logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 8

"Kaya po ayokong ipaalam sa mga awtoridad na nakaligtas ako sa pagsabog ng barko, dahil ayokong malaman ng Tiya Matilda ko na buhay pa ako. Matagal ko na po gustong makawala sa kamay ng malupit kong tiyahin. Madalas nila akong inaabuso at minamaltrato. Ayoko na po bumalik sa kanila," kung wala siyang benda sa mga mata, malamang umiyak na siya sa harap ni Miss Camellia.
"Talaga? Ganoon kasama ang Tiya mo't mga pinsan? Parang hindi ka nila kadugo kung ganun ang trato nila sa'yo."
Nalungkot si Carmella sa sinabi ni Miss Camellia. Totoo naman 'yon, hindi makatao ang turing nila sa kanya.
"Madalas akong saktan ni Tiya Matilda. Ang dalawa kong pinsan ay pinagtutulungan nila akong upakan. Minsan nga po hindi na ako makapagtrabaho dahil puro pasa ang katawan ko at nananakit. Ang mga mata ko halos magsara sa pambubugbog nila. Hindi ko na maalala kung kailan ako nawalan ng pasa sa mga mata at katawan."
"My god!" bulalas ni Miss Camellia.
Hindi makapaniwala ang ginang na nangyayari pala sa totoong buhay ang ganoong trato sa isang tao kahit na ito ay iyong kadugo. Buong akala niya sa pelikula lang iyon nangyayari.
"Kung minsan nga po," dagdag ni Carmella. "Hindi ko na magawang lumakad sa sobrang pagod, kapag nawawalan ng tubig ay pinapaigib nila ako kahit malayo ang poso sa bahay nila. Paulit-ulit nilang pinalalabhan sa akin ang kanilang mga damit kahit hindi naman madumi, ayaw nila akong pahingahin. Naglilinis ako ng buong bahay, tatlong palapag. Pinapipintura ng bubong kapag sa tingin nila ay kailangan palitan ng pintura. Nanghihinayang si Tiya Matilda magbayad sa gagawa nito kaya ako na ang pinagagawa niya. Kapag sila nagalit at hindi ako nakahingi ng sorry, buong araw akong hindi pakakainin ni Tiya."
Napa-sign of the cross si Camellia sa kanyang narinig.
"Hesusmaryoses! Napakalupit naman pala ng iyong Tiyahin at mga pinsan sa iyo! Hindi sila makatao!"
"Miss Camellia, iyon po ang dahilan kung bakit ayoko na bumalik sa poder ni Tiya Matilda. Iisang tao lang ang may mabuting puso na handa akong tulungan, ang kapitbahay ni Tiya Matilda na si Aling Cita."
Natahimik ang kausap niya.
"Miss Camellia, bago pa man mangyari ang trahedyang kinasangkutan ko, binabalak ko na talagang tumakas sa poder ng tiyahin ko. Hindi ko na ho kaya ang mga pagpapahirap nila sa akin. Ang gusto ko ay mamuhay ng masaya at walang takot."
Napaisip si Camellia. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga.
"E, kung hindi malalaman ng mga awtoridad na isa ka sa mga survivor,  iisipin ng Tiyahin mo na maaring patay ka na."
"Iyon ang gusto kong isipin ni Tiya Matilda, na patay na ako. Siguro naman po ay maiintindihan mo ako, Miss Camellia, kung bakit ayokong pumunta kayo sa mga awtoridad. Gusto ko lang ng kalayaan,"
Saglit na nag-isip si Camellia. "E kung sa may-ari na lang kaya ng barko na sinakyan n'yo?"
"Naku huwag din po!" sabi niya. "Pakiusap, huwag n'yo na po ipaalam sa may-ari ng barko na buhay pa ako. Kailangan na mapanatiling lihim na nakaligtas ako sa pagsabog."
"O sige," sang-yon ng ginang. "Ililihim na lang natin na nakaligtas ka. Pero mayroon pa tayong problema, Carmella. O mas tamang sabihin na meron pa kaming malaking problema ng pamangkin ko."
Bakas sa mga mata ni Camellia ang awa at pag-aalala para sa dalaga.
"Tungkol saan naman po? Naku! huwag n'yo po akong problemahin, Miss Camellia. Ayoko po maging pabigat sa inyo. Sobra-sobra na nga po ang naitulonh n'yo sa akin dahil inaalagaan niyo ako rito."
"Hindi mo ako naiintindihan. Pero sige, magpahinga ka na, saka na lang ulit tayo mag-usap."
knock! knock!
Nabaling ang tingin ni Camellia sa pintuan.
"Sino 'yan?" tanong ng ginang.
"Miss Camellia, narito na po si Dr. Salgado." Si Maila ang nasa labas ng silid.
"Sige sandali lang," sagot ni Camellia. Humarap ito muli sa dalaga. "Carmella, narito na ang doktor na magtatanggal ng benda sa iyong mga mata. Lalabas na muna ako, babalikan nalang kita mamaya."
"S-sige po, Miss Camellia." Sagot niya.
Tumayo na ang ginang. Saglit na pinagmasdan ang dalaga bago tinungo ang pinto.
"Hi! Miss Camellia!" Agad na bati ni Dr. Salgado sa ginang.
"Ikaw pala Dr. Salgado." Bahagyang yumuko ng ulo si Camellia bilang paggalang. "Gising ang pasyente, ikaw na ang bahala sa kanya."
Tumango ang doktor. Pumasok ito sa silid kasama ni Maila. Ayon na din sa utos ni Camellia.
"Hi! Your name is Carmella, am I right?"
Tumango ang dalaga. "Sino po kayo?"
"Ako si Dr. Salgado." Pakilala nito sa kanya. "Napakiusapan lang ako ni Prince na ako muna ang bahala sa'yo dahil may nilakad siyang importante,"
"Sino po si Prince?" takang tanong ni Carmella.
Napasulyap si Dr. Salgado sa katabing babae, kay Maila.
"Si Sir Prince, siya ang nagligtas sa'yo. Pamangkin siya ni Miss Camellia." Si Maila ang sumagot.
"Ganun ba," sabi niya. "Nabanggit nga sa akin ni Miss Camellia na may pamangkin siya ngunit hindi niya nabanggit ang pangalan nito."
"Paano, sisimulan na natin tanggalin ang benda sa iyong mga mata," sabi ni Dr. Salgado. Inilapag nito ang kulay puting handy bag sa ibabaw ng kama.
Inutusan ni Dr. Salgado si Maila na ilipat si Carmella sa isang silya. Mabilis naman na sumunod ang babae.
At nang makaupo na si Carmella sa silya ay lumapit sa kanya ang doktor. Maingat na inumpisahan nito na tanggalin ang benda.
"O dahan-dahan lang ang pagdilat, ha?" Instruksiyon ni Dr. Salgado matapos tanggalin ang bendang nakabalot sa mga mata ni Carmella.
Ginawa ni Carmella ang ayon sa instruksiyon ng doktor. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Hanggang sa ganap niyang maimulat.
"Malinaw mo ba akong nakikita?" tanong ng doktor sa kanya.
Umiling siya. " Wala po akong makita, Dok..." parang maiiyak na sabi niya.
Nagkatinginan naman si Dr. Salgado at Maila.
"Pero bakit?" naibulalas ng doktor. "Imposible! ang sabi sa'kin ni Prince, walang deprensiya ang iyong mga mata. Pero bakit hindi ka makakita?"
Halatang nabahala ang doktor.
"Sandali, kailangan malaman ito ni Prince."
Napabunghalit ng tawa si Carmella nang makita ang pagkabalisa ng doktor. Hula niya nasa fifties na ang edad nito.
"Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakakakita ka ba o hindi?" Galit-galitan nito.
"Nakakakita po," malambing na pag-amin niya. "Sorry po, Dok. Hindi ko naman intensiyon na pakabahin kayo. Nakatuwaan ko lang na biruin ka. Pero guwapo kayo kahit na-"
"Kahit matanda na?" Dugtong nito sa sasabihin niya.
"Opo,"
Napangiti si Dr. Salgado. May naalala. "Yan din ang madalas sabihin sa akin noon ng apo kong si Marrah. "Guwapo raw ako kahit matanda na..."
Napansin ni Carmella na biglang lumungkot ang mukha ng doktor.
"Sorry po uli. Hindi ko alam na may maalala kayo sa pagkakasabi ko niyon. Nalungkot tuloy kayo,"
Nagkibit-balikat ang doktor. "W-wala 'yon,"
"Pero malungkot pa rin kayo, dok,"
"Dahil naalala ko ang aking apo. Kasing edad mo lang siya nang mamatay. Namatay siya sa sakit na cancer sa buto." Malungkot sa kuwento nito.
Na guilty si Carmella, dahil napagkatuwaan niya ang doktor. Hindi tuloy siya nakapagsalita, parang umurong ang kanyang dila.
Nakita niyang itinusok ni Dr. Salgado ang heringelya sa gomang takip ng botelya. Pinahiran ng bulak na may alcohol ang sugpungan ng braso niya.
"Huwag kang malikot, sedative lang ito," at itinurok nito ang heringelya.
Napangiwi siya nang maramdaman ang pagbaon ng karayom sa braso niya.
"Maila," tawag nito sa babae.
Ngayon lang ni Carmella nabigyan pansin si Maila.
Hindi nalalayo ang pagitan ng edad nilang dalawa. Si Maila ang naghahatid ng pagkain niya, naglilinis sa katawan niya at nagpapalit ng kanyang kasuotan. Tahimik lang ito kaya hindi niya makausap sa tuwing nasa loob ito ng kinaroroonan niyang silid.
"Hindi na ako magtatagal, kailangan ko bumalik sa Isla Gilligan dahil naroon pa ang mga kasamahaan kong doktor." Pagdaka'y sabi sa kanya ng doktor. "Naibilin ko na kay Maila ang mga gamot na iinumin."
Tumango siya at ngumiti.
"Maraming salamat, Dok,"
"Walang anuman, hija." Sagot nito. "Ikinagagalak kitang makilala,"
"Ako rin po, Dok,"
"Paano, lalabas na ako. Magpahinga ka na muna,"
"Opo, salamat po uli, Dok."
Magkasamang lumabas ng silid ang manggagamot at si Maila.
Ikinurap ni Carmella ang kanyang mga mata bago inilibot ang tingin sa loob ng silid.
Malawak ang silid, kulay puti ang pintura ng ding-ding. Ang mga kurtina ay kulay puti din. Mukhang mamahalin ang mga muwebles.
Napasulyap siya sa kamang naroon.
Napakalaki ng kama, at ang frame bed ay maganda ang disenyo. Para itong higaan ng isang prinsesa.
Bumaba siya sa kinauupuang silya. Maingat ang bawat hakbang na nilapitan niya ang higaan.
"Ito ang kama na hinihigaan ko ng ilang araw," wala sa loob na hinimas niya ang kama.
Hindi siya makapaniwala na ganoon kagandang higaan pala ang tinutulugan niya. Samantalang noong nasa poder siya ng kanyang Tiya Matilda, matigas na papag na gawa sa kawayan ang hinihigaan niya. Pinapatungan lang niya ng mga unan upang hindi sumakit ang likod niya.
"Kumusta na kaya sila?" tanong niya sa sarili. Hindi ibig sabihin na namimis niya ang kanyang tiya at mga pinsan. "Ano kaya ang nangyayari sa kanila ngayon na wala na ako sa poder nila? Sino ang naglilinis ng buong bahay? Nagluluto, naglalaba at iba pang gawaing bahay?"
Malamang nagkakagulo na ang mag-iina sa pag-aasikaso sa kani-kanilang sarili.

Komentar Buku (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru