso ko. NATAGPUAN ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isang upuan sa pizza parlor. Kaharap ko yung lalaki na hindi ko alam ang pangalan. Panay ang tingin niya sa akin mula kanina pa. “Macky, h’wag mong tinatakot si Faye.” natatawang turan ni Sebastien. Umiwas naman ng tingin sa akin si Macky pero maya’t maya ay napapasulyap sa gawi ko. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Sir Raf saka umupo sa tabi ko. Dumating na rin naman agad yung in-order niyang pizza at carbonara at may sumunod pang lasagna. Nang mapatingin ako sa pizza ay awtomatiko akong napangiwi. Hawaiian!? Bakit naman gano’n? Bakit ba kasi kailangan pang lagyan ng pineapple ang pizza? “Uh… bakit?” nagtatakang tanong ni Macky sa akin. Umiling lang ako saka mabilis na kumuha ng pizza. Baka kasi isipin nila maarte ako. Libre na nga tapos nag-iinarte pa. Andami kayang tao sa Pilipinas ang hindi nakakakain nang maayos. Ma-suwerte pa ako sa lagay na ‘to. Nagtitigan muna kami ng pizza na nasa plato ko bago ako tumayo at nagdesisyong manghingi ng isang pirasong toothpick sa waitress. Inilapit ko pa ang mukha ko at tinitigang mabuti ang pizza para alisin isa-isa ang mga pineapple bits na nakadikit doon. “Anong ginagawa mo?” napatingin ako kay Isaac na seryosong nakatingin sa akin at sa ginagawa ko. “Inaalis ko ‘yong pineapple.” mahina kong sabi. Saka ko lang narealize na lahat pala sila nakatingin sa ginagawa ko. Mukhang na-bother sila sa ginagawa ko kaya hindi pa sila kumakain. Nakakahiya tuloy. “Ayaw mo ng pineapple sa pizza?” tanong ni Sir Rafael. Marahan akong tumango saka ipinagpatuloy ang ginagawa. “Bakit?” Ngumiti ako sa kaniya. “Pangit kasi tingnan.” alanganin kong sagot. The guy named Macky and Sebastien both laughed. Samantalang si Sir Rafael ay napangiti na lamang saka inabot ang baso ng iced tea at uminom. Si Isaac naman mukhang nag-iisip sa isang tabi. Mukhang talaga siyang masungit but he’s fascinating. The kind of person you can’t stop looking at. “Arah hates pineapple on pizza too.” saad ni Sir Rafael pagkababa niya ng baso sa lamesa. Arah na naman? Tatanungin ko na sana kung sino si Arah nang biglang tumunog ang cellphone ni Isaac. “Yes, Patrice? Yes! Pabalik na kami.” Agad niyang pinatay ang tawag saka makahulugang tumingin kina Sir Rafael. “Macky, pwede mo bang samahan si Faye? Pinapabalik na kasi kami sa University. May problema lang.” Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang apat. Magsasalita na sana si Macky pero agad akong umiling. “Okay lang po ako. Kaya ko naman po. Sir Macky, okay lang po.” mabilis na agap ko. Ayoko namang makaabala pa sa kanila kaya halos ipagtulakan ko sila palabas ng pizza parlor. Nasa labas kami ng parlor nang makita ko si Kuya Ryan na nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatingin siya sa akin at sa mga kasama ko. “Kuya!” sigaw ko sa kaniya sabay kaway. Hindi niya ako pinansin. Mabilis siyang tumalikod at naglakad papalayo. Anong ginagawa niya rito? Nagkataon lang ba? Gusto ko sana siyang habulin kaya lang bigla akong hinawakan ni Sir Rafael sa braso. “Sigurado ka bang kaya mo rito?” Wala sa sariling napatango na lang ako. Nawala na sa paningin ko si Kuya. I can’t help but to feel bothered. “Sige. Babalik na kami sa school.” I smiled and nodded. Nang makita ko silang naglalakad paalis ay napabuntong hininga na lamang ako at naglakad pabalik sa table na puno ng pagkain. “Sayang naman ‘to.” Bulong ko habang tinitingnan ang mga pagkain na wala pang bawas. “Gusto niyo ma’am i-take out?” Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang nagsalita sa likuran ko ang isang waitress. Kanina pa ba siya nasa likuran ko? “Pwede po ba?” tanong ko. Makapal na yata talaga ang pagmumukha ko. Ang lakas ng loob kong ipa-take out ang pagkain kahit hindi naman ako ang nagbayad. “Daming dala ah, uy Pizza!” tuwang-tuwa na salubong sa akin ni Jan. Agad niyang kinuha ang paper bag na hawak ko upang i-check ang laman no’n. Si Colin naman ang kumuha ng isang paper bag na may lamang pagkain. Nang makita ni Jan na duffel bag at tsinelas lang ang laman niyon ay sinamaan niya ako ng tingin. Agad siyang tumalikod at pumunta sa kaniyang table at may kinuha roon. “Pinabibigay ni Mama.” saad niya sabay abot ng isang maliit na paperbag. “Para saan daw?” tanong ko saka binuksan iyon. Napangiti ako nang makita kung anong laman niyon. Isang bottle ng sunblock, isang bottle ng moisturizer, isang whitening soap at isang bottle ng bodywash. “Baka naman kaya binibigyan ako ng Mama mo ng ganito kasi gusto niya na ako ang mapangasawa mo.” pang-aasar ko kay Jan. “Kung ikaw rin lang, ‘di bale na. Magpapakatandang binata na lang ako.” nakangiwi niyang saad saka umarte pa na tila nasusuka. Ang arte, parang siya pa yung lugi ah. Aasarin ko pa sana siya kaya lang biglang nag-vibrate yung phone ko na nasa bulsa ng pants ko. Text message ‘yon mula kay Miss Patrice. Pinapapunta kami sa conference hall dahil may urgent meeting daw. Agad ko namang sinabi iyon sa kanilang tatlo kaya nagmadali na rin sila sa pagliligpit. “Hindi ko rin alam kung bakit gano’n ang nangyari.” halatang stressed na stressed si Miss Patrice habang kausap si Sir Rafael. “Akala ko ba natawagan mo na si Monica? Hindi ba malinaw kong inutos sa’yo ‘yon? Kung nabanggit mo kaagad sa kanya edi sana hindi nadala ni Vince lahat ng equipment ng Recreatives sa New York.” Napalingon ako nang marinig ang pagtataas ng boses ni Isaac kay Miss Patrice. Hiyang-hiya yumuko si Miss Patrice dahil pinagtitinginan na siya ng mga staff na kararating lang sa hall. “Sorry, Sir” “May magagawa ba ‘yang sorry mo?” Jan is currently checking his camera, si Maui at Colin ay nakatutok sa mga bukas nilang laptop. Alam kong naririnig din nila ang pinag-uusapan pero pinili na lang nilang mag-focus sa kani-kanilang ginagawa at magpanggap na walang naririnig. “Sorry, sorry, Sir” paulit-ulit na sambit ni Miss Patrice na ngayo’y humihikbi na. Si Sir Rafael at Sebastien ay tahimik lang na nakikinig samantalang si Isaac ay napahawak na lamang sa sintido niya at marahan iyong hinilot. I don’t exactly know what happened. Pero hindi naman ata tama na pagalitan niya sa ganoong paraan si Miss Patrice lalo na at marami ang nakakakita. “Ano nang gagamitin namin?!” frustrated nitong tanong. Agad akong napatayo sa upuan. “W-we can provide.” Napalingon naman sila sa kinaroroonan ko. Humarap sa akin si Isaac at mataman akong tinitigan. Of course, I didn’t back down, sinalubong ko ang mga tingin niyang iyon kahit na kinakabahan ako. “Seriously?” natatawa niyang saad, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “I don’t need your low quality equipment, Faye.” mahina ngunit mariin niyang sambit. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. I lowered my head. I squeezed my eyes shut and sighed heavily. Ano raw? Low quality? I scoffed and looked at him. Tama naman siya. Hindi kasing ganda at kasing mahal ng equipment nila yung mga gamit namin. Pero wala siyang karapatang sabihin ‘yon. Mabilis akong nag-angat ng paningin at tiningnan siya diretso sa kaniyang mga mata. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. “Para namang may choice ka.” He runs his fingers through his hair in frustration at saka naglakad papasok ng opisina ni Sir Rafael. Inis na ikinuyom ko ang kaliwang palad ko. Sa susunod na laitin niya pa ang photography equipment namin, masusuntok ko na talaga siya. “Puso mo.” natatawang saad ni Jan habang nagkunwaring may pinupulot sa sahig at iniabot iyon sa akin. Mabilis kong tinampal ang kaniyang kamay. Mukhang hindi naman siya affected sa sinabi ni Isaac. Kahit si Maui natatawa lang sa isang tabi. “Hindi man lang ba kayo na-offend?” inis na tanong ko sa kanila. “Na-offend pero konti lang. Totoo naman kasi na lowqual lang equipment natin.” saad niya sabay taas-baba ng kaniyang dalawang kilay. “Akala ko ba baby mo ‘yon, LQ agad?” nakangising saad ni Maui. “H’wag mo akong simulan Maui, sasamain ka sa akin.” Mas lalo lang siyang natawa. “H’wag ganyan. Sa sasakyan ka pa naman niya sasakay bukas.” Mabilis akong napalingon kay Maui dahil sa sinabi niya. “Pinagsasabi mo?” Nagkibit-balikat siya. “Walang ulitan sa mga taong bingi.” Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong kong inilagay sa bag ang mga damit na dadalhin ko papuntang Coron. Isang mahinang katok sa pinto ang nagpatigil sa akin sa ginagawa. Tumayo ako upang buksan ang pinto. Nakita ko si Papa na nakatayo sa labas at may hawak na isang kahon. “’Pa!” I wasn’t expecting him to visit me in my room tonight. “Pwede bang pumasok anak?” Agad akong tumango at binuksan ng mas malawak ang pinto. “May ibibigay nga pala ako sa’yo.” nakangiti niyang sambit sabay abot sa akin ng kahon. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan. Dahil sa pagkabigla ay napatakip ako sa aking bibig. “’Pa! bakit ka bumili nito? ang mahal nito!” I was half shocked half excited dahil ito ang isa sa mga pangarap kong camera. Nikon D850! “’Papa naman, hindi mo naman kailangang bumili ng ganito.” Papa held my hand and squeezed it lightly. “Gusto ko lang na matupad ko yung isa sa mga pangarap mo, anak.” Napatingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Naiinis na lumapit ako sa kaniya para yumakap. Truth be told, Papa is the most selfless person I’ve known so far. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bait niya sa amin, lalo na sa akin. Hindi siya nagkukulang sa amin ni Kuya kahit hindi kami mayaman. He works too hard for us. “’Pa naman, pinapaiyak mo ako.” reklamo ko sabay punas ng luha sa pisngi. “I want you to reach your dreams, anak. I want to see you flying so high.” I smiled at him. They have no idea how thankful I am because of them. Pakiramdam ko, buong-buo ako dahil sa kanila. I hugged Papa once again bago ko ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko. KINABUKASAN ay maaga kaming nagtungo sa La Salle. Hinatid ako ni Papa gamit ang sasakyan na kakakuha niya lang sa pagawaan kahapon. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong nakita si Sir Rafael sa labas ng gate. Kumaway pa ako sa kaniya at ngumiti. Si Papa ang nagbuhat ng duffel bag na dala ko. Nang maalala kong may kailangan pa pala akong kunin sa club room ay nagpaalam ako sa kanila agad. Hindi rin naman ako nagtagal at bumalik na rin ako sa labas. Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang makitang nag-uusap sina Papa at Sir Rafael. Panay ang tango ni Sir Rafael habang nagsasalita si Papa. Hindi ko na napigilang umiling. Kahit kailan talaga si Papa, palagi niya na lang akong binibilin sa ibang tao. “’Pa, salamat sa paghatid.” saad ko sabay yakap kay Papa. He just nodded saka bumalik na sa sasakyan. Muli akong humarap kay Sir Rafael. “Sir, kanino po ako sasabay?” He smiled back. “Kay Isaac.”
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 64 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Lihat Semua