logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Fat Wife Revenge (Chapter 4)

Isang linggo na silang kasal ni Jonard at talagang ipinapakita ni Kathrene sa asawa na pwede siya nitong magustuhan. Pinag-di-diet din siya nito pero kapag wala ito ay hindi niya maiwasang kumain lalo at mabilis siyang magutom. Gustuhin man niya pero hindi niya magawa. Nagluluto siya ng sinangag ng umagang iyon dahil paborito iyon ni Jonard. Nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit. Lumingon siya at nakita ang asawa na papalapit. Naka-coat and tie na rin ito.
"Good morning!" masigla niyang bati. Tumango lamang ito na labis niyang ikinadismaya pero hinayaan na lang niya iyon. Inisip na baka hindi maganda ang gising nito.
Kaagad niyang ipinaghanda ng agahan ang kaniyang asawa at talagang asikasong-asikaso niya ito.
"Sabihin mo lang kung may kailangan ka," aniya at tumayo sa gilid nito. Tiningnan siya nito.
"Sabay na tayo kumain," paanyaya nito na dagli naman niyang sinunod. Umupo siya sa katapat nitong upuan at nagsimula ng mag-sandok para sa sarili. Konti lamang ang kinuha niya dahil baka magalit si Jonard. Tiningnan nito ang plato niya at saka dumako iyon sa kaniyang mukha.
"Good. Dapat within a month mabawasan ang timbang mo," wika nito at muling itinuon ang atensiyon sa kinakain.
Napakagat-labi siya. Paano kung hindi siya pumayat? Anong gagawin nito? Sa totoo lang, naramdaman niya sa sarili na mahal na niya ito dahil kahit hindi sila magkatabi matulog ay kailanman ay hindi siya nito pinagalitan o pinagbuhatan ng kamay kapag may pagkakamali siya. Nakaka-turn-on iyon.
Ngumiti na lamang siya. Pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam na ito na papasok na sa trabaho. Nagsabi rin ito na baka gabihin ito ng uwi dahil madami raw itong aasikasuhin. Huwag na daw siyang hintayin dahil baka sa labas na daw ito kumain. Inatupag niya ang sarili sa mga gawaing bahay. Sumapit ang gabi at napagpasyahan niyang manood muna ng TV habang hinihintay ang pag-uwi ni Jonard. Tapos na rin siyang maghapunan. Biglang tumunog ang cellphone niya na nasa center table. Kaagad niya iyong kinuha at si Loren ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
"Bes, bakit?" bungad na tanong niya rito.
"Hindi ka maniniwala sa nakita ko!" sigaw nito na parang natataranta. Napakunot-noo siya.
"Anong ibig mong sabihin? Ano ba ang nakita mo?"
"Ihanda mo na ang puso mo sa maririnig at malalaman mo. Si Jonard may kasamang babae sa Arolla's Restaurant! Papasok kami ni Kean kanina ng mahagip ng tingin ko sa isang lalaki na si Jonard pala! May kasama siyang babae! Kaya ang ginawa ko hinila ko si Kean at lumabas agad kami ng restaurant," pagkwukwento nito.
Natigilan siya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o iisipin. Hindi! Baka kakilala niya lang iyon o di kaya ay kamag-anak!
"Baka kakilala niya lang, Loren," pagtatanggol niya sa asawa. Huminga ito ng malalim.
"Magkakilala ba iyon eh ang sweet nila sa isa't-isa? Kathrene, ipinagkasundo lamang kayo kaya hindi nakapagtataka na maghanap siya ng iba lalo at hindi ka niya gusto. Di ba iyon naman ang sabi mo?" tanong nito.
Napalunok siya at naninikip ang dibdib niya na may posibilidad na totoo ang mga sinabi nito. Napangiti na lang siya ng mapait. Sabagay, nakuha na naman na nito ang gusto kaya ayos lang rito na maghanap ng iba at lokohin siya.
"Kathrene!" sigaw ng kaibigan sa kabilang linya.
"Oh, bakit?" tanong niya.
"Ang lalim ng iniisip mo. Kung hindi ka niya kayang mahalin makipaghiwalay ka na kaysa ganiyan na niloloko ka lang niya. Oo arranged marriage kayo pero hindi iyon dahilan para lokohin ka niya," payo nito. Natapos na ang tawag pero lutang ang isip ni Kathrene. Hanggang sa nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Nang bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Jonard ay hindi alam ni Kathrene kung ano ang gagawin. Tatanungin ba niya ito o hahayaan na lang niya at baka ito pa ang maging dahilan para mag-away sila. Kaya minabuti na lang niyang manahimik. Tumayo siya at sinalubong ito.
"Good evening!" bati niya at kaagad na tinulungan na tanggalin ang suot nitong coat. Nang matapos ay nagtungo na ito sa hagdan at umakyat na hindi man lang siya binabati. Sumunod na rin siya rito at nagtungo sa sariling silid at nahiga sa kama. Hindi niya namalayan na pumatak na pala ang luha niya ng mga sandaling iyon dahil sa sakit na nararamdaman.
"Susuko pa ba ako o lalaban pa?" tanong niya sa sarili habang patuloy ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
Tatlong araw ang lumipas mula ng malaman iyon ni Kathrene pero hinayaan na lang niya. Kapag siya mismo ang nakakita na may ginagawang hindi maganda si Jonard ay talagang magagalit na siya o di kaya ay tumawag ulit ang kaibigan at sabihing may kasama itong iba.
Oo, alam niya na hindi siya nito mahal pero huwag siya nitong gawing tanga dahil kasal pa rin sila! Hanggang sa isang araw habang nagwawalis siya sa bakuran ay biglang may nag-door bell. Lumapit siya roon at pinagbuksan ng gate ang isang maputi, balingkinitan, at magandang babae. Napakunot-noo siya. Isa ba ito sa mga kamag-anak ni Jonard? Ngumiti siya sa babae.
"Yes, sino sila?" tanong niya. Tinaasan siya nito ng kilay.
"Ah, so ikaw iyong asawa ni Jonard? Iyong pinakasalan niya sa papel lamang," pang-iinsulto nito. Hindi niya maiwasang mainis sa sinabi nito. Kapag siya naasar ay talagang gagamitin niya ang malaki niyang katawan dito! Naghalukipkip siya.
"Wait lang miss, sino ka ba? At anong ginagawa mo rito?" masungit niyang tanong. Tumawa ng malakas ang babae.
"Ako lang naman ang girlfriend ni Jonard. Ang babaeng mahal niya," wika nito at nagtuloy-tuloy ng pumasok sa loob. "May kukunin lang ako." maldita nitong sabi. Wala na siyang sinayang na sandali. Hinawakan niya ito sa kamay at pinihit paharap sa kaniya.
"Arayy! Ano ba!" pagrereklamo nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Anong karapatan mo na pumasok sa pamamahay namin? Oo, sa papel lang kami mag-asawa pero asawa niya pa rin ako at wala kang karapatan na tumapak rito!" sigaw niya sa babae. Magsasalita sana ito ng itulak niya ito na naging dahilan para mapaupo ito sa semento.
"Kayang-kaya kita, miss! Kaya umalis ka na kung ayaw mong manakit ang katawan mo!" pagbabanta niya rito. Tumayo ito at pinagpag ang sarili. Mabuti na lang at naka-flat shoes ito.
"Malalaman ito ni Jonard at sisiguraduhin ko na ako ang kakampihan niya!" Tumawa ito. "Bakit naman niya kakampihan ang isang baboy na kagaya mo!" Tumalikod na ito at lumabas ng gate saka pumasok sa sasakyan nito.
Nang makaalis ito ay hindi niya maiwasang mapa-hikbi. Totoo nga ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Kung maibabalik lang niya lahat, sana hindi na siya nagpakasal kay Jonard! Nagpadala siya ng kaniyang emosyon!
Patakbo siyang pumasok sa bahay at nagtungo sa kaniyang silid at doon iniyak lahat ng sama ng loob, sakit at pagsisisi na nararamdaman niya. Nakapagdesisyon na siya. Makikipaghiwalay na siya kay Jonard! Oo, kasal sila pero hindi iyon dahilan para lokohin siya nito.

Komentar Buku (289)

  • avatar
    فروخيعادل

    ddd

    20/08

      0
  • avatar
    Crismark Amarga

    Nice

    19/08

      0
  • avatar
    SuleimanHalima

    900,0000

    18/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru