logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

I Hate You

**
Trapped in a Candy
by irshwndy
Chapter Seven
**
[ Jump's Point of view ]
Asan na ba ang Softy na ‘yan ang tagal!!! >:T
Pagdating ng babaeng ‘yun, lagot siya sa’kin!
Kahit ang init ng ulo ko, lahat ng ‘yun ay napawi nang makakita ako ng isang magandang babae na bumibili ng ice cream.
Jump: Jackpot! *u*
Paalis na sana ako sa inuupuan kong bench nang makita ko ‘yung manikang iniwan ni Softy. Si Gabriel.
Jump: Hindi naman kita pwedeng dalhin, baka akalain ng popormahan ko may jowa ako.
Gabriel: . . .
Jump: Iiwan muna kita diyan, balikan na lang kita! Ang tagal kasi ng amo mo, eh.
**
Lumapit na ‘ko sa babae, wow! Mas maganda siya sa malapitan!
Jump: Hello miss, ano’ng flavor ng ice cream ang binibili mo?
Miss: Haha! Chocolate ‘yung binibili ko. Favorite ko kasi ‘to eh!
'Nice, chocolate. Siguro kung si Softy ang tatanungin ko, strawberry ang isasagot nun. Color pink kasi. -__-"
Jump: Ganun ba? Ang galing naman. Kasi chocolate din ang flavor ko.
'Tapos kinindatan ko siya. Ang weakness ng mga girls.
Miss: O__O"
'B-Bakit parang natakot ‘yung itsura niya?
Jump: I-I mean, chocolate din ‘yung favorite flavor ko… hehe.
Miss: Aaaah! Hahaha! Akala ko kasi ang ibig sabihin mo, ikaw mismo ‘yung chocolate. Haha!
‘Yun nga sana ‘yung ibig sabihin ko... "OTL
Jump: Haha! Hindi ah. Ang cute mo namang mag-isip. :)
Miss: Haha, ganun? Hmm.. Sino pala ‘yung kasama mo kanina?
'Whaat!? ‘Wag niyo sabihing nakita niya ‘ko kasama si Gabriel!
Grr... pahamak ka talaga ng diskarte, Softy!
Jump: Kasama? Sino?
Miss: ‘Yung girl kanina! ‘Yung nakapink na dress! Ang cute niya kasi, eh.
Jump: Aaaahh... ‘yun?
Miss: Yup ^__^
Jump: Ahh.. ehh..
'Kaanu-ano ko nga ba ‘yun?
Miss: ^__^
Jump: L-Little.. sister.. >.>
Miss: Little sister mo...?
'Wag Jump! Ano na lang kung isipin niyang may kapatid kang pinaglihi sa pink! Sabihin mo lil sis ng kaibigan mo! O kaya ng katrabaho mo!
Jump: Hindi!
Miss: Ha? Eh little sister nino?
'Bahala na! Basta! Kaya sinabi ko na lang..
Jump: L-Little sister ng k-kuya ko!
Miss: O__O
Jump: ^__^;;;
Miss: =__=
Jump: O_O?
SH*T!! Sinabi ko bang LITTLE SISTER ng KUYA ko!?!?
You are SO stupid Jump! Stupid!!! "OTL
Jump: Ahh.. Ehh.. >____<;;
Miss: Halatang nagsisinungaling ka lang! Hmph! Diyan ka na nga!
'Tapos umalis na siya
Nooo!! Did I just get dumped!? Wala sa bokabularyo ko ‘yun ah!
Grrrr... Kasalanan ‘to ni Softy!! Kung hindi ko lang sana siya kasama nung nakita ako nung babae!
Nagtanong pa tuloy siya! Hindi ko tuloy nasagot nang maayos!!
A/N: (Hoy Jump, kailangan talaga isisi lahat kay Fammie? xD)
'Bumalik na lang ako dun sa bench kanina. Hay, badtrip talaga ako.
Jump: Huh?
Ang weird..
Wala na doon sa bench si Gabriel.
Jump: . . .
(- -. ) Wala rito
( .- -) Wala roon
(=..=)" *gulp*
Lagot ako kapag nawala ‘yun!!!!
Kaya naman hinanap ko agad si Gabriel.
Pumunta ako sa may food house.
Wala dun.
Chineck ko ‘yung ibang trash cans, baka sakaling may nangtrip.
Wala rin!
Saan ko hahanapin ‘yung manikang ‘yun! Ang laki-laki nitong park na ‘to!
Sa kaka-ikot ko,
may nahanap rin ako…
Pero hindi si Gabriel…
Si Softy.
**
Jump: Softy, I'm sor-
Fammie: Sorry, Jump!!! >__<~
'Ehh? Naunahan niya pa ‘kong mag-sorry.
Jump: Uhmm..
Fammie: Sorry ang tagal ko! Super haba kasi ng pila sa cr ng girls!
Jump: O-Okay lang ‘yun... B-By the way…
Fammie: Huh, teka! Si Gabriel..? Bakit hindi mo kasama?
Jump: K-Kasi…
Fammie: Kasi...!?!?
Jump: Iniwan ko siya sandali. Pagbalik ko, wala na!
Fammie: WHAAT!?!? Bakit mo siya iniwan!!?
Jump: M-May magandang babae kasing-
Fammie: Babae na naman! Diyan tayo napapahamak eh, sa mga babae mong ‘yan!
'Biglang nagbago ‘yung mga mata niya.
Madalas kaming nag-aaway, madalas rin kaming nagsisigawan.
Pero ngayon, iba na.
Galit na talaga siya this time.
Fammie: Pa’no mo nagawa ‘yun!? Hindi mo ba alam kung gaano ka-importante sa’kin si Gabriel!?
Jump: Sorry na...
Fammie: Bigay ‘yun sa’kin ng namatay kong ama!! Siya lang ang iniwan sa’kin ng papa ko!!!
'Umiiyak na siya, panay tulo na ng luha niya…
Jump: Look, I said I'm sorry!
Fammie: Walang magagawa ‘yang sorry mo!!!
'Hinampas niya ko nang malakas sa dibdib at naglakad paalis.
**
Grabe. Sobrang naninikip ‘yung dibdib ko.
Hindi dahil sa hampas niya…
Malakas nga ‘yung hampas niya pero,
Hindi ‘yun maikukumpara sa sakit ng dibdib ko nang makita ko siyang umiiyak.
Umiiyak siya…
Umiiyak siya dahil sa’kin…
Umiiyak siya dahil sa katangahan ko...
At nasasaktan ako dahil sa pangalawang pagkakataon,
Nabigo ko na naman siya.
Jump: Soffttyy!! Softy, wait!!!
'Nahabol ko siya, hinawakan ko ‘yung braso niya.
Fammie: . . .
Jump: H-Hahanapin ko si Gabriel! ‘Wag kang mag-alala! Ibabalik ko siya sa’yo!
Fammie: . . .
Jump: I'm VERY VERY SORRY!! ‘Wag ka nang magalit sa’kin!
Fammie: I hate you! I hate you so muchh!!!
'Hindi na ako nakapagsalita nang sinabi niya ‘yun.
Pero mas lalo akong napatigil sa sunod na sinabi niya…
Fammie: Mawala ka na sa buhay ko, ‘wag lang si Gabriel!!!
Jump: . . .
Fammie: Umalis ka na! Wala kang kwenta!
Jump: . . .
Fammie: Lahat na lang ng binabantayan mo, pinapahamak mo!
Jump: . . .
Fammie: Sobrang nagsisisi ako at pinagkatiwalaan kita!
Jump: Look, Softy…
Fammie: . . .
'Hinawakan ko ‘yung dalawa niyang balikat.
Jump: I'll bring him back to you. No matter what it takes, I'll bring Gabriel back to you!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
[ Back to Fammie's point of view ]
Pagkasabi niya nun, bigla siyang tumakbo palayo.
Sa sobrang stressed na siguro ng nararamdaman ko, nakatunganga na lang ako dito sa kinatatayuan ko.
Dapat sa ngayon hinahanap ko na rin si Gabriel.
Pero tila napako ata ang mga paa ko at hindi na ako makagalaw.
*Riiing~!*Riing~!*
May tumawag sa phone ko.
Head: Hello, Miss Fammie? Ito po ang head ng main branch ng White Swift's Hotel. Kailangan niyo na pong bumalik dito.
'Pinunasan ko ‘yung mga luha ko at sinubukan kong i-compose muna ang sarili ko.
Fammie: S-Sorry... N-Nawawala kasi si Gabriel…
Head: Tinawagan na namin si Jump ngayun-ngayon lang para ibalik ka sa hotel. ‘Yan din mismo ang sinabi niya. Pero mas mahalaga pa rin ang kaligtasan niyo. Kailangan niyo na pong bumalik.
Fammie: A-Ayoko pa po, hindi pa po n-nahahanap si Gabriel…
Head: Miss Fammie, sorry pero kailangan naming sundin ang utos sa’min. Kung hindi ka maiuuwi ni Jump, may pinapunta na po kami diyan para sunduin ka. Sige po, paalam.
'Binaba na niya ‘yung phone pagkasabi niya nun.
???: Miss Fammie, ihahatid ko na po kayo
Nagulat ako at biglang may nagsalita.
Paglingon ko, nasa likod ko lang pala si Leon
Fammie: L-Leon!?
Leon: Sabi ni Jump hinahanap na niya ‘yung manika. Kaya siya na po ang bahala dun at iuuwi ko na po kayo.
'Nakakahiya naman kay Leon at sa lahat ng nag-aalaga sa’kin kung susuwayin ko sila. Lahat sila nagpapakahirap para mabantayan at masiguradong ligtas ako. Ayoko namang maging pasaway sa kanila…
Fammie: Sige, sasama na ko sa’yo pabalik.
**
Habang nasa loob ng taxi,
Tahimik lang kami lahat.
Paminsan-minsan, naluluha ako..
Leon: Mukhang mapaparusahan na naman si Jump.
'Nagulat ako at biglang nagsalita si Leon. At nagulat din ako sa sinabi niya.
Fammie: Huh?
Leon: Sinuway na naman niya ang utos sa kanya. Sinabihan siyang ibalik ka sa hotel. Pero ang sabi niya, hindi raw siya titigil hangga't hindi niya nahahanap ‘yung manika.
Fammie: Pero may dahilan naman siya, ah! Kailangan niya lang mahanap si Gabriel!
'Umiling si Leon.
Leon: Ang utos ay utos. Hindi niya sinunod. Ang sino mang hindi sumunod ay mapaparusahan.
Fammie: A-Ano!? Nasa mabuting kalagayan naman ako, ah! Hindi naman ako napahamak! Hindi niya lang ako maibabalik sa hotel dahil hinanahanap niya pa si Gabriel! Bakit kailangan siyang parusahan!?
Leon: Hindi mo na kailangang mag-alala kay Jump.
Fammie: Bakit hindi!? Sasaktan na naman nila si Jump. Nakita ko ‘yung mga pasa at sugat niya nung isang araw!
Leon: Sanay na si Jump sa ganun. Hindi lang isa o dalawang beses siyang napaparusahan.
Fammie: A-Ano...?
Leon: Ang totoo nyan, si Jump lang naman ang kadalasang napaparusahan sa WSC. Siya lang kasi ang nakakasuway sa mga utos. May katigasan din kasi ang ulo niya. Kung paparusahan na naman siya, wala lang ‘yun kay Jump. Mukhang naka-schedule na ‘yun sa kanya palagi.
Fammie: . . .
'Napakarami kong hindi nalalaman sa kompanyang ‘to. Napakarami ko ring hindi nalalaman tungkol kay Jump…
Nakarating na kami sa hotel, naandito na rin ako sa kwarto ko.
Gabi na kase, at nakahiga ako sa kama.
At tulad ng iniisip niyo, hindi ako makatulog.
Hindi ako makakatulog kung wala si Gabriel sa tabi ko…
Naalala ko ‘yung sinabi ko kay Jump...
"Mawala ka na sa buhay ko, ‘wag lang si Gabriel!!!"
(Leon) "Sinuway na nman niya ang utos sa kanya. Sinabihan siyang ibalik ka sa hotel. Pero ang sabi niya, hindi raw siya titigil hangga't hindi niya nahahanap ‘yung manika."
'M-Masyado ata akong naging harsh kay Jump. Hindi ko dapat siya sinabihan ng ganun... Pero nakakainis pa rin siya. Dahil lang sa kalandian niya, nakuha niyang mawala si Gabriel…
**
Sa Amusement Park..
[ Jump's Point Of View ]
Kanina pa ‘ko paikot-ikot dito! Nasaan na ba ang manikang ‘yun!?
"Mommy, tignan mo ‘yung fireworks, oh! Ang ganda-ganda!"
Napatingin ako dun sa isang batang babae na kasama ang nanay niya.
Mommy: Oo nga anak, ang ganda nga!
'Tch. Ano ba ‘yan. Parang simpleng fireworks lang tuwang tuwa na sila.
Bata: Tara Mommy, tignan natin ‘yung mga palaro sa may dulo!
'Tama ‘yan. Umalis na kayo... >.>
A/N: (Bitter lang kasi si Jump. Ayaw niyang nakakakita ng mga bata kasama mga magulang nila. Kaya pasensya na kung masydo siyang rude.)
Paalis na ‘yung bata kasama ng nanay niya nang may napansin ako.
‘Yung bata…
Hawak-hawak niya si Gabriel!
Tumakbo ako sa kanila at bigla kong hinugot si Gabriel sa kanya.
Bata: Moommmyy! Kinuha niya ‘yung stuffed toy ko! >o<
Tinitigan kong mabuti ‘yung manika. TAMA. Eto nga ‘yun!
‘Yung hairclip sa tenga, ito na nga si Gabriel!
Jump: Hoy bata, hindi naman sa’yo ‘to eh.
Bata: Akkiiinn ‘yaaan!
Jump: Miss, sa anak niyo po ba talaga ‘to?
Mommy: (Kanina pa nakatulala kay Jump) *A* . . .
Jump: Uh... Miss? -_-"
Mommy: Ay! Sorry! Ang totoo nyan, napulot niya lang ‘yan sa bench kanina.
Jump: Kung ganun, kukunin ko na ‘to. Iba ang may-ari ng manikang ‘to.
Bata: P-Pero…
Jump: Hindi magandang kumuha ng mga bagay na hindi sa’yo. Tandaan mo ‘yan.
Mommy: Sinabihan ko na rin siyang ‘wag kunin, eh kaso nagpupumilit! Akala ko naman walang may-ari ng manikang ‘yan…
Jump: Isa ka pang nanay ka!! >o<
Mommy: o__o"??
Jump: Hinayaan mong gumawa ng mali ang anak mo! *glaring eyes*
Mommy at Bata: S-S-Sorry na po! Patawarin mo kami!!! "OTL
Jump: Tch. Pinaiyak niyo pa ang may-ari nito. Sobrang mahalaga ito para sa kanya.
'Paalis na ako sa lugar na ‘yun, nang biglang nagsalita ‘yung bata.
Bata: S-Sino po ba ang may-ari ng manika?
Tinignan ko siya sa mata, ngumiti lang ako at sinagot ko siya.
Alam ko na kung ano siya sa’kin..
Jump: Ang may-ari nito...
"Ay ang aking prinsesa."
xx
SEE YOU NEXT CHAPTER.

Komentar Buku (407)

  • avatar
    guntanjuliane sagaoinit

    ang ganda ng story di lang more lovelife kundi marami ka din matututunan about friendship at iba pa the best ka author iloveyouuu na first story ko itong binasa dito sa apps na ito labyahh na talaga

    08/01/2022

      0
  • avatar
    RuizJocel

    the story is nice, i miss reading story like this and to the author please do more story like this, with the unexpected twist and revelations thank youu. ❤️

    23/10/2021

      1
  • avatar
    Gerlin Kyn Cahilig

    nice

    5d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru