logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Pagkalabas nina Fiona at Jenna sa clinic ay nagulat na lang sila nang makitang nakatambay roon sina Cyler at Keith. Si Keith ay nilaru-laro ang bola ng baseball. He was throwing it upward and catching it snappily. Makikitang magaling nga naman ito sa isport na iyon. Samantalang si Cyler ay nakasandal sa pader ng clinic at nakakuros ang mga braso at parang malalim ang iniisip. He almost looked broody. The two still wore the same jeans. Subalit nagpalit na ang mga ito ng fresh T-shirt.
“How was it?” tanong ni Cyler na mukhang interesado at may pag-aalala sa mga mata nito nang makita sila. Umayos ito sa pagkakatayo.
“Paki mo?” matabang na aniya sa lalaki.
“Hey, chub—Ugh!”
Narinig nilang ani Keith. Nang mapalingon siya ay mukhang siniko na naman ito ni Cyler.
“I mean… Hey, Fiona. Just give this guy some peace of mind, puwede ba?” nakasimangot na patuloy ni Keith.
Tumaas ang kilay ng dalaga. “Ah, nakonsensiya ba siya sa ginawa niya kanina?” aniyang hindi man lang sinulyapan si Cyler.
Mahirap na kung mapatitig siya sa lalaki. Sobrang seryoso kasi. At kapag ganito, parang hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Parang may kung ano kasi siyang nararamdaman na hindi niya maintindihan kapag ganoon.
‘Bakit kaya? ‘Di ko naman siya crush,’ sa isip niya.
Ngumisi si Keith. Medyo sungki ang ngiping nasa ibaba, napansin niya lang. Somehow, it still gave the guy some charm. Kumindat pa ito sa kanya. It was not the first time a guy winked at her, so she was not affected or flattered by it anymore, not even a teeny bit. Alam na niya ang kalidad ng binata kaya binalewala niya iyon.
“Fine. Ayos lang ako. Nilagyan lang ng cold compress. Huhupa rin ang bukol ko sa malao’t hindi, for sure. So, ‘wag na siya kamong mag-aalala,” tugon niya na hindi pa rin sinulyapan si Cyler.
Hinila na niya paalis si Jenna na palipat-lipat ang nanantiyang tingin sa dalawang lalaki. Papunta na sila sa parking lot na nasa kaliwang bahagi ng malaking gate ng academy, kung saan nakaparada ang orange beetle car ni Jenna. On the way naman ng bahay nito ang bahay nila kaya palagi silang sabay na umuuwi o kaya papuntang school simula nang magkaroon ito ng lisensya. Tipid na siya sa pamasahe, magka-bonding pa silang magkaibigan.
She and Jenna were best of friends since kindergarten, sa dati nilang eskuwelahan na private din. Pagtuntong nila ng grade three ay doon na siya nagsimulang lumobo dahil sa pagkatakaw niya sa pagkain. Paano rin naman kasi ay spoiled siya sa mga magulang kapag pagkain na ang usapan. Ayaw ng mga ito na magutom siya.
“Best, hindi ba talaga sinadya ni Cyler ‘yon?” marahang tanong niya habang kumakain ng barbecue chips at nagmamaneho na si Jenna.
Sumulyap ito sa kanya nang medyo napasimangot. “Well, I’m not sure. Who knows?”
“Kainis ang Keith na ‘yon, ah! Tinatawag akong chubby girl. Fat na nga ako, eh. Kita naman talaga ang mala-barrel size ko pero kailangan niya ba talagang ipamukha ‘yon sa ‘kin, ha?” At saka sinaksakan niya ng ilang chips ang bibig at mariing nginunguya iyon. Sa inis ay ini-imagine na lang niyang ulo ni Keith ang kinakain. Umasim pa ang mukha niya.
“Keith is known for his easy-going type. Sa tono niya, hindi naman siya nangungutya talaga sa ‘yo. May mga pangalan siya sa mga ibang estudyante, ‘di ba? Like minsan, narinig ko siyang tinawag si Shiloh na Attention Seeker, tapos si Benjie naman ay Airhead. Mahilig lang siyang mang-label ng tao. But Cyler… best, he’s not easy to read. Never pa naman siyang nambu-bully sa ‘yo, ‘di ba?”
“Kahit na. Sa ginawa niya, feel kong gano’n din ang ginawa niya, eh. At ang sakit pa, ah! Hindi nga niya ako tinatawag ng anuman pero pisikal naman ang sa kanya. Ansakit!” aniyang idinampi ang isang kamay sa kanyang bukol. Napangiwi siya dahil sa sakit. “Isa pa, sabi-sabi nila ay basagulero si Cyler, ‘di ba?”
Hindi nagsalita si Jenna na nakapokus sa pagmamaneho. Marami-rami na ring sasakyan nang mga oras na iyon. Rush hour na.
“Best, buti na lang nandiyan ka. Kung wala ka pa, baka matagal na akong huminto sa pag-aaral. Palagi mo rin akong ipinagtatanggol. Dahil diyan, natuto na rin akong lumaban sa mga bullies ko. Naalala mo si George no’ng grade four tayo? Iyon ang pinakauna kong nilabanan, ‘di ba? Itinulak ko siya at nahulog sa mabahong kanal.”
Sabay silang napatawa sa alaalang iyon. Kahit ilang ligo ang ginawa ni George ay hindi agad nawala ang baho nito.
“Buti nga sa kanya ‘yon. Kung hindi mo ‘yon ginawa, ako ang sumuntok sana ro’n, best. Naunahan mo lang talaga ako, eh,” anang Jenna.
They both chuckled at the memory.
Biglang tumunog ang cell phone ni Fiona. Nang makitang ang ina ang tumatawag ay agad niya itong sinagot. “O, Ma. Paparating na ako. Ihahatid ako ni bestie, as usual.” Inunahan na niya ang ina.
“Ah, gano’n ba? Mabuti naman. Mag-iingat siya kamo sa pagmamaneho para dumating nang ligtas ang unica hija ko,” habilin nito.
Dahil naka-loudspeaker ay narinig iyon ni Jenna na napangiti. “Opo, Tita! Ingat na ingat po ako sa malaking anghel n’yo!” biro nito.
Napatawa ng ina niya sa narinig. “O, siya. Bye na muna at may iinitin pa akong sabaw.” Tinapos na nito ang tawag.
“Siyanga pala, best, malapit na ang kaarawan ni Mama. Punta ka, ha? Tayo-tayo lang katulad ng dati,” imbita niya sa kaibigan.
“Oo naman! Hindi ako mawawala. Ako pa?” Nakangiti ang kaibigan niya.
Napatingin siya sa bintana at sa lumubog na araw. Sa kabila ng nangyari sa kanya kanina ay nasa magandang mood naman siya. Ayaw nga lang niyang isipin si Cyler at ang seryosong mukha nito habang nagso-sorry sa kanya. Pakiramdam niyang makatotohanan iyon at nakita niya rin ang concern sa mga mata nito nang naghihintay ito sa clinic.
‘Haay. Ba’t ko ba siya iniisip?’

Komentar Buku (18)

  • avatar
    Bernz Bernardo

    the story is beautiful

    24/05

      0
  • avatar
    panganibanmarygrace

    good

    13/05

      0
  • avatar
    Dict Dulay Mejos

    dahil sa love nag lakas loob ulit Akong mag mahal

    21/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru