logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 8

Tulad ng sabi niya sa akin, tinawag niya ako ilang minute magsimula ang audition na gaganapin sa conference room. Pagkapasok ko, marami nang tao sa loob at nakahanda na ang lahat.
“Ilan ba lahat ang mag-audition?” tanong ko kay Meynard.
“Nasa mahigit limang daan ang sasalang sa first screening. Nasa lobby sa baba ang iba na malayo pa ang number nila at ‘yong iba nasa hallway kasi hindi kakasya lahat dito sa loob.”
“Dapat pala itinuloy na sa isang hotel gaganapin ang audition nag-rent na lang sana tayo ng isang function hall para hindi ganito ka gulo tingnan. Kung alam ko lang na magkakaganito hindi ko na sana inap-prove na dito sa conference room.”
“Sige po kakausapin ko ang team na in-charge sa audition para maayos nila ang ibang tao na nakakalat sa hallway at lobby.”
“Subukan niyo din tumawag sa pinakamalapit na hotel kung may bakante silang function hall na p’wede nating magamit after lunch. kasi hindi p’wedeng ganito ang makikita ng President at VP ng kompanya baka sakaling biglang susulpot ang mga ‘yon. Bakit titipirin ang budget kung magiging ganito kagulo ang mga tao nakakalat kahit saan. Tawagin mo ang head ng team at papuntahin mo sa office ko sabihin mong kakausapin ko ngayon din!” galit kong utos kasi hindi ko nagustuhan ang mga nakikita ko. Ngayon lang nangyari ito na ang daming tao na nakakalat. Sigurado akong hindi magugustuhan ng mga boss namin kapag nakita ito o makarating sa kanila ang mga nangyayari ngayon.
Padabog akong lumabas sa conference room at naglakad ako pabalik sa opisina ko. Nakakahiya sa representative ng client namin.
“Sir, nandito na po si Andrew ang head ng team,” rinig kong sabi ni Meynard habang nakatalikod ako sa kanila dahil umiinom akong ng tubig baka sakaling kumalma ako.
“Can you explain to me everything?” bungad ko nang tuluyan na akong makaharap sa kanila. Ni hindi ko na siya hinayaan na bumati sa akin kasi hindi ‘yon ang kailangan ko kung hindi ang maayos na pamamaraan para sa gagawing audition.
“Sir, kasi po hindi naman namin inakala na ganoon karami ang mag-audition. Kaya kampante po kaming maging sapat ang conference room para sa venue ng audition.”
“Tapos ngayon hindi pa rin kayo nag-iisip na paraan para maayos ang problema na ‘yan?” bulyaw ko.
“Meynard! Ano na nangyari doon sa pinatawagan ko?” medyo mataas pa rin ang tono ng boses ko habang tinanong ko siya.
“May isang bakante po na pwede nating magamit agad. Sinabihan ko na po ang ibang team na papuntahin na doon ang mga mag-audition para habang si Neri po ang pinaasikaso ko sa contract para sa ilang oras nating gagamitin ang function hall ng hotel. Pupunta na po agad si Neri doon pero dahil close deal na po pinayagan po nilang buksan na para sa atin para doon na po maghihintay ang lahat ng mga mag-audition. Nasabihan na rin po ang member ng panel pati ang representative ng client natin,” mahabang paliwanag niya. Habang si Andrew ng head ng team hindi makatingin sa akin. Alam kong natakot ko siya kasi bibihira lang naman ako nagagalit sa kanila, hindi ko lang talaga napigilan ngayon, gawa ng maraming iniisip ko tapos hindi pa nakatulong ang nakitang kong maraming tao nakakalat sa hallway.
“Okay. Keep me posted. Go! Ayusin niyo ang mga tao diyan sa labas malalagot tayong lahat kapag makarating ‘yan sa mga boss natin! Huwag niyo hintayin na ako pa ang lalabas diyan sa hallway para mag-ayos! Kayo na rin ang bahala magpaliwanag sa mga taong ‘yan kung bakit madelay ng konti ang pag-uumpisa ng audition. Huwag niyong pabayaan ang mga member ng panel, asikasuhin niyo ang pagkain nila malalagot tayo niyan kapag may magreklamo na hinayaan nating magutom habang naghihintay na magsimula ang audition. At kung pwede hatiin ang mga mag-audition hanggang bukas kasi sa dami niyang malabong matatapos tayo ng maaga. Kayo na ang dumeskarte kung paano niyo sila mahahati,” agad na silang kumilos, hindi na sila naghintay na baka may sasabihin pa ako, nakita kong nag-unahan na sila sa paglabas ng opisina ko.
Napabuntong hininga na lang ako nang maiwan akong mag-isa.
“Hindi na ba talaga ako tatantanan ng mga problema? Nakakapagod parang gusto nang sumuko ng utak ko sa daming pilit na pumapasok para lang guluhin lang ang isip ko. Hindi ko alam kung paano naging ganito kahirap bigla ang buhay ko? Hanggang kailan ko ba pagdadaan ang lahat nang ito?”
Nasa ganoon akong estado nang marinig kong tinawag ako ni Meynard.
“Sir?” agad akong napatiningin sa kan’ya.
“Sir, naayos na po namin ang lahat. Nagpahanda na rin kami ng early lunch para sa mga panel, gusto niyo po bang sumabay na sa kanila sa pagkain o dadalhan ko po kayo rito? Napagkasunduan po kasi na mag-uumpisa ang audition ng twelve-thirty kaya po sinabihan po namin ang lahat na kumain na po muna at saka maghanda para mamaya,” paliwanag niya.
“Pakidalhan mo na lang ako ng pagkain dito, hindi ako komportable sumabay sa kanila. Wala ako sa mood para makipag-usap sa maraming tao ngayon. Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko.”
“Sige po. Kukuha lang ako ng pagkain.”
“Kumuha ka na pati para sa sarili mo,” tinanguhan niya lang ako saka lumabas na.
Gabie’s POV
“Besh! Mabuti umabot ka pa! Parang tama ang vibes ko na para talaga sa’yo ang project na ito dahil dininig ng Diyos ang panalangin ko!” salubong sa akin ng bestfriend slash manager na si Jhay. Matagal na kaming magkaibigan niyan, nagkakilala kami sa university na pinapasukan ko, nagkataon na isa pala siyang agent sa isang modeling agency, pero huminto siya sa pag-aaral kasi kailangan niyang kumayod para sa pamilya niya. Nadisgrasya kasi ang tatay niya sa pinagtatrabahuhan nitong construction company kaya ayon tambay na ngayon at si Jhay na muna ang bumubuhay sa kanilang lahat pati ang pagpapaaral sa mga kapatid niya. Tapos ako naman nagkataon na naghahanap ng mapagkakitaan dahil maraming gastusin tapos hindi ko gusting ia-asa kay mama lahat. Malaki kasi ang kailangan kong pera para pang thesis ko, para makagraduate na ako. Kahit naman kasi academic scholar ako marami pa rin ang pagkakagastusan.
“Paano ba naman kasi alam mo namang may exam ako ngayon. Buti natapos ko agad kaya nauna na akong nakalabas.”
“Hay naku! May tiwala ako sa’yo alam kong perfect mo na ‘yon ikaw pa ba?”
“Tumigil ka nga besh nakakahiya sa mga nakarinig baka akalain nilang totoo ang mga pinagsasabi mo,” saway ko sa kan’ya. “Bakit ka nga pala nandito sa hotel na ito? Eh, hindi ba hindi naman dito ang sabi mo sa akin noong nakaraan?” nagtataka kong tanong dahil hindi naman dito ang usapan naming magkikita.
“Ay hindi ko na nasabi kanina sa text ko sa’yo kasi alam ko nasa kalagitnaan ka ng exam mo. Sa dami kasi ng interesado sa project na ito kaya marami ang gustong mag-audition. Hindi rin siguro nila inasahan ang dagsa ng mga auditionees kaya ayon nagkagulo kanina sa hallway at sa lobby sa dami ng tao. Tapos balita ko nagalit daw ang manager nang makita ang kalat-kalat ng tao sa hallway, kaya ayon hindi tinuloy ang pagsisimula tapos inanunsiyo na dito na nga daw gaganapin. Kaya maswerte ka besh dahil parang nakalaan talaga ang project na ito sa’yo,” masaya niyang kwento sa akin. Sabay hawi ng mahaba niyang buhok na hanggang balikat. “Yan ang bestfriend slash manager ko Jhay este Jaya dahil hindi raw bagay sa kanya ang pangalan na binigay sa kanya ng tatay niya.
“O sya, samahan mo na muna akong magbihis kung ganoon baka mahuli tayo,” aya ko sa kanya.
“Ay no worries besh hindi tayo male-late kasi mamaya pang twelve-thirty mag-uumpisa. Kakain muna tayo para hindi tayo malipasan ng gutom ‘yong dalawa kong alaga pinauna ko nang sabihang lumafang, Naku! Mahirap na baka mahimatay pa doon sa dahil sa gutom!”
“Eh, hindi ako pwedeng kumain kasi baka bubundat ang tyan ko ang pangit naman tingnan,” reklamo ko.
“Susme! Besh hindi kukunan ang katawan mo no! ‘Wag kang assuming kasi up-close shot ang gagawin dahil feslak ang importante kuhanan. Besh, ipaalala ko lang ha! Facial wash ang product na i-endorse hindi damit o sapatos na nakasanayan mo!”
“Eh, ‘di okay! Tara na kain tayo tamang-tama gutom na gutom na ako kasi hindi ako nakapag-agahan kanina kasi nagmamadali na ako ng gising,” kwento ko.
“Pero KKB muna tayo ha! Pareho tayong hampas lupa alam mo na?” pagbibiro ko.
“Oo na! Alam ko po! Doon tayo kasi may malapit diyan na fastfood chain kanina nakita ko,” sabay hatak niya sa akin.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang naglalakad. Kasi naman walang tigil sa kakadakdak ang bakla kung anu-ano na lang ang maisipang ikwento.
Makalipas ang isang oras, nasa comfort room na ako ng hotel para makapagbihis. Sa labas ng comfort room naman naghihintay si Jhay sa akin.
“Besh, ‘wag kang maglagay ng make-up ha kasi ang orient sa amin kanina walang make-up para makita nila ang totoong texture ng mukha ninyo. Hindi naman kasi kailangan ang make-up kasi maghihilamos naman kayong kukunan para sa commercial.”
“Hindi naman talaga ako nagmake up. Nagtoothbrush lang ako saka naghilamos para fresh akong tingnan kasi alam mo na kaninang umaga pa ako naliligo tapos nag-jeep lang ako papunta rito kaya oily na panigurado ang mukha ko kung hindi ako maghihilamos.”
“Very good ka talaga besh ‘yan ang gusto ko sa’yo eh! Matalino ka talaga, kaya ‘wag mong sayangin ‘yang katalinuhan mo besh sa walang kwentang pag-ibig na ‘yan ha! Mamili ka ng deserving sa ganda at talino mo!”
“Luh! Ba’t naman umabot sa gan’yan ang usapan? Ang layo naman ng narrating ng imagination mo besh! Ni wala nga akong manliligaw,” reklamo ko.
“Naku! Mabuti nang lagi kang papaalahan para siguradong walang masasayang. Alam mo na mahal na mahal kita wala akong ibang hangad sa’yo kung hindi ang makita kang successful at masaya sa buhay kasama ng iyong minamahal!”
“Naku! Besh ha! Tanghali tapat nagdadrama ka d’yan. Sigurado kang okay lang? O baka may hindi ka sinasabi sa akin, may pinagdadaanan ka pala?”
“Luh! Wala, ‘no! Syempre ikaw pa ba ang hindi makakaalam sa mga kaganapan ng buhay ko? Ano ka ba naman, besh? Halika ka na nga! Ang dami mong sinasabi concern lang ‘yong tao kung anu-ano na ang iniisip mong kahibangan d’yan!”
Miggy’s POV
“Sir? Handa ka na po bang umalis?” nag-aalangang tanong ni Meynard sa akin kasi nakita niya akong nakapikit habang nakasandal sa sandalan ng sofa.
“Yes,” saka ako tumayo para kunin ang cellphone kong nakapatong sa office table ko.
“Pinadala ko na po sa kanila ang mga folder ng mga auditionees.”
“Okay.” Saka ako naglakad papuntang pinto at nakasunod naman siya sa akin.
Dahil malapit lang naman ang hotel na pagdadausan ng audition pinili na lang naming maglakad kasi mata-traffic lang kami kung gagamit pa kami ng sasakyan. Dalawang block lang naman kasi ang layo ng mula sa building ng opisina papunta sa naturang hotel.
“Good afternoon sir,” bati sa amin pagkapasok namin sa hotel.
“Good afternoon.” Saka ko tinguhan ang hotel staff na sumalubong sa amin.
Dumeritso na kami sa function hall kompleto na umano ang panel doon balita sa amin ni Neri nang makita niya kami sa lobby.
“Good afternoon sir,” bati ng mga team na nakatayo malapit sa pinto ng function hall.
“Ready na po ang lahat sir, pwede na pong mag-start kayo na lang po kasi ang hinihintay. Kanina pa po naka-set up ang camerang gagamitin,” salubong sa akin ni Andrew na halata pa sa mukha niya ang takot dahil sa nangyari kanina.
Tumango ako pero hindi ako nakatingin sa kan’ya dahil inilibot ko sa kabuohan ng function hall ang paningin ko. Agad akong iginiya ng ibang member n team kung saan ako uupo.
“Mabuti naayos na lahat sana wala nang kasunod pa ang kapalpakan na nangyari kanina. Dahil hindi ko na alam kung ano ang p’wede kong gawin sa inyong lahat na in-charge sa audition na ito,” gusto ko sanang sabihin pero mag piniling kong isa-isip na lang.
Two minutes later pagka-upo ko agad nag-umpisang magsalang ng auditionee sa harap ng camera. Marami ang sumalang hindi ko na napansin kung ilan na ang natapos kasi sandal lang naman, magpakilala sila habang naka-close up sa mukha nila ang camera para makita ang mukha nila na walang make-up o kahit face powder.
Gabie’s POV
“Good luck besh malapit ka nang sumalang, be confident alam kong makukuha kasi likas na maganda ang mukha mo saka hindi halos kita ang skin pores mo, at higit sa lahat ikaw na talaga ang pinagpala dahil wala kang peklat ng pimples. Ikaw na talaga ang anak ng Diyos!” dakdak na naman ni bekla.
“Hoy! Tumahimik ka nga! Hindi mo ba napapansin ikaw lang dito ang maingay?” saway ko sa kan’ya.
“Oo na, ito naman proud bestfriend lang!” pagsusungit niya sabay inirapan ako saka iniwan ako sa linya.
“Hoy! “Wag mo ‘kong iwan dito! Dito ka lang kasi kinakabahan ako pero ‘wag ka lang maingay,” sabay hila ko sa kanya nang tumalikod siya para maglakad papalayo.
“Sandali lang babalikan kita titingnan ko lang ang dalawa kong alaga kasi ayon oh! Nagdadaldalan na doon sa kabilang sulok, kukumustahin ko lang saglit. Baka sabihing pinabayaan ko,” turo niya sa dalawang babae ng mga alaga niya ring tulad ko, at tulad ko mga print ad model din ang mga ‘yon magkakilala na kami pero hindi lang kami malapit sa isa’t-isa. Saka siya tuluyang naglakas papunta sa gawi ng dalawa niyang alaga.
Miggy’s POV
Nagpatuloy ang mga sumasalang sa harap ng camera. Maraming magaganda pero parang hindi pasok sa hinahanap kasi may iba kitang -kita ang malalaking skin pores sa mukha nila, ang iba naman may mga maliliit ng peklat pimples habang nag iba hindi maganda ang rehistro ang mukha nila sa camera. Maraming bagay kasi ang dapat isa-alang-alang sa pagpili ng magiging endorser sa product na ito. Hindi lang ganda kundi maganda ang kutis, maganda ang rehistro sa camera syempre, confident kapag nakaharap sa camera hindi ‘yong halatang kinakabahan kay ang pangit tuloy tingnan nila sa camera parang natatae na ewan.
Hindi ko na inabala ang sarili ko na tingnan ang mga folder sa harap ko kasi nagpapakilala naman ang bawat isa sa kanila pag harap nila sa camera. Nasa monitor kasi kami nakatutok sa kanila dahil doon namin makikita ang lahat na kailanganin para sa commercial.
“Uy! Kakaiba ang ganda nito. Natural na natural ang kinis ngiti niya, walang bakas ng kaba. Maganda ang mukha, maganda rin ang kutis niya kahit maputi siya hindi siya ‘yong tipong maputi na namumula ang pisngi, may ibang mapuputi kasi na parang putla na tingnan. Maganda rin ang rehistro niya sa camera. Halos pare-pareho ang naririnig kong komento ng mga kasama kong panel.”
“Sir, excuse tumawag po si Carla ngayon lang importante raw po tungkol kay ma’am Barbs,” biglang bulong sa akin ni Meynard.
“Wrong timing naman, kung kailan ako nag-enjoy na tingnan ang nakasalang na auditionee saka pa may tawag.”
“Ikaw na lang ang kumausap sabihin mo nasa audition pa tayo, magbilin na lang kamo kung ano ang kailangan niya para kay mommy,” naiinis kong bulong sa kanya.
“Sir, nakausap ko na po at nasabi ko na rin po kay Carla ang tungkol sa pinapasabi mo, kaya pinapasabi po niyang pakipuntahan niyo lang daw po ang mommy niyo sa hospital kasi isinugod nila kanina.”
Hindi ako kaagad nakakibo at dahil destructed na ako hindi ko na nakita ang mga sumunod na nangyari sa mga nag-audition. Wala akong nagawa kung hindi ang magpaalam sa mga kasama kong panel at humingi ng pasensya. Ipagpapatuloy na lang ang pagsalang tapos papanoorin ko na ang video na hindi ko na inabot dahil kailangan ko nang umalis. Hindi na ako nagtagal pa agad na akong umalis kasama si Meynard, dahil hindi na siya papayag na ako ang mamaneho papunta baka kung ano na naman daw ang mangyari habang nasa daan ako. Nadala na kasi siya sa nangyari noong nahagip ko ‘yong babae dahil nagmamaneho akong wala sa sarili, noong araw na nagtalo kami ng daddy.
Ang problem hirap kaming makalusot sa matinding traffic, kahit nakaalis kami kaagad sa hotel pero hanggang ngayon isang oras na ang nakalipas nasa kaligtnaan pa rin kami ng traffic kasi saktong rush hour nang binabaybay namin ang daan. Hindi naman sana ganoon ka layo kaso dahil sa traffic parang ang layo-layo tuloy, kaya nang hindi ako makatiis pinili kong bumaba na lang at lakad-takbo akong papunta sa hospital iniwan ko Meynard, dahil habang tumatagal lalo akong kinakabahan at hindi mapalagay habang naghihintay kung kailan uusad nang tuluyan ang daloy ng trapiko. Wala akong pakialam kung sino ang mga nabunggo ko habang lakdad-takbo ako, tiniis ko ang pagod at pawis makarating lang kaagad sa hospital kung saan dinala ang mommy. Natatakot akog isipin ang mga bagay-bagay, hindi ko pa tanggap ng buong-buo ang pagkawala ng daddy ko tapos heto na naman ang balitang ang mommy naman ang nasa hospital.
Hindi ko na ininda kung ano ang hitsura ko ngayon, wala na akong pakialam kung basang-basa ako ng pawis at magulong-magulo ang buhok dahil sa ginawang lakad-takbo makarating lang kaagad sa hospital. Wala akong ibang hangad kung hindi ang makita ang mommy ko para masiguro na maayos ang kan’yang kalagayan. Ni hindi ko na pinansin na panay ang pag-iingay ng cellphone ko dahil ayaw kong maabala o maantala ang lakad-takbong kong ginawa.
Medyo nakakita ako ng konting pag-asa nang matanaw ko na ang entrada ng hospital kaya mas lalo ko pang binilisan. Kahit hingal na hingal hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na tawagan si Carla para maitanong ko sa kanya ang room number ng mommy ko. Mabuti naman dahil isang ring sinagot na niya agad kaya dumeritso na kaagad ako sa kwarto na sinabi ni Carla.
Kahit papaano nahimasmasan ako ng konti sa nararamdaman ko dahil nakita kong nakahiga ang mommy ko sa isang hospital bed. Pero dahil sa nakikitang kong may maraming nakakabit sa kan’ya ay hindi pa rin nawawala ang matinding pag-alala ko sa kan’ya.
“Sir, anong nangyari sa’yo?” “Hijo?” sabay na tanong ni Carla at tito Manuel sa akin na pero hindi ko sinagot. Hindi na ako nagtataka kung nagulat sila sa naging hitsura ko dahil ginawa ko.
“Anong nangyari sa kan’ya?” dahil mas pinili kong itanong kung ano ang nangyari sa mommy ko kung bakit nandito siya ngayon sa hospital.
“Dehydrated dahil panay ang pag-inom niya ng alak, tapos hindi kumakain, kulang sa tulog,” si tita Beth ang sumagot. Na halatang gusto ring tanungin kung ano ang nangyari sa akin pero mas pinili niyang sagutin ang katanungan ko.
Hinalikan ko ang noon ng mommy pagkalapit ko sa kan’ya, ngayon ko lang napansin ang layo ng pinagkaiba ng hitsura noong huling ko siyang binisita sa bahay ilang araw lang ang lumipas. Ang laki ng ipinayat niya tapos nangingitim ang mga mata niya halatang puyat na puyat. Noong nakita ko kung gaano siya ka abala sa pagsho-shooting at panay ang pagpupuyat pero hindi ganito ang pagmumukha niya. Ngayong ibang-iba dahil halatang nagpapabaya siya sa kan’yang sarili.
Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin, blanko ang utak ko panay lang ang himas ko sa ulo ni mommy hanggang sa buhok niya. Nang makaramdam ng pagod sa kakatayo hinila ko ang plastic na silya sa malapit at umupo nang hindi ko binibitawan ang kamay ni mommy. Tahimik ang buong kwarto hinayaan lang ako sa ginagawa ko at pinapanood lang nila akong nakatitig kay mommy. Hindi ko alam kung bakit nawala na lahat sa utak ko ang lahat ng katanungan kanina na gumugulo sa isip ko habang papunta pa lang dito, wala na akong maalala ni isa. Wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang titigan ang mukha ni mommy habang mahimbing na natutulog.

Komentar Buku (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru