logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

Makalipas ang dalawang araw pagkatapos ang libing ni daddy, nasa condo lang ako at nagpapahinga nang makatanggap ako ng tawag mula kay Carla tungkol kay mommy. Hindi raw ito kumakain at panay lang ang inom ng alak, nakakatulog lang ito pagkatapos sa mahabang pag-iiyak habang kapag lasing na lasing na. Kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan agad siya sa bahay namin.
“Mom?” tawag ko nang makapasok. Pero imbis na siya ang sumalubong sa akin si Carla ang bumungad sa paningin ko.
“Si mommy?” agad kong tanong.
“Sir, nasa opisina po ng daddy niyo, nag-umpisa na naman pong uminom kanina pagkagising,” nag-alala niyang sabi sa akin.
“Sige, Salamat. Puntahan ko muna.”
“Sir, hindi pa ho kumakain si ma’am mula kagabi. Kahapon po, kumain lang siya ng isang pirasong mansanas tapos uminom na nang uminom hanggang sa malasing. Ayaw niya po kasing makinig sa akin, kaya po tinawagan na kita,” balita niya habang nakasunod sa akin papaakyat kami ng hagdan para mapuntahan si mommy na nasa opisina ni daddy na nasa ikalawang palapag dito sa bahay.
“Salamat Carla ako na ang bahala sa kanya, magpahinga ka muna,” agad naman siyang sumunod sa sinabi ko, kaya mag-isa na lang akong nagpatuloy na pumunta sa naturang silid.
“Mom?” sambit ko pagkabukas ko ng pinto. Nakita ko siyang naksalampak sa sahig tapos nakasandal sa office table ng daddy, hawak-hawak ang isang bote ng alak. Parang hindi niya ako naririnig nakatulala lang siya parang ang lalim ng iniisip. Ibang-iba ang hitsura ni mommy ngayon kompara sa hitsura niya ndati bago ang nangyari kay daddy. Nawala ang pagiging sopistikada niya, wala na siyang pakialam sa ayos niya ngayon. Na, kung tutuusin umaga pa lang nakabihis na siya at naka-make up pero ngayon hapon na naka-night-gown pa rin, magulo ang buhok at malala lasing na.
“Mom,” sambit kong muli habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Dahan-dahan niya akong tiningala saka ko nakita ang mga luha niya nag-uunahan sa pagdaloy sa kanyang pisngi.
“Miggy, anak!”
“Mommy, ano ba ang ginagawa mo? Bakit ka naglalasing?” agad siyang napahagulhul nangsa tanong ko.
“Hindi ko kaya anak, nahihirapan ako. Hindi ko alam kung paano magsimula ngayon na wala ang daddy mo?”
“Mom, pareho tayo ng nasa isip at nararamdaman, pero naniniwala akong makakaya natin ito kapag nagtulungan tayo,” pagpapaliwanag ko.
“Ang sakit-sakit. Hindi ako handa, hindi ko alam na hindi na pala kami magkaka-usap ng daddy mo. Ilang raw akong wala kasi may tinatapos akong sequence tapos biglang makakatanggap akong tawag na dinala siya sa hospital dahil inatake. Hindi ako makapaniwala kasi nagka-usap pa kami sa cellphone noong umaga ng araw na ‘yon,” humihikbi niyang sabi. Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko masabi kay mommy na ako ang may kasalanan kung bakit nangyari kay daddy ‘yon. Dahil sa nakikita ko kay mommy ngayon mas lalo akong kinakain ng konsensiya ko.
“Nanghihinayang ako sa mga panahon na hindi ko siya nabibigyan ng sapat na panahon at oras na makasama dahil abala ako sa mga ginagawa ko. Madalas ang mga katulong lang ang kasama niya dito sa bahay dahil ako nakakauwi kaya sa cellphone lang kami nagkaka-usap. Hindi akalain niya iiwan na niya ako kasi ang sabi niya pa sa akin magbabakasyon kami pagkatapos ng project ko na ito kasi kailangan naming magrelax dahil matatanda na raw kami. Kaya isosurpresa ko sana siya, sasabihin ko sana na hindi na ako tatanggap ng panibagong project at magreretire na ako. Sa tingin ko naman dapat na ang naipon namin para mag-enjoy naman kami. Wala na akong dapat iisipin pa tungkol sa’yo kasi alam ko secure na ang trust fund mo saka may sarili ka na ring kinikita,” pagpapatuloy niya.
“Pero nagulat na lang ako kasi hindi na pala mangyayari ang lahat nang iyon. Kasi wala siya iniwan na niya tayo. Iniwan na tayo ng daddy mo, ang daya-daya niya,” tapos humagulhul siya uli ng malakas. Ramdam ko ang paghihinagpis ni mommy. Hindi ko alam ang sasabihin ko parang akong nabilaukan sa mga narinig ko sa kan’ya. Nasasaktan ako ng husto at nilalamon ng konsensiya, dahl hindi ko kayang aminin sa kanya na ako ang dahilan ng lahat kung bakit Nawala si daddy.
Sobrang bigat sa pakiramdam hindi ako sanay ng ganito na may kinikimkim akong sekreto kay mommy. Mas lalong hindi ko kayang banggitin sa kanya ang tungkol sa anak ni daddy sa ibang babae dahil baka hindi na kayanin ni mommy kung dadagdagan ko pa.
“Mom, kain po tayo,” malambing kong sabi sa kanya habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, naka-upo pa rin kaming dalawa sa sahig at nakasandal sa office table ni daddy.
“Hindi ako gutom.”
“Mommy, hindi matutuwa si daddy sa ginagawa mo. Huwag ka naman gan’yan mom pinapabayaan mo ang sarili mo eh,” reklamo ko.
“Wala akong ganang kumain. Hindi ko kayang kumain doon kasi naalala ko si Gabriel kapag nakita ko ang upuan niyang bakante na,” malungkot niyang sagot.
“Sige ganito lang mom, magpapahanda ako ng pagkain natin pero doon tayo sa garden parang picnic. What do you think?” napabuntong hininga siya saka tumango.
“Sige saglit lang, bababa lang muna ako saglit para masabihan ko sila, okay?” nagmamadali akong tumayo para masabihan ang mga katulong na maghanda at agad din akong bumalik sa opisina para kahit paano magkausap ko siya.
“Mom, I think you have to go and change kasi we have a picnic dinner date under the bright stars tonight,” pambobola ko sa kan’ya.
“Manang-mana ka talaga sa daddy mo. Kung anu-ano na lang ang naiisip at saka kayang-kaya niyo akong utuin diyan sa mga pambobola niyo,” reklamo niya habang inalalayan ko siyang tumayo at iginiya sa kwarto nila.
“Mommy naman, wala ka ng choice ako na lang naman talaga ang ka date mo ngayong wala na si daddy,” pagbibiro ko.
“Ano pa nga ba?” nailing niyang sabi. “Pero mas maganda sana ito kung nandito ang daddy,” hirit pa niya.
“Sabing hindi matutuwa si daddy sa ginagawa mo eh, ayan ka naman,” pagmamaktol ko kunware.
Pero kahit ganoon kiniss ko siya sa noo pagkabukas ko ng pinto saka siya tuluyang pumasok para magbihis.
“I’ll wait for you downstairs. I’ll just check the food. Okay?” pagpapaalam ko bago ko isinara ang pinto.
Mahirap rin naman sa loob ko pero kailangan kong ipakita kay mommy na okay lang ako, para kahit paano maramdaman niyang nandito pa ako para sa kanya.
Days has passed, I already found a private investigator to help me in finding Teresa and her daughter Gabrielle Therese who happens to be my half-sister, the daughter of my father. I set up a meeting with the private investigator together with Tito Rick, the best friend of my late father. Hoping that tito Rick would be able to provide some further information regarding this case.
Bumalik na rin ako sa trabaho dahil kahit hindi pa ako handa eh, kailangan na dahil sa malaking project na gagawin. Hindi ako pwedeng magpabaya at lalong hindi ko p’wedeng gawing rason na wala pa ako sa condition dahil sa personal kong problema, dahil pinagbigyan na akong mag-leave noong pagkawala ni daddy. Hindi ko na muling nabisita ang mommy ilang araw na ang nakakaraan dahil sa dami ng ginagawa ko.
Nalaman ko na lang kay Carla na pinasa niya ang directorial job niya sa isang malapit niyang kasamahan na director dahil hindi na p’wede ma-delay at kailangan nang matapos dahil may target play date na sila. Nabanggit din ni Carla na panay pa din ang pag-inom ni mommy at parang naging alcohol dependent na ito dahil hindi umano siya nakakatulog kapag hindi siya nalalasing. Patong-patong ang problema ko dahil kailangan kong ipagpatuloy ang plano ni daddy, si mommy inaalala ko rin at ang trabaho ko na hectic ang schedule ngayon para sa malaking client namin. Kahit hindi naman ako ang personal na gagawa ng mga bagy dahil may mga nakatoka naman pero dahil ako ang manager hindi ako pwwedeng magpabaya, kailangan natutukan ko ang mga ginagawa ng mga staff ko par masigurong maayos nilang nagagawa ang mga trabaho nila at nang hindi makapagreklamo ang client namin.
“Sir, may final schedule na po ang audition para sa gagawing commercial. That would be three days from now at sa conference lang gagawin aayusin lang ang conference room para hindi na po tayo gagastos para sa venue. The audition will start at nine o’clock in the morning and you will be the head of panel as per the agreement during the meeting. May representative na darating from the company na tutulong sa pagpili para maging qualify for the product endorsement,” pagpapaliwang ni Meynard sa akin isang hapon kakatapos ko lang pirmahan ang iilang documents. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Meynard dahil ang totoo hindi ko naman naintindihan ang lahat ng mga sinasabi niya. Marami pa siyang nabanggit sa mga nakahelera naming kailangang gawin para sa mga darating na araw pero wala akong natandaan noon kahit isa.
Aaminin ko nahihirapan talaga ako sa mga ginagawa ko lately, kalimitan tulala ako hindi ko naman sinasadsya. Mabuti na lang kahit alam kong nainihrapan din si Meynard sa akin eh, naagapan niya agad ang mga kapalpakan ko. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Meynard kasi baka natanggal na ako sa trabaho kung nagkataon. Hirap din akong makatulog sa gabi at kapag nakatulog naman ako lagi kong napapanaginipan ang naging sagutang namin ni daddy. Kaya hindi na rin ako nalalayo sa mommy dahil halos gabi-gabi na rin akong umiinom dahil nahihirapan na sobra ang kalooban ko sa mga nangyari. Binabagabag pa rin ako ng husto ng konsensya ko dahil sa nangyari.
Kinakabahan ako sa posibleng mangyari mamaya, ngayon nakatakda ang pagkikita namin ng private investigator na hinire ko at ni tito Rick, para pag-usapan namin ang mga p’wedeng gawin para mahanap si Teresa at Gabrielle Therese. Kahit walang kasiguraduhan kailangan kong gawin ito alang-alang kay daddy, dahil ito ang gusto niyang gawin na sabi niya sa akin noong huling namin pag-uusap. Baka sakaling sa gagawin ko patatahimikin na ako ng konsensya ko at kahit paano may magawa akong bagay na ikasasaya ni daddy, dahil tinupad ko ang plano niyang bumawi sa anak niyang kahit kailan ay hindi niya nakita at nakasama. Dahil sa gagawin, inaalala ko rin ang mommy kung ano ang maging reaksyon niya kapag malaman niya ang lahat ng ito.
“Sir, handa ka na ba para mamaya?” tanong niya sa akin habang kumakain kami ng tanghalian ngayon dito sa loob ng opisina ko.
“Kinakabahan nga ako ng husto eh, hindi ko alam kung handa na ba akong marinig kung ano ang mga sasabihin ni tito Rick mamaya. Hindi ko alam kung gaano karaming impormasyon ang maitutulong niya sa gagawing investigation?”
“Sa tingin mob a maraming pang hindi nasasabi si sir G sa’yo?”
“Hindi ko rin alam, eh?”
“Isa nga ‘yan sa pinagsisihan ko kung bakit nagpadala ako sa galit ko noong mga panahong iyon. Eh, hindi sana nangyari ang mga nangyari. Wala sana akong ganito kabigat na problema ngayon at hindi sana nagkakagan’yan si mommy. Alam kung kasalanan ko ang lahat nang ito eh, alam kung ako ang dapat sisihin sa lahat ng mga nangyari,” nanlulumo kong sabi.
“Hindi naman siguro sir, may mga bagay talaga na nakatakdang mangyari na hindi natin kontrolado. May dahilan ang lahat kung bakit nangyari ang mga nangyari na,” pagpapagaan niya sa kalooban ko.
“Hindi eh, kahit saan ko tingnan kasalanan ko talaga. Naaawa ako kay mommy, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Kung kailan kailangan ko ng magulang na masasandalan siya naming nagkakagan’yan si mommy, ang matindi kasalanan ko pa. Kilala ko si mommy hindi niya magawa ang gan’yan kung hindi dahil sa mga nangyari.”
“Nahihirapan lang po talagang tanggapin si ma’am Barbs ang mga nangyari. Wala naman po kasing may gusto na ganoon ang mangyayari at higit sa lahat walang nakakaalam na ganoon pala ang mangyayari. Magulo pero wala na tayong magagawa sa ngayon kung hindi ang harapin at tanggapin ang mga nangyari na.”
“Sa punto ‘yang aaminin kong hirap na hirap ang loob kong tanggapin ang mga nangyari. At ganoon din ang nakikita ko kay mommy. Kaya nga ba mas double ang takot at kaba ko sa gagawin kasi hindi ko alam kung ano na lang ang magiging reaksyon ni mommy kapag nalaman niya itong tungkol sa gagawin ko. Hirap na nga siya sa nangyari kay daddy paano pa kapag ang bagay na ito ang makakarating sa kan’ya hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari kaya mommy.”
“Huwag naman pong mangyari ang mga na ‘yan. Saka sigurado po naman akong wala ibang makakaalam nito dahil apat lang po tayong nakakaalam, sa ngayon. Makakaasa naman po sa akin na wala akong pagsasabihan tungkol sa bagay na ito.”
“Alam ko Nard, may tiwala naman ako sa’yo. Saka may tiwala din naman ako sa kay tito Rick saka ang alam ko matagal nang private investigator na ‘yan sa trabaho niya kaya makakaasa tayong mapagkakatiwalaan natin siya.”
“Sana nga po, may walang maging problema ang gagawin na paghahanap sa mag-ina, para maging maayos na ang lahat kahit alam nating hinding-hindi na maibabalik sa dati ang lahat dahil wala na si Sir G.”
Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa matapos kaming kumain,” ’yon nga lang mas matagal kaming natapos sa pagkain dahil sa naging usapan mabuti na lang dahil wala namana kasing ibang appointment sa araw na ito, kung hindi mamaya lang pagkatapos ng trabaho. Tapos na kasi mafinalize ang mga gagawin para sa project unless may last minute changes na hindi naman naiiwasan. Pero so far, maayos naman ang lahat sa makalawa na ang audition na gagawin para sa magiging product endorser para sa gagawing commercial.
Pasado alas-singko ng hapon, nang sabay kaming umalis ni Meynard sa opisina. Tulad ng nakagawian siya ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa isang hotel para doon namin kikitain sila tito Rick at ‘yong private investigator. Nagpabook ako ng isang private room para makasiguradong walang makakakita o makakarinig sa magiging usapan namin. Alas-siyete ang nakatakdang oras na meeting namin pero dahil sa alam namin na matraffic ang papunta doon kaya inagahan namin ang pag-alis sa opisina.
“Good afternoon sir,” bati sa akin ng hotel staff pagkapasok ko sa hotel, nauna ako kay Meynard dahil pinark niya ang sasakyan.
“Good afternoon.”
“Do you have reservation sir?”
“Yes, I have a reservation for a private room under my name Alejandro Miguel Sansebastian.”
“Okay sir. Please follow me. This way sir,” iginiya niya ako sa private na pinareserve ko.
“Would you like to order for your drinks now sir while waiting?”
“Ah, yes. I want Jack Daniel Old No. 7 Tennessee on the rocks please.”
“Anything else sir?”
“None so far. That would be all for now. Thank you.”
“I’ll be back in few minutes sir.”
Iyon lang ang huling narinig ko sa kanya na hindi ko man lang tinapunan ng tingin, narinig ko na lang na papalayo na ang mga yabag niya mula sa kinauupuan ko, narinig kong bumukas at nagsara ang pinto tandan ang kanyang tuluyang paglabas para kunin ang order ko.
Hindi nagtagal may narinig kong nagbukas at nagsara ang pinto na hindi ko tiningnan kung sino dahil abala ako sa binabasa kong email sa cellphone ko, habang naghihintay sa mga kikitain ko.
“Kuya!” sambit ni Meynard sa akin.
“Oh, natagalan ka yata?”
“Nagpang-abot kami ni Sir Rick sa may parking lot, nasa lobby lang siya may kausap na kakilala niya, nakasalubong ksai namin ‘yon habang papunta dito kaya iniwan ko na siya muna doon para mauna na ako dito,” pagpapaliwanag niya.
“Ah, ganoon ba?”
“Wala pa rin ‘yong investigator?”
“Wala pa baka mamaya pa ‘yon maaga pa naman, six-thirty pa lang naman, eh.”
“Ah, oo nga pala. Napaaga lang pala talaga tayo.”
“Mabuti na ‘yon kasi ayaw kong nalelate sa meeting lalo na ngayon ko pa lang siya makikita at makaka-usap ng personal.”
“Oo nga naman. Ah, nandito na pala si Sir Rick,” tumayo ako para salubungin sit ito Rick na papalapit na sa kinaroroonan namin ni Meynard na may ngiti sa kanyang mnga labi.
“Kumusta hijo?” tanong niya agad sa akin pagkalapit at saka niyakap niya ako.
“Ang totoo po, hindi pa po okay pero kailangan pa ring magpatuloy sa buhay,” malungkot kong sagot sa kan’ya.
“Ganoon talaga dahil hindi naman ganoon kadali tanggapin ang lahat. Pero alam kong magiging okay din ang lahat.”
“Opo. Salamat tito sa pagpunta niyo dito ngayon. Ano pong maiinom ang gusto mo?”
“Wala akong problema sa maiinom, kahit anong mayroon hindi naman ako mapili alam mo naman ako,” natatawa niyang sabi kahit alam kong may konting tensyon dahil hindi natural ang pinapakita niyang tawa o tuwa sa akin ngayon. Sa tagal na panahon kong nakilala at nakakasama si tito ay masasabi kong kahit papaano nakilala ko na siya sa pamamagitan ng mga kilos niya.
“Bakit kaya parang kinakabahan din siya tulad ko? Ano ba talaga ang mga hindi ko pa alam? Kaya ko kayang pakinggan ang lahat ng iyon ngayon?”
“Ah, nag-order po ako ng Jack Daniel Old No. 7 Tennessee, siguro po paparating na ‘yon kasi kanina pa po ‘yon.”
“Para ka talagang ama mo, ‘yon din ang mahilig niyang inumin, eh.”
“Sa katunayan siya po talaga ang nakahawa sa akin niyan.”
“Anak ka nga talaga ni Gabriel, wala nang maraming tanong pa sa bagay na ‘yan. Maraming bagay na nakuha mo sa daddy mo Miggy, pati ang pagiging masipag mo sa trabaho at pagiging seryoso sa buhay.”
“Pero hindi ko gustong maging gaya sa kan’ya ang lahat ng tungkol sa akin. Dahil hindi ko po gagawin ang traydurin ang magiging pamilya ko,” malaman kong sabi. Alam kong nagulat si tito sa narinig mula sa akin, kahit namana ko nagulat din sa lumabas sa bibig ko pero hindi ko mababawi ‘yon. Kaya hindi na ako nagpahalat na ako mismo nagulat sa binitiwan kong mga salita.
“Natural lang iyon hijo na hindi mo mamanahin ang lahat kung ano ang daddy mo dahil lahat naman tayo may taglay na kakaiba kahit pa sa mga magulang o kapatid natin,” nasabi niya matapos siyang napanganga dahil sa sinabi ko, alam kong mas tumataas ang tensyon ngayon pero alam ko din na pareho kaming pinipilit na hindi mailing sa presensya ng isa’t-isa.
Mabuti na lang dumating na ang waiter na may dala ng alak na inorder ko kasabay niyang pumasok ang private investigator na kanina pa namin hinihintay.
“I’m sorry sir to keep you waiting,” paghingi ng paumanhin ng waiter.
“It’s alright.”
“Good evening. I’m sorry for being late, inabot ako ng matinding traffic,” pagputol sa usapan namin ng waiter ng isang lalaki na may katamtamang tangkad, na sa tiningin nasa early forties ang edad niya base sa kanyang hitsura. Nakasalamin at may leather sling bag na nakasabit sa kanyang kanang balikat tapos nakasombrero na itim. May suot ng brown leather jacket at kita ang putting button down white polo sa loob nito. Nakaslocks na itim pero hindi ko kita ang ano ang suot niya sapatos.
“Good evening,” malamig kong sagot. Si tito ang tumayo para makipag shake hands sa kan’ya at nagpakilala sila sa isa’t-isa bago niya kami ipinakilala. Saka naman ako tumayo para makipagkamay sa kanya.

Komentar Buku (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru