logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

"Astra! Ester! Tulungan n'yo ako! Buksan n'yo ang pinto!" alam niyang malabong marinig siya ng mga pinsan niya pero umaasa pa rin siya na ililigtas ng mga ito. "Astra! maawa naman kayo saakin!"
Nabuhayan siya ng loob nang makita niya si Ester na napalingon sa cabin nila. Nakita siya nito kaya kinalampag niya ang bintana.
"Ate, si Carmella! Naroon pa rin siya sa loob ng cabin!" Pasigaw na sabi ni Ester mahigpit na hawak nito ang kamay ng nakatatandang kapatid. "Nasaan na ang susi ng cabin?!"
"Hindi ko alam?!" tarantang sagot ni Astra. "Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay."
"Paano si Carmella?" kinakabahan na tanong ni Ester. "Mamamatay si Ellah, kapag hindi siya nakalabas sa cabin! Anong gagawin natin?!"
"Hindi ko alam! Hindi ko alam!" nanggilalas si Astra nang makita na kumakalat na ang apoy sa loob ng barko. "Hayaan na natin si Carmella! Wala naman ibang may nakakaalam na ikinulong natin siya sa loob ng cabin. Ang mahalaga ay makalabas na tayo sa nasusunog na barkong ito. Kailangan na makaligtas tayo!"
"P-pero Ate Astra-"
"Halika na, bilisan mo sa pagtakbo!" Hinila ni Astra ang kamay ng kapatid. Kailangan na nila makatalon sa dagat at naroon na ang mga lifeboat na magliligtas sa mga pasahero.
"Astra! Ester!" nanlambot si Carmella nang dinaanan lang siya ng mga pinsan niya. "Hoy! Tulungan n'yo ako! Palabasin n'yo ako dito!"
Nawalan na siya ng pag-asa na makakaligtas pa sa trahedyang kinakaharap niya ngayon. Ang hiniling lang niya ay makatakas sa kamay ng malupit niyang Tiya Esmeralda at hindi ang mamatay siya! Ang masaklap pa, mamamatay siyang hindi makikilala kapag nasunog siyang buhay!
May nakita siyang isang crew na lumapit sa pinto ng cabin. Mabilis na nagpahid siya ng kanyang luha. Nabuhayan siya ng loob dahil may tumulong sa kanya.
"Miss, bilisan mo! Iligtas mo ang iyong sarili!" sabi ng lalaki nang mawasak nito ang pinto. "Ito ang life jacket, isuot mo! Magmadali ka!"
"Maraming salamat! Utang ko sayo ang pangalawang buhay ko!" mabilis niyang isinuot ang life jacket at mabilis na umakyat sa upper deck ng barko.
Nakasampa na siya sa rail ng barko upang tumalon sa tubig nang magkaroon na naman ng malakas na pagsabog. May tumama na matigas na bagay sa likod niya.
Walang malay na tumilapon si Carmella sa tubig.
Samantalang sina Astra at Ester ay nakasakay na sa isang lifeboat kasama ang ilang pasahero at palayo na sa lugar na iyon. Magkayakap ang magkapatid na pinagmasdan ang nasusunog na barko.
"Carmella!" sambit ni Ester.
Ilang sandali lamang ay nagsilbing isang malaking sulo sa madilim na karagatan ang barkong sinasakyan nila.
HINDI alam ni Carmella kung ilang oras siyang nakatulog. Hindi rin niya alam kung nasaan siya. Kung nasa ospital o bahay ba. Pero alam niyang buhay pa siya dahil ramdam na ramdam niya na masakit ang buong katawan niya.
Binalot nang panghihilakbot ang buong katawan niya nang magunita ang aksidenteng nangyari sa kanya.
Ang barkong sinasakyan niya kasama ng dalawang pinsan niya.
"Aray ko!" sapo niya ang kanyang ulo dahil bigla siyang bumangon sa kanyang kinahihigaan. Napangiwi siya.
"Huwag ka muna bumangon, Miss." Boses babae ang narinig niya. "Baka makasama pa sa iyo,"
Kinapa niya ang kanyang mukha dahil wala siyang makita. May nahawakan siyang tila tela na nakabalot sa mga mata niya.
"S-sino ka? Nasaan ako?" natakot siya sa isipin na nabulag siya kaya may benda sa kanyang mga mata. "Anong nangyari sa mga mata ko?"
"I'm Camellia Fuentevilla. At narito ka sa 'Destiny Island. Natagpuan ka namin ng pamangkin ko na walang malay sa may dalampasigan." Sagot ng babae. "Mukhang grabe ang aksidenteng nangyari sa iyo,"
"Ano ho ba'ng nangyari sa mga mata ko?" muling tanong niya. Kinabahan siya nang marinig niya ang buntong-hininga ng babae. "Mabubulag na ho ba ako?"
"Walang nangyari sa mga mata mo," sagot nito na ikinahinga niya ng maluwang. "Nilinis lang ng pamangkin ko dahil maraming buhangin ang pumasok sa mga mata mo. Baka daw ma-impeksiyon,"
"Sigurado po kayo, Miss Camellia na hindi napinsala ang mga mata ko?"
"One hundred percent na hindi. Kaya marapat lang na ipanatag mo ang iyong kalooban." Sagot nito na tinapik pa siya sa kanyang balikat.
"Mabuti po kung ganun," ngumiti siya kahit na hindi naman niya nakikita ang babaeng kausap niya.
"Mahiga ka ulit," utos nito sa kanya.
"Okay na ho ako," sagot niya at kinapa niya ang kama na kinahihigaan niya. Nagbabakasaling mahawakan niya ang unan.
Nahulaan naman ni Miss Camellia kung ano ang hinahanap ng pasyente. Kinuha niya ang unan at inilagay iyon sa likod nito. "Anong masakit sayo?"
"Parang nabugbog po ang pakiramdam ko. Ang ulo ko parang mabigat," sagot ni Carmella. "Hmm, Miss Camellia, iyon po bang boses lalaki na naririnig ko noong wala pa akong huwisyo, siya ba iyong pamangkin mo?"
"Oo," tipid nitong sagot.
"Miss Camellia, maraming salamat po pala sa pagliligtas n'yo ng buhay ko. Kung hindi dahil sa inyo malamang patay na ako at pinaglalamayan na. "Mabuti na din na nabuhay ako dahil hindi naman ako mabibigyan ng magandang burol ng Tiya Matilda ko."
"Ano ang pangalan mo, Miss?" usisa naman sa kanya ng babae. "Ano ba ang nangyari sayo at napadpad ka sa Isla?"
"Ako po si Carmella," pakilala niya. "Ang huling natandaan ko ay palundag na ako sa barkong sinasakyan namin nang biglang may sumabog at may tumamang matigas na bagay sa likod ko."
Kumirot ang ulo niya kaya napasapo siya sa kanyang ulo. Nag-flashback sa isipan niya ang lahat ng nangyari noong araw na masunog ang barko.
"May masakit ba sa'yo, Carmella?" nag-alalang tanong ni Miss Camellia sa pasyente. "Anong nararamdaman mo?"
"Kumikirot po ang ulo ko. Baka po may tumama sa ulo ko nang bumagsak ako sa tubig." Sagot niya.
Tinulungan siya ni Miss Camellia na muling humiga sa kama.
"Baka dahil sa gutom dahil tatlong araw kang walang malay. Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot mamaya. Nagpaluto ako ng arozcaldong lugaw para sa'yo." Sabi ni Camellia. Lumapit siya sa intercom na nasa dingding at nag-utos sa kausap niya na iakyat na sa kuwarto ng pasyente ang pagkain. "Pakibilisan dahil nagugutom na ang pasyente,"
Naramdaman ni Carmella na bumalik sa tabi niya si Miss Camellia. Inayos nito ang unan na nasa likuran niya.
Isang babae ang pumasok sa silid nakauniformeng puti. Ibinaba nito ang dalang tray sa harapan ni Carmella. Inalalayan nito si Carmella na muling makaupo at nilagyan ng napkin sa dibdib ang dalaga.
Kinapa ni Carmella ang kanyang dibdib.
"Para saan ito?" Inosenteng tanong niya. Bahagya niyang hinila ang tela na nasa kanyang dibdib. Humagikgik siya. "Para lang ito sa mga sanggol kapag sumusuka sila."
Nagkatinginan naman sina Miss Camellia at ang babaeng chef.
"Napkin iyan, Carmella." Sagot ni Camellia. Hinarap nito ang babae. "Maila, pakainin mo ang ating pasyente. Subuan mo siya at siguraduhin mo na mauubos niya ang pagkain."
"Yes, Miss Camellia," sagot naman ni Maila.
"Kaya ko po kumain mag-isa," sansala ni Carmella. "Ibigay n'yo na lamang sa akin ang kutsara. Naka-benda lang ang aking mga mata pero kaya ko naman po kumilos. T'saka sanay po akong kumain sa madilim."
"Huwag mo na ipilit ang gusto mo." Sagot ni Camellia. "Ang bilin sa akin ng pamangkin ko ay painumin kita ng gamot pagkatapos mo kumain. Kaya kumain ka ng kumain para may laman ang sikmura mo.
"S-sige po," kiming sagot niya.
Naramdaman niyang umupo sa tabi niya ang babaeng tinawag ni Miss Camellia sa pangalan na Maila. Hindi na siya tumanggi nang magsimula na ang babae na subuan siya ng lugaw.
Ngayon lang ito nangyari na may nagsilbi sa kanya.
Parang to the highest level! Kung isang magandang panaginip lang iyon ay nanaisin nalang niyang huwag magising. Kung patay man siya ay gusto niyang isipin na nasa langit siya at pinagsisilbihan ng mga Anghel. Charot!
"CARMELLA...."
Nagising ang diwa niya nang may bumulong sa taenga niya. Hindi malinaw, pero dinig niya.
"Miss Camellia, ikaw ba 'yan?" painut-inot na umupo siya sa ibabaw ng kama. Hindi ito sumagot. "Kung hindi ikaw si Miss Camellia, sino ka? Ikaw ba 'yan Maila?"
Naulinigan niya ang mga yabag ng sapatos na palapit sa kamang kinauupuan niya.
"Maila?" ulit niya. Walang kasagutan siyang narinig mula sa sinumang naroon sa tabi niya ngayon. Nakabenda ang kanyang mga mata kaya wala siyang makita. Itinaas niya ang kanyang mga bisig bakad sakaling mahawakan niya ang pumasok sa silid.
Kinilabutan siya nang may parang humaplos sa kanyang braso.
"Puwede ba magsalita ka?" kinakabahan na tanong niya. Natatakot siyang may multo sa silid na kinaroroonan niya. "Sino ka? Tao ka ba, engkanto o multo?"
Wala pa rin siyang narinig na kasagutan. Huminga siya ng malalim. Kinampante ang sarili.
"Nakaligtas nga ako sa aksidente pero mamamatay naman ako sa takot kung hindi ka magsasalita. Ayokong isipin na pinaglalaruan ako ng multo. Mas lalong ayoko naman isipin na nababaliw na ako at hallucination lang kita,"
Wala pa din kasagutan. Narinig nalang niya ang langitngit na may kasamang sound na 'click' nang may bumukas ng pinto.
"Sandali lang!" pigil niya rito. "Sino ka? Bakit ayaw mo magpakilala?"
Ngunit bigo si Carmella.

Komentar Buku (1091)

  • avatar
    Vy My

    Thật tuyệt vời tôi cảm thấy vui sướng và hạnh phúc khi biết nó và tôi xem đọc suốt ngày mà không thấy chán

    27/12/2021

      1
  • avatar
    VillaflorCeline

    I've read alot of fiction books before but this one hits different. Fantastic work,author! Keep up the good work!

    21/12/2021

      1
  • avatar
    BALILIMAYLYN

    IM AM A FAN OF LOCAL PILIPINOS WRITERS...AND THANK U MISS CORA VARGAS IM REALLY ENJOY READING THIS"UNCONDITIONAL LOVE" talaga namang langit at lupa Ang pagitan at Ang daming hadlang ,kapag love Ang PAG.uusapan talagang gawin Ang lahat Makita at makasama lang Ang minanahal..♥️♥️ thumps up sayo writers👍👍 nabitin ako sa love story ni Kristine and Ely sa Isang island at nandon Ang kontrabidang si Raphael Sana mabasa ko Sila sa susunod na mga book story mo at isa ako na mag,aabang sa mga rules nla

    20/12/2021

      3
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru