Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako ng head office na matatagpuan sa fourth floor ng Gokongwei building. Pero sa tuwing mabibigyan ako ng pagkakataon na makaupo sa plushy velvet brocade sofa na matatagpuan sa receiving area ng kanilang opisina, ay parang ayaw ko nang tumayo roon. Sa lawak ng espasyo nito sa loob, ay puwede na itong tirahan ng tatlong pamilya. Ang interior design ang pinakanagustuhan ko sa lahat. Nakasabit sa dingding nito ang mga litrato ng orihinal na nagtatag ng eskwelahang ito na De La Salle brothers. The whole room screams american colonial style. It is a combination of traditional and rustic home design, while incorporating historically inspired elements. Ang kulay ng dingding ay hindi rin ganoon katingkad. Dumako naman ang paningin ko sa malawak na center table na nagsisilbing meeting table ng mga investors at board of director ng unibersidad. “Ms. Ramirez, pasok na raw po kayo sa office ni Sir Evangelista.” Nakangiting turan sa akin ng secretary ni Sir Rafael. Agad naman akong naglakad at marahang kumatok sa pinto ng opisina. “Come in.” “Good morning, Sir.” bati ko kaagad sa kaniya pagpasok ko sa opisina Ngumiti kaagad si Sir Evangelista saka mabilis na isinantabi ang mga folders na nasa harapan niya. “Sit down.” Alanganin akong ngumiti saka pinagmasdan ang wing chair na uupuan ko. Kilala ko ang nagdesign ng upuan na ito. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko inakala na makakakita ako nito sa personal. “May problema ba?” maang na tanong ni Sir Rafael sa akin. Marahan akong umiling sa kaniya saka binalingan muli ang upuan. “Bella Rustica’s design?” tanong ko kay Sir habang nakaturo sa upuan. Tumango naman kaagad si Sir sa akin, saglit pa ako nitong pinagmasdan bago ngumiti. “You have eyes for chair models huh. You’re like my Mom.” mabilis akong tumango at saka agad na ring umupo dahil may inilabas ng folder si Sir. “This is your contract. If you need more copies of it, puwede kang magsabi sa secretary ko para makapag-print siya uli ng kopya nito base sa dami ng kailangan niyo.” He said as he handed me the folder` . “Hindi mo naman kailangang pirmahan kaagad. You can discuss it with your team later at kapag buo na ang desisyon niyo, pwede mo nang ibalik sa akin ang original contract na hawak mo.” Tumango naman ako sa sinabi ni Sir. “And... this is your fee.” Marahan kong inabot mula sa kaniyang kamay ang bank cheque para tingnan kung ilan ang mare-receive naming compensation sa trabahong ito. My eyes widened when I saw the figures in the cheque. This is huge. Bumaling ako nang tingin kay Sir Rafael na matamang nakamasid sa akin. “What do you think? Kulang pa ba ‘yan?” Agad akong umiling. “No, Sir. I think this is more than enough.” Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I can’t wait another second to discuss it with the team but… “Sir, prank ba ‘to?” matapang kong tanong. Bahagyang siyang natawa sa tanong ko. His deep dimples appeared in his both cheeks. “No, hindi ‘yan prank. We just know how to properly compensate people who work their very best for the university.” seryoso niyang sabi. “If that’s the case, sa tingin ko po kailangan umalis para mai-discuss ang kontrata sa kanila.” Tumayo na ako saka dahan-dahang naglakad palabas ng HO. Nang tuluyan ko nang mailapat ang pinto nito ay mabilis akong tumakbo mula Gokongwei pabalik sa Miguel. Nang makarating ako sa labas ng room ay doon na ako napahawak sa aking dibdib habang hinahabol ko ang sarili kong hininga. Nakakahingal din pala. Nakita naman ako kaagad ni Jan kaya inalalayan niya ako papasok ng office. Nakataas naman ang kilay ni Maui habang matamang nakatitig sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit ganoon ang hitsura ko. Hindi na ako makapagsalita dahil sa pagod kaya inilapag ko na lamang sa table ang dalang kontrata at cheque. Agad naman silang lumapit sa lamesa para makita ang nilalaman no’n. Binasa nilang maigi ang nakasulat sa kontrata at halos hindi makapaniwala nang makita nila kung magkano ang kikitain namin doon. I can clearly see the satisfaction in their faces kaya hindi na rin ako nag-aksaya ng minuto at agad na pinirmahan ang kontrata. Nang mapirmahan na naming lahat iyon ay nagvolunteer na si Colin na siya na ang maghahatid ng pirmadong kontrata pabalik sa head office. “Ms. Faye.” Napalingon ako sa bukas na pintuan kung saan nakasandal sa hamba noon ang main organizer ng event na si Miss Patrice. “May time ba kayo ng team mo mamayang 3 pm?” tanong niya. Sinensyasan ko si Jan na i-accommodate si Miss Patrice pero agad na tumanggi ang dalaga. “No need, napadaan lang ako rito. Nabanggit kasi sa akin ni Sir Rafael na sabihan daw kayo tungkol sa meeting mamaya.” “Sure po, Miss Patrice. Saan po ba ang meeting place?” “Sa Henry Sy building, fourth floor.” saad nito bago tuluyang nagpaalam. Kinuha ko ang planner ko at sinulat doon ang mga bagay na kailangan naming paghandaan. Habang hinihintay naming bumalik si Colin ay sinet-up ko muna ang projector at white screen sa harapan. “We have to be flexible on our schedule, especially the both of you, Maui and Colin.” saad ko sabay turo sa kanilang dalawa. Si Maui at Colin ang magsisilbing graphic designer at video editor ng team. Samantalang kami ni Jan ay naka-assign sa photography and videography. Pagkatapos naming mag-brainstorm ay inayos na namin ang kaniya-kaniya naming gamit. “Tara sa Agno.” yaya ni Maui. “G!” mabilis na sang-ayon ni Jan Mabilis nilang niligpit ang mga nakakalat na equipment. Nilagay ni Maui sa loob ng bag ang lens at sa isang bag naman ang camera. Nauna silang naglakad dahil kinailangan ko pang i-lock ang room. Isa sa pinakasikat na food court sa La Salle ay ang Agno. Sa loob nito ay may ibat-ibang food stalls na pwedeng kainan pero ang pinaka paborito namin ay yung bacsilog ni Ate Rica. Talagang kahit hindi taga La Salle dumadayo rito para lang makakain no’n. Pagdating namin sa Agno ay agad na pumila si Jan para makabili ng bacsilog. “Uy, orderan mo ‘ko ah. Punta lang ako sa loob titingnan ko kung may available na mongolian.” paalam ko kay Jan. Iniwan ko na rin ang bag ko kay Colin para hindi ako mahirapan sa pagpasok sa loob dahil marami-rami ang mga estudyante ang naroon, mahirap makipagsiksikan. “Faye!” Nang makita ko si Jeron ay agad akong tumalikod at naglakad pabalik sa labas. Kung minamalas ka nga naman! “Bakit?” nagtatakang tanong ni Maui sabay tingin pa sa likuran ko. Mukhang atang nahalata niya ang pagkabalisa ko. “Jeron.” tipid kong sambit saka umupo nang maayos. Narinig ko namang parehong natawa si Colin at Maui dahil sa hitsura ko. “Sagutin mo na kasi. Three months na rin ‘yang nanliligaw. Ikaw pa lang ata ang niligawan niya ng gano’n katagal.” Napangiwi ako sa sinabi nila. “Duh. ayoko sa babaero. Saka si Jeron? mawawalan ng babae? asa!” “Kita mo, hindi pa nga kayo, nagseselos ka na.” pang-aasar pa ni Maui. “Never ako magkakagusto ro’n uy!1 p Ang gusto ko yung magaling din sa photography o ‘di kaya ay graphic designer para makatulong pa sa akin. Anong mapapala ko sa basketball player, sakit ng ulo?” “Oo na, oo na. Dami mong sinasabi.” saad ni Maui sabay taas pa ng kaniyang dalawang kamay na animo’y sumusuko. “Faye.” Biglang sumama ang pakiramdam ko nang makitang nakatayo na sa harapan namin. Inagaw pa niya ang upuan noong isang estudyante para umupo sa mismong tapat ko. Hindi ko mapigilang mapairap dahil sa ginagawa niya. Ano na namang pakulo ‘to? Wala ba siyang concept ng personal space kaya lapit siya nang lapit sa akin? “Hindi mo ba talaga ako sasagutin? tatlong buwan na Faye.” I wanted to roll my eyeballs pero nakatingin sa akin ang karamihan ng mga tao at ayaw ko namang isipin na minamalditahan ko ‘tong crush ng bayan na si Jeron. Natahimik naman ang dalawa kong katabi at nagpapanggap na busy sa kani-kanilang phone. “Bakit tumatawag ka ba?” tanong ko sa kaniya Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Maui sabay takip ng kaniyang bibig. Kumunot naman ang noo ni Jeron dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi niya na-gets. Ano ba ‘yan, ang slow! Ayoko sa mga taong slow. “Ha? gusto mo bang tawagan kita palagi? Pero wala akong number mo.” naguguluhan niyang tanong This time si Colin naman ang natawa kaya agad ko itong kinurot sa tagiliran. Tss. So annoying. Inis na tumayo ako at mabilis na kinuha ang bag ko. Nakakawalang gana naman kapag ganito. Hindi ba niya nahahalata na iniiwasan ko siya? Gano’n ba siya ka-dense? “Faye naman!” he grunted Gwapo at sikat nga, ang hina naman mag-isip. At isa pa ayoko sa mga kagaya niyang maraming fans, baka magkaroon pa ako ng bashers. Hindi makakabuti ‘yon sa akin. “Excuse me, you’re standing in my way.” saad ng lalaki kay Jeron. Sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita. Oh? Ito yung lalaki sa warpzone kanina. “Faye…” Hindi pa nga ako tapos na pagmasdan yung lalaki, ito namang si Jeron tawag nang tawag. Muli ko siyang sinamaan ng tingin bago naglakad paalis. Napakakulit! Kumunot ang noo ni Jan nang makita niya akong papalabas ng Agno, hawak pa niya ang isang tray na may lamang apat na cup ng bacsilog. “Saan ka pupunta?” “Take out niyo na lang sa’kin. Sa Bloemen Hall na lang tayo magkita.” “Faye!” muli pang tawag ni Jeron. Dahil sa sobrang dami ng tao na pumapasok ay hindi na niya ako nahabol. Mas sanay akong makisabay sa daloy ng mga tao kumpara sa kaniya kaya mas mabilis akong nakalabas. At dahil kumakain pa sina Jan ay dumiretso na lamang ako ng Bloemen Hall gaya ng sabi ko sa kaniya. May mga food stalls din doon pero medyo mahal kumpara sa mga pagkain sa Agno. Mukhang mapapagastos pa ako ng malaki nito. Kainis! Halos 30 minutes ko rin silang hinintay. Nang dumating sila ay halos katatapos ko rin lang kumain. Habang ang ibang estudyante ay nasa mga benches at nagkukwentuhan, kami naman ay patungo ng Henry Sy. Minabuti naming maagang pumunta since wala na rin naman kaming klase. Nang makarating kami sa sa lobby ng building ay agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Maraming mga nagkalat na estudyante roon at karamihan ay mga Mass Communication students. May iba ring estudyante na sinasadyang pumunta rito tuwing break time nila para lang mag-picture o tumambay. Sobrang instagrammable kasi ng lugar at maaliwalas din kaya doon madalas nagrereview ang mga estudyante. Napaangat ako nang tingin nang biglang may dumaang dalawang matangkad na lalaki sa harapan ko. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang muli yung lalaki kanina. Pero this time nakatutok na ito sa hawak na cellphone. Saglit namang napalingon sa akin yung lalaking kasama niya na nakasuot ng specs, bahagya pang kumunot ang noo nito bago mabilis na humabol sa lalaking nasalubong ko sa warpzone. Hanggang sa makasakay sila ng elevator ay hindi pa rin maalis ang tingin nito sa akin. Ilang beses pa nitong kinalabit ang kasama na nakayuko at abala sa pagtitipa sa cellphone. Mabilis tuloy akong humarap kay Jan para itanong kung may dumi ba ako sa mukha. “Hindi lang mukha ang marumi sa’yo Faye, pati buong pagkatao mo.” pang-aasar pa niya. “Nakakatawa ‘yon?” inis na saad ko sabay kurot sa tagiliran niya. Napa-aray naman siya at mabilis akong sinamaan ng tingin. “Mauna na kayo, sunod na lang ako.” Pinagtaasan ko ng kilay si Maui nang iabot niya sa akin ang bag na may lamang camera. “Date na naman?” tanong ko “Quick spicy time lang with girlfriend.” aniya sabay ngisi. Napangiwi naman ako nang marinig iyon. Si Jan naman ay umarte pang nasusuka. Iba talaga si Maui, kahit saan, kahit kailan, ‘pag inatake ng kalandian hindi magpapapigil. “Bilisan mo ha, ‘pag ikaw na-late.” Sumaludo lang siya at mabilis na tumakbo paalis ng Henry Sy. Samantalang kami ni Jan at Colin ay dumiretso na papuntang elevator.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 47 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (288)
Merry Angel Sanchez Paraiso
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0
Xhel Arines Ibarbia
hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
It is an awsome novel for me. It is very interesting 😻😻😻
16/08/2022
0hi🙂 ikaw kaunaunahang pinallow ko sa novellah ang ganda ng kwentong gawa mo.pero bakit po pinatay si isaac reyes😭😭😭😭 galing mo mag sulat.
14/01/2022
0Beautiful story but sad ending
19/08
0Lihat Semua