logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 11

Miggy’s POV
Hindi ko na nakausap ang psychiatrist ni mommy dahil late na kaming nakarating sa hospital dahil sa naging pag-uusap namin nila tito Rick kasama si Willie para sa kan’yang investigation. Tulog si mommy pagdating namin sabi ni Carla kakatulog lang nito. Kaya hindi ko na ginulo pa para makapagpahinga na siya.
“Kumusta siya?” tanong ko kay Carla pagkalabas namin ng kwarto. Sinasadya naming mag-usap sa labas ng kwarto para masigurong wala siyang maririnig sa ano man ang pag-uusapan namin.
“Bumubuti na po ang lagay ng mommy niyo sir. Kanina ang pangalawang session niya sa kanyang psychiatrist. Pero hindi ko po naka-usap pagkatapos ng session nila kasi nagmamadali si doktorang umalis dahil may pasyente pa raw siyang naghihintay sa kanya,” paliwanag niya.
“’Yon nga sana ang gagawin ko eh, pupuntahan ko siya para maka-usap para makumusta ko si mommy sa kan’ya.”
“Sa pagkakaalam ko po pwede ka magpa-set ng appointment sa kanya sa sabado, kasi naka-usap ko na po ang secretary niya.”
“Baka ganoon na lang ang gagawin ko para magka-usap kami kasi hindi ako makakaalis ng maaga sa office sa dami ng ginagawa.”
“Nga pala sir, sabi po pala ng doctor kanina pwede na pong ma-discharge si ma’am bukas. Kasi normal naman daw lahat ang mga laboratory tests niya. Pero kailangan niyang pumunta dito tatlong beses sa isang linggo para sa session niya sa kan’yang psychiatrist.”
“Ah, oo sige, mabuti naman kung ganoon. Kung maari ayaw ko sana muna siyang umuwi sa bahay kasi baka babalik na naman sa dati ‘yan. Sandali tatawagan ko si tito Manuel, magpapatulong ako kung ano ang dapat gawin natin kasi hindi tayo kasya sa condo ko, dalawang room lang kasi ‘yon. Pansamantala lang naman para hindi mahirap sa inyo ang bumyahe na malayo at saka para maiba ang atmosphere ni mommy. At higit sa lahat para maiwasan niya ang pag-inom uli.”
“Tama po sir. ‘Yan din po ang naisip ko kanina nang sabihin sa akin ng doctor na ‘yon nga pwede na for discharge na si ma’am sa bukas. Sa totoo lang po sir, natatakot na po akong uminom uli si ma’am dahil sa nangyari. Baka kapag naulit pa ‘yon ako na ang maunang mahimatay sa takot.”
“Don’t worry, hanapan natin ng paraan ‘yan. Sige, tatawagan ko muna si tito Manuel. May mga pagkain kaming dalawa kumain muna kayo Meynard, susunod na lang ako kailangan ko munang maka-usap si tito.”
Matapos kong makausap ang tito Manuel, malaki ang ipinagpasalamat ko dahil ang sabi niya mas nakakabubuting hindi na muna papauwiin si mommy sa bahay namin. Kay nag-offer siyang doon na muna pansamantalang tutuloy si mommy habang may sessions pa siya, mas malapit at mas madali para kay mommy ang byahe. Kompara kung uuwi na siya ng Antipolo malayo na tapos matraffic at malaki nag tyansang hindi siya makakaiwas sa pag-iinom.
“Okay na. Naayos ko na bukas ng hapon susunduin kayo nila tita Beth at tito Manuel dito, susunod na lang kami sa inyo pagkatapos ng trabaho. Ang sabi ni tito pwede ka ring mag-stay sa kanila pero choice mo rin kung uuwi ka sa inyo, pero kailangan mong pumunta pa rin doo para samahan si mommy sa mga sessions niya,” I explained.
“Sa tingin mo kaya papaya si ma’am sa ganoong set-up?” she begrudgingly asked.
“Don’t worry I’ll talk to mom. And nand’yan sila tito at tita na tutulong sa pagpapa-intindi,” I assured her.
“Tama naman na pansamantalang doon muna siya tutuloy at saka ang maganda rin doon maiba ang environment at may ibang tao siyang pwedeng maka-usap,” pagsang-ayon naman ni Meynard.
“Yeah, kaya wala akong nakitang hindi papayag si mommy. Wala naman kasi tayong ibang gusto kung ang ikabubuti niya kaya walang masama sa gagawin natin, pansamantala lang naman ito.”
Morning came, Meynard and I are busy in the office. Time passes quickly by, so, we left the office at exactly lunch break. Minabuti kong ‘wag pumasok sa hapon para maka-usap ang doctor at para maka-usap ko na rin si mommy dahil kailangan kong ipaliwanag sa kan’ya. Direkta akong nagpaalam sa mga boss para masigurong walang maging problema. Hindi ko naman kasing pwedeng iasa na lang ang lahat kay Carla, alam kong responsibilidad ko pa ring alagaan si mommy kahit nand’yan siya. Ako na lang ang immediate family na mayroon ang mommy ko, ang nag-iisang kapatid ni mommy nasa malayo na at may sariling pamilya na rin. At isa pa, matagal na rin silang walang communication dahil hindi sila ganoon kalapit sa isa’t-isa. Nandoon na sila tito Manuel at tita Beth kausap si mommy nang makita ko pagkapasok namin ni Meynard. Abala naman si Carla sa pagliligpit ng ibang gamit.
“We brought some food!” I announced.
“Naku, kumain na kayo sabay ng mommy mo. Tapos na kami ng tito mo kaya ‘wag mo na kaming alalahanin. May dala rin kaming food pero ang sabi niya hihintayin ka raw niya para sabay na kayong kumain,” si tita Beth.
“Wow! Ang sweet naman ng mommy ko,” sabi ko nang makalapit ako sa kan’ya sabay hinalikan siya sa noo matapos kong mailapag ang dala naming pagkain sa mesa. Tumawa lang siya saka pinisl ang kamay ko.
Masayang kaming kumain habang nagkukwentuhan kasabay namin sila Meynard at Carla habang sila tito at tita naman umiinom ng bottled juice na dala namin. Nang matapos kumain umpisa ko ng nilalabing ang mommy kasi ayaw niyang pumayag dahil may sarili naman daw kaming bahay na malaki saying daw kung walang tititra doon. Kahit pa inuulit-ulit ko sa kan’ya na pansamantala lang naman. Hinayaan nila kaming magkapag-usap na kaming dalawa lang kaya inawan muna nila kaming dalawa.
“Mom, pumayag ka na. Para rin naman sa’yo ‘to, eh,” paglalambing ko.
“Ayaw mo po niyan mas malapit tayo sa isa’t-isa? Kung mas malaki lang ba ang unit eh, ‘di sa akin ka na lang sana tutuloy kaso maliit eh, mommy, pansamantala lang naman po habang may sessions ka pa sa psychiatrist mo,” pagpapatuloy ko sa pangungumbensi sa kanya. Habang nakasimangot naman siyang nanahimik.
“Mom, promise ngayon lang ‘to. Pag okay na ang lahat doon ka na sa bahay uli basta ba mangako ka sa akin na hindi ka na ulit mag-iinom at aalagaan mo na ang sarili mo. Kapag natapos ko na itong malalaking projects ko, I’ll take a leave and then we’ll go on a vacation, tayong dalawa. Okay ba ‘yon?” pakikipag-usap ko sa kanya na parang bata. Pero hindi pa rin siya kumibo at nanatiling nakasimangot.
“Oh my… this is harder than I thought,” sa isip-isip ko.
“Okay mom, here’s the deal. Pumayag ka na sa inaalok namin and then to be fair I’ll ask tito if it’s fine with them that I’ll be staying there also? How is that?” nakita kong medyo umangat ng konti ang gilid ng bibig niya, it means…
“I got to convince her at last!”
So, when tito Manuel and tita Beth arrived I immediately told them the agreement that me and my mom had.
“Masaya ‘yon, kasi ang tagal na rin na kaming dalawa na lang ni Beth kasama ng mga katulong kasi sila Harvey bibihira lang naman kaming dalawin, dahil busy din sa kanilang mga ginagawa at sariling pamilya,” masayang sabi ni tito.
“Sandali lang tatawag muna ako sa bahay para ipapahanda ko ang isa pang kwarto kasi dalawa lang ang naipahanda ko,” si tita na tila excited din nang marinig ang sinabi ko.
“Kuya, sigurado bang okay lang sa inyo ni ate Beth na doon muna kami pansamantala?” biglang tanong ni mommy.
“Naku, hindi mo na kailangan itanong ‘yan. Pamilya tayo, tayo-tayo na lang ang magtutulungan. Bukas ang bahay namin anytime para sa inyo. Alam kong matutuwa si Gabriel na magkasama-sama tayo kahit pansamantala lang,” paliwanag nit ito sa kan’ya habang hinawakan ang balikat ni mommy pagkalapit nit ito sa kan’ya.
“Maraming salamat kung ganoon,” nahihiyang sabi ni mommy kay tito.
“Hindi ka na dapat pa nag-aalangan tungkol sa mga bagay na gan’yan kasi hindi kami magdadalawang isip na patuluyin kayo sa amin. Tumutulong nga kami sa ibang tao, sa inyo pa kaya na pamilya naman tayo. Hindi na kayo iba sa amin ni Beth, masaya kaming doon muna kayo sa bahay. At least may makaka-usap ka lagi dahil nand’yan naman si Beth tapos si Carla.
Pwede kayong magbonding kahit saan niyo gustong pumunta, ang importante malibang ka hindi ‘yong lagi kang nagmumukmok sa isang sulok. Kaya hindi mo maiwasang maglasing, isipin mo naman si Miggy na mag-alala sa’yo ng husto pati kami ‘di ba?” dagdag ni tito. Hindi na naimik si mommy pero tumango naman siya, alam kong nahihiya siya pero wala siyang magawa kung hindi ang sumang-ayon na lang dahil para sa kan’ya rin naman ito.
“Okay! Everything is set!” excited na sabi ni tita Beth pagkapasok sa kwarto. Natawa naman sit ito sa inasal ng asawa pati kami nila mommy napangiti na rin.
I feel lucky for having these people in our lives. Nawala man si daddy but it doesn’t mean we lost everything, instead, I felt that tita Beth and tito Manuel become more visible and closer to us.
Naging masaya ang pagdating namin sa bahay nila tito at tita kasi nagpahanda pala siya ng marami para sa pagdating namin. After dinner tumambay muna kami sa garden nila para uminom ng tea naparami yata ang kain ko. Para bang iba ang naging epekto sa akin ngayong lang kasi kami nagkasama-sama na ganito kasaya mula noong nangyari kay daddy. Napansin ko rin na medyo maganang kumain ang mommy kanina, iba talaga pag marami kang kasama kumain at masayang nagkukwentuhan habang nasa kumakain.
“Ate, naparami yata ang kain ko kanina. Baka tataba ako nito habang nandito ako,” sabi niya sabay tumawa na mahina.
“Mabuti nga kung ganoon, at least makakabawi na ang katawan mo. Hindi ka malulungkot dito kasi marami tayong gagawin, pwede tayong mag-bake, o ‘di naman kaya dito sa garden samahan mo ‘kong alagaan ang mga flowers ko, pwede rin magpa-saloon tayo or spa. Exciting ‘yon tayong tatlo nila Carla, di ba Carls?” nakangiti niyang tanong kay Carla.
“Oo nga po ma’am,” agad naman niyang sang-ayon kay tita. At nagpatuloy pa sila sa pag-uusap sa kanilang planong gagawin habang kami ni tito at Meynard tahimik lang na nakikinig sa kanilang masayang usapan.
“Sana tuloy-tuloy na ito mommy. Sana maging okay na talaga para hindi na ako mag-alala ng husto sa’yo. Sana ito na ang simula para sa ating dalawa na makaahon sa matinding lungkot dahil sa pag-iwan sa atin ni daddy.”
Gabie’s POV
“Ma, saan ka galing? Kanina pa po ako dumating pero hindi kita naabutan dito.”
“D’yan lang sa labasan kinuha ko lang ang mga bayad na pinadala sa akin para maipadala ko na bukas ang mga ordered items nila. Bakit?”
“Wala lang naman. Nagtataka lang po akong hindi kita naabutan dito. Pumunta po ba dito si Jhay kanina?”
“Oo, dumaan lang pero hindi nagtagal kasi may pupuntahan daw babalik pero ang sabi babalik siya bukas kasi susunduin ka niya para sabay na raw kayo pumunta sa audition na pupuntahan niyo.”
“Ay shocks! Bukas na pala ‘yon nakalimutan ko!”
“Bakit may iba kang gagawin o lakad?”
“Wala naman po, akala ko magagawa ko ang isang research paper ko pero dito lang naman sa bahay kasi may mga na-research naman na ako, gagawin ko lang. Pero may audition pa pala bukas, ‘di bale next week pa naman ‘to kaya, kaya pa.”
“Nak, basta siguraduhin mo lang na hindi maapektahan ng mga racket mo ang pag-aaral mo. Sayang naman kung babagsak ka malapit ka nang ga-graduate kaya konting tiis na lang,” pangaral sa akin ni mama. Lagi naman akong pinapangaralan niyan na ‘wag daw akong tumulad sa kan’ya na hindi natapos ang pag-aaral kasi sayang ang pagkakataon.
“Ma, halika na kain na tayo!”
“Mabuti nakapagluto ka na akala ko bibili na naman tayo ng luto sa labasan.”
“Nagluto ako agad pagkarating kanina kasi gutom na ako at alam kong gutom ka na rin pagka-uwi mo kaya halika na, kanina pa kumakalam ang sikmura ko.”
Medyo nauna na akong konti kasi hindi ko matiis ang gutom, kumain naman agad si mama pagkalapit. Kaya pala natagalan sa paglapit dahil nagbihis na muna pala siya.
“Nga pala nak, may gagawin ka ba sa sabado?”
“’Yong sa research ko lang po naman, pero madali lang po pwede naman pong sa linggo ko na gagawin. Bakit po?”
“Magpapasama ako sa’yo mamimili para sa mga paninda ko. Sold out na kasi ang karamihan iilan na lang ang natirang items d’yan.”
“Sige ba! Gusto ko ‘yan!”
Nagpatuloy ang masaya naming kwentuhan habang kumakain. Gan’yan kami lagi ni mama kasi madalas tuwing hapunan lang kami nagkakasabay kumain maliban kung ginagabi kami ni Meynard sa photo shoot.
“O, ba’t ang tahimik mo naman yata d’yan kanina lang ang daldal mo,” puna sa akin ni mama habang nakaupo ako sa labas ng pinto ng bahay namin nagpapahangin, naghihitay na antukin.
“Iniisip ko lang po ang pwedeng mangyari bukas. Ngayon pa lang kinakabahan na ‘ko ma.”
“Naku, ngayon ka pa ba kakabahan. Kaya mo ‘yan, ipakita mo lang ang natural mo. ‘Wag mo lang ipressure ang sarili mo saka ‘wag kang mag-alala kung hindi ka naman palarin d’yan marami pa namang ibang project na mapupunta sa’yo,” pag-aalo niya sa akin.
“Ma, aaminin ko noong una ayaw ko nito kasi hindi ito ang nakasanayan ko pero nanghihinayang kasi ako sa pwede kong kitain dito. Malaking ginhawa na rin ‘yon para sa atin ma alam mo ‘yan. Saka alam mo naman na next semester may thesis na ‘ko malaking pera ang kakailangan ko para doon,” nag-alala kong kwento.
“Naku, ang anak ko. Ayan ka naman, ‘di ba ang sabi ko pagtutulungan natin ang lahat ng mga kailangan mo? Nandito naman ako ah! Saka may mga naipon kaya ako kasi alam ko darating ang araw na kakailanganin mo ang malaking halaga para sa pag-aaral mo.”
“Ma, hindi na po kailangan may ipon din naman ako. Huwag mo na pong galawin ang perang naipon mo. Halos lahat naman po ng kinikita ko sa pagraraket napupunta lang po iyon sa ipon ko kasi may buwanan naman po akong natatanggap mula sa scholarship ko, ‘yon po ang pinagkakasya ko sa gastusin ko sa araw-araw.”
“Ano ka ba? Kaya ko nga inipon iyon dahil para sa’yo ‘yon. Saka bukod pa ‘yon sa inipon ko para kung sakali may importante paggagamitan. Maswerte kasi maganda naman ang kita ng online selling kaya mas malawak ang market ko ngayon kaya mas marami akong nabebenta kompara dati.”
“Pero huwag kang magpakapagod ng sobra ma, magpahinga ka naman. Hindi maganda sa kalusugan mo na lagi ka na lang nagpupuyat sa kaka-online mo.”
“Hindi naman nak, nakakapagpahinga pa rin naman ako ng maigi. Saka ‘wag mo akong intindihin kasi okay lang ako. Okay na okay lang ako. Ikaw nga ang iniintindi ko kasi laging kang pagod sa skwela tapos may mga raket ka pang pinupuntahan, alam kong nahihirapan ka pero hindi ka lang nagrereklamo.”
“Hindi naman po. Kayang-kaya ng powers ko ‘yan ma! Ano ka ba? Malakas kaya ‘tong anak mo! Ikaw lang ‘tong walang tiwala sa akin, eh,” pagmamayabang ko sabay pakita ng braso ko sa kan’ya. Natawa si mama kaya natawa na rin ako sa mga pinaggagawa ko.
Ganito kami ni mama paminsan-minsan, kaya nami-miss ko si mama kapag sobrang abala ako sa mga ginagawa ko. Kami na lang ni mama ang magkaramay sa isa’t-isa mula nang mawala ang papa ko. Ang mga kamag-anak naman namin nasa probinsya pero hindi pa ako nakakapunta uli roon. Ang sabi ni mama doon kami noong baby pa ako pero lumuwas kami rito sa Manila nang iwan kami ng papa ko dahil namatay siya sa sakit sa baga. Mula noon hindi na kami naka-uwi roon dahil dito na ako pinag-aral ni mama. Alam ko nahihirapan si mama kasi mag-isa lang niya akong tinaguyod, kaya noong lumaki na ako at pwede na akong makatulong nagtatrabaho ako tuwing summer para makapag-ipon ng para sa pasukan. Ayaw ko kasing i-asa lahat kay mama dahil naawa ako sa kanya, kahit wala akong naririnig alam ko napapagod na siya at nahihirapan. Hanggang sa ‘yon nga, nakilala ko si Jhay ang bestfriend slash manager ko kaya huminto na ako sa pagtatrabaho tuwing summer kasi medyo maganda ang kinikita ko sa pagiging print ad model.
“Good morning!!!” bati ni Jhay sa akin nang pagbuksan ko siya ng pinto.
“Hoy! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo na! Ano ba?!” saway ko sa kanya, paano ba naman kasi kung makabati kala mo naman mga bingi ang kaharap niya. Sa sobrang generous pati kapitbahay sinali na niya sa pagbati niya ng ‘good morning’.
“Ouch! Ano ba naman besh kay aga-aga ang init na agad ng ulo mo! Dapat naka-smile ka besh! Tandaan dapat sa umaga positive vides!” lecture niya sa akin.
“Eh, kasi naman po pakihinaan mo naman ‘yang boses mo! Para kang nakalunok ng megaphone sa lakas eh! Alam mong ang aga pa natural tulog pa ang ibang kapitbahay tapos ikaw ang ingay mo na, nabubulahaw ang mga nakarinig sa’yo.”
“Oo na, ganda. Chill. Sorry naman, tao lang po.”
“Good morning tita beauty! Ang anak mo maganda nga ang sungit naman!”
“Good morning. Mag-almusal ka muna.” aya ani mama sa kan’ya.
“Ay kebs na po. Kumain na po ako sa bahay. Ang aga ko po kasing nagising kaya nakapagluto po ako. Pero salamat po.”
“Bilisan mo besh para hindi tayo abutin ng matinding traffic.”
“Tapos na ko! Tara na! Alis na kami ma!”
“Sige nak, mag-iingat kayo. Goodluck!”
Nagyakapan kami ni mama bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Sumakay kami ng jeep papuntang sakayan ng fx, para fx ang sasakyan namin papuntang hotel para sa venue ng second screening.
“Besh, memorize mo na ba ang lines na binigay ko sa’yo?” mahinang sabi niya habang nakasakay na kami ng fx.
“Oo, syempre inaral ko kagabi bago natulog. Saka hindi naman mahaba kaya madali lang masaulo.”
“Very good! Pagbutihin mo mamaya ha! Kahit na kinakabahan ka ‘wag kang magpapahalata, ipakita mo sa kanila na confident ka sa ginagawa mo at pag deliver ng lines.”
“Oo, gagawin ko para sa future ko. Kaya ko ‘to!”
“Ayan! ‘Yan ang gusto ko sa’yo eh! Matapang at palaban!”
“Syempre besh, matindi ang pangangailangan kaya kailangang lumaban. Alam mo naman kapag susuko, talo!” tapos nag-high-five kaming dalawa.
Mabuti maaga kaming nakaalis kaya hindi kami inabot ng matinding traffic. Mabilis lang kaming nakarating sa hotel na pagdadausan ng second screening kung saan dito rin kami sumalang noong first audition namin.
“Teka besh, daan muna tayo sa cr maghihilamos ako uli para fresh,” sabay hila ko sa kanya papunta sa cr.
“Teka lang naman, atat besh?” pagrereklamo niya.
“Eh, kasi, naiihi din ako kaya kailangan nating magmadali.”
“Sige, sige na. Sige na. Baka dito ka pa maihi nakakahiya.”
Miggy’s POV
“Kompleto na ba lahat ang mag-audition?”
“Hinihintay ko pa si Neri na magsabi sa akin kasi siya po ang nakatokang mag-check.”
“Oh, okay. Dito na lang muna ako magkakape habang gagawin ko ang ilan sa documents.”
“Okay sir.”
Iniwan niya ako sa restaurant kasi hindi ko magagawa ang magbasa doon sa function hall dahil maraming tao, naiingayan ako. Mas mabuti nang dito ako magreview ng iilang mga documents kasi wala naman akong gagawin kung doon ako maghihintay. At least dito kahit papaano mababawasan ang trabaho ko.

Komentar Buku (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru