logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

SORRY

Kahit anong baling ko sa pagkakahiga ay nanlalamig pa rin ang katawan ko at hindi ako makatulog sa kakaisip sa taong 'yon.
Maligno ba 'yon? Kapre? Tao ba talaga 'yon?
Nanginig ako sa takot kaya nagtakip ako ng kumot. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko agad.
Brekley Calling...
Brekley Fuentes, ang boyfriend ko.
"Hello, babe?" Rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako dahil alam ko na kung nasaan nanaman siya.
"Vinea, kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Mamaya na."
Nawalan ako ng gana kumain dahil sa takot na lumukob sa buong sistema ko.
"Nasaan ka, Brekley?"
"Nasa.." nawalan siya ng imik. "Sa bar, napadaan lang."
"Uuwi ka ba agad?"
"Yes, babe. Sige na, bye."
"Bye, ingat ka. I lo-" naputol na ang linya kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
Bumangon na ako at kinuha ang mga gamit ko. Gagawa na lang muna ako ng assignment.
"Okay, mga ka-petchay ito nga pala ang bagong-bago kong ibebenta ngayon. Kaunti lang ang stocks nito kaya dapat mauna kayong bumili," nakangiti kong itinaas ang mga damit na binebenta ko habang naka-live sa facebook.
Itinaas ko ang puting sleeveless. "Murang-mura na ito sa halagang 250," kinuha ko naman ang iba't ibang kulay at ipinakita sa camera.
"Ano pang hinihintay ninyo mga ka-petchay. Bili na!" pinaganda at pinasigla ko pa ang tono noon.
Maraming nag-comment kaya naman napangiti ako. Nakunot ko ang noo nang makita ang isang comment.
'Ikaw po magkano?'
"Hoy, hindi ako ang binebenta! Magtigil nga kayo riyan. Palabiro talaga ang mga customer ko."
Napansin ko rin ang isa pang comment.
'Vinea Clee Torrefiel, nice name. Can we have a date?'
Huh? Anong trip ng isang ito?
"Hoy, mga ka-petchay nagbebenta ako ng mga shirts hindi ako naghahanap ng lovelife. Kayo talaga," tumawa ako.
Matapos ay pinindot ko na at pinatay ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako.
Ako si Vinea Clee Torrefiel at ito ang buhay ko nakakapagod pero lumalaban, tipong apilyedo ko hiniram lang sa babaeng nag-alaga sa akin. Hindi ko alam kung sino o saan ako nanggaling. Mag-isa lang kasi ako, ang mga magulang ko ay hindi ko alam kung nasaan iniwan na lang ako sa The Heart of Rose noong bata pa lang ako kaya roon ako lumaki. Mabuti nga at pinag-aaral pa rin ako ng foundation na 'yon kaya ang lahat sa akin ay utang ko sa kanila lalo na sa may-ari ng foundation na iyon, si Rose Imperial pero patay na siya ngayon kaya ang gusto ko na lang na pasalamatan ay ang anak niya, si Javen Flair Imperial at ang tatay niya. Babawi ako sa kanilang kabutihan.
Pumasok ako ng kusina at naghagilap ng ulam pero wala akong nakita maliban sa itlog. Araw-araw naman ito ang ulam ko nagprito lang ako habang kumakanta-kanta pa.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang may yumakap galing sa likod ko. Napangiti ako nang lingunin ko ito.
Nang humarap ako sa kaniya ay mapungay na ang mata niya at amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa bibig niya.
"Uminom ka nanaman?" malambing kong tanong sa kaniya.
"What's new, Vinea?" mayabang niyang sabi kaya napabuntong hininga na lang ako.
Lumapit siya at idiniin ang sarili sa akin. Hindi na ako makahinga sa yakap niya kaya nagpumiglas ako.
"Brekley, nasasaktan ako," nahihirapan kong sabi.
"Tara sa kwarto," bulong niya sa tainga ko at dinampi-dampian ng halik ang leeg ko pababa.
"Ano ba, Brekley," nagpupumiglas ako sa kaniya pilit na inilalayo ang sarili sa kaniya.
Mabait at malambing siyang boyfriend pero kapag nakainom siya hindi niya ako nirerespeto at madalas mainitin ang ulo niya. Hindi ko kayang hiwalayan siya dahil siya lang ang mayroon ako.
Marahas niya akong binuhat papunta sa kwarto. Hindi ko na alam ang nangyayari sa niluluto ko baka nasunog na 'yon.
"Brekley!" sigaw ko sa kaniya dahil dumagan na siya.
Don't get me wrong. I'm still a virgin I hate doing that without marriage.
Tuwing nangyayari ito lagi ko siyang tinatanggihan. Palagi siyang nagagalit at sinisigawan ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magtiwala sa kaniya. Anak siya ng mayor at alam ng lahat kung gaano kaimpluwesya ang pamilya nila. Kahit kailan hindi niya ako napakilala sa kanila dahil palagi niyang sinasabi na makakaapekto ako sa pamilya nila pero hindi ko na iyon pinansin.
"Brekley!" sigaw ko dahil marahas niyang ibinaba ang damit ko. "Ano ba!" galit na galit na ako kaya sinipa ko siya at muling itinaas ang damit ko. Umupo ako sa kama at nangilid na ang luha ko. Pakiramdam ko talaga hindi niya ako nirerespeto.
"Bakit ba ayaw mo ibigay sa akin? Boyfriend mo ako!" sigaw niya habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa akin.
Umiyak na talaga ako. Hindi ko siya maintindihan, walang respeto at hindi ko maramdaman ang halaga ko. Pinunasan ko nang pinunasan ang luha ko. Ang sakit sakit na hindi ko matanggap na ito talaga ang ugali niya.
"Iiyak ka? Kung mahal mo ako patunayan mo!" muli siyang lumapit at marahas akong inihiga.
Nagpumiglas ulit ako hanggang sa makalmot ko siya sa mukha. Gano'n na lang ang galit niya nang huminto siya at titigan ako nang masama.
"Walang hiya ka!" nagulat ako nang sapakin niya ako, isang malakas na sapak sa pisngi ko.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sobrang sakit no'n kaya lalo akong humagulgol ng iyak.
Mahal mo ba talaga ako?
"I'm sorry," akmang hahawakan niya ako pero mabilis na akong tumayo at umupo sa isang gilid. Doon na ako humagulgol ng iyak.
Paano niya nagagawa sa akin ito kung talagang mahal niya ako?
Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon na inilabas ang mga luha ko. Naramdaman ko ang yakap niya pero pilit ko 'yong inalis.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya, Vinea, lasing lang ako. I'm sorry," ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya.
"Palagi na lang bang hindi mo sinasadya?" tinulak ko siya.
"Ikaw naman kasi, eh. Alam mo namang ganito ako kapag nalalasing!" asik niya.
"Eh 'di 'wag ka maglasing!" inis kong sabi sa kaniya.
Naalala ko ang niluluto ko kaya napatakbo ako para puntahan iyon. Lumuluha kong kinuha ang sunog na itlog. Ito na nga lang ang ulam ko nasunog pa.
Ano ba namang buhay ito? Bakit ba ganito ang buhay ko?
Ang lupit naman.
"Sorry na," yumakap siya galing sa likod. "Hindi ko na uulitin."
Gasgas na ang salitang 'yan wala namang nagbago.
"Okay," napilitan na lang akong tanggapin iyon.
Ang paborito niyang linya 'I'm sorry'
Siya ba talaga ang lalaking para sa akin?

Komentar Buku (400)

  • avatar
    Leanida B Nava

    ang ganda po story nabasa ko yung tatlong story ng Family Baider i hope na mailabas na rin ang book 2 ng Z4 The Lost Baider ganda po kase story

    22/12/2021

      0
  • avatar
    LennonCuartel

    it's amazing to read 🥰

    22/06

      0
  • avatar
    _mlbbwhiteroses

    Good

    26/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru